ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 66

JFstories

"BAKIT NANDITO KA?"


Standing in front of me was the Valmorida's matriarch. Ang mama ni Papa. Lola ko at ang tawag dito ng aking mga pinsan ay Mamila. Malaking babae, puti na ang mga buhok, at pustoryosa, at matapang ang mukha.


I was about to show her my medal when a door suddely opened behind us. Doon ay lumabas ang dalawang bata na hindi nalalayo sa edad ko.


"Mamala!" the two called her.


At mula sa matatalim na tingin ni Mamala sa akin kanina ay napuno ng fondness ang mga mata nito.


"Ang ganda naman ng apo ko," masayang sabi nito habang yakap ang batang babae na naka-pink mula ulo hanggang paa. Pinsan ko, si Renren. Kahit walang medal ay ayos lang dahil malambing ito at maganda.


Ang kuya ni Renren na si Rio ay may medal din katulad ko. Nang makita iyon ni Mamala ay tuwang-tuwa ito at pinaghahalikan ang batang lalaki sa ulo.


May mga bumukas pang mga pinto, at mula sa mga iyon ay naglabasan ang mga pamilyar na mukha. Mga kapatid ni Papa. Sina Tita Rica, Tito Geroy, at Tita Tootsie. Lahat pinupuri ang magkapatid na sina Renren at Rio.


Looking at them, I realized something. I wanted praises too. I wanted the same attention they were giving to my cousins.


Palapit ako sa kanila para ipakita rin ang medal ko, kaya lang ay nagsarado ang mga pinto. Dumilim ang paligid ko.


Just when I started to feel anxious, another door opened. Inside, I saw a woman sitting on the edge of the bed. Sabik akong lumapit nang makilala siya. Si Madeth Enfante-Valmorida. Si Mama!


When I got close, I noticed a box in her hands. Iyon iyong kahon na laging yakap-yakap niya. Gusto kong malaman ang laman ng kahon. Puwede ko kayang itanong?


Mama didn't have that gentle smile when she finally looked at me. Instead, her eyes were serious, as if she wasn't happy that I was here.


Bumukas ang nanunuyong mga labi niya. "Laila, sinabi ko na wag ka munang papasok dito, di ba? Lumabas ka! Doon ka muna!"


The door closed and another one opened. May mesa at doon ay malungkot na nakayuko si Guillermo Valmorida. Ang aking Papa Gil.


"Papa, may medal po ako."


Mula sa pagkakayuko ay tumingin ang malungkot nitong mga mata sa akin. At ang pinto na sumara kanina ay bumukas muli. Lumabas si Mama na ngayon ay may mga ngiti na sa mga labi.


Kinuha nila ang medal ko habang parehong maaliwalas na ang kanilang mga mukha. "Narinig mo? May medal ang anak natin. Mabuting bata, malambing, at matalino pa. Napakasuwerte natin."


My chest, which earlier felt empty, was now filled with warmth. Malawak ako na sa kanila ay ngumiti.


Nagsimulang mabuo ang mga plano sa batang isip ko. Mula ngayon ay mas magiging mabuti akong bata, mas magiging malambing, at mas mag-aaral nang mabuti, dahil gusto kong manatili ang aking mga nakikitang ngiti.


Gusto ko iyong manatili. Gustong-gusto ko. Subalit sa kasamaang palad, hindi iyon nangyari.


The doors closed for another to open. Doon ay may isang pamilya na bagaman kababakasan ng paghihirap at pagtatalo, ay iyon ang tunay na pamilya ko.


I thought I finally found my place, so I went near it. Nagpumilit makapasok. Nagpumilit sumiksik. Sa huli ay para lang mapagod, masaktan, at maipit sa pintong wala rin palang kasiguraduhan kung gusto ba talaga akong pagbuksan.


Sinukan ko ang pinto at hinayaan ako na pagsarhan nito. Nang may magbukas ulit ay nakita ko ang isang matangkad at guwapong lalaki. Napawi ang sakit sa dibdib ko. I knew him. He was the man I chose for the perfect future I had imagined. 


I did everything to make him look at me. Tumingin naman siya. Ngumiti. Sumimangot. Sumeryoso. Subalit katulad ng iba ay pinagsarhan din ako ng pinto sa huli...


Lahat na ng pinto sa paligid ay sarado na. Wala na akong mapupuntahan maski isa. 


And then the door of the man I wanted to be with opened again. Nakatingin siya sa akin, kaya lang ay hindi hindi ko maintindihan ang gusto niya. Pero bahala na. Wala na akong ibang mapupuntahan kundi siya.


Humakbang ako palapit sa kanya. Hakbang pa. Pabilis nang pabilis ang mga hakbang ko. Subalit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nang malapit na ako ay bigla niya akong tinalikuran.


Bago magsara ang pinto ay dapat maabutan ko siya. Dapat makausap ko siya. Dapat malaman niyang nagsisisi na ako kung ano man ang aking nagawang kasalanan. Na gagawin ko lahat ng gusto niya, basta wag niya lang akong iiwan. Ang kaso ay huli na. I was panting from exhaustion and could barely breathe, but the door had already closed before I could reach it.


All of the doors were closed once more, and the darkness had returned. Napakadilim. Sobrang dilim. And I thought it was the end. I was already tired. I wanted everything just to end right now.


Pero kapag meron yatang sumasara, ay meron at merong muling magbubukas. May matagal, may mabilis, pero hindi puwedeng walang kapalit ang bawat mawawala. Hindi matatapos ang surpresa, basta hindi ka lang bibitiw sa katiting na pag-asa. Out of all the closed doors, there was one door that opened again for me.


Napakaliwanag ng loob ng pinto. Humakbang ako patungo roon. Habang palapit ay pasidhi nang pasidhi ang pananabik ko, lalo pa't may naririnig ako na ang sarap-sarap sa puso. Mga munting pag-iyak.


Mga iyak na parang boses ng mga anghel ang naririnig ko mula sa pinto. Tinakbo ko na ang papunta roon. Pero bakit ganoon? Habang palapit ako nang palapit ay humihina ang isang iyak?


Hanggang sa noong nasa tapat na ako ng pinto ay iisang iyak na lang ang naririnig ko? Nasaan na ang isa? Bakit nawala?


Sa pagpasok ko ay isang sanggol na batang babae ang aking nakita. Napakaganda ng mukha na tila sa manika. Pero bakit ito nag-iisa? Oo, nag-iisa lang ito. Parang ako. Katulad ko.


Hinawakan ko ang dulo ng munting mga daliri nito, at mula roon ay ipinakita sa mga mata ko ang lahat ng aking mga naging desisyon. Lahat, kahit ang mga kamalian, kapangitan, at kadiliman. Natakot ako na baka umiyak ang sanggol, pero sa gulat ko ay ngumiti ito.


Ang takot sa dibdib ko ay nabura dahil sa aking napagtanto. Tapos na ang pagpapanggap. 


I no longer have to work for attention anymore. And I was no longer the person who was desperate for love but was repeatedly abandoned miserably...



"BOBBIE!!!"


Nagmulat ako ng mga mata at agad na inilingap ang paningin sa paligid. Wala ako sa kuwarto namin ni Bobbie. Nasaan ako?! And where was Bobbie?!


Napabalikwas ako ng bangon para lang mapahawak sa aking buhok. Ang sakit ng ulo ko. The blanket that covered my body fell, and I was shocked to realize that I was naked.


Maliban sa aking panties ay wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot!


Nilingap ko muli ang paningin sa paligid. Natatandaan ko na kung nasaan ako. Nandito ako sa kuwarto sa rooftop ng mga Prudente. Dito ako dinala ni Asher pagkatapos namin magpunta sa Tagaytay!


Aalis na dapat ako sa kama nang mapayakap sa aking dibdib. Ang sakit. Napahingal ako. Hindi naman sumasakit ang dibdib ko kapag may menstruation, kaya malamang na dahil ito sa naipong gatas.


Mahigit isang linggo na hindi dumedede sa akin si Bobbie, samantalang dati ay maya't maya at malakas, kaya naman ako naninibago. Kagat ang ibabang labi nang aking marahang hilutin ang dibdib ko.


Ganoong senaryo ang napagbuksan ni Asher ng pinto. May dala siyang tray ng pagkain pagpasok, at muntik niya na iyong mabitiwan sa sahig nang makita ako.


Nang mahamig ang sarili ay lumapit siya sa akin at ibinaba sa center table ang tray. "Okay ka lang, Lai? Masakit?"


Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Where is Bobbie?!" 


"Pupunta sila rito mamaya ni Ate Judz kasama ang kambal. Pauwi na rin sina Nanay at Tatay."


Uuwi na sila? Alam kaya ng mag-asawa na kinidnap ako ng bunso nila?


"Lai..." mahinang tawag ni Asher sa akin. Nakayuko siya habang nakaupo sa gilid ng kama. "Naaalala mo ba ang sinabi mo sa akin kagabi?"


Kumunot ang noo ko. Sinabi? Anong sinabi ko kagabi?


Nag-iisip ako nang biglang kumirot ang dibdib ko sa kaliwa. Napahawak ako roon habang ngiwi ang mga labi ko. Nag-panic naman si Asher sa nakita. Walang lakas ang mga kamay ko na itinutulak siya nang hawakan niya ang magkabila kong pulso. Ang mga mata niya ay may pag-aalala na nakatunghay sa mukha ko.


"Shhh, I'll help you." Napakagat-labi ako nang ang isang palad niya ay maingat na dumampi sa ibabaw ng kaliwang dibdib ko. "Dito ba? Dito ba ang masakit?"


Dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi nang marahan niya akong masahiin. May dalang init at ginhawa ang bawat haplos niya sa akin.


"Sabihin mo kapag masakit," maaligasgas na ang boses na sabi niya.


Napasandal na ako sa unan habang siya ay patuloy sa ginagawa. Dalawang kamay niya na ang ngayong masuyong nagmamasahe sa dibdib ko. Nang tumingin siya sa aking mukha ay umalon ang lalamunan niya.


"It's leaking..." halos bulong na sambit niya. Ang tinutukoy ay ang gatas sa aking kaliwang dibdib.


"Do something about it." Tutal bida-bida siya, bakit hindi niya pa sagarin?


He got it. Nakailang lunok siya bago nagawang magsalita ulit. "Can I?"


"Bahala ka sa buhay mo." Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya, pero bago iyon ay nakita ko pa ang pagkislap ng mga mata niya.


Napapikit na lang ako nang yumukod na siya upang abutin ang dibdib ko. Sa kaliwa. Unang sumayad sa balat ko ang mainit na basa niyang dila. Napakakit ako sa mattress nang magsimula na niyang ikulong ang dulo ng dibdib ko sa bibig niya.


Marahan lang ang pagsipsip niya noong una, sobrang marahan, hanggang sa nagiging masidhi na.


"Uhm..." Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng ungol mula sa aking bibig.


Tila lalo iyong nagpatakam kay Asher. Napadiin ang kapit ko sa mattress habang kagat din nang mariin ang aking ibabang labi. Ang isang kamay ko ay napasabunot na sa buhok niya.


Nag-angat siya ng paningin sa akin habang subo-subo pa rin ang dulo ng dibdib ko. Kasing init ng bibig niya ngayon ang kanyang mga mata.


Humihingal ako nang matapos siya. Ang natitirang gatas sa gilid ng basang mapupula niyang labi ay kanyang dinilaan habang sa akin nakatunghay ang mainit niyang paningin.


"Sumuka ba ako kagabi?" tanong ko habang nakahiga pa rin at balewala kahit nakahantad sa kanya ang kahubaran.


Yumukod siya upang gawaran ako ng magaan na halik sa noo. "Hindi pero natapunan ng alak ang damit mo."


Bumangon na ako. Nabawasan na ang bigat ng dibdib ko. Ang pinapakiramdaman ko ngayon ay ang aking ibaba. Nakapagtataka kasi wala akong nararamdamang pain, kahit dapat ay meron kasi first day ko ngayon.


"Maliligo ako." Nilingon ko si Asher na nakaupo pa rin sa gilid ng kama habang nakatingala sa akin, at mukhang may iniinda sa ibaba.


Nang mapansin niya kung nasaan nakatingin ang mga mata ko ay pinamulahan siya ng mukha. May tent sa ibabaw ng drawstring pants niya.


Napatikhim siya sabay bawi ng paningin. "Uhm, kumain ka muna, Lai..."


"Mamaya na. Maliligo muna ako. Ikuha mo ako ng tuwalya." Ililigo ko itong hangover at para na rin mabanlawan ang aking isipan. Bago pumasok sa banyo ay nilingon ko pa siya. "Asher, napkin na rin."


Ang gulat sa mga mata niya ay saglit lang, pagkuwan ay napalitan iyon ng tila lungkot. O baka nagkamali lang ako?


Pumasok na ako sa banyo at naligo. Mabilisan lang dahil nahihilo pa ako. Sinabon ko ang buong katawan, partikular ang aking mga dibdib. Sakto na natapos ako nang kumatok si Asher.


Binuksan ko ang pinto. Inaabot niya sa akin ang mga dala habang wala sa akin ang paningin niya. Kung makaiwas ay para bang wala pa siyang nakikita.


Kinuha ko ang inaabot niya. Hindi lang tuwalya, may mga bihisang damit din, pair of underwear, at may napkin din. Isang pack na may wings. Iyong damit na baby blue t-shirt at pink na shorts ay nakilala ko na pagmamay ari ni Tita Judy. Mukhang nangalkal na naman siya sa kuwarto ng panganay na kuya niya.


"Salamat." Mabuti at dinalhan niya ako ng bihisan nang makapagdamit naman ako nang matino-tino. Ang hirap kaya kumilos nang palaging nakahubo.


Pagkahubad sa banyo ay nagtaka ako dahil iyong panty ko kagabi ay wala man lang kahit katiting na blood stain. Uminom ako kagabi kaya di ba dapat ay lalo akong duguin?


Naligo na ako at nagbihis. Paglabas ay walang tao sa kuwarto, maayos na ang higaan, nakatupi na ang ginamit kong kumot, at magkakapatong na rin ang mga unan. Tumuloy ako sa dinala ni Asher na pagkain sa tray. Brunch na kaya gutom na gutom ako. Ubos ko agad iyon. 


Mga kalahating minuto. Nagbanyo ulit ako, at nakitang wala pa rin ako kahit kaunting bleeding. Nakagat ko ang aking daliri. Hindi pa ako nagkaganito kahit kailan.


Bigla akong natigilan. No, nangyari na pala ang ganito. Nangyari na dati. Sa posibilidad na naisip ay bigla akong pinagpawisan kahit malamig naman.


Paglabas ko ng banyo ay pagbukas din ng pinto. Bumalik na si Asher. Bagong paligo. Naka-plain white shirt at Chigago Bulls black and red jersey shorts. Bahagyang basa pa ang buhok. Ang bangu-bango. Gusto ko siyang itulak sa kama at singhutin ang leeg niya maghapon hanggang sa magsawa ako.


What the? Napahawak ako sa aking bibig kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Nagtataka naman siya sa akin. "Lai?"


Napaatras ang mga paa ko. "'Wag kang lalapit."


May kumatok sa labas ng pinto, kasunod ang boses ng Kuya Amos niya. "Nandito na sina Ate Judy."


Pagbukas ni Asher ng pinto ay kasama ni Amos si Ate Judy. "Asher, puntahan mo muna si Bobbie sa ibaba. Kakausapin ko lang itong pamangkin ko at miss na miss ko na."


Pag-alis ni Asher ay pumasok si Ate Judy. Sinalubong ko agad siya. "Bakit hindi mo dinala si Bobbie? Anong oras siya natulog kagabi? Hindi niya ba ako hinanap?!" sunod-sunod na tanong ko.


"Nasa baba si Bobbie, maayos naman siyang nakatulog kagabi, at wag kang mag-alala, mahal ka pa rin ng anak mo."


Nagtagis ang mga ngipin ko. "Traidor ka! Kasabwat ka ng kidnapper ko! Mga kriminal kayo!"


Tuktok sa ulo ang sagot niya sa akin. Napangiwi naman ako sa sakit.


Naupo siya sa gilid ng kama at suminghot-singhot. "In fairness, hindi amoy Zonrox."


"Tulungan mo akong makatakas dito kung ayaw mong tuluyang itakwil kita!" banta ko sa kanya.


Tamad na tumingin sa akin ang tiyahin ko. "Sa isang linggo na ang alis ni Asher, hindi pa rin kayo okay?"


"Anong aayusin?!" Napataas na ang boses ko. "Maayos ako, maayos kami ni Bobbie, siya iyong nanggugulo!"


Napasentido si Tita Judy. "Okay lang kung gusto mo ng co-parenting kayo. Pero kilala kita e. Gusto mong solohin si Bobbie. Hindi tama iyon. May ambag din siya diyan. Napagod din siya."


Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. "Anak ko lang si Bobbie. Si Bobbie lang ang meron ako. Siya may nanay, may tatay, may mga kapatid. Marami siyang kaibigan. Marami pa siyang makikilala. Magkakaroon pa siya ng anak kahit kailan—"


Binato ako ni Tita Judy ng unan sa mukha. "Alam kong may tagas ka, pero hindi ko alam na ganyan kalala." Seryoso na ang mukha niya nang tumayo. "Si Bobbie na lang ang meron ka? Bakit, anong tawag mo sa akin, Laila? Display?!"


Napaiwas ako ng mga mata. "M-may sarili ka ng pamilya."


"Ano ngayon? Dahil ba may asawa at mga anak na ako ay hindi na tayo pamilya? Kaya ba bigla kang nagdesisyon noon na lumayas, nagtago, at hindi magpakita ng ilang taon?! Kasi hindi na pamilya ang turing mo sa akin noon?!"


"G-gusto kong makita si Bobbie," mariin kong sabi.


Napahilamos ng mukha niya si Tita Judy sa frustration.


"Kung may nagawa siya na nakasakit sa 'yo, sigurado ako na pinagsisisihan niya na. Pagbabang-pagbaba niya ng barko, hinanap ka agad niya. Alam niyang galit ka, maniningil ka, at kahit noong hindi ka pa nagpapakita, nakahanda na siyang magbayad."


"Si Bobbie." Paulit-ulit ako.


Hindi ako pinansin ni Tita Judy. "Laila, naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. Malalim iyan. Pero willing sumisid iyong bayaw ko. Ayaw mo bang i-try lang na pagbigyan? Kahit kaunti lang, wala ka na ba talagang nararamdaman?"


Nararamdaman? I searched for whatever was inside my chest, but all I found there was emptiness. Oh, I really needed Bobbie!


Bumukas na ulit ang pinto. Si Asher na karga-karga si Bobbie. Ang kaninang walang buhay na mga mata ko ay tila nagkaroon ng fireworks sa pagkabuhay nang makita ang batang babae. "Bobbie!!!"


Kumawag agad ito. "Mamaaa!"


"Nandiyan na si Nanay?" tanong ni Tita Judy kay Asher. Si Aling Ason ang tinutukoy.


"Oo. Hinahanap ka. Susunod na rin kami sa ibaba."


Inirapan ako ni Tita Judy bago lumabas, at naiwan kaming tatlo nina Asher at Bobbie sa kuwarto.


Yakap-yakap ko pa rin si Bobbie dahil baka kunin niya na naman. Mukha namang wala siyang balak. He wasn't event closing the door. Lumunok ako bago nagtanong. "Pabababain mo ako?"


Tumaas ang sulok ng bibig niya. "Basta magbait ka."


Tinapik ng maliit na kamay ang pisngi ko. "Mamaaa, be a good girl!"


"Good girl iyan si Mama," sabi naman ni Asher na sa akin nakatitig ang mga mata.


Bumaba na kami sa sala. Nandoon na nga sina Aling Asong at Mang Jacobo. Kauuwi lang galing sa bakasyon. Namimigay na ngayon sa mga apo ng pasalubong.


Ang mga mata ko naman ay malikot. Nakatuon sa pinto. Kung tatakbo ba ako roon bitbit ang anak ko ay makakatakas na kami ng walang aberya?


Nang sumulyap ako kay Asher ay sa akin siya nakatingin. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang alam niya na ang tumatakbo sa isip ko.


"Laila!" masayang bulalas ni Aling Ason na nagpalingon sa akin dito. "May pasalubong din ako sa 'yo, halika rito! Dalian mo!"


"Akina muna si Bobbie." Kinuha ni Asher sa akin si Bobbie. Gusto ko mang tumutol ay nalapitan na ako ni Aling Ason at nakaladkad papunta sa sofa.


"Laila, para sa 'yo ito!" Binigyan ako ng ginang ng bag na may naka-print ng El Nido. "Ito, sa 'yo rin!" May tsinelas pa, beads na kwintas, porselas na gawa sa kabibe, at mga souvenir keychain. Binulungan pa ako. "Mas marami sa 'yo kaysa kay Judy!"


May mga pasalubong din na keychain at ref magnet si Aling Ason sa mga amiga nito. Matapos pigain sa yakap ang tatlong apo ay lumabas na ito. Iisa-isahin na ang mga kapitbahay.


Ang kuya ni Asher na si Amos naman ay tila hirap na hirap na sa buhay. Paano ay ito ang inatasang mag-upload ni Aling Ason ng mga vacation photos. 900 plus daw iyon. Kahit lamok sa El Nido ay kinuhanan ata ng ginang ng litrato.


"Ano bigay sa 'yo ng biyenan mong hilaw?" usisa ng tiyahin ko sa akin. "Ang sabi sa akin kanina ay mas marami daw siyang pasalubong sa akin kaysa sa 'yo, pero bakit parang magkasing dami lang naman iyong atin?"


Napangiwi na lang ako dahil ganoon din ang sabi kanina ni Aling Ason, na mas marami ang pasalubong nito sa akin.


Pinaglaro muna ni Asher si Bobbie kasama ang kambal. Katulong naman ako ni Tita Judy iligpit iyong mga kalat sa mesa. Ang mga pasalubong na pagkain ay hinati namin, ang iba ay inilagay muna namin sa ref at cupboard.


Naghuhugas na ng plato sa lababo si Ate Judy habang nagpupunas ako ng mesa nang lapitan ako ni Asher. Kinuha niya sa akin ang basahan. "Ako na. Upo ka na muna roon sa sofa."


Hindi naman ako umalis. Pinanood ko siya na matapos magpunas ng mesa.


"Okay ka lang?" tanong niya sa akin pagkatapos niya. Hinawakan niya ako sa bewang.


Tumango ako. Pagtingin ko kay Tita Judy ay bubulong-bulong ito.


Panay naman ang tanong sa akin ni Asher, halos kada limang minuto. Kung okay lang ba ako, may masakit ba sa akin, o kung may gusto akong kainin. Nakuha ko rin kung bakit. He thought I had my period today.


Noong hapon ay inawat niya na si Bobbie sa paglalaro. Ang kambal ay inawat na rin ni Tita Judy sa panonood ng TV. Nap time na kaya pinaakyat na sa itaas. Si Bobbie ay dapat sa kuwarto ni Asher matutulog, pero ayaw humiwalay kina Tita Judy, kaya doon din ito ngayon sa kuwarto ni Kuya Abel.


"Paggising mamaya, kunin natin," alo sa akin ni Asher.


Sa kuwarto ni Asher niya ako dinala. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Marahan niyang minamasahe ang palad ko, ang mga daliri ko.


My blank eyes just stared at him. Nang mag-angat siya ng paningin sa akin ay naghinang ang aming mga mata.


Ang isang daliri niya ay dumampi sa gilid ng sentido ko. "Anong tumatakbo ngayon dito? Where you thinking of something complicated again?"


Hindi ako kumibo at nakakatitig lang sa kanya.


May maliit na ngiti sa mga labi niya habang hinahaplos na ngayon ang ulo ko. "Alam kong meron. Kapag tahimik ka, kapag ganito ang titig mo, alam ko na meron ka na naman ditong niluluto."


Yumukod siya at hinalikan ako sa noo. "Lai, you know, I want to open up this little head sometimes to see what's going on inside."


Ang masuyong halik niya ay bumaba sa gilid ng aking tainga, sa pisngi; mararahan, maiingat, hindi tumatama sa aking mga labi.


"I know you have this side, but you used to hide this side of yours. What made you show it to me now? Dahil ba hindi mo na ako mahal?"


Nang idikit niya ang sentido sa akin ay matalim na ang mga titig ko sa kanya. "Asher... I want you to know, you hurt me more than you ever thought possible."


Malungkot na ngumiti siya. "I know."


Hinawakan niya ang aking baba, ang mainit at mabangong hininga niya ay tumatama sa aking mukha. "Lai, I also want you to know that I have no intention of giving up."


Marahan niyang idinikit ang mga labi sa mga labi ko, at nang umiwas ako ay sumunod lang sa akin ang mga labi niya.


"It doesn't matter if you don't love me anymore. May nire-refer sa akin si Nanay, kaibigan niya raw na marunong manggayuma. Pag pagod na pagod na siguro ako, baka ipagayuma na lang kita."


Nangilid ang mga luha ko. Why was he doing this after everything? Oo, ako nga ang unang lumapit noon sa kanya. Plinano ko kung bakit niya ako nakilala. But if I didn't do everything that I've done in the past, he might have been spitting these bullshits to another woman by now.


Ang mga titig ni Asher sa akin ay mainit subalit madilim. "Hindi kita pakakawalan. I'll do anything to keep you beside me, even if it makes you hate me even more. After all, it was me who fell in love with you first."


Nanlaki ang mga mata ko.


"Ako iyong nakatingin sa 'yo dati pag hindi ka nakatingin. Ako iyong inip na inip kung kailan ka lalapit. Another thing you must know, the reason why all of my past relationships had failed was not because of you..."


Bumagsak na ang mga luha ko. "You're crazy..."


Asher grinned gently. "YES, LAI, IT WAS ALL BECAUSE OF ME."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz