ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 13

frezbae

Pinagmamasdan ko si lola nagtatanim ng bagong bigay na halaman ng kanyang kaibigan. Nakaupo ako sa upuan isang umaga ng Linggo. Nakatulala lang ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong' inis, kaba at pagtatampo kahapon.

Kung iisipin ay wala namang' kasalanan si Kael e. Ako lang itong may problema.

Binilhan kaya siyang laptop ni Charmaine? Dapat ba maging masaya ako dahil doon? Dapag hindi. Kasi may gusto siya kay Kael.

Dahil sa nalaman ko kahapon ay isang reply lang ang naireply ko kagabi kay Kael. Naiimagine ko pa lang na pumunta doon si Charmaine ay naiinis na ako.

Mabuti nalang at matured mag isip si Kael kaya ng sinabi ko na masakit ang ulo ko at gusto kong' magpahinga ay hindi na niya ako kinulit pa.

Pero iba iba ang aking naiisip kagabi dahil hindi na siya nagreply!

"Kathlyn! Huy!" winagayway ni Lara ang kamay sa aking harapan kaya inirapan ko siya.

"Isampay mo raw ang mga labahin ni lola! Hindi pa iyon nasampay! Aba, naghugas na akong pinggan at lahat na ikaw paupo upo lang diyan!"

"Aba naman Lara sino ba ate sa atin?" pagsisinuplada ko lalo.

"Ate nga kita pero mas maganda ako!" Tumakbo siya agad papasok ng bahay kaya napangiwi ako.

Sa pagtatapos ng aking pag irap ay nakita ko si Sky na kakapasok lang sa malaking gate ng bahay. Naninigarilyo ito at pawisan. Alam ko na agad na mula siya sa pag babasketball dahil iyon lang naman ang libangan niya dito.

Padarag akong tumayo para pumunta sa likod ng bahay at ayusin na ang isasampay ko.

Kinuha ko ang tatlong lagayan ng mga damit at nilingon ang sampayan.

"Huh? Ba't ang taas na ngayon?" nagtataka ako dahil ang taas na ng sinasampayan namin. Hindi naman ito ganito noon e.

Luminga linga ako at tumalon para maabot ang lubid na sampayan pero nakapa ko lang at hindi naabot.

"Tsk! Paano ba to?!" umirap ako at nakitang dumaan sa gilid ko si Sky.

Maaraw na at mabuti nalang mahangin kaya hindi ganoong masakit ang init ng araw.

Ngumiwi ako ng nakitang kinuha ni Sky ang gulok malapit sa puno at babalik na sa loob ng bahay.

Suma-total, kasing tangkad sila ni kuya Santi at mas abot nila itong sampayan na hindi ko alam kung sino gumawa nito.

Ewan ko kung bakit parang ayaw ko, at nahihiya akong tawagin siya pero bahala na ito.

"S-Sky.."

Tumaas ang dalawa niyang kilay at umiwas ako.

"Hindi ko kasi maabot e." pagsisinuplada ko.

"Hm, akala ko kakain mo na naman iyang pride mo." malamig niyang sinabi kaya kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya ay makikipagtalo ako ngayon!

Inirapan ko nalang siya!

"Akin na ang iba. Ako na magsasampay." aniya. Ngumisi ako at kinuha ang ibang damit at pinagmasdan siyang sinasampay ang mga damit.

Ngunit...

"Saan na ang iba?" nilingon niya ako. Unti unti kong kinuha ang anumang laman ng basket.

Nakakahiya naman ito.

"Kath..." he called me again. Napapikit na ako at walang tingin sa kanya na inabot ang limang panty ko.

"Y-Yan!" hindi na ako tumingin pa sa kanya lalo na at aking naamoy ang kanyang natural na bango.

Dahil sa suot niya ngayon na sleeveless shirt ay nakita ko na may arabic tattoo siya sa dibdib. Kumpara kay Kael ay medyo maputi ng konti si Sky. Matipuno rin si Sky at matangkad. Kung mukha ang basehan ay aakalain mo na hindi siya palakaibigan at iyon ang totoo.

Ang daming may gusto rito kay Sky pero suplado siya kaya umiiyak minsan ang mga nagtatangkang kausapim siya.

Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit nakuha niya sakin na makipagbangayan gayong ang tipid niya magsalita sa iba.

"Sayo ba ito lahat?" tanong niya na nagpakaba sakin. Nang nilingon ko siya ay seryoso niya namang' sinisipit sa ipitan ang mga panty ko.

Hindi ko alam kung giginhawa ako o ano!

"O-Oo."

"Bakit lima lang ito? Dapat anim." aniya.

Fuck! Namula ng husto ang pisngi ko.

"Pakealam mo ba? Edi' suot ko pa ngayon hindi pa ako nakakaligo e!" habang sinisigawan ko siya ay nilipat niya ang mga panty sa pinakagilid na sampayan iyong tipon hindi makikita.

"Dito ang mga ito palagi. May mga pumapasok dito minsan na trabahante. Hindi yan puwedeng makita." aniya na seryoso parin.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya.

Gosh! Hindi ko yata kakayanin na makausap ng isang oras man lang ang taong ito. Nakakaubos siya ng dugo!

Kinagabihan ay nagkulong na naman ako sa kwarto ko. Sila lola na ang nagluto ng ulam ngayon habang nasa kwarto ako at nilalaro laro ang aking cellphone.

Sakto rin na tumunog ang cellphone ko at ng makita ang pangalan ni Kael ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.  

"Hello?" sagot ko.

Isang hingang malalim ang narinig ko mula sa kanya kaya napakagat labi ako.

"Kamusta ang araw mo ngayon? Hindi mo na ako gaanong nireplyan."

May panibugho akong naramdaman sa aking dibdib at gusto ko na namang iiyak ang kinikimkim ko sa aking dibdib.

"K-Kael, sorry. Ang totoo kasi.." alam ko na taimtim siyang nakikinig sakin. "Nagseselos ako. Nagtatampo. Kinausap ako kahapon ni Charmaine."

Ilang segundo siya hindi nagsalita.

"Anong sinabi niya sayo?" ngayon, may galit na ang kanyang boses. Pinunasan ko ang aking luha at umupo ng kama.

"Na...Na gusto ka ng papa niya. Na.. gusto ka ni Charmaine. Tapos kalat pa sa school na kayo raw. K-Kael, nasasaktan ako kasi ako dapat iyon pero hindi ko rin puwedeng ibunyag ang tungkol sa atin kasi-"

"I'll talk to your grandma. Gusto kong' maging legal tayong dalawa para mawala ang pangamba mo."

"No! Hindi puwede Kael! Susuntukin ka ni kuya Santi! Magagalit si lola sayo lalo na sakin!"

"Santi knew about us." putol niya sakin. Kinagat ko lalo ang aking labi na nanginginig.

"And I can explain about us sa lola mo. Baby, hindi ito puwede sakin. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko dahil hindi ko magawang sabihin kay lola mo ang tungkol sa atin."

Umiling iling ako.

"Hindi puwede sa ngayon Kael. Please..huwag muna. Siguro kapag graduate na ako sa college."

"Malapit na ako magtraining. May kikitain ako kahit papaano. Ako magpapaaral sayo." pinal niyang sabi. Ngayon seryoso at malamig na ang boses niya dahil alam ko na ayaw niya itong tinatago namin sa iba ang aming relasyon.

Suminghot ako at nawalan ako ng bigat na nararamdaman.

Habang katawagan si Kael ay bumukas ang pintuan at gusto kong mataranta pero ng makita na si Sky iyon ay nawala iyon.

"Kathlyn... Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Seryoso ako sa atin. And please, kung barumbado man ako noon huwag mo iyong gawing rason para makawala ka sakin dahil baliw na baliw ako sayo."

Kinagat ko ang labi ko at nakitang nakatingin sakin si Sky ngunit seryosong umiwas rin at nilapag ang iilang tuyong damit ko sa kama. At ang huli ay ang lima kong panty na nasa kanyang kamay.

Nagkatinginan kami ni Sky.

"Akin ka lang. Ang katawan mo. At anumang sulok ng iyong katawan ay akin." naiimagine ko ang matalim na tingin si Kael ngunit may pagnanasa sa mga mata para sa akin.

"Nagtitimpi pa ako, Kath." Kael said. Umiwas ako kay Sky ng dahan dahan niyang nilapag iyon.

~~~

Authors Note: Want more? Pamember kana sa Vip ko. Nakapromo ngayon ang one yr membership and lifetime! Just message me on my fb (Frezbae Montemayor)

Broken Chains Montemayor 2nd gen already completed on my VIP.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz