ZingTruyen.Xyz

Drastic Measures

chapter 32*

ljArci

Nang tumino sa isip ni Sabrina na wala na itong aasahan pa mula kay Franz ay patakbo itong umalis habang humihikbi.

Nakasimangot kong pinanood ang papalayo nitong bulto.
Tinaon pa talaga nitong umiksena sa mismong pamanhikan sa'kin ni Franz.

"Juls-"

Marahas kong hinarap si Franz at sinamaan nang tingin kaya nabitin ang sasabihin sana niya.

"Galit ka sa'kin," pabuntonghininga niyang pahayag.

"Buti alam mo!" sikmat ko sa kanya. "Alangan namamg matuwa ako dahil sa ginawa ng ex mo."

"I'm sorry about it. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Buong akala ko ay malinaw na sa kanya ang relasyon nam-"

"Anong relasyon?" putol ko sa pagsasalita niya. "Gago, wala kayong relasyon!" Pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Okay," sumusuko niyang sagot. "Akala ko ay malinaw na sa kanya ang kawalan namin ng relasyon o ugnayan sa bawat isa. Happy na?" Inikutan pa niya ako ng mga mata matapos ang huling sinabi.

"Hangga't may umali-aligid na ex mo ay hindi pa rin ako magiging okay," nakairap kong sagot.

"Pakasalan mo na lang kaya ako," suhestiyon niya.

"Pakakasalan naman talaga kita," nakasimangot kong sagot.

Kung iniisip niyang may kawala pa siya sa'kin, p'wes nagkakamali siya!

"Final answer?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Saglit akong natigilan dahil sa kakaibang kislap na nakikita ko sa mga mata niya.

"Kung iniisip mong magbabago pa ang sagot ko ay hindi na iyon mangyayari," mariin kong sabi.

Nagtaka ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan akong giniya patungo sa pintuan ng terrace palabas ng bahay namin.

"Aalis tayo?" tanong ko sa kanya habang nagpaubaya sa paghila niya papunta sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.

"Papakasal na tayo," nakangiti niyang sagot sa'kin.

"Ano?!"

Sabay kaming napalingon ni Franz sa pinanggalingan ng maliit na boses na sumingit sa usapan namin. Naunahan pa akong mag-react!

Napakurap-kurap akong napatitig sa maliit kong pinsan na nakapamaywang na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Franz.

Hindi ko pa lubusang naproseso ang sinabi ni Franz kaya lagpas-lagpasan ang tingin ko sa bubwit kong pinsan na si Tyron na animo'y malaking mamang hinuhusgahan ako ng tingin.

"Tatakas kayo para magpakasal?" mapagbintang na tanong pa nito na parang isang malaking krimen ang gagawin namin.

"Oo nga, seryoso?" baling ko kay Franz nang tuluyan kong maintindihan iyong huli niyang sinabi.

"Para makampante ka na iyong-iyo na talaga ako," walang kakurap-kurap na sagot ni Franz.

"Papakasal talaga tayo? Agad-agad?"pigil-hininga kong tanong.

Parang tatalon iyong puso ko sa lakas ng kabog nito dahil sa nakatakdang mangyari.

"Matagal ko nang pinaasikaso ang kakailanganin nating papers simula no'ng pinangako kong pakakasalan kita. Tama pala ang ginawa ko dahil magagamit ko ang mga iyon ngayon."

"Hindi ba natin sasabihin doon sa iba?" seryosong singit ni Tyron sa usapan namin.

"Paanong kasali ka?" ismid ko rito.

"Kasi iimbetahan mo ako sa kasal mo, pangit," mayabang nitong sagot at iniliyad pa ang dibdib.

"Ayoko nga," mabilis kong tanggi.

"Isusumbong ko kayo," banta nito sa'min.

Bigla akong naalarma dahil tiyak tututol iyong pamilya ko dahil napagkasunduan nang after three months iyong kasal.

"Ito naman, di na mabiro." Hilaw akong tumawa sabay yuko upang pisilin ang pisngi ng bubwit kong pinsan.

"First time ko 'to na makakita ng pangit na ikakasal," irap nito.

Ang sarap panggigilan ng pisngi ng tsanak dahil balahura iyong bibig.

"Imbetado ka na kaya tigilan mo na ang kakalait sa'kin," nandidilat kong sabi rito.

"Paano naman ako? Imbetado rin ba ako?"

Parang gusto kong sabunutan ang sariling buhok nang panibagong boses na naman ang nakikisali.

"Kuya Igop..." nayayamot kong sambit sa pangalan ng bagong dating.

Ang malas naman oh! Kung kailan ay parang napikot ko na si Franz ay biglang nagsulputan ang mga kontrabida sa buhay ko.

"Buti at nandito ka, pare kong pogi. Tatakas si pangit at papakasal siya rito sa crush niyang napilitang i-crush back siya," bibong pagbabalita ni Tyron kay Kuya Igop.

Mahinang tawa si Kuya Igop sabay yuko at binuhat ang matabil naming pinsan.

Minsan talaga ay nakakalimutan kong maglilimang taong gulang pa lang itong si Tyron dahil talo pa nito ang matanda kung makipag-argumento.

Ngayong karga-karga ito ni Kuya Igop ay tsaka ko lang napagtantong baby pa talaga ito pero sarap nang ibitin patiwarik minsan.

"Papakasal kayo? Hindi ba may schedule na ang kasal ninyo?" seryosong baling ni Kuya Igop sa amin ni Franz.

Mas matanda ng ilang taon si Franz kay Kuya pero 'di kakitaan ng intimidasyong nakipagsukatan ito ng tingin sa fiance ko.

Fiance now, husband later! Ito iyong bunga ng mga mapangahas at marahas kong hakbang upang tuluyang mabitag ang lalaking matagal ko nang pinapangarap.

"Something came up and I don't want Juls to have any doubts about her place in my life, so I'll give her something that will solidify her claims on me," matatag na pahayag ni Franz.

"So, you'll marry her without telling her family?" walang emosyong tanong ni Kuya Igop.

Pilit kong hinuhuli ang mga mata nito at nang saglit na nagtama ang paningin namin ay pasikreto ko itong pinandilatan.

Huwag kasi siyang kontrabida sa love life ko kahit ngayon lang. I deserve this, kaya huwag siyang epal!

"Pangit, bakit ganyan ang mga mata mo? Huwag mong lakihan masyado," inosenting komento ni Tyron.

Ang dami talagang napapansin ng bulating ito! Mabuti pa ito, 'di tulad nitong pinatungkulan ko na deadma lang na para bang mas ikinapogi nito iyon!

"You're her family, and I'm telling you now that I'm taking Julie to marry me, today,"mahinahong wika ni Franz habang diretsong nakatingin kay Kuya Igop.

Mabuti na lang at di niya binigyang pansin ang mga pinagsasabi ng batang bulati.

Saglit na tumahimik si Kuya Igop habang pinag-aralan ang mukha ni Franz.

Medyo nakaramdam din ako ng kaba dahil baka maunsiyami ang ora-oradang kasal.

"I'm all in pagdating sa pagpapakabaliw dahil sa pag-ibig, so... lets go." Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kuya Igop na sinabayan ng masayang cheer mula sa karga nitong si Tyron.

Nakahinga ako nang maluwag. Napatingin ako sa mukha ni Franz nang bahagya niyang pinisil ang kamay kong hindi niya binitiwan simula pa kanina.

"Are you ready, soon to be Mrs. del Rio?" nangingislap ang mga mata niyang tanong.

"Matagal na kaya back to you , Mr. del Rio," malaki ang ngiti kong tugon.

"I'm more than ready,"masaya niyang sagot.

Napasinghap ako nang kabigin niya ako payakap sabay bihag sa nakaawang kong mga labi.

Mabilis ang ginawa kong tugon kaya agad na naging mapusok ang pagkakalapat ng mga labi namin.

"Patay, kinakain na ni pangit ang crush niya."

Mabilis akong napahiwalay kay Franz dahil sa narinig na sigaw ni Tyron.

Nakapangalumbaba itong nakadungaw sa sasakyan ni Kuya Igop habang nakatingin sa direksiyon namin ni Franz.

"Ang sarap talagang busalan ng bibig ng bulating bata," himutok ko.

"Just don't mind him, pangit man ang tawag niya sa'yo ay ikaw naman ang nag-iisang maganda sa paningin ko na sa sobrang ganda ay di lang iilang beses akong muntik nang bumigay sa mga pang-aakit mo noon," pabulong na sabi ni Franz sa tapat ng tainga ko.

Mabilis na nawala ang pagkayamot ko at napalitan ng nakakakiliting sensasyon.

Simula no'ng may nangyari sa'min ni Franz ay mabilis na nagre-react ang katawan ko kahit sa mga simple niyang aksiyon tulad ng pabubulong-bulong niya ngayon.

"Halika na, pakasalan mo na ako para honeymoon na agad," pilya kong pahayag.

"Kaya mo na ba ang magdamagan?" nang-aakit niyang tanong.

"Kinaya kita kagabi," mayabang kong tugon.

"Iba ngayon, nagpipigil pa ako kagabi."

Mulagat akong napatitig sa gwapo niyang mukha dahil di ko lubos maisip na nagpipigil pa pala siya sa lagay na iyon gayong muntik na niya akong balian ng balakang sa sobrang panggigigil niya.

Paano pa kaya kung di na siya magpigil? Tiyak na malulumpo ako nito nang wala sa oras.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz