ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 7

frezbae

Alas tres na ng hapon ng napagdesisyunan  namin na umuwi na. Hindi ko rin natandaan kung ilang oras ba ako nakatulog sa dibdib ni Kael. Basta ang alam ko sabay kaming natulog sa kubo at ng magising ako ay gising na siya.

"Kailangan mo nang umuwi. Huwag mong kalimutang itext ako pagkauwi mo."

Tumango ako at inayos niya ang buhok ko. Medyo nahiya ako dahil hindi presentable ang aking mukha.

Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. Ito na naman ang ngiti niya. Ang ngiti niyang malalagkit ngunit seryoso siya.

"Anong gagawin mo mamaya sainyo?" tanong ko sa kanya.

"Mag aaral. Kailangan iyon para sa exam."

"Parang hindi mo na iyon kailangan Kael, running for Summa Cum Laude ka ng Unibersidad niyo."

Inignora niya iyon na tila ba ayaw niyang pag usapan.  Kahit na mabisyo siya at minsan nalilate dahil may trabaho siya sa umaga ay matalino siya.

Umalis ako sa pagkakahiga ng kanyang dibdib at hindi sinasadyang tumaas ang kanyang t-shirt at may nakita akong tattoo sa bandang abs niya.

Kunot noo ko siyang tinitigan. Hindi ako makapaniwala.

"May tattoo ka."

Tumayo siya at kinagat ang labi na nakatitig sa akin.

"Looks good on me?"

Fuck! Bakit ang bagay niya mag english kahit ang accent niya.

Umiling ako at hindi maitago ang ngiti. "Pangalan ko iyong pinatattoo mo."

He nodded at kinulong niya ako sa kanyang dalawang kamay. Nakatuko iyon sa magkabilaan ko habang ako naman ay nakaupo dito sa kubo.

"Because you own me..."

Hinawakan ko ang braso niyang matigas. "Ako rin Kael. You own me."

"I'll mark you soon."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at ng unti unti kong makuha ay namula ako ng husto.

"A-Ang bibig mo!" saway ko sa kanya ngunit hindi man lang siya tumawa. Hinawakan niya ang aking baba at tumingin siya sa aking labi.

"I am serious with our relationship Kathlyn."

Halos malunod ako sa kanyang mga titig. Hindi ko aakalain na ganito ka seryoso sa aming relasyon si Kael.

Hinatid niya ako sa aming kanto kahit ayaw ko. Kinakabahan ako na baka may makakita sa amin.

Sa huli ay sa backride siya ng traysikel sumakay habang ako ay sa loob.

Nasasaktan man ako na ganito ang set up namin palagi ay wala akong magagawa. Siguro kapag maayos na ang lahat ay pwede ko nang sabihin kay lola.

"Dito na ho kuya Domeng." Si Kael ang nagsabi kaya huminto ang traysikel. Inabot niya agad ang bayad ko. Siya ang nagpamasahe sa akin.

Bumaba ako at tinitigan siya tsaka ngumiti pero ang kanyang sukli ay kaseryosohan at tango lang. Ganoon siga palagi. Na aakalain ko na galit siya ngunit ganoon talaga siya kapag tumingin sa akin. Parang ang ayaw niya pang matapos ang pagsasama naming dalawa kasi hindi na naman namin alam kung kailan mauulit.

Pumasok na ako sa bahay at nalaman ko na wala pa si lola dahil wala pa ang kaisa isahan niyang tsinelas.

Naibsan ang kaba ko kahit paano. Sa tuwing nagkikita kami ni Kael at kapag uuwi ako ay kinakabahan ako. Parang guilty ako sa isang bagay.

Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng juice at kumuha na rin ako ng tinapay para isawsaw ng mapaigtad ako ng bumukas bigla ang pintuan at tumambad sa akin ang katawan ni Sky na punong puno ng pawis.

"Tagal mo ah." may ngisi sa labi niya ng sabihin iyon. Umiwas ako at nainis sa pagka pakealamero niya.

Ininom ko ang Milo at tinitigan siya ng matalim. Kung nakakamatay lang ang titig ko siguro patay na siya!

"Pakealam mo ba? Maybe you don't have a girlfriend that's why you're bitter?"

Imbes na mainis ay ngumisi siya lalo. Damn those lips! Bakit naaalala ko sa mga ngisi niya si Kael?

Oh God! No!

Pinunasan niya ang pawis sa kanyang dibdib at hindi ko inaasahan ang paglapit niya at pag-uklo para makabulong siya sa akin.

Langhap na langhap ko na ang mabango niyang pawis! Kumalabog ang dibdib ko bigla!

"I don't do girlfriends, little girl."

Little girl? Porket malaki ang katawan niya ay tatawagin niya akong little girl? Inirapan ko siya at kahit na magkalapit ang mukha namin ay hindi ako nagpatinag. Pero ang puso ko ay sobra na ang kabog nito.

"Oh talaga? Kasi fuck buddy ang hanap mo? Oh right! From Manila ka nga pala kaya ka liberated. Hindi porke talaga probinsiya kami ay magiging alipin kami ng mga feeling gwapo na talaga Manila, insan." diniinan ko ang huling salita.

Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko at pa salit salit na tinitigan ang aking mga mata.

"You talk dirty. Let's see..And don't call me your cousin. We'll never be."

Padarag siyang umalis sa pagkakauklo sa akin at halos mahimatay ako sa kakapigil ng aking hininga!

Nasapo ko nalang ang aking noo dahil doon!

Nang maghapon ay dumating na si lola at nagluto muna kami ni Lara ng adobong baboy at nag marinate ako ng iilang baboy para igrill mamaya sa labas.

"Sky, Hijo, kamusta ang pinapakarga na mga palay sayo kanina? Magkano ang ibinigay ni Karding sayo?" tanong ni lola habang kakapasok lang ni Sky sa kusina. Si Sky ay agad na kinuha sakin ang minarinate ko na baboy.

Kinuha niya na rin ang parilyahan mukhang mag iihaw na siya sa labas.

"Maayos ho lola." simpleng sagot niya at napasinghap si lola.

"Naku! Bakit mo binili ng tatlong sakong bigas?!" bulalas ni lola at napalingon rin ako sa mga sako sa gilid. Kanina ko pa iyon minamasdan at ang akala ko ay binili ni lola.

"Hindi ko kailangan ng pera lola." si Sky at kumindat pa.

Ulol!

"Naku! Ikaw na bata ka! Para kang si Santi e! Kathlyn, huwag ka nang magtimpla niyang adobo. Si Lara na. Doon ka na kay Sky at baka hindi iyon marunong magpaapoy ng uling!"

Agad akong naghugas ng kamay at tumango kay lola. Sinipat ako ni lola mula ulo hanggang paa.

"Dalagang dalaga kana talaga apo. Ang ganda ng katawan mo. Parang ako lang noon!"

Tumawa ako sa kapilyahan ni lola. "Oo lola! Narinig ko na iyang kwento mo. Isang million na beses mo na iyang nakiwento lola. Saulado ko na!"

"Ako naman ay nagsasabi lang kung gaano ako kaganda at kakinis na dalaga noon!"

At nag umpisa na naman si lola sa kanyang mahabang kwento ay lumabas na ako doon at sinabihan nalang si Lara ng goodluck.

Pumunta ako sa likod at sa lilim ng puno si Sky pumwesto. Nagulat rin ako dahil napaapoy na niya ang uling agad.

Medyo madilim na. Humalukipkip ako at tinitigan ang mga baboy na iniihaw niya.

"Bakit hindi pa kayo bumabalik ng Manila?" tanong ko at nanatili ang tingin sa mga iniihaw.

He turned to me cockily. Tila ba nang uuyam ang tingin niya sa akin.

"Why? Ayaw mo na ako dito? Pinapakaba ba kita kapag nandito ako?"

Kinagat ko ang labi dahil sa inis ko sa kanya. Gusto ko lang naman itanong dahil nangangamba ako na baka magsumbong siya kay lola! .

"Oo! Dahil sa inis. Mukha ka pa namang hindi makakapagkatiwalaan!"

Padarag niyang nilagay ang karneng baboy at hinarap ako. Nagulat ako sa biglaan niyang paggalaw! Paano hindi dahil umabante siya ng umabante hanggang sa nakahilig na ako sa puno!

"Who's talking. Ikaw ang hindi makakapagkatiwalaan." matigas niyang sinabi. "You are not allowed to get a boyfriend pero nagawa mo parin." he smirked.

Umiwas ako dahil guilty ako. Buong tapang kong binalik ang tingin ko sa kanya.

"Responsable akong babae. I know my limits at nirerespeto ako ni Kael. Kung ano man ang mangyari sa akin ay hinding hindi niya ako pababayaan!"

"Then you will disappoint your lola, huh? Why? May balak kang gawin na hindi tama?" mas lalo siyang umabante. Gusto ko siyang sigawan na tama na dahil nararamdaman na ng dibdib ko ang abs niya! Iniiwas ko nalang ang mukha ko para hindi mangyari ang pinaka ayaw ko!

"At bakit nangengealam ka? Kung ano man ang mangyari sakin ay wala kana doon! Pakealamero ka!" sabay tulak ko sa kanya at sa wakas ay lumayo siya.

Tila nahimasmasan sa sinabi ko.

"Fuck!" pagmumura niya ng masunog ang karneng baboy! Napapikit ako ng mariin dahil magtatanong si lola kung bakit nasunog ang inihaw!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz