Chapter 67
"IT WAS ENTIRELY MY OWN DOING."
My eyes welled up with tears as I looked up at Asher, and he bent down to dry my tears with his gentle kisses.
"Nagulat ka ba, Lai?" masuyong tanong niya habang hinahalikan ang balat ko. "'Wag ka munang masyadong magulat."
I was about to push him again when he grabbed my wrists and locked them tightly in his hands. He kept showering my cheeks with kisses, which continued to be wet with my tears.
Nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko ay napatitig na lamang ako sa kisame ng kuwarto. Ang mga sinabi niya ay ginugulo ang utak ko. Oh, right. He wanted to confuse me that was why he lied. He wanted to trick me.
Hindi niya ako maloloko dahil mas alam ko ang totoo. Alam ko na ako ang unang lumapit sa kanya noon. Alam kong hindi siya sa akin tumitingin kahit kailan. Alam ko ang bawat kilos at galaw niya, ang lahat ng nangyayari sa kanya, at minsan ay kahit iyong mangyayari pa lang!
Itinulak ko siya kahit ang hirap dahil mas malakas siya. Nagsumikap akong makawala sa kanya. Pumalatak siya.
Nang makawala ay lumayo ako sa kanya. "Hindi mo ako maloloko!"
Sa gulat ko ay ngumiti lang siya nang matamis. "Sure."
Sinamantala ko na nakawala na ako sa kanya. Nanakbo naman na ako palabas ng kuwarto. Hindi naman niya ako hinabol. Pinuntahan ko si Bobbie kay Tita Judy. Doon ako naglagi. Quarter to 6:00 p.m. nang magsibaba na kami.
Si Aling Ason ang nagluto ng dinner namin. Ginataang tulingan ang ulam at panghimagas ay mango tapioca na ginawa nito kanina. Sa mga bata naman ay tortang talong na may ground beef. Pagbaba namin ay luto na lahat.
Kami na lang ni Tita Judy ang naghain sa hapag. Si Asher ay pinauna nang pakainin si Bobbie at ang kambal sa center table sa sala. Pagkakain ng mga ito ay pinanood muna ng TV, habang kami namang matatanda ang kakain na sa mesa.
Sa mahabang mesa ng mga Prudente ay naririto kami. Si Mang Jacobo, Si Aling Ason, Si Tita Judy, si Amos, si Asher at ako. Buhay na buhay ang hapag-kainan. Makalansing ang mga kutsara sa babasaging plato habang kumakain, at maraming kuwento si Aling Ason tungkol sa mga amiga nito, at puro tango naman ang good listener na si Mang Jacobo.
Kung saan-saan napunta ang kuwento hanggang sa makarating tungkol sa side ni Mang Jacobo. Ngayon ko lang nalaman na may kambal pala ito. Babae. Maaga lang kinuha. Teenager pa lang daw nang mabangga ang school service na sinasakyan.
"Umasa rin ako na magkaroon ng kambal na anak, para sana isang irihan na lang," ani Aling Ason. Sa amin na nakatingin ni Tita Judy. Si Amos naman ay tahimik lang, mukhang sawa na sa kuwentong paulit-ulit na siguro nitong naririnig.
"Hindi man tayo napagbigyan, sulit ka rin naman dahil nakaapat ka sa akin, Ason!" nakangising sabi ni Mang Jacobo.
"Puro naman barakong matitigas ang ulo!" ismid ni Aling Ason.
May balak din pala noon sila na maghabol pa ng babae, kaya lang ay nagkaproblema raw si Aling Ason sa pagluwal sa bunso. Nag-fifty-fifty ito. Nang maka-recover ay talagang nangako ang mag-asawa na hindi na iisa pa. Si Mang Jacobo na mismo ang kusang nagpa-vasectomy para sa asawa nito.
Inabot ni Mang Jacobo ang tagiliran ng asawa upang sundutin. "Okay lang, ang popogi naman ng mga barako natin, sweetheart! Halatang mahal na mahal mo ako, kaya lahat kamukha ko!"
Noong umpisa ay masungit pa si Aling Ason sa asawa, kalaunan ay may paghampas na. Nagsusubuan na ng panghimagas na mango tapioca.
Pagtingin ko kay Asher ay ngumiti siya sa akin. Mahinang bumulong. "To have a child with the person you love, what could be a greater joy than that?"
Napayuko naman ako sa aking plato dahil dama ko ang pag-init ng aking pisngi. Nang mag-angat ulit ako ng paningin ay may kung anong masarap na pakiramdam ang bumalot sa akin nang makitang hindi pa rin tapos maglampungan ang nanay at tatay ni Asher.
Nakatingin din siya sa mga magulang habang puno ng fondness ang kanyang mga mata. Nang balikan ko naman si Tita Judy ay wala na ang pagngiwi nito, at ngayon ay nanginigiti na rin, at si Amos na seryoso kanina sa pagkain, ay wala, seryoso pa rin.
Pagkatapos ng dinner ay tumulong lang sina Aling Ason at Tita Judy sa pagliligpit. Dahil si Tita Judy na ang naghugas kanina ay ako ang naghugas ngayon. Hindi naman ako iniwanan ni Asher. Tinulungan niya ako kahit ayaw kong magpatulong sa kanya.
Si Tita Judy na may bitbit na basahan at katatapos lang magpunas ng mesa ay sinitsitan kami. "Hoy, wag kayong magtulakan diyan, mabasag mga plato. Lagot kayo kay Nanay!"
Sa sala ay naroon si Mang Jacobo at Aling Ason. Magkaakbay habang nanonood ng TV. Naroon din ang mga apo na kanina pa magugulo, pero nakapagtataka dahil balewala sa mga ito. Balewala rin kahit ang paligid ay parang dinaanan ng bagyo.
Ang isang kambal na si Adam ay nagpapadulas pa sa binti ni Mang Jacobo, si Atlas naman ay nanonood sa tablet nito, na mas malakas pa ang sounds kaysa sa sounds ng TV, habang si Bobbie naman ay abala sa paglalagay ng kung anu-anong ipit sa buhok ni Aling Ason. Balewala naman sa ginang kahit sabog-sabog na ang maiksi nitong buhok, dahil abala ito sa panonood.
Natigilan naman ako, dahil bakit ayos lang sa kanila ang lahat ng ito? Bakit walang naninita sa mga bata? Bakit ayos lang din na makalat? The surprise, confusion, and disbelief in the scenario I was witnessing were all hard to absorb at the same time.
Lumapit si Tita Judy sa sala. Tinawag ang mga bata para maglinis na ng katawan dahil matutulog na. Nagkandarapa ang mga ito sa paglapit, walang ingat, nagkabagsakan ang mga gamit sa center table. At iyong lolo at lola na imbes magalit ay mga natawa pa.
Si Tita Judy ay nakangiti rin. Biniro pa ang supladong si Amos kung bakit nati-trip-an nito ang pagtambay sa labas habang hila lagi ang leash ng asong si Honeybunch.
The living room became even louder when the dog entered. Pero nakapagtataka na hindi nga nakakairita, hindi masakit sa ulo. And what surprised me even more was I imagined myself laughing with them. Na nakikisali rin sa kanila, na parte rin nitong pamilya.
Ramdam ko ang biglang paglamlam ng aking mga mata. Kung sakali kaya na okay kami ni Asher, katulad nina Tita Judy at Kuya Abel, ay ano nga kaya ang klase ng buhay ang meron kami ngayon ni Bobbie?
Ang pag-akbay ni Asher sa balikat ko ang gumising sa aking malalim na pag-iisip. Nang tingalain ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin kundi sa sala rin. Nakangiti siya sa anak namin. "Bobbie, it's time for bed."
Ang batang babae naman ay sabik na nanakbo sa amin. Ang magagandang mga mata ay nangingislap. "Papaaa, Mamaaa!"
And there, I felt blood flowing again in my veins, which seemed to had dried up a long time ago. Sa isang iglap... para bang bigla ay nabuhay ulit ako.
LITTLE FAMILY.
Sa may kuwarto sa rooftop kami natulog dahil nandoon ang mga gamit ko na dinala ni Tita Judy, o dahil may lock combination ang pinto. Wala pa ring tiwala si Asher na hindi ko siya tatakasan.
Wala naman akong reklamo. Parang napagod na ako, o dahil kampante ako na ngayon ay kasama ko na si Bobbie. Sa gitna namin sa kama nakapuwesto ang bata, at ngayo'y malalim na ang paghinga. Ito ang unang beses na nagtabi kaming tatlo. Bagay na hindi ko kailangan naisip na mangyayari, kaya ngayon ay tulala ako sa kisame.
"Good night, Lai. Thank you for today."
Nang bumaling ako sa kanya ay nakatihaya siya habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko na nabawi pa ang paningin ko matapos iyon. I just stared at him, at Bobbie, and their strikingly identical features.
Ganoong puwesto kami. Nasa gitna si Bobbie, nakatihaya siya at payapa na rin ang paghinga, habang ako ay nakatagilid paharap sa kanila. I got so lost watching them all night while they slept soundly, that I had no idea when I had fallen asleep, or why my pillow got wet in tears.
PANG-APAT NA ARAW NA DELAYED.
I had changed my pad several times again today, and yet, there was still nothing. Dahil ba nagulo ang cycle ko mula nang mag-take ako ng pills? O nanibago dahil gumagamit na ulit ako ng napkin instead of menstrual cup? O kailangan ko na talagang mag-PT para malaman?
Nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig kami ng pagbato ng gate sa labas. Kasalukuyan akong nagpupunas ng lamesa, habang naghuhugas si Tita Judy ng pinagkainan namin sa dinner kanina nang mapalabas si Aling Ason.
"Jacobo, wag mong palalabasin ang mga apo ko!" sigaw nito sa asawa.
Si Mang Jacobo naman ay parang automatic na pinagdadampot ang mga bata. Dahil malaking lalaki ay kinaya nitong isang kargahan lang ang tatlong apo. Si Bobbie pasaklang sa leeg nito, at iyong kambal ay sa magkabilang kamay.
Inakyat agad sa itaas, pero nagbilin sa dalawang barako na samahan si Aling Ason sa labas. "Asher, Amos, ang nanay niyo!"
Dahil nasa banyo naliligo si Asher ay si Amos lang ang lumabas. Ako ay napalabas na rin dahil nabobosesan ko ang dahilan ng gulong ito. Boses ni Lydia Punzalan!
"ANAK, NANDIYAN KA, DI BA?! ANAK, ITINATAGO KA NILA SA AKIN!"
Ang pagbukas ng tarangkahan ng gate ay sinundan ng tila kulog na boses ni Aling Ason. "Anong problema mo?! Bakit ka nanggugulo rito sa pamamahay ko?!"
"Dahil alam kong nandito ang anak ko! Bakit itinatago niyo, ha?! Ang kakapal ng mukha niyo, kayo ba ang nagpaaral diyan?! Wala akong kamalay-malay na inanakan at inasawa na pala ng anak niyo ang anak ko! Mga walanghiya kayo!"
Ang kabog ng dibdib ko ang nagpatakbo sa akin pasunod sa labas bago pa ako mapigilan ni Tita Judy. Sa labas ng gate ko natanaw si Lydia Punzalan. Humihingal ito sa galit at halos maglabasan na ang litid sa payat na leeg.
Hindi nito kasama ngayon ang panganay na anak na si Laura. Nanganak na siguro. Nang makita ako ay nabuhayan ang mga mata. "Laila, sinasabi ko na nga ba't naririto ka! Anong ginagawa mo rito?! Inasawa ka na ba nang tuluyan ni Asher?! Ni hindi man lang kami pinasabihan bilang respeto man lang?!"
Tigagal lang ako rito. Anong ginagawa nito rito?! Bakit ito rito nanggugulo?!
"Nakailang balik ako sa Sunterra, wala ka! Kaya pumunta na ako rito, pero pangalawang balik ko na, lagi nilang sinasabi na wala ka! Iyon pala ay itinatago ka lang nila! Palibhasa kasi ay alam na nakatapos ka sa pag-aaral, may sariling bahay, at kumikita ka! Mga mukhang pera!"
Tigagal pa rin ako sa nagaganap. Ni hindi ko magawang mas lumapit. Ang pakiramdam ko ay nanliliit. Dumarami ang mga nakikiusyosong kapitbahay nina Asher, nagkakaroon ng bulungan sa paligid.
"Sino iyan? Iyan ba iyong nagpabalik-balik noon para mangutang kay Ason, pero hindi napagbigyan?"
"Oo, iyan. Nanay raw ng girlfriend ni Asher noon. Asawa na yata ngayon, kasi sila yata nagkatuluyan? Di nga ba't may anak nang nag-birthday noong nakaraan?"
"Ay, bakit kaya pumayag si Ason? Mahal na mahal niya ang bunso niya, ah?! Minalas sa napangasawa naman!"
"Siya nga! Kaawa lang dahil kabait ni Asher, e! Tapos ang biyenan ay eskandalosang mangungutang!"
Nabuwiset naman si Aling Ason sa mga kapitbahay dahil dinig na dinig ang mga pinagsasabi ng mga ito. "Hoy, mga tsismosa! Magsiuwi kayo sa inyong mga lungga!"
Kaunti lang naman ang umalis, at may pumalit din agad na naglalakad. Mga hindi sigurado kung napadaan lang ba talaga, o ano. Si Lydia naman ay tila lalong ginanahan na maraming nakakarinig dito. Gusto ko sana itong sigawan ito para paalisin, subalit nasaan ang boses ko?
"Laila, at nandirito ka na rin lang naman pala, sana kaysa binubulok mo ang bahay mo sa Sunterra, ay hinayaan mo na lang sana kami na doon makisilong muna! O baka naman ibebenta mo na iyon dahil di mo na kailangan, kasi dito ka na titira?!"
Kumuyom ang mga kamao ko at ang aking tainga ay para bang anumang sandali ay magdudugo na.
"Walangya naman, Laila! Alam mo man lang ba ang nangyari kay Ate Laura mo?! At sa pamangkin mong si Betchay? Alam mo ba, ha? Wala kang alam sa nangyayari sa pamilya natin dahil may sarili ka ng pamilya, ganoon ba?! Itatapon mo na lang kami na parang hindi mo kami mga kilala!"
Sa lahat ng sinabi nito ay ang tungkol kay Betchay ang mas nag-ring sa tainga ko. Iyon iyong batang babae noon na ngayon ay nasa seventeen years old na. Ano ba ang nangyari dito?
Dinuro ako ni Lydia habang patuloy sa pagsigaw. "Ganyan na ba katigas ang puso mo, ha? Sarili mong pamilya, tatalikuran mo na talaga?! Habang nagpapakasaya ka, sana naisip mo man lang kung ano ang nangyayari sa amin! Kung paano ang paghihirap namin!"
Ah, shit! Ang sakit sa tainga! Ang sakit-sakit! Ayaw ko nang marinig! Ang sakit! Akma ko nang tatakpan nang may mauna nang biglang tumakip sa aking magkabilang tainga mula sa likuran ko.
Nawala ang nakakadugong ingay sa paligid ko. Ngayon ay nakikita ko na lang ang pagbukas ng bibig ni Lydia, subalit halos hindi ko na marinig ang sinasabi nito. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at napahikbi ako. Kahit hindi ko tingnan kung sino, ay kilala ko. Ang may ari ng maiinit at malalaking kamay na ito ay si Asher.
"Asher, iakyat mo na muna sina Lai sa itaas," nabasa ko ang pagbukas ng bibig ni Aling Ason habang madilim ang mukha nito.
Iginaya naman ako ni Asher papasok sa pinto. Naninigas ang aking katawan at parang ayaw kong sumama, dahil baka kung ano ang gawin ni Lydia. Baka mas magkagulo. Baka lumala lalo. Baka... baka...
Natigil ang kaguluhan sa isip ko nang yakapin ako ni Asher. "Hayaan na natin si Nanay rito, sisiw na lang iyan sa kanya."
Pagtingin ko kay Aling Ason ay nanlilisik na ang mga mata nito. Pagpasok namin ni Asher sa sala ay naulinigan ko na lang ang boses nito. "Amos, isaksak mo ang pressure washer, dalian mo at may bobombahin tayo!"
Kasunod niyon ay ang malakas na tunog ng pagsagitsit ng tubig at hiyawan ng mga tao sa labas.
Sa rooftop ako dinala ni Asher. Naroon sila Tita Judy at ang mga bata. Naglalaro na ng snake and ladder board ang magpipinsan sa tiles na sahig ng kuwarto. Nang makita kami ni Mang Jacobo ay tumungo na ito sa pinto. Babalikan daw muna nito sa ibaba ang asawa, dahil baka raw masyadong mag-enjoy si Aling Ason, kailangan na raw awatin.
Hinalikan naman ako ni Asher sa ulo. "Susundan ko lang si Tatay. Backup lang, baka kasi di nila kayanin ni Kuya Amos si Nanay."
Pag-alis ni Asher ay nilapitan ako ni Tita Judy, at dinala sa gilid. "Hoy, Laila, ayos ka lang?"
"Of course," mariing sagot ko naman. Bakit kailangan pang itanong?!
Napaismid naman si Tita Judy. "Of course mo mukha mo. Namumutla at nanginginig ka. Tayo lang naman dito, kaya wag ka nang magpanggap."
What? Napatingin ako sa aking mga palad at ganoon na lang ang singhap ko nang makitang nanginginig nga ako. Pero bakit? Wala naman akong pakialam, e. Kaya bakit?! Bakit?!
Ginulo ni Tita Judy ang buhok ko. "Laila, mukhang wala kang balak tigilan ng mga iyon. Pero wag kang mag-alala, hindi ka pababayaan ni Donya Ason. Noong kabataan daw niya ay malupit pa raw siya kay Sailormoon."
Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti siya sa akin. Natatawa niya akong hinila at niyakap nang mahigpit.
Nang makita kami ng magpipinsan na magkayakap ay parang de-spring na napatayo ang mga ito. Nainggit sa yakapan namin. "We want a hug tooo!" At nakiyakap na sa amin ang mga ito.
I was still dumbfounded, but what was strange was that I felt lighter. Ang mabigat na pakiramdam ko kanina ay ngayo'y magaan na, na hindi ko namalayang nakangiti at nakayakap na rin ako sa kanila...
Nakangiti na ako hanggang sa pumunta na sina Tita Judy sa kuwarto nila. Kung titingnan ay maayos na, pero sa likod ng isipan ko ay may binubuo akong plano. Plano kung paano ako tuluyan nang tantanan ng mga Punzalan.
NAPATULOG KO NA SI BOBBIE nang bumukas ang pinto. Katulad ng mga nagdaang gabi ay dito kami ulit sa kuwarto sa rooftop. Pumasok Asher. Sa kaliwang kamay niya ay may bitbit siyang envelope.
Tumayo ako at humakbang siya palapit sa akin. Sinulyapan niya muna ang natutulog na bata sa kama bago mahinang nagsalita.
"Iyong nailit sa bangko na maliit na lote sa dulo sa street na ito, ako ang nakabili niyon nito lang taon. Kita ko sa barko at sa stocks. Ipinangalan ko kay Nanay. Tapos si Kuya Abel at Kuya Aram naman ang magpapatayo ng maliit na bahay, para dagdag paupahan at at income ng mga magulang namin."
I frowned because why did he have to tell me these things?
Asher opened the envelope, and inside were some documents and a passbook. He first handed me the passbook.
"Bukod doon sa maliit na lote, kahit paano ay naibili ko na sina Nanay at Tatay ng ilang luho, naipasyal ko na sila, nakapag-ambag na rin ako sa memorial plan nila. Itong nasa passbook ang natira sa kinita ko sa barko at sa stocks. I have now saved two million pesos in the past three years."
Inilabas niya ang ibang laman ng envelope at ibinigay sa akin. Mga government papers na nakapangalan sa kanya. SSS, Pag-IBIG, Philhealth, habang ang ibang papeles ay private insurance at memorial plan. Lahat iyon ay paid on time.
"Those are all my government documents, ensuring coverage for insurance, loans, and retirement benefits, my funeral plan, and my private insurance amounting to five million pesos. So, can I ask you now?"
"W-what?" Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Laila Valmorida, will you be my beneficiary?"
Napanganga ako sa pagkabigla.
"Aside from being my beneficiary, I also want you to be my allottee."
Humagikghik si Bobbie. Napalingon kami rito. Mahimbing ang tulog nito habang nakangiti. Siguro napapanaginipan ang maghapon na paglalaro nito. Nakakuha ako ng pagkakataon na matakasan sandali si Asher, at lapitan ang anak namin. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko na para iyong sasabog. Natatakot ako na marinig ang iba niya pang sasabihin, dahil baka hindi ko masagot.
Iyong alok ni Asher ay parang ipu-ipo na ginulo ang utak ko. Magkasama kami pero hindi pa masasabing okay para alukin niya ako nang ganito. Dahil aalis na ba siya sa sunod na linggo? Gusto niya na akong itali rito? Yakap mula sa aking likod ang nagpatigil sa pag-iisip ko.
When I faced him, he hugged me tightly. "Lai, walang nagmamadali. But can you just stop thinking about anything tonight? Kahit ngayon lang. Ngayon lang, wag ka munang mag-isip..."
Ang mga mata ko ay biglang nakaramdam ng pamimigat habang ang aking mga braso ay tila may sariling isip na yumakap na sa bewang niya. Tonight, only tonight, I had to admit that it felt good to be locked in his warm embrace.
At sige na, ngayon lang din na gabi ay susundin ko siya. Hindi ko muna pagaganahin ang aking isip. Oo, hindi na muna ako mag-iisip...
THE NEXT DAY. STILL NO SPOTTING. Iyong unang araw lang talaga ang pag-bleed ko, pagkatapos ay wala na. Kahit ganoon ay natatakot pa rin ako na matagusan kaya gumagamit pa rin ako ng napkin, na sa huli ay nasasayang lang din.
Tumingin ako sa kalendaryo sa pader. Almost one month pa lang. Masyado pang maaga para hatulan, pero kasi ay hindi na nga talaga ako dinatnan.
A small hand caressed my cheek. "Mamaaa, what were you thinking?"
It was Bobbie. Pareho kaming nakasalampak sa carpet sa sala. Hindi lang ito ang naririto, naririto rin ang kambal na pinsan nito. Magkakasama na nagkukulay sa biniling coloring book na bili ng lolo at lola ng mga ito.
Napatitig ako sa mukha ni Bobbie. I was very happy when I first saw this child. The idea of seeing a child again that resembled her thrilled me big time.
"Mama, you're happyyy!" my kid exclaimed when she saw the change in my expression.
Ngumiti naman ako rito. "Yes, baby. I am." Happy and scared.
Should I tell Asher? What should I tell him? And how should I tell him? Sa dulo ng pag-tatalo sa isip ko, isa ang nabuo: he must know.
Oo, sasabihin ko. I would not hide this from him. I would not hide anything from him again. Bahala na. Bahala na.
"Mamaaa, you're tearing up! Are youww sad?"
Nakangiti na pinalis ko ang isang luha na kumawala pala. "No, baby. I'm not sad. I just made a decision that I think will change our lives."
Nasa maliit na mukha ng bata ang pagtataka. Hinalikan ko ito sa ulo, at ipinagkatiwala muna sa kambal. Safe naman dahil nasa labas isang kuya ni Asher na si Amos. Nandoon at hawak ang leash ng aso nilang si Honeybunch habang nakatambay na naman sa may gate.
Tinungo ko ang hagdan habang ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa naghahalong nararamdaman. Asher was not in his room on the second floor. Ah, oo nga pala, sabi niya kanina ay maliligo siya. Sa banyo sa kuwarto sa rooftop siya siguro maliligo. Umakyat na ako papunta roon. Sasabihin ko sa kanya kahit hindi pa ako sigurado. After that, we would talk.
Nang malapit na ako sa pinto ay natagpuan ako ang sarili na gustong mangiti. I still couldn't tell why, but possibly my excitement was overpowering for me.
Excited? Saan ako excited? Ah, kahit isipin kung saan ay ayaw kong intindihin. Gusto ko na lang munang makita si Asher. Right, dapat makita ko muna si Asher. Gusto kong makita si Asher!
Itinulak ko ang pinto pabukas, kasabay rin niyon ang pagbukas ng pinto sa banyo. Sa pagpasok ko ay siya ring labas niya. Bagong ligo siya. "Asher, hinahanap kita. Puwede ba tayong—" Napatigil ako dahil madilim na nakatingin sa akin ang mga mata niya. Bakit?
Parang naubos ang hangin sa paligid nang bumaba ang tingin ko sa mga kamay ni Asher. Hawak-hawak niya lang naman ngayon ang basurahan sa banyo. Sa ibabaw niyon ay ang mga napkin na ginamit ko. Mga napkin na di sinasadyang nakabukas pala ang ilang piraso, at ngayo'y malinaw na malinaw na makikitang wala kahit kapirasong bahid ng dugo ko!
"You are claiming that you don't love me, yet you intend to give birth to my child again?" malamig na tanong niya.
Ibinaba niya ang basurahan at kumuha ng napkin na nakasara. Binuksan niya iyon at inihagis sa harapan ko. Katulad ng mga nakabukas ay wala iyong kahit mantsa.
"Nice one, nice one." Nagtatagis ang mga ngipin niya at ngayon ay puro galit na ang makikita sa kanyang mga mata.
Pagkuwa'y malamig siyang ngumiti na naghatid ng ginaw sa pagkatao ko. "I see. Ayaw mo ng mabait sa 'yo, di ba? Fine then, Laila, pagbibigyan kita."
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz