Chapter 64
"DO IT WITH ME."
Ang paos na boses ni Rio ay bumulong sa tainga ko, ang mainit at mabango niyang hininga ay hinahaplos ang balat ko.
"Lai, please give me a child too."
He opened the door to the room he and Asher were staying in with his one hand, while his gaze still fixed on me, and there was still a small distance between us.
"I want one too. A child who looks like me and you."
Sinalubong ko ang mainit niyang tingin sa akin sabay ng pag-angat ng isang kamay, pero hindi upang haplusin ang makinis na pisngi niya, kundi para tampalin siya sa noo.
Napangiwi siya sa sakit. "Ouch, Lai!"
"Do you think I'm crazy enough to do that with you?" Tinampal ko ulit siya sa noo. Marami hanggang magkanda-atras-atras na siya.
"Ouch, ouch, Lai!" Kandasalag siya. "Ouch, Lai! Sorry na! Sorry na!" Hindi ko pa rin siya tinigilan. Pinagpipingot ko rin siya.
Tumigil ako nang pulang-pula na siya at tila kaawa-awang kuting na humihikbi na habang nakasiksik sa gilid ng dingding.
"Ulitin mo pa ito, sa kalsada ka na dadamputin kasama ang mga gamit mo. Pumasok ka na ng kuwarto at matulog ka na!"
Sunod-sunod naman siyang tumango habang nakalabi. Inirapan ko siya. Bumaba na ako.
Sa pagbaba ko ay sakto ang pagbukas ng pinto. Kapapasok lang ni Asher. Nagulat siya nang makita ako.
"Bakit ngayon ka lang?"
Napalunok siya bago sumagot. "Dinala sa ospital si Kuya Aram. Uminom siya ng fabric conditioner."
Wow. Sawa na ba ang mga kuya niya sa alak kaya kung anu-ano na lang ang naiisipang laklakin? Sa pagkakatanda ko noon, para makatakas sa ex nito ang asawa ni Tita Judy ay lumaklak din ito ng Zonrox sa banyo.
Nang lumapit siya ay nasamyo ko ang nakakagigil na bango. Galing siya maghapon sa labas pero ang bango pa rin. Yup, he always smelled great. Napatanong tuloy ako. "Kumain ka na?"
Napakurap naman siya. "Huh?"
"Do you want me to say it twice?"
"Ah, kumain na. Pero kung may pagkain, puwede naman ako kumain ulit—"
"Wala ng pagkain."
"Ah..." Napahilamos siya ng mukha pero ngumiti sa akin. "Okay lang, at least, tinanong mo ako."
Tumuloy na ako sa kusina at pagkuwan ay umakyat na rin sa itaas. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin. Ang hindi ko na nakita ay ang pagseryoso ng mga mata niya habang nakatingin sa akin mula sa likuran.
MAINGAY PAGGISING KO. Mabuti at tulog pa si Bobbie. Ako ang naunang bumaba. Paakyat si Asher sa hagdan at nagkasalubong kami. "Wag kang bumaba."
"Alis."
"Lai." Matigas ang boses niya.
"Alis sabi." Nilampasan ko na siya. "Bantayan mo si Bobbie."
Sa pinto ay naroon si Rio. Pulang-pula ang mukha niya habang madidilim ang kanyang mga mata. May kausap siya sa labas ng pinto. "I said, I am not coming with you!"
Nang lumapit ako ay nakita ko ang babaeng nasa bandang gate. Pusturang-pustura, elegante ang itsura, at ang mukha ay napakatapang. Mukha na pinangingilagan noon ni Mama. Mukha ng pekeng tiyahin ko, si Rica Estrada.
Nang makita ako nito ay lalong nanlisik ang mga mata nito. "Hindi pa talaga kayo nakuntentong mag-ina, ha?! Matapos sa kapatid ko, sa asawa ko, ay ngayon naman, pati na rin sa panganay na anak ko?!"
Nagtutule ako ng tainga gamit ang hinliliit ko.
Si Rio ay hiyang-hiya na tumingin sa akin. "Lai, I'm sorry. Hindi ko alam na pupunta si Mommy dito. Nalaman niya na kasi na nandito ako sa 'yo."
"Rio!" gigil na sigaw ni Rica Estrada. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka sumasama sa paguwi!"
Ang pagkalito at pagtutol ay nasa mga mata ni Rio.
"Sumama ka na. Baka magising pa si Bobbie sa ingay ng mommy mo."
Nang banggitin ko si Bobbie ay parang natauhan siya. Malungkot ang mga mata niya nang tanguan ako. "Lai, I'll be back. I promise, aayusin ko ito."
Labag man sa loob ay sumama si Rio sa mommy niya pauwi sa kanila sa Sta. Clara. Nang wala na sila ay isinara ko na ang pinto. Nasa hagdan na ngayon si Asher na karga-karga ang bagong gising na anak namin. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
I waited for him to speak or ask me anything, but he didn't. He was silent and serious as he prepared breakfast for us. Ngumingiti lang pag si Bobbie ang kaharap, tapos seryoso na ulit. Parang may iniisip na dapat kong ikakaba.
Kahit nang samahan niya kami ni Bobbie sa playschool ay wala siyang kibo. Seryoso siya. Iyong seryoso na hindi mo tatangkain kahit biruin. Hindi na tuloy siya nadaldal ng ibang mommy sa waiting area.
Pagkauwi ay saglit pa lang kami nang dumating si Tita Judy. Pagkapasok na pagkapasok ay dinampot agad si Bobbie sa sofa. "Gustong makita ng asawa ko," nakalabi niyang sabi. Magbi-video call daw sila ng panganay ng mga Prudente.
Alam na ni Abel Jesus na may pamangkin na ito. Nakita ang mga post ng ni Ason Agoncillo-Prudente sa Facebook. Ayun, nasabon ang tita ko. Nasa lahi raw ba namin ang mahilig magtago ng bata. Syempre, sinagot naman ito ng magaling kong tiyahin, na kesyo wala raw kinalaman ang lahi dahil hindi naman kami tunay na magkadugo.
"Aba, 'wag niya akong paandaran." Nakanguso si Tita Judy habang nagsasalita. "Makikipag-areglo na ako noon, pero anong ginawa niya? Ipinabaranggay nila ako ng nanay niya! O pagkatapos, gaganyan-ganyan siya? Tampalin ko siya sa ngala-ngala!"
"Kuwento mo iyan, syempre, ikaw api riyan."
"Naman!" Umirap sa akin si Tita Judy. "Alangan namang sabihin kong kasalanan ko, e ako iyong nagkukuwento."
Bago umalis ang tiyahin ko ay hindi talaga pumayag na hindi madadala si Bobbie. Tatawag na raw kasi si Kuya Abel, gustong-gustong makita ang pamangkin. Hindi pa ako pumapayag, nag-aabang ako sa sasabihin ni Asher, nang tumango siya kay Tita Judy.
Pagsara ng pinto ay hinarap ko siya nang nakahalukipkip. "Bakit ka pumayag na dalahin ni Tita Judy si Bobbie?"
"Ngayon lang."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Isasama kita sa Tagaytay mamaya." Kaya pala. "Birthday ng asawa ng tropa. Kasabay na rin reunion. Saka, may inaayos na problema iyong hipag ni Carlyn. Pag-uusapan doon."
Ang asawa ng tropa na sinasabi niya ay si Sussie o Susana Alcaraz-Wolfgang. Asawa ni Arkanghel, pekeng pinsan ni Isaiah. 4:00 p.m. ay nakagayak na si Asher. Plain white RL shirt, faded jeans, white sneakers. Iyong buhok niya ay kanyang tinalian, pero hindi lahat. May ilang hibla pa rin sa gilid, at nakaka-ugh.
Wala naman akong balak sumama, pero ang seryoso niya kasi. Namalayan ko na lang tuloy ang sarili na bandang hapon ay nagbibihis na rin. Purple long sleeved cropped hoodie sa pang-itaas, sa ibaba ay cream high-waist pleated shorts, at sa paahan ay purple doll shoes na isa sa mga regalo sa akin ni Renren. Ang buhok ko na maiksi ay nakalugay lang at may suot ako sa mga mata na salamin.
Patingin-tingin ako kay Asher pero wala, seryoso at tahimik talaga siya. Ni hindi man lang na-appreciate na sasama ako sa kanya.
Nag-Grab kami papunta sa Tagaytay dahil gamit ng tatay at nanay niya ang owner nila, may out of town ang mag-asawa. Iyong kotse naman ni Kuya Abel ay natutulog sa bahay ng tiyahin ko.
Sa likod kami ng sedan ni Asher naupo. Nakahawak ang kanyang isang kamay sa may hita ko habang ang isa ay sa phone niya. Ka-text niya si Tita Judy. Dahil malapit lang siya sa akin ay nababasa ko ang pinag-uusapan nila. Kinukumusta niya lang si Bobbie.
Sa isang exclusive subdivision pumasok ang Grab. Dito nakatira ang mag-asawang Arkanghel at Sussie. Maganda ang bahay ng mga ito. Big but not too big. Papasang simple lang. Maraming halaman. Mukhang nakakaangat sa laylayan ang nakatira pero hindi mo pag-iisipang may ari ng isang malaking kompanya.
Ang nagbukas ng pinto sa amin ay iyong step-mother ng celebrant. Si Aling Teresita Alcaraz. Mabait ito at makuwento. At maraming unsolicited opinion. Katulad ngayon. "Asher, iyan na ba ang asawa mo?" Ako ang tinutukoy nito.
"Magkaibigan lang po kami." Ako ang sumagot.
"Magkaibigan lang? E bakit ganyan ang tingin ni Asher sa 'yo? Parang tingin ng hinding-hindi papayag na iwan mo."
"Hindi talaga," narinig kong bulong niya, pero paglingon ko ay sa iba siya nakatingin at hindi sa akin.
Tumuloy kami patio sa likod. Bukas doon ang lahat ng ilaw kahit hindi pa naman gaanong gabi. Dalawang bilog na mesa ang naroroon. Walang maraming bisita, kundi iilan lang. Sila-sila lang na magkaibigan.
Sa isang mesa ay tatlong babae ang naroroon. Masayang nagkukuwentuhan. Iyong brunette ang buhok ang unang nakakita sa akin. Si Zandra Asuncion na Zandra Asuncion-Pangilinan na ngayon. Maganda pa rin ito, pero masyado nang simple kumpara noon. "Oh, my! Girls, Lai is here!"
Lumapit ako sa kanila at kimi ang ngiti na nag-hello sa kanila. Ang dalawa pang babae sa mesa ay sina Sussie at Vivi. Mga asawa nina Arkanghel at Isaiah.
"Kumusta ka na, Lai?" masayang tanong sa akin ni Sussie. Walang nagbago masyado rito, maliban sa hindi na ganoon ka-chubby, at ang itsura ay nag-mature nang kaunti.
Mahinhin na naghawi ako ng buhok sa tainga. "Uhm, okay lang. Uhm, happy birthday pala..."
Ipinaghila ako ni Zandra ng upuan. "Oh, you're still sweet and shy!"
Naupo ako kasama sila. Si Asher ay nagpunta na sa puwesto ng mga lalaki, ang usapan nila roon ay tungkol sa pag-i-invest sa iba't ibang stocks. Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan, subalit ang mga mata niya ay simpleng hindi lumulubay sa akin.
"Lai, ang tagal ka naming hindi nakita," ani Zandra na kumuha sa atensyon ko. "Ang sexy-sexy mo ngayon!"
"Oo nga, Lai." Si Sussie. "Mabuti nagpakita ka na. Alam mo ba, tuwing bumababa si Asher sa barko ay malungkot siya."
Kimi lang na ngiti ang sagot ko sa kanila. Yumuyuko rin ako minsan na tila nahihiya, to complete the package.
Si Zandra ay may kuwento pa. Umusod pa para ibulong sa akin. "'You know, Lai? Muntik na raw tumalon si Asher dati sa dagat! May balak pa nga iyang lumaklak ng—"
"Pst, hoy!" Mula sa kabilang mesa ng mga boys ay sumitsit si Miko. "Bawal ang bulungan, baka lalaki na iyang pinag-uusapan niyo riyan!"
"Lalaki nga," ani naman ni Sussie na ewan ko ba kung pinag-isipan niya ba iyon. Ayun tuloy, halos magbuhol na ang kilay ni Arkanghel sa kinauupuan nito ngayon.
Napatayo naman si Isaiah, at dinuro kami. "Anong lalaki?! Hoy, bakit nag-uusap kayo tungkol sa lalaki?! Ibinigay na namin sa inyo ang lahat, hindi pa ba sapat?!"
"Ganyan iyang mga iyan," ani naman ni Miko sabay irap sa asawa.
Nang tingnan ko si Vivi ay ngumiti lang naman ito kay Isaiah, ayun, nanghihinang napaupo ang lalaki habang hawak ang sariling dibdib.
Hindi pa naman tapos si Miko. "Hoy, Mateo!" tawag nito sa isang batang lalaki sa garden. "Iyong nanay mo, ipagpapalit na tayo! Kanino ka sasama?!"
May anak na pala sina Zandra at Miko. Batang lalaki na ang pangalan ay seven years old na, si Mateo Sirach. Ang anak naman nina Vivi at Isaiah na si Vien Kernell ay nine years old. Halos magkakasing tangkad. Parang mga binata na nag-uusap-usap sa may garden. Ang topic ay video games.
Nanahimik lang ang kabilang mesa nang tumigil na kami sa pagbubulungan at naririnig na nila ang aming usapan. Tungkol na sa mga home décor. Habang nagkukuwentuhan ay patingin-tingin lang ako. Simpleng pinagmamasdan sila.
Hindi nagkakalayo sina Zandra at Sussie ng ugali. Pareho silang may itinatagong taray, pero pareho rin namang malalambot ang puso. Parehong matatalino, pero parehong ring dense at gullible sa mundo.
Habang si Vivi ay palaging inosente, may pagkamahina umintindi, at mukhang iiyak agad sa kahit anong problema, pero magugulat ka, dahil sa kabila ng kahinaan niya, sa lahat ay siya talaga ang may pinakamatapang na persondalidad.
Carlyn arrived with her sister-in-law, the younger sister of my former classmate Jordan Moises Herrera, Jillian Mae Herrera. Buntis ito ayon sa malaking tiyan. At ganoon pa rin, napakagandang babae at napakabait kung titingnan.
Kasama nina Carlyn at Jillian ang kanya-kanyang mga anak. Carlyn's daughter Mara was the same age as Sussie's daughter, Shasha. Three years old din. Ang anak naman ni Jillian na si Hyde ay matangkad na batang lalaki, hindi halatang nine years old pa lang ang edad.
Hyde went straight to the garden and joined Vien and Mateo. Ang batang si Mara naman ay sumama raw sa step-mother ni Sussie. Pupunta sa kuwarto kung nasaan ang anak nina Sussie at Arkanghel na si Shasha. Doon maglalaro ang mga ito.
"Birthday girl!" parang naka-mega phone ang boses ni Carlyn.
Hindi naman dito nakatutok ang pansin ni Sussie, kundi kay Jillian. "Hala, Jillian!"
"Hi, Jillian," bati ko rin sa babae na halatang nahihiya.
Ilang na ilang ngumiti si Jillian. Kahit noon pa ay awkward na ito sa mga tao, kaya nga tyinaga nito iyong Dessy Paredes na iyon. Pero ngayong naririto na si Jillian, hindi na nito kakailanganin pa ang huwad na kaibigan.
Si Carlyn ay sa akin agad tumingin pagkaupo. "Oy, Lai, ano nang score niyo ni kalbo? Ay, wolfcut na pala! O di ba, tinubuan na ng maraming buhok pero computing pa rin ang score niyo!"
"Magkaibigan lang daw sila!" sabi naman ni Zandra na nakabungisngis. "Ayos lang iyan, kami nga dati ni Michael Jonas, mag-boardmate lang pero may anak!"
Si Vivi ay hindi naman mapakali sa kinauupuan dahil marami na itong nalalaman. Hindi naman nakaligtas iyon kay Carlyn. "Vi, mag-uusap tayo mamaya nang masinsinan!"
"Hey, that's unfair!" reklamo naman ni Zandra. "Ang lagay ay kayo lang ang may karapatan sa kung ano mang chismis na iyan?!"
Sa lahat ng iyon ay tahimik lang si Jillian. Patingin-tingin lang. Tinambakan ito ni Sussie ng vegetable salad at inilayo ang mga mamamantikang pagkain. Kitang-kita ko naman kung paano ito mas lalong nahiya. Hindi ito sanay nang inaasikaso ng ibang tao.
Nakangiti ako na umusod at nakikuwit ng vegetable salad sa plato nito. "Baka naman magtae si Jill nito?"
Doon nagbalik ang atensyon ni Carlyn sa hipag. "Teka, sissy, titikman ko muna!" Sabay kuwit din sa vegetable salad ni Jillian. "Oy, sarap, ah. 'Wag niyong ubusin, mag-uuwi ako nito mamaya!"
Naging mas maingay ang mesa namin mula nang dumating si Carlyn. Sandali lang ay ito na ang halos nagsisimula ng lahat ng paksa. Walang preno at filter ang mga salita. Nothing had changed with Carlyn, except that she appeared to be happier in life. She was lively, loud, and confident.
Si Carlyn naman ang pinakamatapang sa panlabas kung titingnan. Ito ang may pinakamalakas na aura sa lahat. Pero ikagugulat mo rin, dahil ang totoo ay siya ang pinakamahina ang puso sa aming lahat dito.
Si Jillian ay pinagmamasdan ko rin. Madali lang din itong basahin. Mabait, madaling magtiwala, matalino rin, pero katulad nina Sussie at Zandra, madaling saktan ng mundo. Ang pinagkaiba lang sa dalawa, itong si Jillian ay parang palaging may itinatago. Kung ano man iyon ay makikita mo sa mga mata nito.
Sandali lang ay nagkakasiyahan na. Umiikot na ang tagay sa mga kalalakihan sa kabilang round table. Lumalakas na rin ang boses. Makakarinig na ng asaran at yabangan. Lahat sila, kahit si Arkanghel na tahimik kanina, seryoso, at poised, ay ngayo'y maingay na rin.
Maliban lang kay Asher. Panay tungga lang siya ng shot. Titingin sa akin. Tapos tutungga na naman.
Inakbayan siya ni Isaiah. "Repa, dahan-dahan. Uubusan mo naman kami, e."
Pumalatak si Miko. "Ang tanda na netong bebe natin, bulbulin na, pero maiinitin pa rin."
"Sino may sabi?" Umismid si Asher, at muling tumitig sa akin. "I'm on my way to being the most patient man throughout the history of Cavite."
Si Carlyn ay pumunta sa table ng mga boys para kumuha ng alak. Pagbalik ay sinalinan agad kami ni Zandra. Tatanggi sana ako pero nginisihan ako ni Carlyn. "Bakit ka tatanggi? Unless kung buntis ka?"
Napainom-inom na tuloy ako. Nang mapatingin ako kay Asher ay sa akin nakatutok ang mga mata niya habang lumalagok sa hawak na shotglass. Hindi na niya talaga inaalis. Parang hindi na siya kumukurap.
Lumipat kami sa sala mayamaya dahil umambon sa labas. Inalalayan ni Zandra si Miko dahil nalunod na yata ito sa alak. Si Arkanghel ay namumula na rin, hindi na raw kasi sanay mag-inom. Si Isaiah na lang yata ang matatag. Hindi kailangan ng alalay, pero iyon nga lang ay nagpaalalay pa rin.
Huling tumayo si Asher. Nilapitan ko siya. "Lasing ka na?"
Pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg. Namumungay na rin ang mga mata. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kinuha ko ang isang kamay niya at inilagay sa aking balikat.
Nasa sala na ang lahat, pati ang mga bata. Nasa may carpet sa gilid mga nakasalampak. Pinatayo na rin ang mga ito para pumasok sa guestroom.
Sina Sussie at Jillian ay sandaling nawala. Hindi sumunod si Carlyn dahil ginamit nito ang pagkakataon para kausapin si Arkanghel. Maraming koneksyon ang pamilya ng mga Wolfgang, kaya kung may makakatulong man sa problema tungkol sa kumakalat na fake news ngayon sa social media ay si Arkanghel iyon.
Tungkol iyon sa anak ni Jillian na ngayon ay pinupulutan ng mga netizen, dahil sa issue nito sa dating kaibigan na sikat na vlogger na si Dessy Paredes. May ginawang kalokohan ang babaeng iyon at ngayon ay naghuhugas kamay sa social media.
Malayong pinsan ni Zandra si Dessy, pero walang pakialam si Zandra sa babae. Kung kinakailangan daw ang tulong nito ay tutulong pa ito. Ang asawa naman nitong si Miko ay tahimik na, pero mukhang nag-iisip. Napapailing na lang ako, dahil alam kong kung makikisawsaw ito ay mas dadami ang problema ni Dessy.
Tumigil na sila sa pag-uusap nang bumalik na sina Jillian at Sussie. Bagama't parehong namumugto ang mga mata ng dalawang babae ay may kakaiba sa aura ng mga ito. Nagkaroon na ng closure siguro. Hindi na rin makikitaan ng pagkailang si Jillian, nakangiti na at mukhang simula na talaga na maging parte ito ng tropahan.
Dumating na rin ang sundo nina Carlyn, ang kuya ni Jillian na si Jordan. Nang tumingin sa akin ang lalaki ay simpleng tumango lang ako rito.
Ang dalawang batang lalaki na naiwan, sina Mateo at Vien, ay sa gaming room. Magbi-video games daw muna bago matulog. Kami na mga girls ay sa guestroom habang ang mga boys ay bahala na raw kung saan pupuwesto.
Pinatay na ang ilaw sa sala. Nasa guestroom na kami. Si Zandra at Vivi ang magkatabi sa double bed, habang ako ay mag-isa sa single bed. Hindi ako makatulog. Namamahay saka naiisip ko si Bobbie, kaya panay ang chat ko kay Tita Judy. Sinaway naman ako nito na wag pakaisipin ang bata dahil natutulog na.
Nakatulog na rin ako pero ilang oras lang. Bumangon ako na madilim-dilim pa sa labas ng bintana. Nagbanyo muna ako sa banyo ng guestroom. Nang maayos ko na ang sarili ay nagkape ako sa coffee maker na meron din dito. Sina Zandra at Vivi ay mga tulog pa rin sa kabilang kama nang iwan ko.
Pababa ako sa may hagdan nang mapatigil dahil may nag-uusap sa ibaba. May gising na rin maliban sa akin? Bakit ang aga yata nila?
"ASHER, SIGURADO KA NA BA?" Nakilala ko ang seryosong boses ni Arkanghel. Paos pa at mukhang kagigising lang.
"Pahimasmas ka muna, boi." Boses naman ni Miko. "Baka mabangga kayo."
"Nagkape na iyan." Boses naman ni Isaiah. "Nakatatlong mug na nga ng kape. Gising iyan hanggang bukas."
Sumilip ako. Nakita ko sa ibaba iyong apat. Sina Arkanghel, Miko, Isaiah, at Asher. Si Arkanghel ay naka-partnered pajamas, sina Isaiah at Miko naman ay naka-jeans na lang at walang pang-itaas, at pare-pareho sila na magugulo pa ang buhok, kaya halatang mga kagigising lang.
Ang huli kong tiningnan ay si Asher. Parang hindi siya natulog, o maaga lang siyang nagising. His shirt wasn't tangled, and even though his hair was tied up in a messy look, he still looked pleasant. Mukha pa ring mabango at ma... Basta.
"Good luck, repa." Tinapik siya ni Miko sa balikat. "Sana mabuhay ka pa nang matagal pagkatapos nito."
Ano ba ang pinag-uusapan nila?
Si Arkanghel ay may inabot na susi kay Asher. "Iyong papeles ay papadala ko na lang by next week sa bahay niyo sa Buenavista. Nandoon naman nanay mo para mag-receive, di ba?"
"Oo, alam niya na. Siya iyong nagpadala sa bangko mo ng half payment ng kotse kahapon."
"Gulat ba mga tauhan mo?" natatawang tanong ni Miko kay Arkanghel. "Bigla kang naging car dealer, gago!"
"Bagong sideline ko ito," ani Arkanghel na nakangisi. "Ikaw, kupal, baka gusto mo nang palitan ang RAV4-Crossover mo. Papahanapan kita sa showroom."
"Saka na, may priority ko iyong pinapatayo namin ni Misis na apartment sa Bacao. Para kapag na-badtrip siya sa akin at pinalayas ako, may pupuntahan ako at hindi ako sa kalsada pupulutin."
Nang makita nila ako ay parang magic na bigla silang nanahimik. Bumaba ako ng hagdan.
Ngumiti si Asher sa akin. "Gusto mong mag-almusal?"
"Nakapagkape na ako. Okay na iyon." Gusto ko nang umuwi kay Bobbie.
Sumenyas na siya sa mga kaibigan. May kakaiba sa mga tinginan nila na bumabagabag sa akin. Tinanguan naman ako ng mga ito.
Hinawakan ako ni Asher sa braso at inalalayan na lumabas. There was a car waiting for us on the lawn. Hindi ko alam kung anong model, basta brandnew Mazda na soul red. Pinatunog niya ang hawak na car key.
"Pahiram ni Arkanghel," sabi niya. Hindi niya alam na narinig kong binili niya na itong sasakyan at bayad niya na ang kalahati ng presyo kahapon. Sinungaling.
Ang kapal ng katahimikan sa pagitan namin habang bumabiyahe. Gusto ko siyang tanungin, kaya lang ay ang seryoso niya pa rin. Hindi ko rin gets ang sarili dahil bakit parang nangingilag ako? Ano ba ngayon kung masyado siyang seryoso?!
Malayo-layo na kami nang simpleng sulyapan ko siya. Kahit usad pagong dito sa dinadaanan namin dahil sa traffic ay seryoso at kalmado siya habang nagmamaneho nang one hand.
"Asher, nag-shortcut ba tayo? Parang mas traffic dito," tukoy ko sa daan.
"Wala akong pakialam."
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Saan tayo pupunta?"
Instead of responding, he just leaned into the driver's seat and threw a calm glance at me before returning his gaze to the road.
'What the? Am I being kidnapped?!'
Sa pagliko ng kotse ay batid ko nang hindi talaga pa-Monterey ang dadaanan namin. "Hinahanap na ako ni Bobbie," matigas kong sabi.
"'Wag kang mag-alala, magkikita pa rin kayo." He turned the other way before glancing at me again. "Your aunt understood her assignment."
Napahawak ako sa bibig. Pagtingin ko ulit sa daan ay ang tinatahak na daan namin ay papuntang Buenavista!
His phone rang. Sa dashboard ang kanyang phone, nasa screen ang pangalan ng caller. Kuya niya, si Amos. Dahil nagmamaneho ay sinagot niya pa-wireless bluetooth earpiece. "Malinis na ba?"
Ano ang malinis na? Dahil naka-earpiece ay hindi ko marinig ang sagot ng kausap niya, lalo pa't sadyang mahina talaga magsalita ang kanyang kapatid na si Amos.
"Lock, napalitan na? Gaano kakapal nilagay na mga acoustical foam mat sa mga pader? Sige, ayos na iyan. Sementado at nasa rooftop naman ang puwesto ng kuwarto."
My forehead furrowed even more with his questions. What was in their room on the rooftop? Bakit sa pagkakaintindi ko ay pinapa-soundproof nila iyong magkuya? Alam ba iyon ng nanay at tatay nila?
Pagsulyap ko ulit sa daan ay papalapit na pala kami sa Buenavista 1. Kanila na. Bumibilis na rin ang pagda-drive niya.
Kausap niya pa rin si Amos. "May mga kapitbahay sa labas? Good, good. Iwan mong bukas ang gate, malapit na kami sa kanto."
Papunta nga kami sa kanila. Hinarap ko siya nang seryoso. "Nasa inyo si Bobbie?" Dahil sasama lang ako kung nandoon nga.
"Wala pa."
Sinubukan kong tawagan ulit ang tiyahin ko pero hindi talaga sumasagot. Napipikon na ako.
Pagpasok sa street nila ay bumagal ang driving niya. Bukas nga ang gate. Wala roon ang owner nila kaya ibig sabihin ay wala ang nanay at tatay niya. Naipasok niya agad ang kotse. Sa pinto ay lumabas si Amos, at isinara agad ang gate mula sa loob.
Bumaba si Asher. "Salamat, Kuya."
Umismid ang kuya niya. "Just make sure you won't bother me again."
Ngumisi lang si Asher saka umikot sa sasakyan para pagbuksan ako. Bumaba naman na ako kahit parang may bumubulong sa akin na may kakaiba sa nangyayari.
His phone rang again. Lumayo siya sa akin para sagutin iyon. Bakit kailangang lumayo? Nakita ko naman na sa screen na si Tita Judy ang kausap niya. At bakit siya ay tinawagan ng tita ko, tapos ako hindi sinasagot ang tawag?!
"Kakausapin ko!" sabi ko pero lalo siya sa aking lumayo.
"Sige, Ate Judz, paki na lang. Sabihan kita mamaya kung kailan. Wala rin dito sina Nanay, di pa nila alam."
"Asher!" Ang kaba ko sa dibdib ay mas malago na. "Bahala ka kung ayaw mong ipakausap sa akin si Tita Judy, uuwi na ako! Susunduin ko na lang si Bobbie!" Naglakad na ako papunta sa gate nang humarang doon si Amos.
Gumilid ako para umiwas pero gumilid din ito. Kung saan ako hahakbang ay humaharang ito.
Napatingala ako rito. "Anong problema mo? Uuwi na ako!" Tamad na tamad ang ekspresyon nito, pero mukhang kahit aking hawiin ay hindi aalis sa harapan ko.
Tapos nang makipagusap si Asher kay Tita Judy. Ibinulsa niya na ang phone saka lumapit sa amin. Saka lang din naman umalis si Amos sa harapan ko. Sinamantala ko at pupunta na sana ako sa gate nang may humigit sa akin sa braso.
"Tama na, Lai," aniya sa tono na mas lamang na ang pagiging seryoso kaysa pagiging kalmado.
"Anong sinasabi mo?! Uuwi na sabi ako!" singhal ko sa lalaking ngayon ay ayaw akong bitiwan.
"Tama na," parang walang naririnig na sabi niya. "Hindi na muna ikaw ang masusunod ngayon."
My eyes widened at what he said. And the blank emotion in his eyes was scaring me for the first time.
"Wala akong pakialam kahit bumalik pa sa Sunterra si Rio, ang kapatid niya, isama na rin nila ang nanay nila. Basta dito ka kung saan hindi ka nila magugulo. Bago sila makarating sa rooftop, dadaan muna silang lahat sa pamilya ko."
My lips trembled as I confirmed his plan.
Hinawakan niya ako sa balikat. "Kalahating buwan lang. Kalahating buwan na lang para ayusin ito. Kaya hindi natin kailangan ng isrtobo."
Bago ko pa siya maitulak ay nayakap niya na ang bewang ko, at para akong sako ng bigas na patuwad niyang ipinasan sa kanyang balikat. Napatili na lang ako sa gulat.
"Kuya, pinto!" sigaw niya sa kapatid.
Agad namang binuksan ni Amos ang pinto nila. Nagpapasag ako pero tinampal niya lang ang puwitan ko.
Lalo akong nagtititili nang iakyat niya na ako sa itaas nila. Not on the second floor, but on the third floor, where they have a newly built room on the rooftop. Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa amin ang lamig at napakatahimik na paligid.
Ibinaba niya ako sa kama na naroon. "Now, dito ka magsisisigaw."
Napalibot ang paningin ko sa paligid. We entered a room with fabric-wrapped ceiling and wall panels. I didn't see any windows here, either; if there were, they were probably covered in thick block-out curtains. I now understand what he said to his elder brother over the phone earlier. He made sure this room was soundproof!
"Dito tayo mag-aaway, pero dito rin tayong magbabati."
Gigil akong umalis sa kama. "Damn you!" I was about to hit him when he promptly grabbed my hands and brought them behind me. Nagpapasag ako pero ang lakas niya ay para akong bumabangga sa matigas na bato.
Yumuko siya sa akin, ang mainit at mabangong hininga niya ay tumatama sa mukha ko. "I suggest you just save your energy because no matter what you do, you will only tire yourself. Kahit anong sigaw at pagwawala mo rito, walang makakarinig sa 'yo."
Nagpapasag pa rin ako pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya at lumalapit ang mukha niya sa akin, na halos magdikit na ang mga labi namin sa isa't isa.
Hinaplos ng mahahabang daliri niya ang aking namumutlang mukha, saka siya ngumiti. "Lai, ngayon lang. Ako muna ang boss sa ating dalawa."
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz