ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 65

JFstories

AKO MUNA ANG BOSS SA ATING DALAWA.


Nang makawala ang aking isang kamay ay sinuntok ko si Asher, pero maagap na nasalo niya. "Nice try."


Binawi ko ang kamay ko. "Bakit mo ginagawa ito? Akala ko ba seaman ka? Change profession? Kidnapper ka na? Kriminal ka na ngayon?!"


"Hindi mo kailangang sumigaw, Lai," malumanay niyang sabi nang makitang labas na ang mga litid ko. "Sound proof itong kuwarto, walang makakarinig sa 'yo, at sasakit lang lalamunan mo. So just save your energy and speak calmly. Naririnig naman kita, e."


"Wala akong pakialam, gusto kitang sigawan!" Hinila ko siya sa shirt niya. "Paalisin mo ako rito! Ayaw ko rito! Anong karapatan mong ikulong ako?!"


"Di ba magkaibigan tayo?" nakangiwing sabi niya. Alam niyang pantanga ang sagutan niya.


"Kaibigan?!" Halos magtalsikan naman ang laway ko sa kanya. "Ginagago mo ba ako, ha?! Saan ka nakakita ng kaibigang ikinukulong?!"


Bumuga siya ng hangin. "You want an honest answer? Okay. Ito na iyong dulo ng pagtitimpi ko. Nasagad mo na ako. Kaya dito ka hanggang sa maalis na lahat ng hangin mo sa ulo. 'Wag kang mag-alala, kahit naman hindi maalis iyan, hindi pa rin kita susukuan."


Napasigaw ako nang kabigin niya ako sa bewang para kapkapan. Nang makuha niya ang phone ko ay ibinulsa niya iyon agad.


Lalo akong nanggalaiti. "Ano ba?! Ibalik mo sa akin iyan! Bakit mo kinuha ang cell phone ko?! Kidnapper, snatcher, swindler!"


"Hoy, anong swindler?!"


"Akina sabi ang cell phone ko!" Nakipag-agawan ako sa kanya para maabot ang bulsa niya, pero magaling siyang umiwas, kung anu-ano tuloy ang nadadakot ko.


Naitulak ni Asher ang ulo ko nang iba ang madakma ko na ang isa pa sa pinakaiiwas niya. "Hoy, manyak!"


"Akina kasi ang cell phone ko!"


"No! Hindi ka muna magse-cell phone hanggang hindi ka bumabait!"


Nang lumabas siya ay kandahabol ako, pero mabilis siya masyado. Nakalabas na agad siya at naisara ang pinto. At pesteng pinto ito, naka-smart lock pala! Buwiset! Buwiset na Asher!


Sinubukan kong pagpipindutin iyong smart lock pero nag-e-error dahil hindi ko naman alam ang code. Napasabunot ako sa aking buhok. Hindi puwede ito. Lumingap ako sa paligid. Maliban sa kama, mga unan, water dispenser, plastic cup, toiletries sa personal bathroom ay wala na akong ibang makita.


Ang kinaroroonan kong kuwarto ay katamtaman ang laki. May sariling banyo, may split type aircon, may water dispenser, may bintana na sliding window, kaya lang ay may takip na wall foam. Malamang din na naka-lock sa labas iyon. Parang movie room nila ito rito sa rooftop o guestroom.


Nagpalakad-lakad ako. Anong gagawin ko rito? Walang TV, wala ang cell phone ko, at wala akong magawa na kahit ano. Lumipas na ang mahigit isang oras, napaos na ako kasisigaw at kahahampas sa pinto nang wala namang tulong na dumarating. Nakadipa ako pahiga sa kama dahil sa pagod nang bumukas ang pinto. Bumalik na ang kriminal.


Pumasok si Asher. Naka-shirt na plain mocha, drawstring navy blue pants, at slides na house slippers. Bagong paligo. Basa pa ang buhok. Ang bangu-bango. May bitbit siyang tray ng pagkain nang lumapit. Inilagay niya tabi ko sa ibabaw ng kama. "Kumain ka muna, bihag."


Bumalikwas ako ng bangon. "Where is Bobbie?!"


"Sasabihin ko sa 'yo pero ubusin mo muna ito."


Tiningnan ko ang laman ng tray. Kanin, menudo, at isang pirasong saging. May isang basong tubig din. Nakakapanlaway, pero syempre, alangan namang aminin ko! "Ayoko niyan!"


Namewang siya. "Okay. So ayaw mong sabihin ko sa 'yo kung nasaan ang anak natin?"


Tatabigin ko sana ang tray, kaya lang ay nakakakonsensiya at nakakapanghinayang. 'Tapos, tyempo pa na biglang tumunog ang aking tiyan. Nagkape nga lang pala ako kaninang umaga, at ngayon ay lampas tanghalian na.


Masama pa rin ang tingin ko sa kanya nang hilahin ang tray palapit sa akin. Nakasimangot pa rin ako nang harapin ang plato. Tumaas ang sulok ng bibig niya nang magsimula na akong kumain. Kada subo ay iniirapan ko siya.


Humalukipkip naman siya habang pinapanood ako. "Ganyan nga, bihag, kumain ka nang kumain para tumaba ka. Pinapataba talaga kita bago kita katayin."


Tinadyakan ko siya sa paa na agad namang naiwasan niya. Buwiset talaga. Pagkaubos ng pagkain ay uminom ako ng tubig. Nang may energy na ulit ay binulyawan ko siya. "O, nasaan na si Bobbie?!"


"Nasa kuwarto ko, kasama ang tita mo at ng kambal. Kukunin ko para magkita kayo."


Paglabas niya ay sumunod agad ako, para lang bumagsak ang balikat dahil naka-auto lock nga pala ang pesteng pinto.


Naghintay ako sa pagbalik niya kasama si Bobbie, hindi naman ako nabigo. Muli akong bumalikwas sa kama nang makita ang batang babae karga-karga niya. Naka-all yellow jumper na naman, nakatirintas ang buhok, at amoy baby cologne. "Bobbie!"


"Mamaaa!" sabi ng maliit at cute na boses nito ay miss na miss ko na.


Sinalubong ko sila at kinuha agad si Bobbie kay Asher. Niyapos ko nang mahigpit at pinupog ng halik ang makinis at malambot na pisngi ng bata. Yumapos din naman sa leeg ko ang munting mga braso nito.


Pagsulyap ko kay Asher ay nakatingin siya sa amin. Agad kong iniwas sa kanya si Bobbie habang matalim sa kanya ang aking mga mata.


Chill lang naman siya. "Bobbie already knows that I'm not just her baby brother."


Tumingin ako sa bata. Naka-pout ang cute nitong mga labi. "Mamaaa, it's okay becosh I have now a real papa! Papa promish to give me real baby siblings! Two! Ah, no, three!" Sabay taas ng mga kamay para magbilang pero ang nakataas na mga daliri ay lima!


Pinandilatan ko si Asher. "Anong akala mo sa akin, kayang magluwal nang maramihan sa isang irihan lang?!"


"Hindi naman isang beses lang. Puwede taon-taon."


Tinapik ng munting kamay ni Bobbie ang aking pisngi. "Don't fight with my Papaaa!"


Napanganga na lang ako dahil nakita kong nakangiti si Asher. Why was he smiling?!


Nagpababa na si Bobbie. Gusto ko pa sanang kargahin pero ayaw nang magpakarga. Hindi ba ako nito na-miss? Samantalang dati ay ayaw na ayaw nitong mawalay sa akin!


Yumukod si Asher para magpantay sila ng bata. "Bobbie, let's go back to Mommy Judy?"


Nag-panic naman ako. "Aalis na siya?! Hindi ba puwedeng dito muna siya?!"


Kunot ang noo ng paslit nang lingunin ako. "Mamaaa, you can't make my shiblings if there's an audienceee!"


"Oops, hindi ako ang nagturo niyan," maagap na sabi agad ni Asher.


Nagtatagis ang mga ngipin ko at gusto ko na siyang lamukusin sa mukha niya!


"Pauwi na sina Nanay at Tatay bukas. Dito na rin sa bahay mula bukas si Bobbie, pero sa ngayon, sa Lancaster muna siya kina Ate Judz." May plano na nga siya talaga, at mukhang maligaya ang tiyahin ko sa plano niyang ito!


Humalik sa akin si Bobbie, at pagkatapos ay excited nang nanakbo sa pinto. "Wantu play with my kuyas! Ba-bye, Mamaaa!"


Bagsak na lang ang balikat ko nang lumabas na sila. Hindi na rin ako nagtangka na sumunod dahil magpapagod lang ako. Kung magwawala naman ako ay baka ma-trauma lang ang anak ko. Sa aking gigil ay pinagbabato ko na lang ang mga unan sa pinto.


Pagbalik ni Asher ay nagsalubong ang mga kilay niya na sa nadatnang mga unan sa lapag, pero wala siyang reklamo na pinagdadampot iyon isa-isa, at ibinalik sa akin dito sa kama.


"Anong balak mo sa akin dito? Hanggang kailan mo ako ikukulong dito?!"


"Sinabi ko na, di ba? Dito ka hanggang sa bumait ka."


"At anong gagawin ko rito?! Wala man lang TV, radio, tapos kinuha mo pa ang phone ko! Daig ko pa ang naka-rehab, ah! Baka mag-withdrawal ako nito?!" sarkastikong sabi ko. 


"'Wag kang mag-alala, nandito naman ako. Ako ang doktor mo."


"Hah! Hindi ba ikaw ang mas nangangailangan ng doktor sa ating dalawa?!"


"Problema ba iyon?" balewalang balik naman niya. "E di ikaw na rin doktor ko. Magdoktor-doktoran tayo rito."


Pulang-pula ako sa inis, habang siya naman ay chill na naghubad ng shirt kahit malamig ang paligid. Ano ba? Nagpi-flex ba siya? Tapos pa-dive pang sumampa sa kama at sumubsob doon. Namumula ang mapupungay na mga mata niya nang tumingin sa akin.


"Bihag, halika. Masahiin mo kidnapper mo para matuwa sa 'yo."


Hindi ako lumapit. Bahala siya sa buhay niya. Nakatayo lang ako kahit nangangalay na. I waited for him to call me again, but he didn't. Siguro ay pagod siya at inaantok kaya saglit lang ay agad na siyang nakatulog. Mukhang puyat siya kagabi sa kalasingan at kakaisip sa plano niyang pag-kidnap sa akin.


Naghintay pa ako ng kalahating minuto pa para matiyak na malalim na ang tulog niya, saka ko siya maingat na nilapitan. Nakadapa siya habang nakatigilid ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan, dahil wala naman ditong ibang pagkakalibangan.


His long lashes stopped twitching. I felt inclined to stare at him some more. Sa kabuuhan ay matured siya pag seryoso, habang pag tulog ay halong boyish na suplado. Lumamlam ang mga mata ko. Ganito rin siguro kung may lalaking anak ako.


Nag-squat na ako sa harapan niya para mas matitigan siya. Ang kinis talaga ng pantay at mapusyaw na moreno niyang balat, ang ganda ng pagkakatangos ng kanyang ilong, at nakakakaaliw ang kapulahan ng kanyang mga labi. Lalaking anak. May dalang pait iyon sa panlasa ko.


Dahil sa pagkaka-sideview ay nakikita ko ang maiksing guhit na pilat sa pisngi niya. Hindi naman iyon nakabawas sa itsura niya kahit kaunti. Parang nakadagdag pa nga. At iyong dala niyong alaala sa akin ay mahalaga.


Inalis ko na sa kanya ang aking paningin na nagsisimula nang manlabo. Suminghot ako at tumayo. Tinalikuran ko na siya habang patuloy sa mahinang pagsinghot.


Siguro ay maliligo na lang ako. Ang kaso, wala man lang inihandang damit para sa akin itong kidnapper ko. Nilingon ko siya. Tulog na tulog pa rin. Tinadyakan ko siya sa puwitan, hindi nagising.


Bumuga ako ng hangin. Dinampot ko na lang ang hinubad niyang shirt sa may unan. Mabango kasi kaliligo lang niya kanina. Puwede na ito. Bitbit ko iyon nang pumasok ako sa banyo.


Kompleto ang toiletries sa loob. May extra bagong toothbrush din naka-ready. Isang oras ako sa banyo bago lumabas. Suot ko ang shirt ni Asher, at maliban sa pang-ibabang underwear ay wala na akong iba pang suot sa katawan. Iniwan ko naman sa loob ang aking pinaghubaran.


Gising na siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at mukhang hinihintay lang ako na makatapos maligo. Tumingin siya sa akin. Sa suot kong damit na t-shirt niya. Nang bumaba ang paningin niya sa bandang dibdib ko ay ibinaling niya na ang mukha sa ibang direksyon.


Tumikhim siya. "Gutom ka na?"


Ismid na may tunog ang sagot ko. Iniwan niya naman ako saglit para lang kumuha ng pagkain dahil malapit na rin ang dinner. Dalawang plato ang nasa tray, tag-isa kami.  Nilaga ang ulam. Nagluto raw si Tita Judy kanina.


Busog pa ako kaya kaunti lang ang kinain ko. Siya naman ay magana sa pagkain. Hindi yata siya nagtanghalian kanina. Iyong tira ko sa plato ay hindi man lang niya pinandirihang ubusin.


"Inuwi muna ni Ate Judz si Bobbie sa Lancaster. Ayaw humiwalay sa kambal e. Babalik sila bukas pag-uwi nina Nanay at Tatay."


Kumuyom ang mga kamao ko. Ngayon lang may nagdesisyon para sa akin. May daliri na lumapat sa gitna ng mga kilay ko. Si Asher.


"Lai, I promise you, makakasama mo rin si Bobbie. Magpahinga ka muna."


Pagkatabig ko sa kamay niya ay may kumatok mula sa labas. Bago tumayo ay dumampot siya ng unan at itinakip sa mga hita ko na nakalitaw dahil bahagyang nalilis ang aking suot na shirt sa pagkakaupo.


Maliit niya lang na binuksan ang pinto. Narinig ko lang ang tamad na boses ng Kuya Amos niya sa labas. "Someone is looking for Lai. Sabi ko wala rito pero ayaw maniwala."


Nahuli ko ang pagkuyom ng kamao ni Asher. Kahit hindi siya sa akin nakaharap ay sigurado na ako na madilim ngayon ang mga mata niya.


Napatayo na ako at akmang sisingit nang iniharang ni Asher sa akin ang kanyang braso. "Dito ka lang." Sabay labas niya ng pinto.


As if kaya kong lumabas dito? Sino ba kasi iyong naghahanap sa akin sa ibaba? Sa tensyon ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Sa banyo ay bumagsak ang balikat ko nang pag-angat ng aking panty ay nakita ko ang mantsa ng dugo roon. Isa lang ang ibig sabihin niyon. 


Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking pisngi. Marahas ko na pinunasan iyon. Kinalma ko ang sarili, pero mabigat pa rin ang aking dibdib hanggang sa paglabas ko.


Siya ring bukas ng pinto ng kuwarto. Halos sabay kami ni Asher. Hinahagod niya ng kamay ang kanyang buhok. He was now wearing a white T-shirt. I was about to ask him who came when I noticed the blood on the side of his lips.


Napalapit ako sa kanya. "Anong nangyari sa 'yo?!"


Umiwas siya pero hinila ko ang laylayan ng shirt niya para iharap siya sa akin. "Ano sabi ang nangyari?! Sinong may gawa niyan?!" Nagtanong pa ako kahit pa alam ko na. Tumalim ang mga mata ko. "Si Rio ang dumating?! Siya ang may gawa nito sa 'yo?!"


Napatingin ako sa kamao niya, namumula ang dulo niyon. Ibig sabihin ay nanapak din siya at hindi nagpasapak lang. Kung ganitong putok ang gilid ng mga labi niya, ano na lang kaya ang kay Rio?!


"What? Are you worried about him?" maanghang niyang tanong sa akin.


Hindi ako nakapagsalita dahil napaatras ako nang magmura siya. Malutong. Namumula siya na tumalikod sa akin. Parang pinakalma pa muna ang sarili bago ulit ako harapin.


"He was not the only one who came. Sumunod sa kanya iyong kapatid niya. Hinahanap ka rin."


Dumating din si Renren? "Uhm, umalis na rin ba?" 


"Yep. Ayaw pa nga noong una. Tapos pinahabol ni Kuya Amos kay Honeybunch." Iyong aso nila ang tinutukoy niya. "Ayun, umalis na."


"Ano?!"


"Ayaw umalis e. Na-badtrip na kuya ko. Alam mo naman iyon, ayaw ng maingay. Ayun, umalis nga pero babalik daw siya at maghihiganti."


Napasentido ako. Knowing Rio and Renren, hindi papayag ang mga iyon na ganoon na lang. Siguradong babalik at babalik ang mga ito hanggang sa makita ako. Ah, saka ko na iisipin ang mga ito. May sarili akong problema ngayon.


Tumikhim ako. "Asher, I need a new underwear." Kailangan kong magpalit dahil kahit kapiraso lang ang stain ay hindi ako mapakali.


Napahagod muna siya sa akin ng tingin, at pagkuwa'y nagbawi ng mga mata. "O-okay." Tumikhim siya dahil para siyang biglang natuyuan ng laway.


Lumabas siya at pagbalik ay may dala ng bagong underwear. As in isang piraso lang talaga. At panty nga lang talaga.


"Sa kuwarto ng panganay na kuya ko nakuha." Kay Tita Judy. Iyong babae lang naman kasi na iyon ang mahilig sa spare underwear mula pa noon. Pero kung galing na rin siya sa kuwarto ni Kuya Abel ay sana ikinuha na rin niya sana ako ng kahit ng shorts man lang ng tiyahin ko. Kanina pa kaya ako kinakabagan sa lamig dito.


Pumasok na ako sa banyo at nagpalit. Ang hinubad ko ay ganoon pa rin ang stain. Hindi pa nadadagdagan dahil simula pa lang. Kinusutan ko iyon sa gripo at isinabit sa toilet wall hook.


Nang lumabas na ako ay nasa may water dispenser si Asher. Umiinom. Pagkaubos sa laman ng cup ay naglagay ulit, saka iyon muling isahang nilagok. Mukhang uhaw na uhaw sa pinagagagawa sa buhay.


Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi niya pa malalaman na nakalabas na ako ng banyo, at baka tunggain niya na ang buong galon ng mineral water sa dispenser.


Patingkayad ko siyang nilapitan at pagkuwa'y tiningala. "Painom din."


Ikinuha niya naman ako ng tubig. Iisa lang ang cup kaya doon din ako sa ininuman niya. Pagbigay niya sa akin ay doon ako mismo sumimsim sa parte na nilapatan ng mga labi niya. Pagkaubos ng tubig ay dinilaan ko pa ang ang parteng iyon ng baso.


Umiwas ng mukha si Asher, pero hindi niya maitatago sa akin ang ilang ulit ng pag-alon ng lalamunan niya. He was cute that I wanted to tease him more.


Pagbalik ko ng cup sa dispenser ay kunwari'y tumama ang aking kamay sa harapan ng sweatpants niya. "Ay, sorry. Nakaharang ka kasi."


Gumalaw ang panga niya na lalo kong ikinatuwa. Tiningala ko siya. Pulang-pula na ang mukha niya. Humakbang ako palapit para dumikit sa kanya, kaya lang ay humakbang siya paatras.


Paos ang boses niya nang magsalita. "Lai, walang mangyayari sa atin hanggang hindi tayo okay."


Napalabi ako. Hindi rin naman puwede dahil siguradong dadatnan na talaga ako bukas. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Tamad na lumayo na rin ako sa kanya. "Kumuha ka na lang ng alak."


Sasakit ang aking puson pag di nakalabas ang menstruation ko. Dahilan lang pala iyon. Ang totoo ay gusto ko lang talagang mag-inom. "Wala akong ginawa rito maghapon, hindi ako pagod, at nami-miss ko pa si Bobbie. Sa tingin mo ba ay makakatulog ako? Kailangan ko ng alak. Mag-inuman tayo."


Nakatitig pa rin siya sa akin.


"What? Ayaw mo akong kainuman?"


Napahawak na naman siya sa kanyang bibig, at saglit lang ay tumango.


Sa sahig ako sumalampak ng upo. "Mucho. Magdala ka rin ng pulutan at maraming yelo."


Pagbalik niya makalipas ang kalahating minuto ay bitbit niya na ang mga pinakukuha ko. Nasa tray ang isang pitsel, isang shotglass, maliit na bucket ng yelo, at bowl na may lamang chicken skin na mukhang binili sa kanto. Sa malaking plastic sa isang kamay niya ay may dalawang Mucho.


Sumalampak din siya sa lapag. Meron din pala siyang sachet ng juive. Itinimpla niya iyon sa pitsel. Baka lang daw kasi gusto ko. Pero hindi iyon ang tinira ko, kundi iyong Mucho. Malamig naman kahit wala pang yelo, kaya wala nang baso-baso. Tutal, dalawa ang bote, tag-isa na kami nito.


"Uminom ka rin," sabi ko kasi para siyang tanga na nakatingin lang sa akin.


Uminom din siya sa bote pero kaunti lang. He was still looking at me with concern in his eyes.


Nginisihan ko siya. "Don't worry, I won't get drunk. And if I try to do something to you, tie me."


Actually, I was not sure. Hindi naman kasi ako palainom, kaya hindi ko alam kung hanggang saan ako. Basta tungga lang ako nang tungga kahit ang pait. Ilang sandali lang ay ramdam ko na ang naghahalong hilo at pagkalutang.


Namumungay na ang mga titig ko kay Asher. Gumapang ako palapit sa kanya. Matamis ang ngiti ko nang iangat ang aking hawak na bote. "Cheers!"


Itinaas niya rin ang kanyang bote, pero ako lang iyong nagdampi ng bote ko sa kanya. I giggled before taking another gulp of alcohol from my bottle. Kandasala iyong sa aking bibig, kaya may kaunting tumapon sa harapan ng aking damit.


I heard Asher groaned softly. Pagtingala ko sa kanya ay hindi na siya sa akin nakatingin at namumula siya. Lumabi ako. Nauna pa siyang malasing sa akin?


I pulled the collar of his shirt. Pagbaba ng kanyang paningin sa akin ay salubong ang makakapal na kilay niya. Galit siya? Siya pa talaga ang galit? Siya ang kidnapper dito at hindi ako!


"Bakit ka galit?" sita ko sa kanya.


Hindi siya kumikibo.


I patted his cheek as my face got closer to his. "Bakit ka nga galit?!"


"Tsk."


"Diyan. Diyan ka magaling." Umusod ako lalo sa kanya. "Galit ka pala, pero hindi mo sinasabi. Akala ko okay, pero hindi pala. Galit pala. Anong kasunod? Bigla kang aalis?"


Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak sa bote. Ibinaba niya iyon. "Lasing ka na, Lai."


"At least, hindi ako plastic." Natutop ko ang aking bibig. "Ay, plastic din pala ako. Kasi kinakaibigan lang talaga kita dahil may kailangan ako sa 'yo."


Pumungay ang naniningkit niyang mga mata. "Anong kailangan mo sa akin?"


Umismid ako. "Bakit ko sasabihin? Hindi naman tayo tunay na friends."


"Kung ano man ang kailangan mo sa akin, kunin mo lang nang kunin. Kapag wala na, mag-isip ka ulit ng bago mong kakailanganin. Wag kang titigil. Dapat palaging meron. Don't worry, walang problema sa akin iyon."


Maligaya na ngumiti ako. "Okay."


Hinawakan niya ako sa ulo. "Pero sa akin ka lang dapat may kakailanganin. Bawal sa iba. Naiintindihan mo, Lai?"


Mabait akong tumango. "Opo."


"Hindi ka rin puwedeng malasing o makipag-inuman sa iba, sa akin lang din."


"Opo."


"Good girl."


Matamis akong ngumiti. Ginulo niya naman ang aking buhok at pinisil ang aking pisngi.


Sumandig ako sa kanya habang nilalaro ang boteng hawak. May laman pero kaunti na lang. Napahagikhik ako at lalong nagsumiksik sa kanya dahil ang bangu-bango niya talaga.


"Gusto mo nang matulog?" Ang boses ni Asher ay ang suyo. May naalala tuloy ako.


Ngumuso ako at umiling. "Ayawww..."


Nakipag-cheers ulit ako. Nakipag-cheers naman siya pero ako lang iyong uminom. Nasusuka na ako pero gusto ko pa. Binigyan niya naman ako ng juice sa baso. Habang iniinom ko iyon ay bumabalik sa Tagaytay ang aking isip.


Madulas ang dila na kusang nagsalita ako. "Akalain mo iyon, sila-sila pa rin pala ang nagkatuluyan, ano?"


"Huh?"


"Iyong mga kaibigan mo." Ang tropahan niya ang tinutukoy ko. Ito at ang mga asawa ng mga ito. Bigla ko lang naalala. O talagang iniisip-isip ko ang mga ito.


"Yeah." Bigla siyang napalaklak sa bote niya.


Humagikhik ulit ako. "Ganoon yata talaga kapag mas mahal ng lalaki ang babae."


Wala na siyang sagot.


Nahihilo na ako. Pumikit ako at saka bumukas ang mga labi. "I have a question for you..."


Tumikhim muna siya. "Ano?"


"Kung hindi ako naging desperada noon, o kung pinatulan ka agad ni Lou..." Dumilat ako at sinalubong ang mga titig niya sa akin. "Asher, may pag-asa kaya kahit kaunti na mapansin mo ang isang katulad ko?"


Umawang ang mga labi niya.


"Ah, no. Hindi na lang pala iyon ang tanong ko. Ito na lang. Bakit ang mga kaibigan mo, kahit lumipas na ang mga taon, kahit nasaktan din naman sila at iniwanan, hindi nila piniling umalis din at mang-iwan?"


Umalon ang lalamunan niya.


"Is it because their love for their partner is greater?"


Although our relationship was not ideal, we were not very mature then, and young love had many challenges, but that was only normal. Lahat naman ay dumadaan sa problema. Katulad din sa mga kaibigan niya, may kanya-kanyang pinagdaanan, pero sa huli ay ang mga ito pa rin ang nagkatuluyan.


Bakit kami ni Asher ay hindi? Dahil mabilis lang noong naging kami? O ang easy to get ko kasi? Ako naman kasi talaga iyong gustong-gusto siya. Talagang plinano ko na makuha siya.


Iyon nga lang, noong may nagawa akong mali, dahil kinailangan kong pumili, doon na kami natapos na dalawa. Pero nang bumalik ako, gusto ko ulit sumugal sa kanya. Gusto ko sanang makabawi. Pinabawi niya naman ako, pero sa huli, ako pala talaga iyong binawian niya.


"Lai." Sumalo ang mainit at malaking palad niya sa pisngi ko dahil muntik na akong matumba.


Nahihilong napatingala ako sa kanya. "When I said that I no longer loved you, I meant it."


Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko pa ang pagkislap ng gilid ng mga mata niya. Luha. "I am willing to do whatever to make it up for everything. Until you forgive me."


Kumapit ako sa kuwelyo niya at desperadong tumitig sa kanyang malulungkot na mga mata. "Fine, I'll try. But you have to do something for me."


Ang pag-asa na sumilip sa mga mata niya ay agad ding nabura. Sa halip, ang mga luha roon na nakabadya lang kanina ay tuluyan nang bumagsak dahil sa aking sumunod na binitiwang salita.


"Asher..." Ngumiti ako sa kanya nang mapait. "Bring our baby back to life. Bring him back to me!"


jfstories

#CrazyStrangerybyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz