Chapter 12
Napadpad kami ni Kael sa lumang building na palagi namin kinakain ng lunch. Walang ka tao-tao lalo na sabado at iilan lang kami rito.
Lumapat agad ang aking likod sa dingding ng atakihin niya ako ng kanyang walang awang halik. Ang labi niya ay siguradong-sigurado ako na eksperto pagdating sa halikan. Kahit na alam ko na hindi ako ang kanyang first kiss ay hindi ako kailanman nakaramdam ng panunumbat.
Ang aking kamay ay humigpit ang hawak sa kanyang polo shirt na suot; sinusubukan na hilahin siya pababa para mas lalo ko siyang mahalikan.
Nakakaadik ang kanyang halik ngunit siya ay tumigil! Gusto ko magprotesta ngunit sabay kaming napatingin sa butones na tumalsik dahil sa aking pangungunyapit sa kanya. Hinawakan ko ang unang linya ng butones na tumalsik.
"I'm sorry.." nahihiya kong' turan. Nag aagaw buhay pa ang aking hininga mula sa aming halikan. Nakayuko siya sakin at nakatukod ang kaliwa niyang siko sa dingding na nasa likod ko.
Isang mapanuksong ngisi ang binigay niya sakin. "Ayos lang. Kahit ano pa ang sirain mo sakin basta masarapan ka lang."
Pumikit ako ng mariin ng marinig iyon. Nang marinig ang halakhak niya ay tinampal ko ang kanyang dibdib!
Kinabig niya ako at sinubsob sa kanyang dibdib. Natahimik ako ng marinig ang lakas ng tibok ng puso niya.
"I love you, Kathlyn." pinatakan niya ng halik ang aking buhok at huminga siya ng malalim. "Magiging pulis ako at ibibigay ko lahat ng klase na pagmamahal sayo."
Ngumiti ako ngunit hindi ko maiwasang maluha.
First love.
Hindi ko na yata kayang mabuhay kung walang Kael sa buhay ko. Puwede bang habang buhay nalang kami? Iyong wala na akong aalahanin pa na maling bagay sa aming dalawa?
Pero hindi ako pwedeng magboyfriend ngayon. Magagalit ng husto sakin si lola kapag nalaman niyang may boyfriend na ako.
Minsan napapaisip ako na kailangan ko ba talagang sundin ang utos ng iba para lang malagay ako sa tamang daan? Hindi ko ba iyon magagawa na ako ang magdedesisyon? Pero takot ako na baka ano ang mangyari kay lola. She raised us well, dalawa kami ni Lara. Parang siya na ang tumayong ina namin.
Ang eskwelahan namin ay merong iba't ibang kurso. Ang maganda dito ay nag o-offer ng scholarship sa mga studyanteng nagpupursigi. Mayayaman raw ang mga sponsor nitong eskwelahan namin kaya kahit public ay magagara ang mga studyante dahil sa kanila.
Itong Unibersidad ay mayroon pang extension sa kabilang dako para sa mga Criminology, at doon pa ang room ni Kael. Tanging ang abandonadong building na tagpuan namin ang malapit sa kanilang eskwelahan at room ko kaya mas pinili namin doon.
"Hay salamat! Tapos na ang last sub! Gusto ko nang umuwi at humiga sa kama buong araw!" himutok ni Mailyn. Si Mailyn lang ang close ko sa mga kaklase ko. Ang iba naman maayos naman sakin sila kaso mas palakausap sakin si Mailyn at nililibre niya ako palagi.
"Ako bukas maglalaba kami ni lola sa ilog." ngumuso ako at nilagay na ang gamit sa bag ko.
"Kami kaninang umaga pa! Kaya bukas wala na akong gagawin. Tsaka maiba ako. Araw araw parang mas lalo ka talagang blooming! Yiee!" sinundot niya ako sa tagiliran!
Ngumiwi ako dahil sa sakit nun. Ewan! Napupuna rin iyon ng mga kaklase ko pero wala naman akong nilalagay.
"Wala akong nilalagay. Pulbo lang at-"
"Hala ano iyang sa labi mo? Parang nakagat?" halos ayokong tumingin kay Mailyn dahil pakiramdam ko alam niya ang dahilan kung bakit may kagat ang aking labi.
"H-Huh? E-eto? Ano..nagkauntugan kami ni Lara kanina e."
Naningkit ang mga mata ni Mailyan at umirap siya. "Alam mo, kung di lang itinanggi ni Kael na girlfriend ka niya ay aakalain ko talaga na kayo. Grabe kasi ang galit niya kay Krish e."
Huminga ako ng malalim ng maalala iyon. Ang mga araw na nalungkot rin ako ngunit wala akong magawa. Ayokong may makaalam lalo na at pumupunta si lola dito minsan.
"Hanggang ngayon nga e' umiiwas si Krish kay Kuya Kael. Nga naman..dami ngang gumagalang at natatakot kay kuya dito. Lalo na kay kuya Santi! Magka barkada sila nun e. Kaso si kuya Kael masyadong suplado at noon nga basagulero yun!"
Kinagat ko lalo ang labi at kinuha na ang bag ko para makalabas. Sabay kaming lumabas ng room at patuloy parin si Mailyn kakakwento.
Sa aming dalawa ay halos 90% ng buhay niya ay naikwento na niya. Habang iyong sakin ay halos ayokong ikwento.
"At... sabi nga ni Charmaine.. Ang tourism student!? Kilala mo?"
Tumango ako at inayos ang aking buhok. Habang naglalakad palabas ay nakita ko na maraming napapatingin sakin at namamansin pero hindi ko sila kilala. Sanay na ako roon na maraming nakakakilala sakin na ibang course.
"Nanliligaw na raw si Kael sa kanya! Sayang talaga."
Hindi ko alam kung magugulat ako sa pagkabigo ng kanyang boses o sa nalaman ko.
Nanliligaw?
"Mas bet ko kasi kayo ni Kuya Kael e. At... Naku! Kakain talaga ako ng isang kilong sili kapag kayo talaga ni kuya Kael kasi mas bagay kayo!"
Pwes! Kumain kana ng sili ngayon Mailyn!
Uminit ang mata ko na parang may sili dahil sa nararamdaman kong' kirot sa dibdib.
Hindi! Hindi iyon magagawa ni Kael.
Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang aking cellphone para itext siya.
"Kath!" kinalabit ako ni Mailyn. May nginuso siya sa gilid ko at nagulat ako dahil si Charmaine iyon!
Tinitigan ko ang likod ko kasi baka may iba siyang pakay ngunit...
"Ikaw ang pakay ko Kathlyn." ngumiti siya sakin ng palakaibigan at naramdaman ko ang paglapit ni Mailyn sakin.
"Tungkol sana kay Kael."
Nanlamig ako. Alam ba niya ang sa amin ni Kael??
Ngumiti siya ulit at may sinabi sa mga kaibigan niya kaya umalis ang mga iyon. Himala na nilapitan ako ni Charmaine dahil ang mga circle of friends niya ay puro kilala ,matalino at mayayaman!
Siya na yata ang pinakasikat dito sa Unibersidad namin.
Pero kung si Kael ang kanyang gustong pag usapan ay kinakabahan ako kung ano ang alam niya.
Ngumiti siya at napatingin kay Mailyn. She cleared her throat ng maramdaman na hindi aalis ang kaibigan ko.
"Nagmamadali kasi ako kaya konting oras lang naman kailangan ko mula sayo. Uh, ka ano ano mo si Kael?"
Hindi na ako nabigla pa. Pero...kailangan kong' magsinungaling.
"K-Kaibigan. B-Bakit po?"
Unti unti siyang tumango tila ba may iniisip parin.
"Aw, okay. Ang dami kasing nakakarating sakin. Kilala ko si Kael. Never siyang nagalit ng sobra bukod doon kay Krishmar ng dahil lang sayo. Kaya nagtaka talaga ako-"
"Naku naman! Nagkakamali ka diyan Charmaine! Kakain ako ng isang kilong sili kung may kung ano sa kanila ni Kael ano!" singit ni Mailyn at parang gusto ko siyang pagbantaan na tigilan na iyon kasi baka kakain talaga siya ng sili!
Ngumisi si Charmaine kay Mailyn. Tila nabunutan ng tinik.
"At kilala ko si Kathlyn! Mabait ito at No boyfriend since birth pa!" pagmamalaki ni Mailyn! Naku! Puwede na siyang bumili ng sili ngayon!
"Ah! Mabuti naman! Alam niyo kasi...my daddy likes Kael so much. Balak niyang ifund ang pagtraining ni Kael kung may mga hindi siya kayang bayaran. At.. gusto ko si Kael."
Mas lalong gumuho ang mundo ko.
"Ah! Oo nga! Rinig ko na nanliligaw raw si Kuya Kael sayo?" matabang na tanong ni Mailyn. Wala akong nagawa kundi ang ipakita kung gaano kahilaw ang ngiti ko.
Kabaliktaran kung gaano katamis ang ngiti ni Charmaine.
"Hm.. Secret! Basta. Sige, mauna na ako huh? Balak ko pa kasing bilhan ng laptop si Kael. Pakiramdam ko kasi kailangan niya iyon! Ihahatid ko mamaya sa bahay nila. Sige, bye!"
Napalunok ako natuod sa aking kinatayayuan.
"Grabe. Iba nga talaga ang mayaman ano? Mapapa sana all nalang talaga tayo diba Kath?" naramdaman ko ang pagsiko ni Mailyn sakin.
Tumango ako at kinancel ang pagtangkang pagtext kay Kael.
~~~~
Who would like to be part of my VIP page? 200pesos membership ay makakapasok kana at mababasa ang update araw araw! Six chapters nalang ng Broken chains ay matatapos na ito! Ano pa ang inaantay mo? message nyo napo ako sa facebook ko. Link below!
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz