Chapter 10
"Hay naku! Iyang ina niyo talaga! Hindi na nagpadala iyang si inday!"
Kapag inday na ang tawag ni lola kay mama ay tiyak na galit na siya. Halos wala akong tulog dahil sa nangyari kagabi. Kung ano naman ka masungit ang panahon kagabi ang siya namang kaaliwalas ngayon.
Ngumuso ako dahil wala na talaga akong pera. Ayoko namang huminge kay lola dahil may binibili siyang gamot niya. Si mama lang talaga inaasahan ko. Ilang taon rin siyang nagtatrabaho sa Manila pero hindi namin alam kung ano ba talaga ang trabaho niya doon. Basta nakakapagpadala siya ng pera sa amin minsan.
"Lola! Nagmessage si mama!" si Lara habang umiinom kami ng milo. Maaga kaming nagising upang pumuntang eskwelahan.
"Oh? Ano raw ang sabi?"
"Magpapadala raw po siya ng 15,000!"
Huminga ako ng malalim dahil nawala ang problema ko. Mabuti nakang timing ang pagpapadala ni mama. Ang daming pinaprint at projects namin. Ang dami ko nang utang sa mga kaklase ko.
"Mabuti naman! Si Kathlyn na pahawakin mo ng pera at siya ang magaling sa pera. Hay! Mabuti naman at napag isipan nang anak kong magpadala sainyo."
Ngumisi si Lara kay lola. "La, bibilhan kitang bestida!"
Tumango ako dahil gusto ko rin mabigyan si lola ng kahit ano.
"Hay mga apo huwag na! Ang dami nang binigay sakin ng tita Chimen niyo."
Pero kilala ko si Lara. Bibili parin at bibili yun ng kahit ano para kay lola.
Tulad ng dati ay unang hinahatid si Lara bago ako. Binigyan ko siya ng sapat na baon para na sa pang isahang buwan. Siya na ang nagba-budget nun.
Huminga ako ng malalim ng makarating sa skwelahan. Marami nang event at pagkatapos nun ay busy na sa mga assignments, projects, at requirements para sa nalalapit na pagsara ng klase.
Thankful rin ako kasi kahit papano ay nairaos ko ang unang taon ko sa kolehiyo.
Naiinggit ako minsan sa mga kaklase ko na full support ang mama at papa nila sa kanilang pag aaral. Pag ako nasa sitwasyon nila, araw araw akong magpapasalamat dahil bihira lang ang batang nabibigyan ng pagkakataon na makapag aral at may buong pamilya.
"Kath! Sabay na tayo!" nakita si Mailyn na papalapit sakin kaya ngumisi ako.
"Ang blooming mo ngayon ah!"
"Hm, Talaga? Bakit? Anong meron? Ni wala nga akong make up!"
"Ano ka ba! Kahit wala kang make up maganda kana! Basta iba yung dating mo ngayon! At..."
Lumapit siya sakin. Ambang may ibubulong. "Crush ka raw ni Krishmar!"
Umirap ako dahil narinig ko nga iyon. Varsity player si Krish dito at para sakin masyado siyang hambog kaya umiiwas talaga ako sa kanya.
Umiling ako. "Ayoko sa masyadong hambog."
Tumawa si Mailyn at halos malakas ang aking pagsinghap ng may mabunggo ako!
"Hambog? Narinig ko iyon ah. Sinabihan mo akong hambog." nanlaki saglit ang aking mga mata dahil hindi ko talaga maiisip na maririnig niya ang mga sinabi ko.
"Naku! Patay!" bulong ni Mailyn at bakas ang takot sa kanyang mukha.
Tinikom ko ang aking labi lalo na ng makita ang dalawa niyang barkada na nanghahamon na nakatingin sakin.
Nakauniporme silang tatlo ngunit may jersey sa loob, mukhang may basketball sila ngayon.
"Uh, ano..."
Mas lalo pa siyang lumapit sakin at nakita ko ang pagkakatigil ng ibang studyante. Hindi na iba dito sa amin ang pang bubully. Sa katunayan, mas sobra pa ang mga naranasan ng iba na pangbubully at sikat sila ni Krishmar na nambubully.
Hinawakan niya ako sa braso dahilan na napakislot ako.
"Rinig na rinig kita. Siguro...sinadya mo para mapansin kita? Kasi may gusto ka sakin?"
Huminga ako ng malalim at umiling handa nang sumagot ngunit niyugyog ako ni Krish.
"Sagot!" sigaw niya na ikinaigtad ako.
"K-Krish...Tama na." si Mailyn na naglakas loob ngunit tinaliman ng tingin ni Krish.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko ah! Manahimik ka!"
Shit! Bakit kasi hindi ko siya nakita kanina? Hindi ko rin tuloy mai-deny iyong nasabi ko!
"Teka nga! B-Bitawan mo ako! Sa tingin mo ba hindi kahambugan ang ginagawa mo sakin?"
"Aba naman-" amba niya akong sasaktan ng may humila sa kwelyo ng uniform niya!
"K-Kael!" sigaw ko at pinigilan ang kamay niyang lumabas ang bawat ugat dahil sa pagkakasakal niya kay Krish!
"K-Kuya Kael! Teka..."
Mas lalo siyang sinakal ni Kael na halos matumba na siya.
Sumigaw ang mga nakakita at naririndi ako sa kakatili ni Mailyn!
"Kuya-"
"Kael, tama na." hinawakan ko siya sa braso dahil sa aking kaba na baka sobra pa ang mangyari! Sa tangkad at katawan palang ay lamang na lamang si Kael!
"What have you done huh?" namula si Kael sa kakasakal kay Krishmar ngunit nakangisi ng magsalita.
Nakita ko ang kalituhan sa mga mata ng barkada ni Krish at maging sa kanya. Halos tumakbo na ang mga ito.
"K-Kayo ba kuya? Sorry!"
Napapikit ako dahil hindi ko ito inaasahan!
Maraming studyante at kapag umu-oo si Kael ay lagot ako. Makakaabot ito sa marami at lalo na kay lola!
"Hindi ko na uuulitin Kuya. Hindi ko alam na girlfriend mo-"
Habang nanginginig sa pag explain si Krish ay nakatitig sakin si Kael. Nakita niya kung paano ako kinabahan at gusto kong maiyak!
"Sorry kuya-"
"No. She's not my girl." padarag niyang binitawan si Krish at nasalampak ito sa sahig! "But...if you do this again..."
"Opo..Opo kuya. Hindi na!" umayos si Krish at mabilis na tumakbo.
Hindi ko alam kung giginhawa ba ako o mas lalong bibigat ang pakiramdam ko dahil alam ko na labag sa kalooban ni Kael ang sinabi niya. Parang inutusan ko narin siyang magsinungaling sa harap ng maraming tao!
"Kinabahan ako." si Mailyn habang nakatitig ako sa likod ni Kael na papalayo. Parang nanlumo ako sa nangyari. Ang mga studyanteng nakiusyuso ay nagsimulang magtanong sakin.
Sinabi nila na ganoon raw talaga si Krishmar pero si Kael daw ay kilala nilang lahat. Maraming takot kay Kael kaya hindi na nagsusubok pa.
Natapos ang araw na iyon na walang paramdam si Kael. Ganoon siya magselos, halos ayaw mamansin.
Bago ako umuwi kanina ay nakita ko siya sa gate. Baka nga hindi niya ako nakita dahil nakita ko na kinausap siya ni Charmaine. Si Charmaine ay graduating narin at magkakaklase sila sa iilang subject. Si Charmaine ay anak ng kapitan dito at ang angkan nila ay napakayaman.
"Grabe, bagay talaga sila. Ang kisig ,guwapo at matured mag isip ni kuya Kael no!"
"Hm! Di naman! Marami lang nali-link kay kuya Kael pero wala siyang inaamin na naging kasintahan niya talaga! Ang sabi niya lang ay may nagmamay-ari na sa kanya!"
Isa lang iyan sa mga naririnig ko habang minamasdan na paalis na si Kael sakay ng isang pick up.
Inintindi ko iyon kasi mali talaga ako. Susubukan ko rin intindihin kung bakit si Charmaine ang haka haka na kasintahan niya kasi palagi siyang nilalapitan nito.
Maganda at maputi si Charmaine. Maganda rin manamit at halatang yayamanin ang kilos. Hindi ko lubos maisip kung paano kaya kung silang dalawa? O paano kaya kung magkahiwalay kami ni Kael at siya ang pumalit?
Umiling ako at umuwi ng bahay. Nang makauwi ay narinig ko ang mga hinaing ni lola sa kapatid ko.
"Sabing huwag na akong bilhan Lara! Jusko! Aanhin ko ba ang mga iyan?"
"Lola naman! Wala na kayong magagawa at nabili na! Tsaka deserved mo iyan no!"
"Hay naku Lara talaga! Iyong hindi lang kayo muna mag boyfriend ay okay na sakin!"
"Lola naman! Ang bata bata pa namin ni ate no!"
Binuksan ko ang pintuan at nakita silang nag aaway.
"Oh nandiyan kana pala Kathlyn, apo! May pagkain doon sa kusina. Kumuha ka nalang doon."
Ngumiti ako at pagod na pumuntang kwarto. Hindi naman ako pagod pero nafufrustrate ako sa nangyari!
Hindi pa nagrereply si Kael sakin kaya nilock ko ang pinto at tinawagan siya.
"Hmm.." iyan ang bumungad sakin.
Kinagat ko ang labi at humiga sa kama.
"Are you.. Mad?" mahinang tanong ko.
"Yes." aniya.
Napapikit ako dahil sa walang pag alinlangan niyang sagot.
"Sorry." malungkot kong sabi at niyakap ang unan.
"I understand. You are young. Habang ako ay handa na sa lahat. Pero iintindihan kita dahil sa agwat ng edad natin at respeto ko sayo. Galit ako dahil...hinawakan ka niya. Galit ako dahil kailangan kong sabihin iyon dahil nirerespeto kita."
Suminghap ako at uminit ang gilid ng aking mga mata.
"But baby...Until when? How about my feelings? Idedeny ko rin ba sa lahat ang nararamdaman ko para sayo?"
Parang nilulukumos ang puso ko sa mga sinabi niya.
"H-Hindi naman sa ganoon. Kael, gustong gusto kita."
"Same, baby. Same." aniya.
"Hindi ko lang maiamin pa ngayon sa lahat. Lalo na kay lola. Kael, nadala na siya sa nangyari kay mama. Trauma. My mother was raped at ako ang naging bunga. Kaya medyo gusto niya kami na umiwas sa mga lalaki."
Hindi nagsalita ng ilang saglit si Kael. "Naiintindihan ko. Damn! I miss you. Nagsisi ako kung bakit kita iniwasan."
Ngumisi ako. Para akong baliw!
"Gusto mo..Pumunta ako sa bahay niyo mamaya? Pag tulog na sila lola?"
Hindi sumagot si Kael ng ilang saglit ngunit alam ko na agad ang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz