Chapter 11
Bata man ako na umiibig ngunit alam ko ang obligasyon ko. Nasa tamang edad man pero alam ko na may limitasyon ako para sa sarili. Ak ay isang dyesi-otso na at first year college. Naabot ko ang panahon at edad na ito na minsana lang magpadala si mama sa amin. Kung hindi sa mga bigay ng mga tita at lola ay hindi ko na alam ang gagawin namin ni Lara.
Kaya isang himala ang pagpadala ni mama noong kailan. Kung walang sumusuporta sa amin ay hindi ko na talaga alam kung saan kami hihingi ng tulong.
Nagpatuloy kami sa aming mga araw. Ganoon parin kami ni Kael, patago parin ang aming relasyon at nairaso ko naman ang araw araw na nararamdamang pagmamahal para sa kanya.
Sabado ngayon ay nairaos namin kahapon ang exam namin. Nagkakausap kami ni Kael sa text o di kaya ay sa tawag dahil hindi minsan sumasakto ang oras niya at oras ko. Marami siyang inaasikaso bilang graduating student. Kailangan niya pa ng training at hindi ko na alam kung kakayanin ko paba iyon.
Ngayon may panghapon ako na subject kaya baka pwede kami magkita ni Kael sa mga oras na iyon.
Nakapangalumbaba ako sa loob ng kwarto, masid ang likurang bahagi ng aming bahay dahil wala ako sa mood lumabas. Ganito pala kapag dalaga na kasi nahihiya nang kumilos ng pariwara. Gusto ko pa palagi na malinis ako at mabango. Isama pa na gusto ko maayos ang kwarto ko. Dati dito sa lapag si Lara natutulog pero mabuti nalang at naisipan niyang lumayas na sa kwarto ko at doon na sa kwarto niya.
Nagtipa ako ng message para kay Kael dahil hindi ko na siya nareplyan kanina.
(Nasa school ako ngayon. May klase kami. Hihintayin kita dito mamaya.)
Iyan ang last niyang message.
(Sorry, Kael ngayon ko lang nabasa. Naglaba kami ni lola kanina sa ilog. Sige, itetext kita :*)
Nakasuot ako ng puting T-shirt at shorts ng kinatok ako ni lola sa kwarto ko.
"Hija, Kathlyn! Hindi kapa rin naliligo kahit nabasa kana kanina! Maligo ka at bumaba. Susuklayin ko ang mga buhok niyo ni Lara!"
Nakaugalian ni lola na suklayin ang buhok namin kaya minsan naiinggit ang mga kaklase ko sa aking buhok. Iba nga talaga ang alagang natural at maalaga ka sa buhok.
"Sige lola." umayos na ako. "Susunod ho ako!"
Nakapamaywang si lola sa pintuan ng aking kwarto na tila ba kahit na sabihin ko na susunod ako ay alam niyang matatagalan parin ako.
"Hay, ewan ko sayo diyan! Kahapon kapa naliligo baka mabaho na iyang ano mo!"
Kinagat ko ang labi ko sa pinagsasabi ni lola.
"La, maayos na ho iyong panggatong natin. Alin ho ang lilinisin na bangkulong? Iyong bagong bili?"
Biglang sumulpot si Sky kaya halos mahiya ako dahil alam ko na narinig niya ang sinabi ni lola!
Hindi naman ako mabaho no!
"Mabuti nalang Sky at bumalik ka dito hijo. Oo, iyong bago. May bibili kasi niyan mamaya."
Habang nagsasalita si lola ay nakatingin sa akin si Sky. Isa sa mga rason kung bakit ayokong lumabas ng kwarto ko dahil naalibadbaran ako kay Sky!
Inirapan ko siya at inayos ang pagkakapuyod ng aking buhok.
"Kathlyn! Diba maliligo ka? Samahan mo muna si Sky na linisan ang bangkulong kasi bibilhin na iyon mamaya."
"Sige ho lola!"
Labag talaga sa loob ko na maglinis kasama si Sky. Sinubukan kong hanapin si Lara para siya na sana ang maglinis pero wala siya.
Nauna akong pumunta sa likurang bahagi ng bahay at nakita doon ang hose. Nandoon narin ang bangkulong na tinutukoy ni lola kaya pinaandar ko agad ang hose para basain iyon.
Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Sky na naghubad ng kanyang pang itaas na damit. Umiwas ako at ipinagpatuloy ang pagtutok ng hose sa bangkulong.
"Kung hindi kapa tinawag ni lola ay hindi kapa lalabas. Konti nalang iisipin ko na iniiwasan mo ako." may mapanuksong tono sa kanyang sinabi.
Painsulto akong tumawa at pinatay ang tubig. "Wow ha. Assumero ka? Paano mo iyan nasabi?"
Tinitigan niya ako. Ang kanyang pawis ay tumatagaktak sa kanyang dibdib patungo sa kanyang mabitak na abs. Nanghahamon ang kanyang mga titig sakin na mas lalo lang akong nainis.
"Hindi ka ganito dati. You used to be so jolly-"
"Manahimik ka nga. Nandito kaba para inisin ako? Bakit kapa ba bumalik?" I know I was harsh pero nadala na ako ng inis ko.
He smirked. "Hindi ako bumalik dito para inisin ka. Nandito ako para sa importanteng bagay, Kathlyn."
Tinikom ko ang aking bibig.
"Ang hirap mong intindihin." tumango tango pa siya. "But I am willing to solve you."
Mabuti nalang at tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko iyon sa aking bulsa at nakitang si Kael ang nag-message.
(Tapos na ako. Hihintayin nalang kita dito.) -Kael.
Nakita ko si Sky na matalim ang tingin sa aking cellphone at umiwas siya. Ngayon kinuha niya ang hose sa kamay ko at siya na ang naglinis ng bangkulong.
"Ako na dito. May klase kapa kaya ako na."
At paano niya nalaman na may pasok pa ako?
Inirapan ko siya uli at nagmartsa na papasok. Ayoko talaga sa presensiya ni Sky! Pakiramdam ko mauubusan ako ng dugo kapag nandito siya!
Nagbihis na ako ng puting T-shirt at pantalon. Kumuha lang ako ng saktong pera sa kabinet at nilagay sa bag ko bago lumabas.
Nakita ko agad si lola Lourdes at Sky sa mesa na kumakain.
"Nakakain kana ba ng tanghalian Kathlyn?"
Tumango ako at humalik sa pisngi ni lola. "Opo, aalis na ako."
"Teka lang... Patapos na si Sky, siya na maghahatid sayo. Hijo, hatid mo nga itong pinsan mo para makatipid sa pamasahe."
Nanlaki ang aking mga mata dahil alam ko na ang motor ang gagamitin namin!
Kinagat ni Sky ang labi na tila ba tinatago ang kanyang tuwa.
"Sige ho lola."
"Ang sipag talaga nitong binata na ito. Parang si Santi! Walang tigil sa pagtatrabaho dito sa bahay!"
Tumalikod na ako agad at hindi na ako nakinig pa kay lola. Ang malas malas ko namang ngayong araw!
Dito sa amin ay hindi na uso ang helmet depende nalang kung sobrang layo ng biyahe ay maghehelmet.
Pero nga dahil malapit lang ay hindi na ako nag abala pang kunin ang helmet.
"Wear this." pero ang isang ito ay sinusubukan talaga ang pasensiya ko. Humalukipkip ako at inirapan siya.
"May boyfriend ako, Sky." matigas kong sinabi.
Itinaas niya ang kanyang kilay. "Boyfriend? Your coward boyfriend you mean?"
Parang sinilaban ang pagkatao ko sa galit na nararamdaman ko ng sabihin niya iyon!
"Wala kang alam! Don't call him that dahil wala kang alam!" sobra ang pagpipigil ko para lang hindi marinig ni lola.
Umiwas siya at ngayon ay nagseryoso na. Alright, he's handsome. Guwapo nga pero ayoko lang talaga sa kanya at mas lalo niya iyong pinatunayan ngayon.
"Kung seryoso siya sayo sana ay nirespeto niya si lola. Dapat pormal siyang nanliligaw dito sa bahay. I hope you are not dense enough not to value yourself, Kathlyn."
Kinagat ko ang aking labi at namuo ang luha sa mga mata ko.
"You know n-nothing. At sino ka sa tingin mo para sabihin ko ang nangyayari sa amin? Alam mo? Mabuti pang huwag mo akong ihatid dahil ayokong ihatid mo ako."
Hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
Umigting ang panga niya ng tiningala ko siya. "Ano ba?!"
"Rules are rules, ihahatid parin kita."
Malakas ang loob ko na makipagtalo dahil sa halaman na matataas kaya hindi kami nakikita ni lola.
Padaskol akong sumakay sa motor at sinuot na iyong helmet. Mabuti nalang at tahimik kami sa biyahe.
Halos magmadali akong bumaba ng motor ng makarating na sa eskwelahan. Hindi ko na nababasa ang messages ni Kael dahil sa nangyari kanina at ng tinanggal ko ang helmet ay nakita ko si Kael sa waiting-shed ng eskwelahan at naghihintay sakin.
Kitang kita ko ang pagtapon niya ng sigarilyo at pagtayo ng makita niya kung sino ang naghatid sakin.
Hindi rin nagpatinag si Sky at hinubad pa nga ang helmet niya pero nanatili sa motor.
God! Kael! Ito na na nga ba ang sinasabi ko na ayaw kong ipagsabi na may relasyon kami dahil walang kontrol si Kael sa sarili!
"Salamat sa paghatid sa kanya." seryoso ang boses ni Kael ng sabihin iyon.
Nagkatitigan sila ni Sky. Tinitigan ni Sky ang kamay ni Kael sa baywang ko. Nakita ko kung paano siya nairita.
"Walang anuman."
"T-Tara na Kael." halos mautal ako dahil sa pagmamatigas ni Kael. Ayaw niyang umalis doon.
"Kael!" saway ko kay Kael ng ayaw niyang pahila.
Ni hindi siya nag isip na baka sabihin ito ni Sky kay lola!
Binabagabag ako ng ganoong problema. Hinila niya ako sa isang sulok kung saan walang masyadong studyante.
Bago siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"Kael baka magsumbong yun kay lola! Di'ba sabi ko-"
Hinampas niya ang pader na nasa aking likod kaya napasinghap ako. Nakakulay puti siyang V-neck shirt at pantalon. Nakasabit ang bag niya sa isang kamay at halos tumingala ako dahil sa kanyang katangkaran.
"Di'ba sabi ko rin na seloso ako?"
Natikom ko ang labi sa sobrang gulat!
What the heck Kael?!
Nanghagilap ako ng isasagot pero hinila niya ang baba ko at sininasib ako ng halik! Nanlaki ang aking mga mata ngunit mabilis niya ring' binawi ang halik.
"Damn...sorry. Seloso talaga ako. Hindi na mauulit." hinimas niya ang pisngi ko ng dahan dahan habang magkatitigan kaming dalawa.
Sobrang lapit namin sa isa't isa dahil kinukulong ako ng katawan niya.
Tumango ako sa kanya at inabot ulit ang kanyang kwelyo at hinila pababa.
"Kiss me more ,please."
Kinagat niya ang namumula niyang labi.
"Not here."
~~~
Author's Note: This book is completed on my VIP page. For more books and membership pm me on my fb link below. May promo po kami ngayon!
https://www.facebook.com/share/1K6hHkzmqQ/
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz