chapter 26
Mula sa paaralan, matapos ang sagutan namin ni Ma'am Sabrina ay dumiretso ako sa pinag-usapan naming tagpuan ni Franz, sa bahay niya.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako rito dahil malapit lang ito sa compound ng mga Ramirez.
May kalakihan ang bahay niya at hindi totoo iyong unang napabalitang nagsasama na sila ni Ma'am Sabrina rito dahil simula no'ng naipundar niya itong bahay ay walang ibang babaeng nakatira rito kundi si Yaya Ising na naninilbihan dati sa pamilya del Rio at ipinadala ng kanyang Mommy nang magpasya siyang bumukod.
Ang pinag-ugatan ng chismis na nagsasama na sa iisang bahay sina Franz at Ma'am Sabrina ay iyong minsang bumibisita raw dito iyong babae at may nakakitang nagdidilig ng mga halaman sa labas.
Mapapel kasi si Ma'am Sabrina kaya ayon, inako ang pagiging hardinera at minsan tagawalis ng bakuran.
Hindi ko alam kung papaanong nakita lang na naglilinis sa bakuran ay iisipin na agad na roon nakatira. Masama bang walisin ang kalat ng kapitbahay sa bakuran ng mga ito?
Ang kaibahan lang ay hindi kapitbahay si Ma'am Sabrina kundi babaeng naghahangad na ibahay.
May balak pala ang babaeng iyon na mag-come back sa buhay ni Franz matapos magpasibak kay Felix na mukhang 'di kasing sarap ng kapatid.
Gagong Felix, iniyakan iyong babaeng naging nakaraan ng sariling kapatid. Nanghinayang talaga ako kay Felix at parang gusto ko itong ireto sa isa sa mga pinsan ko basta huwag lang doon kay Ma'am Sabrina.
Tahimik ang buong bahay ni Franz dahil day off ngayon ni Yaya Ising at nasa opisina pa iyong una sa ganitong mga oras.
Malaya akong nakapasok sa bahay niya dahil may susi ako, binigyan niya ako no'ng unang punta ko pa lang dito.
May hawak akong susi, si Ma'am Sabrina ba meron?
Nitong nakaraan ay mas nakilala ko pa si Franz at saksi ako kung gaano siya kasinop. Mas nakaka- inlove pala ang gano'ng lalaki. Naikwento minsan ni Yaya Ising na si Franz daw ang naglilinis ng bahay kapag walang pasok sa trabaho.
Mula sa sala ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Franz upang palitan ang suot na uniform.
Normal ko nang ginagawa ito sa ilang ulit kong pabalik-balik dito sa bahay niya qt nakasanayan kong manghiram ng mga damit sa kanya.
Matapos maisuot ang malaki niyang t-shirt na umabot sa kalahati ng hita ko ay nagpasya akong hubarin ang suot na palda at hayaang iyong cycling na suot-suot ko sa ilalim nito ipares sa suot na damit.
Eksaktong kakalagay ko ng hinubad na uniform sa loob ng dala konh bag nang bumukas ang pinto ng silid ni Franz at iniluwa ito.
"Hello, love," malambing niyang bati sa'kin.
Saglit niya akong pinasadahan ng tingin bago nakangiting lumapit sa'kin.
"Hi," paanas kong tugon.
Kusa akong pumaloob sa mga bisig niya kasabay nang pag-angat ng mukha ko upang salubungin ang kanyang mga labi.
Mabilis na nangumpayot sa batok niya ang mga braso ko habang nakipagsabayan sa mainit at masidhing pananalakay ng mga labi niya sa mga labi ko.
Tulad pa rin nang dati, masidhi ang paghahangad namin sa bawat isa at ramdam iyon sa bawat dampi, sipsip, at hagod na ginagawa ng mga labi namin.
Mabilis na nagningas ang init sa pagitan namin nang sumabay na ang mga kamay namin sa pagdama sa katawan ng bawat isa.
Pumailalim na sa suot kong malaking ang dalawang kamay ni Franz habang kinakalas ko naman ang butones ng suot niyang damit.
"As much as I love the way you look in my shirt, I prefer to see it at your feet ... lying on the floor," paanas niyang sabi sa pagitan ng mainit niyang mga halik.
Iglap lang ay sabay na bumagsak sa paanan namin ang pareho naming pang-itaas.
Di magkamayaw sa pagdama sa katawan ng bawat isa ang mga palad namin habang nanatiling magkahinang ang aming mga labi.
Para akong tinutupok ng init na nagmumula sa loob ko at sinasalubong ng init mula sa bawat pagdantay ng balat ni Franz sa balat ko.
Nakakadarang at nakakawala sa sarili ang bawat pagkakataong ganito kami.
Ilang araw rin naming di naranasang magsolo nang ganito dahil sa parang gwardiya sibil kong mga pinsan at mga kapatid na di kami hinahayaang mapag-isa.
"I missed you," usal ni Franz sa pagitan nang paglalakbay ng mga labi niya pababa sa panga ko papuntang leeg at pababa nang pababa.
Padaing akong napasabunot sa kanyang buhok nang matunton ng mga labi niya ang pakay ng mga ito at doon ay parang sanggol na pinagsawa ang sarili sa malulusog kong dibdib.
Liyad na liyad ako habang nakaalalay naman sa likod ko ang mga braso niya at sabik na sabik na pinagpala ng kanyang mga labi ang magkabilaan kong dibdib.
Ilang sandali pa at muling umakyat pataas ang mga labi niya hanggang sa muli ay naglapat ang mga labi namin.
Sa pagkakataong ito ay masuyo at puno ng pagmamahal ang bawat dampi ng mga labi niya.
Bumaba sa matigas niyang tiyan ang mga kamay ko hanggang sa matunton ng mga ito ang suot niyang sinturon at ekspertong kinalas iyon.
Nahirapan ako sa butones ng suot niyang pantalon kaya tinulungan niya akong kalasin ito habang nagsimula na namang mag-iba ang ritmo ng kanyang mga halik.
Mula sa masuyo ay naging mariin at mapag-angkin ito na gustong-gusto ko naman.
Iglap lang ay sabay na bumagsak sa sahig ang kanyang pantalon at suot na panloob kaya nang muling magdikit ang ibabang bahagi ng katawan namin ay damang-dama ko ang mainit niyang balat na kumikiskis sa hita ko.
Naglayo ang mga labi namin at nagkasalubong ang aming mga mata habang naramdaman ko ang paglalaro ng daliri niya sa waistline ng suot kong cycling.
Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa nararamdamang excitement.
"Wala nang balikan kung maibaba ko 'to," paos niyang anas at iyong nilalaro ng daliri niya ang tinutukoy.
"Anong sabi ni Daddy sa nakatakda mong pamanhikan bukas?"pigil-hininga kong balik-tanong sa kanya upang ipaalala ang ang bagay na siyang kasagutan ko sa parang pahingi niya ng permiso.
"Kung nabuntis ba raw kita," napangiti niyang tugon.
Isang ngiti rin ang gumuhit sa mga labi ko dahil sa alaalang iyon no'ng nagpaalam siyang mamanhikan sa'min bukas upang pormal na hingin ang kamay ko.
Iniisip yata ni Daddy na buntis na ako kaya pabigla-bigla ang pagbabago ng desisyon ni Franz.
"At ano ang sagot mo?" natatawa kong tanong sa kabila nang naramdaman kong pag-iinit ng katawan. Kahit alam ko na ang karugtong niyon ay gusto kong marinig ulit.
"Hindi pa man ako nakasagot ay siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong." Sabay kaming napatawa nang maalala ang sinabi ni Daddy.
"Di na ako nagtataka niyan... sigurado namang gagawa at gagawa nang paraan ang anak kong ito upang bumigay ka. Atat na atat yata ang isang ito na makasal sa'yo! Di ko alam kung dapat ba akong mabahala o maging proud dahil go-getter itong anak ko."
Sa paraan nang pagkakasabi ni Daddy sa opinyon nito ay para itong nalugi o di kaya ay nalamangan ng kalaban.
Kung totoong nabuntis nga ako ay mukhang kasalan ko pa talaga at talagang ako ang dahilan niyon.
Nang ipaliwanag ni Franz na hindi pa ako buntis ay parang nabunutan ng tinik si Daddy pero muli ring bumagsak ang balikat nang maalala kung gaano raw ako kabaliw.
Hindi pa nakatulong ang pangangantiyaw ni Momny at ng mga kapatid ko rito na maaga itong magkakaapo sa'kin kaya sa huli ay payag ito sa kagustuhan ni Franz dahil tutal ay paroon din naman ang hantungan namin kaya mabuti na raw mas mapaaga bago ako sapian ng masamang espiritu at magpabuntis daw bigla sa boyfriend ko.
Advance talaga mag-isip si Daddy pero ang 'di nito alam ay ang posibilidad na mapilay ako at mahati sa dalawa ang tanging pumipigil sa'king magpaturok kay Franz at totohanin ang pangamba nitong magpabuntis ako.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng suot kong cycling kasabay ang suot kong panloob.
Naroon pa rin ang pangamba ko sa naghuhumirantadong kahandaan ni Franz pero mas nanaig sa'kin ang kasabikang magpaangkin sa kanya nang tuluyan lalo na at may nagpaparamdam na mula sa kanyang nakaraan.
Tuloy ang unang plano na akitin at baliwin si Franz at sa pagkakataong ito ay hindi para maagaw ito kundi ay para mapanatili ito sa piling ko.
Masyado akong madamot para pagbigyan ang kahilingan ni Ma'am Sabrina. Ipapamukga ko sa kanyang wala na siyang aasahang babalik pa at hahanap ako ng paraan upang mawala rin sa kanya si Felix.
Matapos ang usapan namin kanina ay ayoko siyang maging bilas!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz