Chapter 38
Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka siguro napatay ko na si Sky. Kahit noong nakasakay na kami sa kanyang kotse ay halos hindi ako makatingin sa kanya. Gusto ko siyang sigawan ng malakas o murahin ng ilang beses ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.
Maging siya ay tahimik rin hanggang sa makarating kami kung saan ang bahay nila Sonya. Iba ang klase ng handaan nila dito sa probinsiya. Maraming tao dahil kitang kita iyon mula dito sa labas. Halos puno rin ang harapan at likod na bahay nila Sonya.
Lumabas ako ng sasakyan at medyo kinabahan dahil sa tagal ng panahon ay alam ko na makikita ko dito ang iilang kakilala.
Nilingon ko si Sky at mariin siyang tinitigan. Napatingin ako sa kanyang leeg dahil may nakasabit doon na kulay silver na necklace. Plain lamang iyon. Simpleng puting T-shirt ang suot niya at pantalon na tamang tama lamang sa kanya.
"Problemado na ako Sky. Sana huwag mo nang dagdagan pa." malinaw kong' sabi sa kanya. Tinaasan lamang niya ako ng kilay kung kaya tumalikod na kaagad ako.
Alam kong' sumusunod siya sa akin ngunit nang makita ko ang iilang kakilala ay nawaglit na sa isip ko si Sky.
"Nandito ka, Kath!" agad akong sinalubong ni Sonya galing sa isang kausap. Ngumiti ako sa kanya ng titigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You look fab! Hindi ko inaasahan na mababasa mo ang invite ko sa email mo!" nagbeso sakin si Sonya.
"Sorry, I was busy kaya hindi ako nakareply." napatingin siya sa aking likod.
"Oh! Is that Sky Mondejar?"
Kapwa kami ni Sonya napatingin kay Sky. Napaawang ang labi ko na makita siyang titig na titig sa aking katawan at malamlam ang mga mata. Umangat ang tingin niya sakin kaya umiwas ako.
"Pinasama ni lola para may kasama ako." I explained.
"Ang hot niya. Sobra. Halika! Nandito ang mga kaibigan at classmates natin dati." Inimbita rin ni Sonya si Sky kaya ito sumunod sa amin.
Kung sa akin lang ay hindi niya na ako kailangang samahan dahil ayokong bumuntot siya sa akin ng ganito. Bumubundol ang kakaibang kaba sa aking dibdib habang nakakahalubilo ang iilang kaklase ko at kakilala.
"Kath, here is my husband, Mikel." pakilala ni Sonya sa kilala kong varsity ng aming school noon. Umawang ang labi ko at ngumisi sakin si Mikel.
"Long time no see, Kath." tumango ito sakin at may kinausap na ito.
"Sonya... He was your bully, right?" hindi ko na maiwasang itanong kay Sonya.
Makahulugang ngumisi si Sonya. "He bullied me because he likes me."
My mouth formed into "O".
"OMG Sonya, matagal na naming idol itong si Kathlyn, ikaw lang pala ang makakapagpapunta sa kanya dito sa atin! Kath! Ang ganda ganda mo na lalo!" halos makalimutan ko ang kakilala ko noon kaya hindi ko pa alam ang sasabihin ko.
"It's me... Aime! Yung' katabi mo sa upuan!"
"Oh! Aime! Ikaw pala iyan!" halos mabuhayan ako ng loob at halos hindi siya makilala dahil sa pinagbago ng katawan niya.
"Ano kaba. Umuwi si Kathlyn hindi dahil sa invite ko no!" si Sonya at dinagdagan pa ang inumin sa aking baso.
Ginala ko ang aking mga mata sa paligid at nakitang nag uuwian na ang iilang matatanda na may kasamang mga bata dahil siguro gabi na.
Iba ang selebrasyon dito sa probinsya kumpara sa siyudad. Noong nasa Maynila ako at kadalasan na mga kakilala ko na may mga birthday ay sa club ginaganap o di kaya ay intimate dinner with family. Dito naman sa probinsya ay sa bahay o sa gilid ng dagat. Ang mga bisita rin ay halos buong barangay ay puwedeng kumain kung kaya maging sa loob at labas ay may mga nakapwestong mesa at upuan.
"Dito tayo maupo Kath. Sorry ha? Pinainom kaagad kita ito pala pagkain. si Sky pala nandoon sa loob, may kakilala siya doon." nakapwesto kami sa labas ng bahay at sa harapan ko kaagad ay iilang plato ng lechon, kanin, mga ulam at mga panghimagas.
Natakam kaagad ako sa lechon kaya kumuha ako ng balat nito na malutong at kinain.
"Kath, maiwan muna kita rito kay Aime ha? Kailangan lang ako ng anak ko sa loob."
Sa malayo ay nakita ko ang mga ka close na kaibigan ni Charmaine noong college kami.
"Kath..." kinalabit ako ni Aime dahil iisang mesa kami.
"Alam mo ang panganay ko... sobrang idol ka. Nakikita niya ang mukha mo sa mga notebooks. Ginawa niyang collections." simula ni Aime.
"Wow... Salamat naman. Ilan na pala ang anak mo?" malalim na ang gabi at ramdam ko na ang nanunuot na lamig sa aking katawan.
"Tatlo na. Kasi noong nag graduate ako ay nabuntis ako kaagad ni Alex." kwento niya. "Ikaw? Ang ganda ng carreer mo ngayon. Alam mo ba nakipag away pa ako noon sa mga chismosa na nagchichismis sayo dito."
Uminom ako ng alak ulit at kumain sa pulutan. Naalala ko rin ang regalo ko para kay Sonya na nasa aking bag pa.
"Uh, eto... Nakipagsapalaran ako sa Manila at nag aral. Kaya eto..."
"Hmm... Alam mo aware rin ako sa mga nangyari sayo noon at kay Kael. Halos lahat dito alam Kath pero hindi kita hinusgahan kailanman kasi alam ko kung gaano ka kabait."
Ang aking paglinga linga kakahanap kay Sky ay natigil dahil sa sinabi ni Aime.
Kinagat ko ang aking labi. "Hindi ko rin masisisi ang mga tao Aime. Just let them talk bad about me. Hindi natin mapipilit ang taong ayaw sa atin. Isa pa... paano ko sila masisisi kung una palang ay ako rin naman ang may gusto ng ginawa ko? I love Kael so much." sabi ko at yumuko para kumuha ng pagkain.
Suminghap naman si Aime, nagulat ngunit nakahuma rin kalaunan.
"So, you really love him. Ang crush ng bayan?" she giggled at nagseryoso rin. "Well... I'm on your side Kath. At pasensiya kana kung nandito ang mga kaibigan noon ni Charmaine. Maybe Sonya invites them."
"It's okay. Ang tagal na noon." sabi ko at pareho kaming napatingin sa bagong dating dahil nagkaroon ng ingay dahil sa pagdating nito.
"Oh!" nagulat si Aime at napatingin sakin dahil sa pagdating ni Kael kasama ni Spike.
"Si Kael, Kath!" kinalabit pa ako ni Aime na tila ba hindi ko nakita.
Titig na titig ako kay Kael ng batiin siya ng magulang ni Sonya at iilang kilala. Alas nuebe na ng gabi kaya konti nalang kaming naririto.
Bumundol ang kaba sa aking dibdib at napatunganga sa kanya. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito at si Spike ang kasama niya?
Mapaglaro na nag high five si Spike sa mga kasama niya habang may sigarilyo sa kanyang labi. Si Kael naman ay nakasimpleng T shirt at pantalon lang. Habang magkatabi sila ni Spike ay mas lalong nakita ko ang pagbabago sa katawan ni Kael. Magkasing tangkad sila ni Spike. Ang alam kong height ngayon ni Kael ay 6'2. Mas nadepina rin ang kalakihan ng kanyang katawan ngayon. Napalunok ako ng biglang humalay ang aking pag iisip.
"Are you okay, Kath? Tawagin ko kaya muna si Sonya?" nag aalalang tanong ni Aime.
Umiling-iling ako at bahagyang ngumiti. "A-Ayos lang ako." alam ko na nag aalala si Aime dahil sa alam niya ang kung ano ang mayroon samin ni Kael. Ang ibang nasa mesa sa hindi kalayuan ay binati rin sina Kael.
Kitang kita ko kung paano nanabik ang mga babae sa kanilang pagdating kaya napabuntong hininga nalang ako.
Kael is just another version of Spike, nga lang, mapaglaro si Spike sa mga babae at pilyo. Hindi ko alam na close ang dalawa not until now.
"Kael...Spike!" nasundan iyon ng matunog na tawa ni Mikel. Agad na dumapo ang tingin sakin ni Kael sakin. Nawala ang kanyang ngisi at purong kaseryusohan akong tinignan.
Nagfist bump sila ni Mikel at Lukas ang siyang paglabas palang ni Sky sa loob ng bahay at nakita kung sino ang bagong bisita.
Spike chuckled at napatingin sakin at kay Sky.
Nang umusod si Aime ay nalaman ko kaagad na sa aming mesa ang pwesto nila Kael. Uminom ako ng inumin na nasa aking baso at naramdaman kaagad ang mainit na haplos sa aking tenga.
"How many glass have you finish?" Kael asked at naramdaman ko ang pag upo ni Sky sa aking kanan.
"Uh..." halos sakin nakatingin sila Sonya na bagong dating galing loob ng bahay at mga kasama nila Kael.
"Apat palang." halos namamaos kong sagot.
"Kael... Doon kana." pilit na isiniksik ni Spike ang kanyang sarili sa pagitan namin para siya ang makaupo sa aking kaliwa kaya walang nagawa si Kael kung hindi ang umupo sa aming harapan.
Humalukipkip siya at tumaas ang kanyang kilay habang madilim na tinititigan si Sky.
"Hay salamat natulog na ang mga anak ko at umuwi na ang mga matatanda! Kaya oras na para mag games!" Sonya announced excitedly.
"Sonya... " saway ni Mike sa kanya.
"Ano ba? Minsan lang naman to. You guys looks so stiff and icy kaya kailangan natin to! Hindi porke nagkapamilya na tayo at may kanya kanyang carreer ay hindi na tayo puwede mag ganito!"
"Bakit ano ba iyan?" hindi na maiwasang itanong ni Aime kay Sonya.
"Eto! Lucky naughty scratch tickets!" may nilabas si Sonya na garapon at umawang ang labi ni Aime.
"Kung nandito lang si Charmaine ay magugustuhan niya iyan."
"Ano? Game na boys?" Sonya asked and announced the mechanics.
"Ganito, itong isang garapon ay mga pangalan natin. Ang isa pa ay mga naughty dares. Kung hindi bet ang dare ay puwede ka magtruth! Tulad na...example! Unang bunot ni Aime sa tickets ay pangalan ni Spike at hindi kay Alex.. Bubunot siya sa isang garapon na may mga dares. Kung nabunot niya ay "Kiss" kailangan niyang ikiss si Spike-"
"No way... sapakin ko si Spike." angal agad ni Alex kaya kinurot siya ni Aime.
"Ew...." ani Spike at humithit sa kanyang sigarilyo. Si Kael naman ay uminom sa kanyang inumin na kakalapag lang. May dumating pang dalawang babae na isinali sa games ni Sonya.
"Kung ayaw niyang ikiss dahil nga may asawa na puwede siya mag truth! Ganoon!" dagdag ni Sonya.
"I'm in..." Sky said coldly. Huminga ako ng malalim at uminom ulit at sa namumungay na mga mata ay tinitigan ko si Kael. Our eyes met.
"Ikaw Kael? Tahimik ka ah?" tila may panunudyo sa boses ni Mikel.
"Baby... you want me to join?" instead Kael asked me! Halos maibuga ko ang iniinom at agad naman akong inabutan ng tissue ni Aime.
Humagikhik si Sonya. "Oopps!" at sinapo ang labi. Hinalikan ni Mike ang pisngi niya.
"Oh, baby raw oh! Insan! Payagan mo na!" tudyo ni Spike kaya tinaliman ko siya ng tingin.
"P-Puwede naman.." sagot ko.
"Ayon! All set!" pumalakpak si Sonya.
"Ano ba prize neto?" tanong ni Aime.
"Meron 'tong prize ha. Isang date sa mananalo. Libre lahat. Hotel at kakainin. Kung saan niyo man gusto. Kung ako manalo edi makakadate kami ni Mikel." ngumisi si Sonya at nagsimula na siya sa kanyang pa-games kuno sa amin.
Napagdesisyunan namin na si Spike ang unang bumunot at ang lumabas na pangalan ay si Laila, ang bagong dating na isinama sa games.
"Yun!" masayang bumunot sa isa pang garapon si Spike para sa dare kaya nagsitawanan ang iilan dahil ang nakuha nitong dare ay " Slap".
"Daya." tsaka siya nanigarilyong muli. Umiwas ako at naramdaman ang paglapit ni Sky sakin.
"Sabihin mo lang kung inaantok kana." bulong nito kaya tumango ako. Naabutan ko ang matalim na tingin ni Kael sa aming dalaw ana tila ba may kasalanan kaming nagawa.
Mas lalo akong kinabahan. He never change. He's still the Kael I have knew. Kahit ilang taon na ang lumipas. Kahit na itinaboy ko na siya noon ay hindi parin nagbago ang pagtingin niya sakin. Ganoon rin ako sa kanya.
But... the sun and the moon don't have a chance to meet. It's forbidden.
~~~
Author's note: Bitin ba? Nalilito dahil hindi kumpleto? Magpamember na sa aking vip page para mabasa lahat ng aking update! Habol na sa promo! May updates narin doon sa Thanos Montediajo series 1. Pm me on the fb link below.
https://www.facebook.com/share/1BSyqHc2sg/
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz