ZingTruyen.Xyz

Drastic Measures

chapter 22

ljArci

Nang tuluyan kaming makababa ni Franz, makalipas ang mahigit sampung minuto ay puno ang sala ni Laureen ng mga panauhing naghihintay sa'min.

Maliban sa mga Ramirez ay naroon din ang mga magulang nila.

Iyong mga pinsan kong magagaling, kung makatingin sa'kin ay parang ako iyong may ginawang masama.

Pati si Kuya Vincent, hinuhusgahan na ako ng mga tingin nito.

"Take a seat, Franz," seryosong wika ni Daddy.

Nang magsalubong ang mga tingin namin ay kinindatan niya ako at pasimpleng iminuwestra ang katabing si Mommy.

"Inay ko po," bigla kong bulalas sabay kapit sa braso ni Franz.

Paano ba naman kasi, iyong tingin ni Mommy parang gusto akong balatan nang buhay.

"Upo, Julie Faye," nandidilat na utos sa'kin ni Mommy na tahimik kong sinunod.

Doon ako naupo sa tabi ni Franz, malayo sa mommy ko na halatang gusto na akong pingutin.

"Well, hindi ko alam kung bakit mo kami rito pinapunta, Franz kaya simulan mo nang magpaliwanag," bigla ay wika ni Dadd matapos ang ilang sandali.

Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Franz. Ibig bang sabihin ni Daddy ay siya ang nagpatawag sa pamilya ko rito?

"Una po sa lahat ay pasensiya na po kayo sa abala," magalang na sagot ni Franz. "Gusto ko lang pong sabihin na hindi po ako sumasang-ayon sa kasunduan ninyo ni Daddy tungkol sa aming dalawa ni Julie," matatag niyang dugtong.

"Wala akong binanggit sa'yo, Franz," salubong ang kilay ba sabat ni Mr. del Rio.

Tahimik lang si Daddy na nakikinig at di ko mabasa ang ekspresyon nito sa mukha.

"I'm sorry, Dad, pero narinig ko ang usapan ninyo," mahinahong sagot ni Franz. "Ayokong saklawan ninyo ang namagitan sa'min ni Julie dahil gusto ko ay magkamabutihan kami dahil sa sarili naming desisyon."

"Liwanagin mo, Franz Rafael," sabat ni Kuya Vincent. "Anong namagitan sa inyo ng kapatid ko?"

"Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong pakasalan agad si Julie," diretsahang sagot ni Franz.

Pakiramdam ko ay biglang may sumabog na fireworks sa paligid. Nagdiwang bigla ang puso ko at gusto kong maiyak sa sobrang saya.

Pero, kaninong kagustuhan pala ang nakahadlang sa gustong mangyari ni Franz?

"Sigurado ka?" maang na bulalas ni Kuya Igop.

Umugong ang pagkabahala sa panig ng mga Ramirez at ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang nakikisimpatiyana na tingin ng mga ito kay Franz.

Teka, parang nay mali sa reaksiyon nila. Maging si Mommy ay kakitaan ko ng pag-alala pero hindi para sa'kin kundi para rito sa katabi.

"Bakit, Kuya Igop? Anong mali kung gusto akong pakasalan ni Franz?" nayayamot kong tanong.

"Malaki," halos panabay na sagot ng mga pinsan ko. Isa lang iyong tinanong ko pero silang lahat iyong sumagot.

Sa unang pagkakataon ay may napagkasunduang bagay ang mga ito. Kahit iyong mga laging kumokontra sa bawat sinasabi ni Kuya Igop noon ay sumasang-ayon ngayon.

"Pasasakitin mo ang ulo ni Sir," bulalas ni Ate Dana.

"Hindi ka magiging asawa niya kung sakali, kundi ay isang malaking aalagain," segunda ni Kuya Luc.

"Tatanda sa kunsumisyon sa'yo iyong tao," hirit ni Ate Rhea.

"Masyadong matino si Sir para sa'yo."

"Kami ngang pamiya mo ay parang gusto ka nang ipasok sa asylum dahil dakila kang baliw."

"Pinuno ka ng kaguluhan!"

"Mapagpatol ka!"

Sunud-sunod ba reklamo ang narinig ko mula sa hanay ng mga pinsan kong kontrabida sa'king love life.

"Pangit ka! Inaaway mo ako palagi." puno nang kombeksyong pahayag ni Tyron.

Tumayo pa ang bubwit at namaywang sa mismong harapan ko.

Siniringan ko ito ng mga mata kaya nagtatakbo ito sa panig ng mga pinsan ko.

Napakamot ako sa ulong bumaling kay Franz. Ipagdarasal lang talaga ng mga hinayupak kong pinsan na di nila natakot itong future husband ko at bawiin ang nabanggit na kasal dahil kung iyon ang mangyayari ay habambuhay kong bubwesitin ang mga buhay nila!

"Alam ko na lahat iyon noon pa man at hindi iyon nakapigil upang lalo akong mahulog sa'yo," masuyo niyang pahayag.

Alam ni'yo iyong kilig? Iyon yata ang papatay sa'kin ngayon!

"Ay hayop! Lalaki lalo ulo niyan," hiyaw ng isa kong pinsan na mabilis sinundan no'ng iba.

Balewala naman iyon kay Franz na masuyo pa ring nakatunghay sa mukha ko kaya pinapalampas ko na lang din ang mga di magandang narinig sa paligid.

Magtutuos kami ng mga pinsan ko mamaya kapag wala na si Franz.

"Franz, sigurado ka na bang handa mong pakasalan itong anak ko? Ang bata pa nito Franz," may pag-alalang wika ni Mommy.

Di ko matukoy kung para sa'kin ba talaga iyong pag-alala nito o para kay Franz.

"Kaya nga po, hihintayin ko muna siyang tuparin ang mga pangarap niya bago ko siya tuluyang itali sa'kin. Huwag po kayong mag-alala... tatlong taon ko pong nasaksihan ang pagkamaligalig niya at natiis ko po iyon," malumanay na tugon ni Franz.

"Paano iyong girlfriend mo?" bigla ay tanong ni Mrs. del Rio. "She posted about your upcoming marriage with her just recently."

"Mommy, matagal na po kaming wala. That announcement is just a haux," paliwanag ni Franz. "Si Kuya Felix na ang bahala roon," makahulugan pa niyang dagdag na ikinalito ng Mommy niya at patuloy pa sana itong magtatanong pero naawat na ito ni Mr. del Rio.

"Ayokong lumabas na third party or nang-agaw itong anak ko kung sakali," pahayag bigla ni Daddy. "Isang Ramirez si Julie kaya matigas nag ulo niyan at laging ginagawa kong ano ang gusto. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang pagkakataong sumaya at kung sakaling masaktan siya ay nandito lang kami upang sumalo sa kanya," mahinahong dagdag pa nito.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi mangyayaring hahayaan ko siyang masaktan," sinserong sagot ni Franz.

"Kung sakaling aabot sa puntong hindi mo mapangatawanan iyang sinabi mo... may isa lang akong kahilingan sa'yo..." Seryosong sinalubong ni Saddy ang mga mata ni Franz na parang siniguro nitong maiintindihang mabuti ng kausap ang susunod na sasabihin. "Ibalik mo sa'kin ang anak ko at kami na ang bahalang bumuong muli sa kanya."

Dumaan muna ang katahimikan at naging seryoso ang paligid. Maging ang mga pinsan kong kanina pa nagkukulitan sa kabilang dako ay pare-parehong natahimik.

Hindi natinag si Franz sa pakikipagtitigan kay Daddy.

Matapang niyang sinalubong ang seryosong mga mata ng ama ko.

"Ipagpaumanhin po ninyo, Sir , pero hindi ko mapagbibigyan ang kahilingan ninyong iyan dahil wala pong suliang mangyayari," seryoso niyang tugon habang nakipagtagisan ng tingin sa ama ko.

Naramdaman ko ang kanyang marahang pagpisil sa kamay kong hawak-hawak niya.

"Ako po ang unang mawawasak kung sakali at hindi si Julie Faye. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo,"matapat niyang pagtatapos.

Music to my ears, ang haba bigla ng buhok ko.

Mayabang kong tinaasan ng kilay ang mga natunganga kong pinsan.

Ano sila ngayon? Nganga ang mga bwesit!

"Huwag kang magmaganda dahil mahal ka ng mahal mo," basag ng nakasimangot na si Tyron sa pagdidiwang ko. "Pangit ka pa rin!" nakairap nitong dugtong.

Umani iyon ng tawanan sa paligid. Tuwang-tuwa silang lahat sa kadaldalan ng pinsan ko habang ako ay nagbabalak nang ipa-kidnap ang lintik na bubwit.

Agaw eksena! Hayan tuloy, siya na ang bida na kumuha sa atensiyon ng lahat at maging ng pamilya ni Franz.

"Huwag mo nang patulan, bata iyan," bulong sa'kin ni Franz.

Masyado sigurong halata sa mukha ko ang nararamdaman kong ngitngit para sa bata kong pinsan.

Sino ba ang nagsama sa batang ito rito? Seryosong usapan ng mga matatanda dapat ito pero nagsama sila ng isang pasaway.

Sinasabotahe nila ako sa pagdala nila rito ng number one enemy ko!

Pero pasalamat sila at kinakailangan kong maging mabait dahil narito ang pamilya ni Franz.

Ayokong magkaroon ng bad impression sa kanila. Kailangan munang sumipsip nang konti para naman makuha ang loob nila at hayaan nila akong tikman ang anak nila- este, maging girlfriend ng anak nila.

Girlfriend muna... ayaw pa akong pakasalan eh. Tutuparin ko pa raw muna ang pangarap ko pero ang di niya alam ay soya ang kabuuan ng mga pangarap ko.

Masama bang pangaraping maging Mrs. Franz Gabriel del Rio?

Mas masama siguro kung kabit ni Franz ang papel ko kung nagkataong totoong ikakasal sila ni Ma'am Sabrina.

"Palalampasin ko iyan dahil bata pero utang na loob... patulan mo ako please, kahit mas bata pa ako sa'yo," pabulong kong sagot kay Franz.

"Pinatungan na kita kanina, 'di ba?" pilyo niyang ganti.

"Iyon na ba iyon?" malandi kong tanong.

Sinadya kong hipan iyong tainga niya bago muling nagsalita, "Ang gusto kong patol ay iyong may kasamang pagbaon."

"Kapag na-perfect mo ang long quiz na ibibigay ko bukas," pabulong niyang tugon.

Ang sarap niya talagang bumulong kaya di muna remihistro sa utak ko iyong sinabi niya.

"Ano?" malakas kong bulalas nang tuluyan ko itong maintindihan. "May long quiz bukas? Bakit di mo agad sinabi? Anong coverage?" aligaga kong tanong.

Hindi ko na alintana na nabaling nang muli sa'min ang atensiyon ng lahat.

"Lahat ng mga napag-usapan kanina sa klase ang coverage," kalmado niyang sagot.

"Hindi ako pumasok kanina," napakamot kong reklamo.

"Kaninong kasalanan iyan?" taas-kilay niyang tanong. "Mag-aral ka mamayang gabi, bibigyan kita ng topic na pag-aaralan."

Lalong lumukot ang mukha ko habang nakayitig sa gwapo niyang mukha.

Ngayon ko lang napagtanto na wala rin palang kwenta kong boyfriend ko ang teacher ko dahil wala pa rin akong lusot sa mga quiz- quiz na iyan.

Mas pressure pa dahil kailangan kong mag-aral nang mabuti dahil nakakahiya sa boyfriend ko kung kulilat ako sa klase niya.

At ito matindi, ginawa pang kondisyon ang magiging score ko para lang pumayag siya sa gusto kong landian.

Kung pwede lang sana idaan na lang lahat sa pang-aakit, ang problema... abot hanggang kalawakan ang self control nitong boyfriend ko.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz