ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 35

frezbae

Nakauwi ako ng alas tres ng madaling araw. Hindi nagtanong si mama dahil narin siguro na nasa tamang edad narin naman ako.

Halos hindi ako makapaniwala sa nangyari. Halos sapukin ko ang sarili dahil sa mga nagawa. Kahit ang tagal na naming hindi nagkita ay hindi nagbago ang aking naramdaman. Masaya ako dahil siya ay ganoon rin.

Ganadong ganado ako kinabukasan dahil kailangan kong' umattend sa isang event ni Ma'am Glenda. Invited ako doon at doon rin namin pag uusapan ang projects na gagawin ko.

Bumaba ako hagdan at nakita si mama na nagkakape. Ako ay nagulat dahil hindi kami minsan nagkikita dahil sa busy ng schedule ko.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya at umiling. Ako naman ay umiwas at tinungo na ang kusina para makapagtimpla ng kape.

"Morning," bati ko sa kanya kahit hindi nakatingin.

"Aalis ka?" tanong nito.

Gumawa ako ng coffee at tumango sa kanya. "Kilala mo si Ma'am Glenda? Pupunta ako ngayon sa kompanya niya. May event po."

"Ah! Iyong gustong gusto mong kompanya. Ibig sabihin tanggap kana?" may saya sa kanyang boses bago siya sumimsim sa kanyang kape.

"Opo ma," umupo ako sa kanyang harapan at kanyang inalok ang kanin at ulam na kanyang niluto.

"Kumain ka muna. Mahirap magtrabaho na walang laman ang tiyan."

"Gagawa nalang ako ng sandwich. Hindi po muna ako magrice." sabi ko at umiwas na naman kapag naalala ko ang nangyari kagabi!

Isang malaking gulo na naman iyon kapag malaman ni mama!

"Nagpapaganda kapa ng katawan e.. Maganda narin naman iyan noon pa. Manang mana sa akin." she proudly said bago siya tumayo. "Mauuna na ako. Marami ngayong pasyente si Doc Magno kaya dapat agahan ko. Baka gabi narin ako makakauwi." aniya.

Dahil narin sa sinikap ni mama na makaalis sa bar na kanyang dating pinatatrabahuan ay nakahanap siya ng matinong trabaho. Dalawa kami ang nagpapadala sa probinsiya.

Dahil narin sa pagmamadali ay hindi ko na naisip pa ang mga nangyari kagabi ngunit ang kaba ay nananatili sa aking dibdib.

Sumakay ako ng taxi at tumunog ang aking cellphone dahil sa tawag ni Charmaine.

"Hello-"

"Hey! Nasaan kana? Nandito ako sa event ni ma'am Glenda. You have a chika for me ba?" tudyo nito sa akin.

Kinagat ko ang aking labi ng makitang traffic. "On the way na. Traffic lang."

"Iniiwasan mo ang tanong ko ha. Mukhang may nangyari."

Umungol ako at ngumisi. "Shut up, Maine. W-Wala no. Malapit na ako."

"Nabulol pa nga! Sige! Hintayin kita!"

Pagkadating ko sa company ni ma'am Glenda ay binati kaagad ako ng mga kilala kong' models. Nakita ko si Charmaine na may kinakausap na lalaki at kumaway sa akin.

"Bakit iyan ang sinuot mo? Alam mo namang' bold and fierce ang brand ni ma'am nag baby pink dress ka? Goodness, Kath!"

Hindi ko na siya pinakinggan dahil ginala ko na ang aking paningin sa venue. Sa loob mismo ng company ang venue kaya kitang kita ko ang mga model ng brand ni ma'am Glenda.

Ngumisi ako kay Maine. "Halika na sa loob!" hinila ko siya paloob at nagsisimula na nga. May mga nakaupo sa mga mesa na naka coat and tie. May mga babae na nakaupo rin at naka formal attire.

Pinisil ko ang kamay ni Maine. "This is a dream come true!" sabi ko na may galak sa dibdib.

"I'm so proud of you! Prepare! Baka tawagin ka!" sabi sakin. Nasa gitna si ma'am Glenda at nagpalakpakan kami. Akala namin ay tapos na ngunit...

"And here I am here, excitedly, announce that I am eyeing a woman a long time ago para sa aking skin care products. Ngayon ay masaya ako dahil ito na ang tamang panahon dahil nagkaroon na siya ng extrang time! And here she is!" anito at bigla akong tinuro. Pumalakpak siya na tila ba excited kaya tinitigan ako ng lahat.

Napasinghap ng malakas si Maine at tinulak na ako palapit sa stage.

"Oh my God!" sabi ko at parang lumulutang na lumapit doon at ginanap ni ma'am Glenda ang aking kamay.

"Ang pretty pretty mo naman hija!" puri niya sakin at humarap sa maraming tao.

"Everyone, I will grab this opportunity to introduce the new model of my brand. Everyone, Kathlyn, she will model my brand." nagpalakpakan ang lahat kaya ngumisi ako. Hindi ko alam ang gagawin lalo na ng ibigay sakin ni Ma'am ang hawak na microphone!

"Uh... Thanks everyone. Thanks ma'am Glenda for the opportunity. I will do my best and looking forward for our success."

Phew! Halos pawisan ako ng kunin sakin ang mic at nagsalita ang MC!

Nagsimula kaagad ang party at kainan matapos ang pagpapakilala ni Ma'am Glenda sa akin. Nilapitan ako ni Maine.

"Wow! Grabe! Sana tuloy tuloy na ito, Kath!"

"Sana nga, Maine!"

Hinila niya ako sa isang mesa. Nang uupo na sana kami ay hindi sadyang may nabangga akong lalaki!

"Oh! Sorry po!"

Nang aking tignan ang mukha ay nagulat ako!

Maski si Sky ay nagulat at natulala sa akin. Hawak niya ang aking braso upang hindi ako tuluyang madapa o anumang pwedeng mangyari.

His hand was gripping me tight! Kitang kita ko ang ugat doon.

Ang kanyang buhok ay umaalom alon na mahaba ngunit nakahalf ponytail iyon!

Nakaawang ang kanyang labi at madiin na nakatitig sa akin!

"S-Sky?" hindi ako makapaniwala!

Inayos niya ako ng pagkakatayo. Maging si Maine ay natulala rin kay Sky.

"Uh....L-Long time no see." sabi ko.

He nodded and looked our table. Tinawag niya ang waiter upang bigyan kami ng pagkain at tubig.

"Mag isa ka?"

Tumango ako at umiwas. Si Maine naman ay nag cecellphone na.

"Uuwi rin ako mamaya. Ikaw?" hindi ko maiwasang magtanong lalo na alam kong' anak parin siya ng tita ko.

"I have a meeting later. Do you want something else?" tanong niya pa. Hindi ko maiwasan ang pagpuna sa pagbabago sa kanya. Sa mukha lalo na sa pisikal.

"W-Wala na. Uuwi narin naman ako mamaya." nagkatitigan kami ni Maine.

"My fiance will pick me up later. Saan ka sasakay?" may pekeng pag aalala sa boses ni Maine ngunit batid ko ang kanyang panunukso.

She mouthed me "Hot!" kaya inirapan ko siya.

Mariin akong tinitigan ni Sky at malamlam akong nakatingala sa kanya.

"I can cancel my meeting and drive you home." anito kaya hindi ako makapaniwala!

"No! No! No! I'm okay. Kaya ko naman nagtaxi." tanggi ko ngunit kinurot ako ni Maine. Mariin kong tinitigan si Maine.

"Huwag ka nang tumanggi Kath. Nagmamagandang loob ang pinsan mo tsaka ngayon lang kayo nagkita ulit."

Kinagat ko ang aking labi. "S-Sige." tsaka ako may natanggap na message mula sa isang unknown number. Ngunit alam kong' si Kael ito.

Damn!

~~~

Author's note: Message me on the link below for more chapters! Be a member of my VIP and read my novels everyday! Pm me on the fb link below!

https://www.facebook.com/share/1FtkDJgx6m/

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz