ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 5

frezbae

Kinakabahan na ako lalo na at mag iisang oras na ay hindi ko pa rin nirereplyan si Kael. Si Spike naman at Lara ay nakita ko na bumili ng ihaw ihaw. Nasa tabi ko lang si Sky at nakahalukipkip.

"Kakanta kami mamaya. Stay here." halos mapatalon ako sa striktong boses ni Sky. "If you're planning of something else, don't do it."

Umawang ang labi ko. Manghuhula ba siya?!

"Pinagsasabi mo?" inirapan ko siya at kumuha sa piattos para itutok doon ang inis ko. Kinuha ko ang cellphone at nagreply na lang kay Kael.

Kasama ko ang pinsan ko. Hindi pa ako makatiming.

Huminga ako ng malalim at tumitig nalang sa may dance floor. Halos umuusok na ang dance floor dahil sa mga paa ng nagsasayawan. Lupa lang kasi iyon.

Maya maya pa ay nandiyan na sina Spike at Lara.

"Kathlyn oh! Paborito mong isaw!" nilagay ni Lara ang mga ihaw ihaw sa mesa kaya kumuha ako doon ng isa para kainin.

Hindi na ako tumingin pa kay Sky dahil naiirita ako. Sa huli nakikipagtawanan nalang ako kasama ang mga kaibigan at kakilala na umuupo sa tabi namin. Ang iba naman ay tumatayo nalang sa tabi namin.

If I know, nagpapapansin lang mga 'to kay Sky at Spike e. Aaminin ko na sobra iyong sex appeal nilang dalawa at swabe. Ewan pero di ko feel itong si Sky.

"Ang cool pala dito." Si Spike at tinungga ang beer niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Oo maganda dito. May ilog rin dito na napakaganda. Puwede rin tayong gumala doon. Si lola kasi doon naglalaba."

Nangunot ang noo ni Spike. Nakita kong uminom si Sky at nakikinig sa akin. Tinikom ko ang bibig ko at naging uneasy ako sa pagsasalita ko.

Kainis! Bakit naman ganito?

"Really? Sa ilog naglalaba?"

"Oo! Kasi ang linis ng ilog dito. Disiplinado kasi ang mga tao. Hindi nagtatapon ng mga basura sa ilog."

"That's...really cool."

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagtunog ng cellphone ko sa isang text. Huminga ako ng malalim at binasa ang text ni Kael.

Kasama mo pala kapatid at pinsan mo kaya hindi ka makaalis. I understand.

Kinagat ko ang aking labi at nahabag sa  text ni Kael. Kung hindi lang sana bawal para kay lola sana ay pinakilala ko na si Kael. Pero kilala ko si lola, takot iyon mawalay kami sa kanya ni Lara.

Kinalabit ako ni Shella na kanina pang maingay. Halos siya na ang marinig ko kaysa sa sound system.

"Kath, may number ka ni Sky?" tanong niya. Ngumiwi ako ng maamoy ang amoy ng beer sa kanya.

Umiling ako. Nakita kong nakatitig siya sa mukha at buhok ko.

"Nope. Hindi kami close." sabi ko at umiwas.

"Talaga?" mas lalo pa siyang lumapit at bumulong sakin. "Imposible naman. And...anong gamit mo sa face mo? Ang baby face mo talaga. Tsaka sa buhok mo ano? Ang shiny at bagsak ah."

Umiling ako agad. "Sabon lang namin sa bahay. Safe guard at shampoo ko sunsilk."

Umawang ang labi niya at hinaplos ang buhok niya. "Hindi ako naniniwala." aniya sa tonong nagsusuplada.

Nagkibit balikat nalang ako at nagulat sa tilian ng ibang babae. Iyon pala, dumating si kuya Santi.

Naka black T-shirt siya. Ngumisi ako ng makitang ginulo niya ang buhok ni Lara.

"Kuya Santi!" tawag ko sa kanya at nakipagbeso.

"Umuwi na kayo maya maya huh." aniya. Ngumuso ako dahil alam na alam ko nang ito ang sasabihin niya agad.

Nakatukod ang isa niyang kamay sa mesa habang nakayuko sakin, sinisigurado ni kuya Santi na uuwi talaga kami.

Huminga ako ng malalim. Amoy na amoy ko ang natural na bago niya.

"Oo kuya. Di'ba kasal bukas ni tita."

Tumango siya at nakipag high five kina Spike at Sky. Napalinga linga ako at nakitang ang daming nakatingin sila. Kitang kita talaga sa mga mata nila ang pagpapangarap sa mga pinsan ko.

Hindi sinasadyang sumagi ang mata ko sa taong nasa gilid namin. Nakatayo si Kael at nakihalo sa mga nandoon. Kumalabog ang dibdib ko at naghanda ng text para sa kanya.

I'm sorry Kael.

Tumitig ako sa kanya pagkatapos iyon masend at nakitang binasa niya iyon. Tumingin siya sakin pabalik at tumango. Napakaguwapo ni Kael. Hindi sila mayaman, matalino siya at nagbabanat ng boto para makapag aral. Kung ako tatanungin ay para siyang si kuya Santi.

Para sakin ay hindi naman kailangan maging mayaman para makuntento sa buhay. Depende iyon sa tao kung marunong makuntento sa simpleng buhay. Si Lara naman ay marunong makuntento pero sabi niya "Don't settle for less."

Kinagat ko ang labi at nagulat ng tumayo si Kuya Santi, Spike at Sky.

Hindi lang iyon ang kinagulat ko dahil umuklo si Sky at bumulong sakin.

"Masyado kang halata...Binibini."

Dire-diretsong umalis si Spike at kuya habang nakatitig naman samin si Lara. Alam kong nakatingin ng mayabang si Sky kay Kael na ikinakaba ko.

Umalis siya agad pagkatapos niya iyon sabihin.

Tangina niya.

"Anong sinabi ni kuya Sky?"

Umiling ako at humalukipkip. "Ewan. Di ko m-marinig e."

"Uh, okay. Dito lang daw tayo. Huwag na raw lumayo. Kakanta na sila."

Mas lalo ko iyong natanto ng naghiyawan ang mga tao. Ang sound system ay huminto sa pagtugtog.

Hinila ako bigla ni Lara papuntang harapan ng stage! Halos matalikod sako sa ginagawa niya!

"Lara! Hinay hinay!"

"Hindi! Walang hinay hinay baka wala na tayong mapwestuhan sa harapan!"

Hinihingal ako ng makarating kami sa unahan at nagsiksikan na agad kami doon.

Mas lalong humiyaw ng lumabas si kuya Santi na may hawak na gitara, kasunod si Spike, at si Sky na pumwesto sa may drum na may microphone rin!

Umawang ang labi ko! Alam ko naman na kumakanta siya ayon sa narinig ko pero nabigla ako dahil marunong siyang mag-drum?

"ANG GAGUWAPO NIYO!! ACKKKK!"

"SANTY LANG SAKIN SAPAT NAAA!!"

"IYONG NASA DRUM SET LANG SA AKIN! ANG HOT MO KUYA!!"

"TANG INA BE ANG LAWAY NIYO ANG BAHO!"

Halos mabilaukan ako sa mga narinig ko. Natutulakan na sila at nagkakagulo. Nagsalita si Kuya Santi para pakalmahin ang mga audience pero lalo lang nagin wild ng marinig ang kanyang boses.

Humalakhak nalang si kuya.

"Ladies and gentle men. Sing with us...Upside down."

Kumalampag ng husto ang dance floor kung saan kami nagtutulakan. May nakita pa ako na babaeng hinihila ng kanyang boyfriend ngunit nagmatigas iyon kaya iniwan!

Goodness! Ang daming magbebreak nito dahil sa tatlong lalaking nasa stage!

Kinagat ko ang labi ng maalala na may boyfriend rin pala ako pero minsan lang 'to!

Tumalon ako at sumigaw! "Kuya Santi!!! Ang hot mo talaga!!!" sigaw ko na mas lalong nagpatawa kay kuya. Sinimulan niya ang pagstrum ng gitara niya at unang dinig ko palang sa boses niya ay tumindig na ang balahibo ko! Lalo na ng marinig ang saktong pagdrum ni Sky..Aaminin ko ang hot niya talaga tignan.

Pumikit ako ng mariin ng matanto ang naisip ko. Hindi dapat ganito.

I've been spending sometimes
Thinking i'd be alright
Dont know if I could really make it tonight.

"Shit! Ang ganda ng boses!" napatili ako at tinakpan ang aking bibig!

Hindi ko na masyadong marinig ang kanta dahil sa mga naghihiyawan sa likod ko!

"Aray!" napadaing ako ng may makaapak sa aking paa.

Tinulak ni Lara ang mga iyon. "Hoy! Masyado kayo ha! Walang apakan, para kayong mauubusan ng lalaki! Grabe!" umirap si Lara sa kanila.

Lie awake in the dark
Come down then I start.
Thinking about you is almost breaking my heart.
I dont know where I went wrong
Or whats going on

Baby..I feel like
Our love lost tonight...

Huminga ako ng malalim ng makitang umilaw ang cellphone ni kuya Santi sa kanyang bulsa. Ang kalahati nun ay nakalabas lang kaya kitang kita ko ang kanyang wallpaper... Ang kapatid niya, si Ara.

Nang tignan ko si Sky ,ay napakislot ako dahil nag second voice siya kay kuya Santi. Nakatitig ang kanyang mga mata sa akin at halos hindi ko kayang tanggalin ang mga mata ko sa kanya.

You're turning me on...
Ang second voice niya habang nasakin ang mga titig.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz