ZingTruyen.Xyz

Drastic Measures

chapter 33

ljArci

Mula sa bahay namin ay sa isang eksklusibong hotel ako dinala ni Franz.

Mabilis namang nakasunod agad sa'min sina Kuya Igop at Tyron.

Kinakabahan na excited ako sa nakatakdang mangyari pero ang pinaka-excited yata ay si Tyron.

"Ikakasal ka na."
Di ko na mabilang kung pang-ilang ulit na nito akong nasabihan niyan.

Simula nang makapasok kami sa lobby ng hotel ay iyan nang bukambibig nito at talagang may kasama pang hagikhik sa dulo na para bang ito iyong pinaka-excitement na mangyayari sa buhay ko.

"Naghihintay na si Judge Guirrermo sa penthouse," anunsiyo ni Franz habang nasa elevator kami.

"Personal mong kakilala si Judge Guirrermo?" kunot-noong tanong ni Kuya Igop.

Mukhang kilala nito ang binanggit na judge ni Franz.

"He's a family friend," tugon ni Franz.

"Mukhang napaghandaan mo talaga ang araw na ito," naiiling na wika ni Kuya Igop. "Masyadong hectic ang schedule ng isang Judge Guirrermo para lang magpunta rito sa Cebu at ikasal ang isang kakilala."

"This is just a mere coincidence, si Mayor Reb talaga dapat ang magkakasal sa'min kung hindi ko lang nalamang nandito si Judge Guirrermo."

Hindi na muli pang nasundan ang usapan nila dahil narating na namin ang penthouse at agad sumalubong sa mga mata ko ang magarang ayos ng buong lugar.

Diretso sa penthouse ang elevator na sinasakyan namin at nang bumukas ito ay red carpet agad ang bumungad sa'min na may kasama pang mga desinyong bulaklak sa paligid nito.

Para talaga itong aisle na nilalakaran ng ikakasal.

Pagkalabas namin ng elevator ay dalawang unipormadong babae ang lumapit sa'kin. Iyong isa ay nag-abot ng fresh flowers bouquet at iyong isa naman ay may inilagay na belo sa buhok ko.

Inayos ito sa paraang natatakpan ang kalahating mukha ko at nagmukha akong ikakasal talaga sa kabila ng suot kong simpleng puting bestida.

Ikinapasalamat ko na lang talaga at naisipan kong nag-ayos sa araw na ito para sa pamamanhikan at bumagay ang suot kong classy dirty white casual dress na hanggang tuhod sa okasyon.

"Ang ganda mo na, Ate Julie," puri ni Tyron sa'kin na may kasama pang palakpak.

Parang gusto kong ma-touch dahil sa unang pagkakataon ay nagandahan sa'kin ang basher kong ito at tinawag pa akong Ate.

Mukhang malaki ang dalang pagbabago sa hitsura ko ng isang simpleng belo.

Magsusuot na lang kaya ako ng belo araw-araw.

Para akong nasa panaginip habang dinadaos ang seremonyas ng kasal na isinagawa ng may edad na judge.

Si Kuya Igop, ang dalawang assistant ni Franz at secretary ni Judge Guirrermo ang tumayong witness sa nangyaring kasalan.

Maluha-luha ako nang magpalitan na kami ng singsing ni Franz.

Nagulat ako dahil may nakahanda pa talaga siyang singsing.

"Lagi kong dala-dala ang mga ito, just in case," nakangiti niyang paliwanag nang makita ang gulat kong ekspresyon.

"Masyadong napaghalataang naghahanap lang ng pagkakataon para sa oras na ito," kantiyaw ni Kuya Igop.

"Mahirap na baka bigla akong takbuhan," sagot ni Franz habang nakapaskil pa rin sa mukha ang masayang ngiti.

Matapos inanunsiyo ang pagiging mag-asawa namin ni Franz ay una-unsng pumalakpak si Tyron.

"May isang pangit na naman ang aalis ng compound!" tuwang-tuwa pa nitong pahayag habang mas nilakasan ang palakpak.

Wala akong naramdamang inis o pagkapikon sa muli nitong pagtawag ng pangit sa'kin dahil puno ng kapanatagan ang puso at isipan ko ngayong mag-asawa na kami ni Franz.

"Mahal na mahal kita, Juls,"puno ng damdaming usal ni Franz nang magtagpo ang mga mata namin.

Nakangiti kong tinanggap ang pagbati mula sa iilang saksi ng kasal namin.

Hindi man ito ang pinangarap kong kasal pero sa pinangarap kong lalaki naman ako naikasal kaya bawing-bawi na rin tutal nakatakda na rin naman ang kasal namin sa simbahan.

"I'm impressed," nakangiting wika ni Judge Guirrermo nang hinarap namin ito matapos pasalamatan ang mga bumati.
"Akala ko noon ay nagbibiro ka lang no'ng tanungin mo ako kung ano ang pinakamabisang paraan upang matali ang isang babae sa'yo," natatanawang pagpapatuloy nito.

"Desperado na ako noon, Ninong." Magaang tumawa si Franz habang pasimleng inilingkis ang isang braso sa baywang ko.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at tanging tipid na ngiti lang iyong ibinigay ko kay Judge Guirrermo na sa pagkaintindi ko ay ninong ni Franz.

"As I can see, sinunod mo iyong isa sa mga payo ko," tumatawa pa ring tugon ni Judge Guirrermo.

"Correction, Ninong... iyong dalawang payo ni'yo po ang sinunod ko para sigurado. You know, I have to do some drastic measures to be sure," makahulugang sagot ni Franz.

Bahagya akong napatitig sa masaya niyang mukha dahil sa nabanggit niyang drastic measure.

Sounds familiar kasi dahil iyon din ang naisip kong gawin upang masilo siya noon.

"Well, imbetahan mo na lang ako sa binyag," magiliw na sagot ni Judge Guirrermo. "I have other appointments, mauuna na ako sa inyo. Again, congratulations to the both of you."

"Thank you po," kimi kong pasasalamat nang dumako sa'kin ang pansin nito.

Medyo nalilito pa rin ako roon sa binanggit niyang binyag pero mas ukopado ang utak ko ng nabanggit ni Franz na dalawang payo ng ninong niya na kanyang sinunod.

Isa pa lang iyong malinaw kaya napaisip ako kung ano iyong ikalawang payo? Bakit may nabanggit na binyag?

Nang makaalis na si Judge Guirrermo at ang kasama secretary nito ay umalis na rin ang dalawang assistant ni Franz kaya naiwan kami kasama ang dalawa kong pinsan.

"Paano ba iyan? Kailangan ni'yong ipaalam sa lahat itong nangyaring kasalan ngayon," nakataas ang kilay na wika ni Kuya Igop.

Pareho naming alam na ang tinutukoy niyang lahat ay ang bawat pamilya namin ni Franz.

Sa totoo lang ay nakadama ako ng kaba sa magiging reaksiyon ng pamilya ko.

Paano kong biglang magalit si Daddy at magpasya itong hindi na ituloy ang nakatakda naming kasal ni Franz at paglayuin kami.

"Doon tayo tutuloy ngayon, kakausapin ko ang pamilya ni Julie," desididong pahayag ni Franz.

"Sige, mauna na kami roon para makakuha ng magandang pwesto sa palabas na mangyayari," tumatawang wika ni Kuya Igop.

"Saan tayo mauuna , pare kong pogi?" makulit na tanong ni Tyron nang hilain ito ni Kuya Igop palabas.

"Uuwi tayo, may live mamaya sa bahay ni Ate Julie mo," tugon ni Kuya sa tanong ng paslit.

Hindi na namin narinig ang tugon ni Tyron dahil lumulan na sa private elevator ang dalawa at naiwan kami ni Franz na hinatid sila ng tanaw.

Nang mapag-isa kami ni Franz bahagya siyang yumuko sa'kin upang magtagpo ang mga mata namin.

"Don't worry, Juls... I got this, matutuloy pa rin ang honeymoon natin." Pabulong niyang binigkas iyong huling mga kataga sa tapat ng tainga ko.

Para akong kinikiliti sa tono ng pagsasalita niya.

Kahit kinakabahan ako sa nakatakda naming pagharap sa pamilya ko ay nakadama pa rin ako ng excitement para sa nabanggit niyang honeymoon.

May pa-sample na kami kahapon at kagabi kaya may ideya na ako kung ano ang aasahan ko sa honeymoon.

Wala pa man ay pinanginigan na ako ng mga binti.

Bahagya akong napaigtad nang bahagyang pumisil sa baywang ko ang kamay ni Franz habang lantarang ipinahayag ng mga mata niya ang pananabik sa nakatakdang maganap sa'min sa oras ng honeymoon.

Parang gusto kong mag-request na unahin muna namin iyong honeymoon kaysa pagharap sa pamilya ko baka maunsyami pa ito.

"Are you ready?" untag ni Franz sa naglalakbay kong diwa.

"Sa honeymoon, oo," wala sa sarili kong anas na umani nangngiti sa mapupula niyang mga labi.

"I'm glad," aniya. "Pero hindi para riyan ang tanong ko. Gusto kong malaman kung ready ka na bang harapin ang pamilya natin," naaaliw niyang paglilinaw.

"Eh sa mas excited ako roon sa honeymoon kaysa riyan?" pairap kong sagot upang itago ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa pagkapahiya.

"Excited na rin ako... kapag makabuo na tayo ay plansado na ang dalawang payo ni Ninong na sinunod ko upang tuluyan kang matali sa'kin,"pabulong niyang tugon.

Kunot noo kong sinalubong ang malamlam niyang mga titig habang pinakiramdaman ang mabining paghaplos ng malaki niyang kamay sa impis kong tiyan.

"Ayon kay Ninong, para siguradong maitali kita sa'kin ay dapat daw kitang pakasalan o anakan, iyong dalawa na ang ginawa ko para sigurado."

Maang akong napatitig sa mukha niya. Ito ba iyong tinutukoy niyang drastic measures? Talagang drastic nga!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz