Chapter 8
Umuwi si Sky sa Manila dahil sa may pasok ito. Nang maglunes ay maulan na pagkagising ko palang.
"Oh, mga apo. Uminom muna kayo ng milo at kumain nitong ham bago kayo tumungong eskwelahan niyo." Si lola Lourdes at inilapag ang mga niluto sa mesa.
Nakasuot na kaming uniporme ni Lara at kahit umuulan ay papasok parin. Dito kasi sa amin hanggang hindi nililipad ang bubong at puno ay tuloy parin ang pasok. Minsan nga masaya pa tuwing uwian dahil naliligo kami noon sa lunes.
Pero ngayon siguro hindi ko na iyong magagwa dahil bukod sa nahihiya na ako ay nakakahiya kapag makita ni Kael.
Speaking of Kael pala ay iniisip ko parin hanggang ngayon kung ano ang ireregalo ko sa kanya sa graduation niya. Gagraduate na siya at pagkatapos nun ay hindi pa namin napag uusapan kung ano ang magiging set up namin.
Kung magtatrabaho ba siya at kung saan iyon. Kasi kung babasehan ko ay talagang magtatrabaho si Kael. Batak siya palagi ng trabaho at gugstong gusto niyang makatulong sa kanyang ina.
Kahit naman na mahirap lang sila sa buhay ay nagustuhan ko siya dahil sa prinsipyo nya sa buhay at paninindigan.
Hinawakan ko ang basa kong buhok at ininom ang milo ko.
"Lola, nagpadala na po ba si mama? Kailangan ko po kasi ng ibibili para sa mga projects ko." si Lara na tila ba nagdadalawang isip pa.
Huminga ako ng malalim.
"Naku! Hindi nga eh! Di bale, bukas ay darating na iyong pension ko ako na magbibigay sainyo."
"Salamat po lola!" Niyakap ni Lara si Lola.
"Kaya nga kayong dalawa ay dapat mayayaman ang mapapangasawa niyo. Hindi naman sa konokontrol ko kayo pero sa panahon ngayon ay dapat maging praktikal! Para rin iyon sa inyong dalawa! Lalo ka na Kathlyn! Naku sayang ang ganda mo kung mapupunta ka sa mahirap!"
Kinagat ko ang labi at kahit na gusto kong tumutol sa sinabi ni lola ay hindi ko nalang sinabi.
"Pero lola, meron naman na nagtutulongan kaya yumayaman. Lahat naman nagsisimula sa wala lola, di'ba?" Sabi ko at inubos na ang milo ko.
Tinitigan ako ni lola at nilapitan bago niyakap. "Hay, kung alam niyo lang na gusto ko pang tumagal sa mundong ito para gabayan pa kayo mga apo pero kita niyo naman..."
Uminit ang aking mga mata sa sinabi ni lola.
"Kita niyo naman matanda na ako.."
"Lola naman! Huwag kayong magsabi ng ganyan ha! Hahanapin ko bato ni Darna para po malunok niyo at hindi na kayo tumanda!"
Tumawa si lola at Lara pero ako ay hindi. Dumaloy ang luha ko.
"Alam nyo ba ng mamatay ang lolo niyo ay sobrang lungkot ko? Araw araw niya akong sinusundo mga apo. Gusto ko narin talaga sumuko noon pero ng makita ko na walang magbabantay sainyo ay mas ginusto ko na manatili pa rito kahit na matanda na ako."
Mas lalo akong naiyak at niyakap ko nalang si lola.
Nang matapos kami sa pagkain ay hindi parin tumitila ang ulan. May dala kaming payong ni Lara ng sumakay kami ng traysikel.
Nasa loob kami ng traysikel patungong eskwelahan. Si Lara ay mauunang bumaba kasi mas malapit ang high school kaysa college.
"Ate...Kilala mo ba iyong si Kael Dominador?"
Nagulat ako sa tanong ni Lara sakin.
"O-Oo, bakit?"
Umiling siya. "Wala naman. Kasi sikat na sikat siya sa highschool samin. Yung ate ng kaklase ko, yung anak ng kapitan dito sa atin ay nililigawan raw iyon ni Kael. Bagay na bagay nga sila."
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko inaasahan iyon. Hindi iyan magagawa sakin ni Kael.
"N-Nakita ko na nga iyan si Kael." Umiwas ako at tinitigan ang bawat puno na basang basa ng ulan. "Guwapo nga siya at matalino. B-Baka nga bagay sila."
"Charmaine. Si Charmaine ang pangalan ng ate ni Sarah." aniya at maya maya pa ay nakarating na kami sa school nila.
"Bye ate!" tumakbo agad siya sa loob ng makababa.
Napatulala nalang ako ng makarating sa Unibersidad. Ngayon, maaari na magkita kami ni Kael dahil sa iisa lang kami ng paaralan.
Natapos ang klase namin sa umaga at kagaya ng dati ay bumibili lang ako ng lunch ko sa canteen.
"Kathlyn, sabay na tayo?" si Mailyn ang palagi kong kasamang kumain.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige, tara!"
Pumunta kami ng canteen at pinuna ni Mailyn ang dibdib ko.
"Uy! Parang mas lumaki lalo ang dibdib mo. Naalala ko ng highschool tayo patpatin pa tayo noon at flat!"
Sinapo ko ang labi ko at humagikhik. "Oo nga e!"
"Pero ngayon nagka curve na tayo at halos hindi na magkasya sa bra natin ang dibdib natin! Grabe! Iyong bra ko takaga buhis buhay na!"
Mas lalong lumakas ang tawa ko at hindi sadyang nahagip ng tingin ko si Kael!
Nakauniform siya at kasama niya ang kanyang iilang kaibigan. Alam ko na mas matanda pa si Kael sa kanyang mga kaklase dahil sa pa tigil tigil siya pero he perfectly blended in.
He licked his lips while looking at me at kinalabit siya ng kaklase niya kaya napatingin siya doon. Umiwas ako at pumasok nalang sa canteen para makabili ng pagkain.
Kapag hindi nakakatext sakin si Kael ang rason ay wala siyang load dahil may pasok ay nilalaan niya iyon sa kanyang pagkain.
Nauna nang bumili si Mailyn at naghanap na ng pwesto namin.
"Uh, isang cut po ng pizza, siopao at softdrinks po."
Ibibigay ko na sana ang bayad ko ng una nang maglahad ang sa likod ko.
"Sa likod ng science building. " he whispered kaya napakagat labi ako.
Hindi ko na nabayaran ang pagkain ko dahil binayaran na iyon ni Kael.
Nilapitan ko ang mesa na pinili ni Mailyn at nandoon na rin ang ibang kaklase namin na may mga baon na.
"Dito ka Kathlyn oh!" turo ni Tina sa kanyang gilid.
"May pupuntahan pa pala ako saglit lang ha."
Tumalikod ako agad tinakbo ang science building na nasa pinakadulo ng oval.
Mabuti nalang ng makarating ako ay umihip ang malakas na hangin. Kahit na kumukulog ang panahon ay hindi naman umuulan ng mga oras na iyon.
Dito kami minsan nagkikita kapag gusto namin magsabay sa pagkain.
Nakita ko siya agad sa likod ng science building na naninigarilyo na naman. Kumalabog ang dibdib ko ng makita ang pagkakabukas ng unang tatlong butones ng kanyang polo.
Tumindig ang aking balahibo ng dumantay sakin ang malalalim niyang titig.
Lumapit ako sa kanya at nakitang may dalawang upuan na may desk na doon. May nakalapag na pagkain katulad ng kanin, ulam at tubig.
Napatitig ako sa hawak kong pagkain.
"Softdrinks is not good to your health." aniya. Ngumisi ako dahil parang si Kuya Santi siya kung magsalita.
"Yes kuya! Minsan lang naman eh."
Kinagat niya ang labi ng lumapit ako para titigan ang niluto niyang pochero.
"Hmm, ang bango. Ang sarap mo talaga magluto no?"
Naupo narin siya sa tabi ko at hinanda na ang aming pagkain. Ang dami kong nakain!
"I have plans for my graduation." seryoso niyang sinabi habang nakatayo na sa aking harapan. Nakadungaw siya sa akin habang nakatingala ako sa kanya.
Hinimas niya ang mukha ko. "I want everyone to know about us."
Namilog ang mga mata ko at umiling agad. "K-Kael...huwag muna."
Napalunok ako ng makitaan ko ng hinagpis ang mga mata niya.
"Kathlyn, may papasukan akong kompanya para sa OJT ko. Magkakapera rin ako para sayo. Don't you think it's a good idea?"
Pumikit ako ng mariin at tumayo narin.
"Hintayin mo na lang kaya ako? I mean, pagka graduate ko nalang? Kasi alam mo naman si lola..."
Yumuko siya at tumango. Kalaunan ay hinila niya ang aking baywang.
Ang tangkad niya! Halos umuuklo na siya para lang maabot ang aking mukha.
"Always remember that I am doing this for us. Mahirap man ako pero sisiguraduhin ko na hindi ako magkukulang sayo."
Kinagat ko ang aking labi ng sobrang lapit na ng labi namin.
"Kael..Kahit anong meron ay ayos lang."
"I love you.." bulong niya at dumilat ako upang titigan siya sa kanyang mga mata ngunit nasa aking labi na ang titig niya.
Gusto kong tanungin siya sa lahat na bumabagabag sa aking isipan ngunit ayokong maging nega sa relasyon naming dalawa lalo na mature mag isip si Kael.
"Mahal rin kita, Kael."
Dinamdam ko ang sabik na kalabog ng aking dibdib.
Luminga linga siya na tila ba tinititigan niya kung may tao tsaka ngumisi pabalik sa akin.
Hinawakan niya ang dibdib ko. "Kinakabahan ka." he stated.
I licked my lips, "O-Oo eh."
"It's still up to you if you want me to kiss you. You decide."
Inayos ko ang aking buhok. Nakahilig na ako sa dingding habang kinukulong niya ako doon.
"Hm, ikaw. Kung ano sayo."
"Huwag mong ipasa sakin ang ganitong desisyon. Alam mo na kung ako ang masusunod, Kathlyn. Baliw na baliw ako sa labi mo..baka.."
Fuck! Ano ba ito. Bakit ang daming bubuyog sa tiyan ko? Lalo na kapag maamoy ko ang bango niya!
"Puwede naman."
Hinawakan niya ng mabuti ang aking baba para ipaharap sa kanya. Gusto ko na lang himatayin ngayon!
"Hmm.." hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang abs. Umawang ang aking labi ng madama kung gaano iyon ka tigas! "You can touch me there.."
Umiwas ako at kinagat ang labi ngunit hinawakan niya uli ang baba ko.
Halos mawalan ako ng ulirat ng dumampi ang labi niya sa gilid ng labi ko!
"There.." Lumayo siya agad habang ako ay gulantang pa. "Magpapaload ako mamaya. Tatawag ako mamayang gabi."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz