Chapter 6
Natapos na ang kasal ni tita Carmen at natapos na rin ang pagiging busy sa bahay. Ang dami naming ginawa sa mga oras na iyon at pagod na pagod ang aming katawan.
Hindi nakapunta si kuya Lance at si Kuya Santi naman ay umuwi agad ng Manila kinabukasan. Sila naman tita Carmen at tita Chimen ay paalis na ngayon ngunit naiwan si Spike at Sky.
Hindi ko alam kung bakit pa sila nagpaiwan! Si Sky kasi masyadong mapagmatyag at nakakainis!
Walang may alam na may boyfriend ako lalo na si lola dahil ayaw na ayaw ni lola na mag boyfriend ako.
Pakiramdam ko may alam si Sky at kuya Santi about sa amin ni Kael.
"Sky, tulungan mo dito sila lola mo Lourdes ha? Uwi kayo ng Manila agad may pasok pa kayo."
"Yes ma." si Spike ang sumagot at umalis na sila agad ni tita. Kumaway kami sa kanila ng paalis na ang puting Hi-Ace Van.
Pumasok na agad ako ng bahay ng nakita kong hawak na naman ni lola ang kanyang bayong.
"Lola, mamamalengke ka?" tanong ko. Nakita ko si Lara na nanonood na naman ng Kpop sa kanyang cellphone.
"Oo apo at dadalaw ako sa kaibigan ko. Magpahinga ka at may pasok na bukas. Baka rin uuwi ang nanay niyo ngayong buwan."
Huminga ako ng malalim ng marinig iyon.
"Okay la."
Ang ayoko minsan sa bahay ay iyong nakapaboring at wala akong makausap. Minsan pinupuntahan ko si Lara sa kwarto niya at kung makita ko siyang sumasayaw mag isa ay ginugulo ko ang kwarto niya at aalis agad.
Dahil nga pagod ako kahapon at may pasok na kami bukas ay tingin ko deserved ko itreat ang sarili ko.
Naalala ko si Kael kaya tinext ko siya.
(Good morning Kael. Lalabas ako ngayon. Dating tagpuan parin.)
Sinend ko iyon sa kanya at kumalabog ng husto ang dibdib ko. Si Kael ay seryosong tao at graduating na ng college kaya tutok na tutok sa pag aaral.
Sila Kael ay mahirap. Wala na siyang ama at ina kundi lola nalang ang nagpapalaki sa kanya. Nakakatawa nga kasi sa kabila ng hirap nila ay ang daming may gusto sa kanya.
Iyong tipong maraming sugar mommies ang may gustong bumuhay sa kanya. Ang daming luluhod na kababaihan para sa kanya kahit mahirap siya.
Nakita ko na ang kanilang bahay at simple ngunit napakalinis.
Isang taon niya rin akong niligawan bago ko siya sinagot. Nahirapan siyang ligawan ako dahil sa iba ang skwelahan niya sa skwelahan ko.
Ngayong fourth year high school na ako ay gagraduate naman si Kael sa college kaya hindi ko rin siya aabutan.
Biglang nag-ringa ang cellphone ko.
(Alright.)
Iyon lang ang reply niya kaya napanguso ako. Ang pabebe naman kahit kailan.
Sinilip ko muna si Lara kung nandoon pa siya sa sala at hindi ako nagkamali dahil nandoon nga siya.
Nakabihis na ako kaya tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hiniram mo na naman tsinelas ko." reklamo niya.
"Ibabalik ko mamaya don't worry." hindi ko maiwasan ang hindi magalit dahil ang damot niya. Ngumuso siya at umirap.
Bago ako lumabas ng bahay ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko inaasahan na nandoon rin pala si Sky. Nakataas ang kilay niya ng makita ako.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko alam niya ang plano ko sa oras na ito.
"Anong ginagawa mo?" sabay lapag ko ng baso. Ngumisi siya at umiling.
"Sira ang lababo kaya aayusin ko. Aalis ka?"
Umirap ako. "Oo. Bakit?"
Umiling siya uli. Dahil nakaluhod siya at inaayos ang lababo ay kitang kita ko ang pag igtingan ng mga muscles niya. Nakita ko rin ang hikaw niya sa tenga.
"With Kael? Right?"
Fuck?!!
Nanlamig ako at hindi ako makapagsalita. Sinabi ba ni Kael? At paano? Hindi sila magkakilala ah!
Patay!
"Don't worry. I wont tell..."
Parang hindi ako naniniwala!
Hindi ako makapagsalita kaya umalis nalang ako doon! I trust Kael. Siguro sabi ni kuya Santi?!
Kahit na sa pagsakay ko ng traysikel ay iniisip ko parin iyon. Ayaw na ayaw ni lola na mag boyfriend kaming dalawa ni Lara. Gusto niya kung may trabaho at tamang edad na raw namin ay pwede.
Wala akong balak noon na mag boyfriend ng maaga. Pero biglaan ang lahat. Hindi ko maexplain kasi ang damdamin ko mismo ang kusang nagdesisyon. Kahit na may boyfriend ako ay magiging responsable ako sa lahat ng bagay.
Ang tagpuan namin ni Kael ay doon sa Paminawan Forest. Kailangan pa ng entrance doon at mag jacket dahil sa lamig. Walang masyadong tao doon ngayon tsaka malawak ang gubat.
Nang makarating ako ay kumalabog ng husto ng dibdib ko. Ngayon lang kami uli magsosolo simula ng last month.
Papasok na ako sa entrace at ilang baitang ng hagdan pa ay nakita ko na si Kael na naninigarilyo habang nakatingin sa akin.
Bumaba ang titig ko sa kamay niyang tinapon ang sigarilyo.
Huminga ako ng malalim ng makalapit.
"Bawal iyon dito di'ba?" sabi ko sa kanya at hindi inalis ang titig ko sa mga mata niyang bumaba ang tingin sa aking labi.
Huminga siya ng malalim at tumango. "I need it." aniya. Hinawakan niya ang baywang ko tsaka hinila palapit sa katawan niya. "Nakaka frustrate dahil hindi man lang kita malapitan."
Shit! Halos mapamura ako. Tumango ako at ngumiti. "I'm sorry. Sobrang ayaw ng mga pinsan ko na mag boyfriend ako. Lalo na ni lola."
"Naiintindihan ko, Kathlyn."
Sabay kaming umakyat pa sa mataas na bahagi. Mabuti nalang at walang tao. Kaya dito namin lagi napagpasyahan na magkita dahil marami ang takot sa lugar nato dahil raw maraming maligno.
Umupo kaming dalawa sa kubo na naroon. Nakaharap iyon sa cliff kaya kitang kita namin ang ilog.
May kinuha siya sa kanyang bulsa at nilabas doon ang chocolate. May hawak rin siyang mineral bottled water at binigay sa akin.
Ito palagi ang scenario naming dalawa at kahit sa simpleng bagay na bigay niya ay tumitibok ng malakas ang puso ko.
"Mag toothbrush ka nalang pagkauwi mo."
Kinuha ko iyon habang nakangiti.
"Malapit na ang exam niyo. Huwag kana gumastos pa sakin."
Umiling siya at umupo sa tabi ko. Gusto ko nalang magmura uli!
Langhap na langhap ko na ang natural niyang bango. Ang braso niya na maugat ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Sinampal na naman ako ng katotohanan kung bakit maraming nagkakandarapa sa boyfriend ko.
Hindi rin siya maputi, sakto lang. Matangkad siya at maskulado tulad ni kuya Santi at Sky....
Speaking...
Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
"Alam mo iyong pinsan ko si Sky... Alam na boyfriend kita."
Natigil siya kakaamoy sa buhok ko. Doon palang alam ko na maging siya ay hindi kilala si Sky talaga.
"Nagkaroon kaba ng problema dahil doon? Alam nila lahat na girlfriend ako."
Damn! Gusto kong magalit!
Hinarap ko siya. "Di'ba sabi ko huwag mo muna ipagsabi? Ayaw pa ni lola-"
"Hindi ko pinagsabi. Baby, sinong hindi makakaalam? Dahil sa tuwing nandiyan ka ay ikaw lang tinititigan ko?" pinilit niyang hinawakan ang kamay ko na nakakuyom at seryoso rin ang boses niya habang madilim na nakatitig sakin.
Naalala ko ang mga tingin ni Kael sakin noong fiesta na nahuli ni Sky. That jerk!
Bumaon ang kanyang ulo sa aking leeg kaya tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ang labi niya doong humahalik.
"Nagtatrabaho ako para makapagtapos...para pwede na tayong dalawa." aniya na nagpapikit sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz