ZingTruyen.Xyz

Drastic Measures

chapter 34

ljArci

Nang makabalik kami ni Franz sa bahay ay tanging ang mga pamilya na lang namin ang naroon.

Nagsiuwi na ang ibang mga bisita at maging sa hanay ng mga Ramirez ay sina Kuya Igop at Tyron lang ang naabutan namin.

Magkahawak kamay kami ni Franz na pumasok ng bahay at bumungad sa'min na masayang nag-uusap ang pareho naming mga magulang sa sala.

Nang mapadako ang tingin ng mga ito sa pagdating namin ay sigurado akong may kakaiba silang napansin sa awra namin dahil bumukas agad ang mga katanungan sa bawat mukha nila.

"We're married," bigla ay anunsiyo ni Franz sabay taas ng magkahugpong naming mga kamay upang ipakita ang suot kong singsing.

Napasinghap ang mga ina namin habang napamura naman ang daddy niya. Wala akong mabasang emosyon sa seryosong mukha ni Daddy kaya bigla akong kinabahan.

Basta tahimik ang isang James Ramirez ay mas mapanganib ito. Ganyan na ganyan si Daddy kapag may kalaban sa negosyong gustong pabagsakin.

"What do you mean you're married?" mariing tanong ng daddy ni Franz kaya nabaling dito ang atensiyon ko.

"I just realize that I can't wait for other months for the wedding," 'di tumitinag na tugon ni Franz.

Mula sa pagkakataas ay ibinaba niya ang pagkakataas ng kamay namin pero pinatili pa rin itong magkahugpong.

"Napapansin kong napapadalas ang pagbabago ng mga desisyon," malamig na wika ni Daddy. "Sana ay 'di ako magigising isang araw na nagbago na rin pati nararamdaman mo para sa anak ko."

Kahit kalmado ang pagsasalita ni Daddy ay malibaw ang pagbabantang kaakibat ng bawat kataga.

"Tatlong taon pong pasidhi nang pasidhi ang nararamdaman ko para sa anak ninyo. Sa loob ng mga taong iyon ay walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ay ang itali siya sa'kin pero no'ng una ay mas pinili kong iparanas sa kanya ang kalayaang i-enjoy ang pagiging estudyante na hindi nakatali sa'kin kahit labag ito sa kalooban ko. Pero nitong mga nakaraang araw ay nanaig ang tunay kong damdamin, ayaw kong mawalay pa kahit saglit sa'kin si Julie at isaalang-alang ang posibilidad na may ibang lalaking lalapit sa kanya."

Dire-diretso ang pagsasalita ni Franz habang walang kakurap-kurap na sinalubong ang mga titig ni Daddy.

Awang ang bibig lang akong nakatingin sa seryoso at gwapo niyang mukha. Ramdam ko kung gaano ka-intense ang damdamin niya para sa'kin at gustong-gusto ko siyang halikan ngayon mismo pero pinigil ko ang sarili.

Ayaw kong maalarma ang mga magulang namin dahil sa sobrang wild ko. Di na nila kailangan pang malaman na nabiyak na iyong pakwan at ako'y labis na nasarapan.

"Parang 'di ko yata nagugustuhan ang ideyang hinahangad mo na ang anak ko kahit noon pa mang minor de edad pa ito," matalim na pahayag ni Daddy.

Nabaling ulit dito ang atensiyon ko. Bahagyang naningkit ang mga mata nitong pailalim na tinitigan si Franz.

"My intention to your daughter is pure, Sir. Alam ko po ang pwede at 'di ko pwedeng gawin sa mga panahong iyon,"sensirong sagot ni Franz.

Nagsukatan sila ng tingin ni Daddy habang nagpalipat-lipat naman ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Matapang ako pero sa pagkakataong ito ay pinagpawisan ako sa kaba at tensiyon.

"Pare,"mahinahong tawag ng daddy ni Franz sa atensiyon ng ama ko. "I know my son, he's firm on his morals. Nasisiguro kong wala siyang ginawang labag sa moralidad habang masyado pang bata si Julie," pagtatanggol nito sa sariling anak.

Tama naman ito, kahit anong pagpapapansin ang ginawa ko noon ay matalim na tingin lang ang naani ko. Hindi halatang baliw na baliw na si Franz sa'kin noon pa man.

"Hinintay lang niyang tumuntong sa tamang edad, pare," paingos na tugon ni Daddy. "Pinahinog lang ng magaling mong anak tapos biglang pinakasalan nang wala tayong kaalam-alam."

"Daddy, maging kasaya na lang kayo sa'kin," pakikisabat ko. "Hindi na ako magpakahirap na pikutin siya dahil kusa na niya akong pinakasalan."

Pasimple kong pinandilatan si Daddy. Gusto kong ipaalala sa kanyang siya iyong natatangi kong supporter sa paghahabol ko kay Franz dati habang puro pang-aasar ang natanggap ko mula sa mga kapatid ko at sermon naman mula kay Mommy.

"Masyado ka talagang baliw sa lalaking iyan," napairap na sabi ni Daddy. "Di mo man lang napansing ikaw na iyong pinikot."

"Hindi niya po ako pinikot. Nag-effort din kaya ako para lang tuluyang makasal kay Franz."

Mula sa pa-subtle kong pang-aakit noon hanggang sa mas marahas kong hakbang ay pinaghirapan ko iyon.

At idagdag pa ang tiniis kong hapdi no'ng unang may nangyari sa'min ay masasabi kong todo-effort talaga ako! Hanggang ngayon medyo ngalay pa kaya ang mga hita at ang balakang ko dahil sa effort-effort na iyan! Pero worth it naman dahil maliban sa masarap na kinahahantungan ay ngayon legal na kaming mag-asawa ni Franz.

"Ayokong isipin kung anong mga kalokohan ang tinutukoy mong effort," pabuntong-hiningang saad ni Mommy.

"I guess, congratulations are in order," nakangiting pakikisali ng mommy ni Franz.

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang masaya naman ito at tanggap na ang nangyari.

"Congratulations to both of you," magiliw na dagdag ng mommy ni Franz. Tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan namin at mahigpit akong niyakap. "Welcome to our family, Julie."

"Thank you po, Tit—"

"Call me mommy," sansala nito sa tawag ko sana sa kanya.

"Salamat po, Mommy."

Ang sarap sa pakiramdam na mommy na rin ang tawag ko sa ina ng lalaking mahal na mahal ko.

"Congrats, baby," maluha-luhang salubong sa'kin ni Mommy matapos akong pakawalan ng ina ni Franz.
"Inunahan mo pa ang mga kuya mo."

Niyakap din ako nito nang nahigpit at may kasamang kurot na tinawanan ko lang.

Nang pakawalan ako ni Mommy ay sumalubong sa'kin ang istriktong mukha ni Daddy.

"Ikaw pa rin ang superhero ng buhay ko. Solid tayo,"malambing kong sabi rito.

Ako na mismo iyong yumakap sa kanya.

"So, ano pala ang asawa mo kung ako ang superhero?"

Kumawala muna ako sa kanya at binigyan siya ng pilyang ngiti bago sumagot, "Syempre siya ang aliping magsisilbi rito sa prinsesa ni'yo."

Tunog mayabang pero alam kong iyon talaga ang papel ni Franz dahil pinaramdam niya sa'kin iyon.

"Parang gusto ko yatang maawa sa asawa mo," nakangiwing wika ni Daddy na tinawanan ko lang.

Masaya ako dahil dalawang beses na nitong tinawag na 'asawa' ko si Franz kaya kahit wala pa itong sinabi ay  malinaw na tanggap na nito ang biglaan kong pagpapakasal.

Nang bumaling si Daddy kay Franz ay iyong daddy naman ng huli ang humarap sa'kin.

"Welcome to the family," magiliw nitong wika at binigyan ako ng masuyong yakap. "Thank you for bringing my son home," sensiro nitong dagdag.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin nitong ako iyong dahilan kung bakit tinanggap ni Franz ang responsibilidad sa kompanya ng pamilya nila

Ayon sa kanya ay kung hindi dahil sa'kin ay hindi raw babalik sa poder nila si Franz at gampanan ang pagiging del Rio.

Sa nakikita ko ay masaya naman si Franz sa bago niyang pinagkakaabalahan kaya nasisiguro kong hindi lang ako ang dahilan kung bakit tinalikuran niya ang pagtuturo upang tumulong patakbuhin ang kompanya nila.

Sariling desisyon niya iyon at suportado ko siya sa kahit anong desisyon niya lalo na ngayong mag-asawa na kami.

Ilang oras pa lang kaming kasal pero supportive house wife na ang peg ko! Sarap sa feelings! Pangarap ko lang noon, asawa ko na ngayon.

"Akala ko ba, pare kong pogi ay may mangyayaring suntukan?"

Mula sa ama ni Franz ay nabaling ang pansin ko sa pabulong na tanong ni Tyron sa katabing si Kuya Igop.

Pabulong nga pero rinig ko naman. Parehong nakaupo ang mga ito sa unang baitang ng hagdan namin habang may bitbit na supot ng popcorn.

"Akala ko nga rin," tugon naman ni Kuya Igop. "Sayang,"palatak nito at kinindatan ako nang makitang nakatingin ako sa kanilang dalawa. 

"Okay lang wala, masarap naman'tong popcorn," inosenting pahayag ni Tyron.

Loko talaga itong si Kuya Igop, dinadanay nito itong maliit naming pinsan sa kalokohan.

Inaasahan siguro nito na magiging marahas ang reaksiyon ni Daddy sa biglaan kong pagpapakasal. Gusto niya yatang makitang suntukin ni Daddy si Franz, siraulo talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz