ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 25

JFstories

HILA-HILA AKO NI ASHER PAPASOK SA BAHAY NILA.


It was dark but he didn't turn on the light. Gayunpaman, hindi niya binibitiwan ang kamay ko mula sa pagpasok sa gate, sa pinto, hanggang makarating kami sa hagdan. Inaalalayan niya ako dahil baka madulas ako o mabangga sa kung saan.


"Asher..." mahinang tawag ko sa kanya. Bigla kasi akong nag-alala. Baka may magising at makahuli sa amin.


Nilingon niya ako. "Tulog na lahat, maliban ke Kuya Abel na nasa galaan pa." Inalalayan niya ako sa hagdan. Marahan ang aming mga hakbang.


Asher immediately closed the door as we reached his room. He did not switch on the light, but that was alright because the lampshade was on. May pumaloob na init sa dibdib ko sa isiping pangalawang beses ko na itong nakatungtong sa kuwarto niya.


Hinarap niya ako at hinawakan ako sa aking magkabilang pisngi. "Okay ka lang?"


Tumango ako. Kahit sa malamlam na liwanag ay nakikita ko ang totoong concern sa mga mata niya.


"Gutom ka ba? Gusto mong canton?"


"Busog ako."


"Tubig na lang?"


"Gusto ko na lang matulog."


"Oks. Wait." Pinagpagan niya muna ang kanyang kama. Kumuha rin siya ng bagong kumot sa drawer para palitan iyong gamit na. Nag-spray pa siya ng alcohol sa paligid at nagpagpag pa ulit. Mga ilang ulit pa bago niya ako pinalapit.


Maliit lang iyong kama niya pero kakasya naman kami. Kaya lang, magtatabi ba talaga kami? Hindi siya ang inaalala ko, kundi ang sarili ko. Paano kapag hindi ako nakatiis at habang tuloy siya ay magapang ko siya bigla? Binatukan ko agad ang sarili sa naisip.


"Okay na, Lai. Higa ka na."


Dinampot ni Asher ang isang unan na ipinagtaka ko naman. Papunta na siya sa pinto nang pigilan ko siya sa pulso. "Saan ka pupunta?"


"Sa kuwarto ni Nanay. Doon muna ako."


"Ha? Kapag ginawa mo iyon ay mahahalata niya na may tao rito sa kuwarto mo."


"Hindi naman. Natabi naman talaga ko ke Nanay matulog minsan."


What? Hanggang ngayon ay tumatabi pa rin siya sa nanay niya?!


At bakit nga kailangan niya pang lumabas? Puwede naman siya sa lapag na lang kung talagang ayaw niya akong makatabi. Di ba ganoon naman dapat?


Napakamot naman siya ng hintuturo sa kanyang kaliwang kilay. "Ayoko matulog sa lapag kasi matigas. Di ako sanay. Alangan naman din na ikaw ang patulugin ko sa lapag, e di doon na nga lang muna ako ke Nanay."


"Puwede naman tayong magtabi sa kama," mahinang sabi ko.


Napayuko naman siya upang sipating nang mabuti ang mukha ko. "Ows, keri lang ganon sa 'yo?"


"Oo." Napaiwas ako ng mga mata sa kanya kahit madilim naman. "K-kasya tayo riyan. Saka, hindi naman ako malikot matulog."


Maliksi na nauna na siya agad sa paghiga sa kama. Pero noong tumabi na ako sa kanya ay biglang nanahimik siya. Ngayon pa lang siguro na-realize ang tensiyon na magkatabi kaming dalawa. Bigla siyang tumagilid patalikod sa akin. Nainis naman ako kaya tinalikuran ko na rin siya.


Dumaan ang mga minuto. Magkatalikuran pa rin kami habang tahimik na nagpapakiramdaman, pero halata namang kapwa hindi makatulog. Ang hirap lang kasing i-ignore sa tuwing nagdidikit ang mga likod namin sa isa't isa. 


Mga ilang minuto ang nagdaan nang ako na ang hindi makatiis. Para kasing bato iyong katabi ko. Parang hindi na humihinga kaya nag-alala na ako. "Asher," mahinang tawag ko sa kanya.


"Hmn..." ungol lang niya na kunwari siguro ay naalimpungatan lang. Asa naman siyang maniwala ako.


"Magharapan na lang tayo," suhestiyon ko na lalong ikinatigas ng katawan niya.


"Hmn," ungol niya ulit. Tulug-tulugan ang semi-calbo. Echos niya para kunwari siguro ay di niya naintindihan ang sinabi ko.


Bumangon ako at tiningnan siya. Nakapikit na pero nang yukuin ko upang silipin ay panay ang galaw ng mahahabang pilik-mata. Napangiti ako kasi ang cute lang. Muntanga.


Hinila ko siya paharap. Umungol na naman siya, 'tapos ayaw pa ring dumilat. Nang nakaharap na siya sa gawi ko ay saka ako ulit nahiga. Yumakap ako sa bewang niya at pumuwesto sa may bandang leeg niya. Ang bango talaga. Parang pinagsamang Irish Spring soap saka adobong manok. Tapos iyong Adam's apple niya ay panay ang taas at baba. Obviously, gising pa nga talaga ang bata.


Dahil ang bango ni Asher ay hindi ko mapigilan ang sarili na singhut-singhutin siya. Katagalan ay naramdaman ko na hindi niya na kinakaya.


"Anak ng teteng naman, e!" himutok niya sabay tulak niya ng hintuturo sa aking noo. 


Pagtingala ko ay nakadilat na siya at nakasimangot. Napangisi ako sabay kiss nang mabilis sa malambot na mga labi niya. "I'm sorry. Ang cute mo kasi palagi."


Niyakap niya ako nang mahigpit. "O ginising-gising mo ko, kaya magtiis ka!"


Napahagikhik ako na nagpapiga naman ng yakap sa kanya. "Hindi ka naman talaga tulog, e!"


That was the moment I realized what I was doing. That was when the danger signal flashed in my mind.


"Lai, puwede bang mag-kiss tayo?"


Napalunok muna ako. "Uhm, kiss lang, ha?"


Asher grinned in the dim light rather than replying. When our lips touched, I forgot what I had asked him. My arms instantly wrapped around his neck, and I returned his intense kiss with an even hotter one.


Matagal, mas mainit, mas malalim. Mas mapupusok din dahil aware kami na walang dapat alalahanin, na walang magiging istorbo, at walang makakakita sa amin. Dumagdag pa sa dahilan ang sobrang pagka-miss namin ni Asher sa isa't isa.


I whimpered as Asher's warm lips traveled down my neck. Itinaas niya ang aking shirt at hinayaan ko naman siyang paliguan ng halik ang aking dibdib. Nakapikit lang ako sa buong sandali habang dinadama sa aking nilalamig na balat ang init ng kanyang paghinga.


"Lai, pahawak dito."


Doon ako dumilat nang maramdamang nasa mas ibaba na ng aking katawan ang kamay niya. Hinuli ko ang pulso niya hanggang may natitirang lakas pa ako.


"Not yet, Asher."


He groaned, but didn't complain. Sumubsob lang siya pabalik ng higa sa tabi ko. Nangingiti na hinaplos ko naman ang ulo niya.


"Tihaya ka," malambing na utos ko sa kanya.


When he raised his face, his lips were pouted. "Anong gagawin?"


"Ayaw mo ba?"


Bigla siyang balikwas ng bangon at sabay higa ulit. Napahagikhik na lang ako nang magtakip siya ng unan sa mukha dahil sa hiya. Ang arte pero gusto rin naman.


At noong magdamag na iyon nga ay mauulinigan na lang sa dilim ang mga impit na ungol ni Asher, na kung hindi mo alam ang nangyayari, ay iisipin mo na nasasaktan siya. Pero ang nangyayari ay kabaliktaran.


Asher collapsed on me while panting from exhaustion, and we fell asleep embracing each other after that. Kapwa masarap ang naging tulog namin na bawi ang ilang linggo na pagka-miss sa isa't isa.


Kinabukasan ay inagahan namin ang gising. Nag-alarm ako sa phone ni Asher. Kailangan ko kasing makauwi bago pa may magising ang sambahayang Prudente.


Madilim pa noong bumaba kami sa sala nila. Ang kaso, papasok pa lang sa gate ang panganay na kuya ni Asher. Natanawan namin ito na papauwi pa lang. Naka-shorts lang, walang t-shirt, at nakayapak pa habang ang kilos ay dahan-dahan.


Naitulak tuloy ako ni Asher sa sahig. Aawayin ko na sana siya nang dumapa rin siya hanggang sa dalawa na kaming nakatago sa likod ng sofa. Sinenyasan niya ako sa dilim ng padaliring peace sign.


Mabuti na lang at hindi nagbukas ng ilaw si Kuya Abel kaya hindi kami nito nakita. Pasipol-sipol na itong umakyat sa hagdanan ng bahay nila.


Naihatid na rin ako ni Asher sa labasan nang walang aberya. Nag-almusal muna kami ng lugaw sa kanto bago niya ako pinakasay ng jeep. Hindi siya umuwi hanggang hindi pa ako tuluyang nakakaalis.



HINDI KAMI NAGKIKIBUAN NI MAMA. I remembered something like this when I was about eight or nine. Back then, she barely noticed me either. She was always lost in her own world. Eventually, Mama started noticing me again, mostly because of the high grades I forced myself to earn. sa school. Pero ngayon ay uubra pa ba ang mga grades sa school?


Nagpang-abot kami ni Mama sa bahay, para siyang napapaso na umiwas sa akin. Hindi naman na ako nagtangka na lapitan siya, dahil sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagrerebelde sa dibdib ko. Pagkatapos din niyon ay bihira na akong umuwi sa amin dahil tambak na ang aking gawain sa university.


Hindi lang pala pati sa pag-aaral nauubos ang oras ko. Pumasok na rin kasi akong student assitant sa library. Hindi na kasi ako nabibigyan ni Mama ng allowance, at hindi na rin naman ako humihingi. 


Umuuwi man ako ng Cavite subalit umaalis din agad sa parehong araw, dahil wala namang laging tao sa amin sa Sunterra. Kung nandito man si Mama ay nandoon lang siya sa kuwarto niya nagkukulong maghapon. Sinubukan ko siyang katukin pero nangalay na lang ako sa kakakatok na di niya ako pinagbubuksan. Nakakabingi ang katahimikan kaya umalis na lang ako. At dito  nga sa Bacao ako dinala ng mga paa ko. 


Ang mga tao rito ay excited na sinalubong ako. Kahit pa alam kong hindi naman talaga sila sa akin excited, kundi sa dala kong pasalubong, ay ayos lang. Wala akong pakialam. Basta nakatitig lang ako sa kanila nang tagus-tagusan.


"Salamat!" Malawak ang ngiti ni Lydia Punzalan pagkakuha sa kamay ko ng pera na galing sa aking ipon sa pag-s-student assistant. "Salamat at mapapabalik na namin sa wakas ang aming kuntador!"


Ang mga apo nito ay nagkakagulo naman sa mga plastic bag na dala ko. Kaunting groceries lang sa mga bata. Pinag-agaw-agawan ng mga ito dahil mga di pa pala nanananghalian.


Lumapit sa akin ang nanay ni Betchay. Ito ang panganay. 36-year-old na merong dalawang anak, pero dalawang beses na raw nakunan. "Ikaw ba si Laila?" tanong nito na titig na titig sa mukha ko.


"Siya nga," sabat naman ng pangalawang anak na si Lenlen. 31. Anim naman ang anak na sunod-sunod ang edad. Napakabata pa nito noong unang mag-asawa. Pangatlo na ang lalaking sinasamahan ngayon nito.


"Aw, ang ganda mo!" bulalas ni Laura. Hinaplos pa ng magaspang na kamay nito ang mukha ko. "Napakakinis mo kahit may ilang pimple ka sa noo. Ang ganda ng buhok mo, ng damit mo, at ang bango mo!"


"Naka-braces pa iyan," sabat naman ng tatay na si Nonoy. Proud na proud ang tono nito.


"Ay, siya nga?" Sinilip naman ni Laura ang bibig ko. "Mahal iyang braces, ano? Ang yaman talaga ng nakakuha sa 'yo! Pinalagyan ka pa ng ganyan! Tapos may salamin ka pa sa mata! 'Di ba mahal din iyan!"


Tahimik lang naman ako habang nakamasid sa kanila ang blangko kong mga mata.


"Oy, pucha!" Napasigaw si Lenlen dahil nagkandahulog na sa mesa ang malilit nitong anak. "Lolit, asikasuhin mo mga kapatid mo!" utos nito sa panganay na anak na teenager pa lang ay mistulan ng manang na pasan ang mundo. Paano'y ito ang tagasunod sa limang maliliit na kapatid nito.


Tumulong na ako sa pagliligpit ng mga groceries. Kalalabas ko pa lang sa kusina nang lapitan ako at bulungan ng tatay ng pamilya. "'Nak, baka naman meron ka pa riyan."


Hindi ko malaman kung saan unang kikilabutan, sa tawag ba nito sa akin o sa hinihingi nitong pera.


"Uhaw lang ako, e. Nagkarpintero ako maghapon, pero di pinabale. Bili lang sana ako kahit isang gin sa kanto." May lambing pa ang tono nito.


Natigil lang ito sa paghingi sa akin nang lumabas sa maliit na kuwarto ang isang payat na dalaga na may maputlang mukha. Si Belinda Punzalan o Linda. "Ano na namang kaguluhan ito? Lintik naman o! Pagod ka na nga sa trabaho buong linggo, at minsan na nga lang makapag-day off, hindi pa makapagpahinga sa ingay!"


Tinawanan lang naman nina Nonoy at Lydia ang reklamo ni Ate Linda


Mayamaya ay dumating na rin ang bunsong anak na si Limuel. Kasama nito ang teenager din na girlfriend na seventeen pa lang. Buntis daw ito. Lalong nag-ingay ang paligid dahil panay ang rap ng lalaki. 


Nakasalubong ko si Limuel sa masikip na pasilyo papunta sa kusina. Nabangga ako nito. "Sino ka naman?!" bulyaw nito sa akin. Agad itong nabatukan ng ate na si Laura.


"Tarantado, 'wag mong sigawan si Laila! Ate mo iyan!"


Napatulala si Limuel sa akin. Hinagod ako nito ng tingin. Nang matuon ang mga mata nito sa relo kong Apple watch ay nagningning ang mga mata. "Ate!"


Nang yakapin ako nito ay napatanga ako. Ang girlfriend naman ni Limuel ay napatili sa nakita. "Dhie, sino iyan?!"


Pakaladkad akong hinila ni Limuel pabalik sa sala. Akbay-akbay ako nito. "Ate ko ito, mhie."


"Ate mo?" Napatitig din sa akin ang girlfriend nitong Maricar pala ang pangalan. Putok na putok ang blush on, blue eyeshadow, at ang pagkakakulot sa buhok. Naka-uniform pa ng pang-high school.


"Oo, ate ko ito!" mayabang na sagot ni Limuel. "Isa sa mga ate ko. Hindi lang sa amin nakatira kaya ngayon mo lang nakita. Mayaman ito!"


Ngiting-ngiti naman ang nanay ng pamilya. "Oo, ate iyan ni Limuel." May pagmamalaki rin sa boses. "Sa Manila nag-aaral iyan kaya ngayon lang nakabalik dito. Matalino iyan, college. Accountingly."


"Accountancy," sabat ni Ate Linda.


"Iyon nga, accountancy!" Napahagikgik ang nanay. "Basta, matalino. Pagka-graduate, puwede na mag-abroad!"


"Ayos, dollars!" masayang sambit ni Limuel. Nginisihan ako. "Ate, sapatos, ah? Lebron o kaya Curry!"


"Ay, chocolates sa mga junakis ko, ah!" ani Lenlen naman.


"Aba'y sa amin din. Dalawa lang itong anak ko, baka makalimutan pa, ha?!" Hindi rin nagpatalo si Laura.


"Tita, cell phone po!" nakangiting sabi naman ni Lolit na panganay ni Lenlen. Haggard na haggard at hindi magkandaugaga ang payat na dalagita sa pagkarga sa bunsong kapatid.


"Oy, si Betchay ko rin, ah!" Ayaw talaga patalo ni Laura. "Ka-close mo na si Betchay, di ba, Laila?" tukoy nito sa 9-year-old na batang babae. "Kahit baon-baon lang sana sa school niyan. Madalas walang baon, e!"


"Ku, kayo talaga!" natatawang sabi ng nanay. "Isa-isa lang. Lahat naman ay mapagbibigyan." Hinarap ako at hinimas sa braso. "Mabait naman itong kapatid niyo. Hindi kayo matitiis nito."


Nagdidiwang ang lahat habang ako ay nananatiling blangko lang ang mga mata na nakamasid sa kanilang lahat.  Nang mapasulyap ako kay Linda ay napapailing na umiwas ito sa akin ng mga mata.


Bandang 8:00 p.m. na nang makaalis ako. Kunwari ay nagpapasama si Linda sa akin sa labas para bumili. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo." Ang tangi nitong sinabi bago ako iniwan na mag-isa sa kalsada.


Imbes nga lang na umuwi, kahit gabi na ay sumakay ako nang pabalik ng Manila. At buong biyahe ay ang maputla at pagod na mukha ni Ate Linda ang laman ng isip ko. 



IT WAS AN UNKNOWN NUMBER BUT I KNEW IT WAS RIO.


Though Asher erased Rio's number, I still remember it. I had an excellent memory, even for useless details.


Wala nga palang pinagsabihan si Rio tungkol sa nangyari. Iba ang pinalabas niya sa kanila, kaya naman ang rant ni Tita Rica sa social media ay pangha-hunting nito ang "grupo raw ng mga kabataan" na nan-trip sa ulirang anak nito sa daan.


After calling me thrice, I received a text message from Rio.


Unknown number:

Ren saw you yesterday in Tejero. Pero wala ka sa inyo. Where are you?


His sister saw me? Kinabahan ako dahil baka makarating kay Mama. Pero sa huli ay binalewala ko ang kaba. Pero bakit pumunta na naman si Rio sa amin? Was there anything more he needed? Kulang pa ba ang bangas na natanggap niya?



FUTURE HUBBY:

Hi, Lai.. Miss na kta. Kailan ka uuwi?,


"Oy, sino iyan?!" Biglang sumulpot si Limuel sa likod ko. "Ano iyan? May syota ka na?!"


Hindi ako kumibo. Lalo itong napangisi. Tinukso-tukso ako na akala mo ay close kami.


Nandito pala ulit ako sa Bacao. Ang plano ko sana ngayon ay tanungin si Ate Linda kung gusto niya bang kumuha ng scholarship sa Manila para makapag-aral. Nakita ko kasi siya na nakatitig noong nakaraan sa mga nadala kong school notes. She could have studied if she wanted, but that would have meant leaving this family behind.


Pumasok sa pinto ang padre de familia ng mga Punzalan. Si Nonoy. He had also asked me to call him 'Tatay.' I felt nothing, so it was fine. I had agreed to address all of them however they wanted. 


"Ano iyang naririnig ko na tungkol sa pagbo-boyfriend?!" 


"Boyfriend?" Napasabad si Nanay Lydia bigla. Tila hindi nagustuhan ang narinig. "Ku, Laila, tigilan mo iyan! Walang dulot na maganda ang mga lalaki! Nakita mo naman ang mga ate mo, mga nalosyang dahil sa maagang pag-aasawa! Ni hindi man lang muna nakatulong sa pamilya!"


"Siya nga!" segunda naman ni Tatay Nonoy. Wala na ang kaamuhan sa mukha. "Ang tularan mo ay ang Ate Linda mo. Kita mo, twenty-five na pero single pa rin! Walang boyfriend!"


Sa loob ng kuwarto ni Ate Linda ako natulog ngayon at kahit noong sumunod na gabi. Tanging ang babae ang may sariling kuwarto rito. Kahit pa nga nagdadabog ang bunso na si Limuel dahil ang gusto nito na makuha ang kuwarto ni Ate Linda. Kesyo mag-aasawa na raw ito at kailangan ng privacy.


Nagmamatigas talaga si Ate Linda. Kuwarto niya raw iyon kaya hindi niya ibibigay kay Limuel o kahit pa kanino. At dahil siya ang breadwinner ay walang makapalag sa kanya.


Magkatabi kami ni Ate Linda sa lumang papag na may manipis na foam. Tulog na ang lahat kahit ang mga nagsisiksikan sa sala, subalit ako ay gising na gising pa. Hindi ako sanay na matulog nang may katabi, dahil kahit noong bata pa ako ay wala naman akong katabi sa pagtulog. Hindi tumatabi sa akin si Mama at hindi rin naman ako humihiling dito sa tabihan ako. Bata pa lang ay sinanay ko na kasi ang sarili na wag maging mapaghanap. 


And now, having a family member beside me felt strange. Tumagilid ako at humarap sa aking katabi. Tulog na tulog na si Ate Linda. Kahit tulog na ay makikita pa rin siya sa kanya ang pagod. Pinagmasdan ko siya. Maganda naman talaga siya, pero sadyang payat lang talaga at maputla. May kung anong damdamin ang pumaloob sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya.


I lived my life for only two purposes. First, to study relentlessly so my adoptive parents could be proud and I could land a high-paying job to repay them for raising me, knowing I was adopted. Second, once I had paid my dues, I could finally live for myself and selfishly chase the life I wanted with Asher James Prudente.


Iyon lang talaga ang dahilan ng buhay ko, at wala na akong pakialam pa sa ibang bagay. Wala rin akong pakialam sa ibang tao. Kahit magunaw pa ang mundo, wala akong pakialam. Basta wag lang maapektuhan ang mga plano ko. Yes, I was selfish. Some people even called me a sociopath, and maybe they were right. But in this moment, for the first time in my life, I felt something close to concern for someone. For this woman. Belinda Punzalan.


Namalayan ko na lang ang sarili na hinahaplos ang pisngi niya. "Ate..."




MAY TEN MISSED CALLS AKO MULA KAY ASHER.


Ilang linggo ko na pala siyang hindi napupuntahan sa kanila. Hindi rin naman siya makapunta sa amin dahil lagi rin ako roong wala. Sa text, call, at chat naman ay bihira na rin kaming magkasabay na dalawa.


Nag-inat ako at tumingin sa labas ng bintana. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan. Tulog pa kasi si Ate Linda dahil kaninang madaling araw ay nagising ito sa pananakit ng tagiliran. Ilang oras itong namilipit at umaga na ulit nakatulog, pero balak nang gisingin ng mga tao rito para lang paghugasin, kaya ako na lang ang gumawa ng trabaho. 


Hindi pa dumidilim ang langit pero para na akong bilasang isda. Nanlilimahid na ako sa pawis dahil napakainit. Iisa lang ang electric fan tapos deretso yero at walang kisame ang kabahayan. Gula-gulanit pa ang buhok ko, nagmamantika ang mukha, malaking lumang t-shirt ni Tatay ang aking suot, nang lumabas ako ng bahay para hanapin si Lydia Punzalan. Naroon ito sa tapat at may kausap na matandang babae. 


"Lydia, siya nga ba? Accountancy pala ang kurso ng isa mong anak na dalaga? At scholar pa sa Manila? Aba, napakahusay niya! Matalinong bata!"


"Syempre naman, Aling Ibyang!" buo ang pagmamalaki sa boses ni Nanay. "Matalinong bata talaga at napakabait pa. Pagka graduate, pag-a-abroad-in ko agad!"


"Mag-a-abroad din iyong binata kong apo na nag-aaral sa STI. Si Daniel, walang girlfriend iyon. Matalino rin, makakasundo ng anak mo! Naku, baka sila pa ang magkatuluyan kamo!"


Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa titigil sa pag-uusap ang mga ito. Nang makita ako ni Nanay ay agad umamo ang mukha nito.


"Ay, anak, tapos ka na ba maghugas ng mga plato?" Nilapitan ako nito. "Ang hirap bang maghugas sa planggana? Pasensiya ka na kasi wala tayong lababo, ha? Hindi pa kasi makadelihensiya ang tatay mo sa pagpagawa niyon, eh. Alam mo na, mahirap lang kasi tayo."


Imbes sagutin siya ay lumabas ako para magtapon ng basura. Naglinis ako sa kuwarto ni Ate Linda dahil nagkalat doon ang mga bata kanina. Nasa labas na ako nang maalala na wala nga pala akong bra. Isang lumang malaking t-shirt din ni Ate Linda ang suot ko. Nagmistulang barko pa ang mga paa ko dahil sa laki ng lumang tsinelas ni Limuel na aking suot ngayon.


Si Nanay ay ngiting-ngiti pa rin sa akin. "Anak, dito ka muna kasi miss na miss ka ni Nanay pag nauwi ka sa Manila. Bonding tayo, tulungan mo ako magsamsam ng mga damit sa sampayan."


Kumirot ang likuran ko nang mapatingin ako sa mga sasamsaming damit sa sampayan. Papadilim na kaya ginawa ko na lang ang pagsasamsam, dahil pagising na si Ate Linda. Pag nagising ito ay kakausapin ko lang tapos aalis na rin ako.


Nagsasamsam na ako nang biglang may magsalita. "What the heck do you think you're doing?"


Napalingon ako at nakita si Rio na salubong ang makakapal na kilay habang sa akin nakatingin. Nasa bungad ang lalaki ng eskinita papasok dito sa looban!


"Why are you here, Lai?" ulit niya sa mas matigas na tono. "Why are you in this place?!"


Nayakap ko ang sinamsam na mga damit dahil wala nga akong suot na bra at nanlilimahid pa ang aking itsura. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalamang nandito ako?!


Nagtataka naman sina Nanay at Aling Ibyang kung sino ang dumating. Lalo si Nanay na mabilis na humagod ang paningin sa kabuuhan ni Rio, mula sa branded niyang suot na white Lacoste shirt, black shorts, at white ding Lacoste slippers for men. At kahit nadumihan na iyon dahil maputik ang lupa rito sa looban, ay wala siyang pakialam.


Sa kabila ng pagiging maarte ay walang kapaki-pakialam ngayon si Rio sa paligid niya. Ang buong atensyon niya ay nasa akin lang. Sa kabila ng kaamukhan ng mukha ay makikita ang talim sa likod ng suot niyang salamin.


"I found it strange that you're still not in Pascam, despite the fact that you were seen again yesterday in Tejero. I am sensing that something is up because you're the kind who constantly worries about your parents, yet you've been going home to your mother less recently. And damn, tama nga ako. May mali ngang nangyayari. Pero bakit sa dinami-dami ng lugar ay nandito ka?!"


Sina Nanay, si Aling Ibyang, kahit ang nakasilip sa bintana na sina Ate Linda at ang dalawa kong pamangkin ay nagulat, mukha kasing mabait na anghel si Rio kaya shookt siguro sila noong nagalit bigla.


Humakbang si Rio palapit sa akin at basta hinablot ang aking isang braso. Dahil hindi pa ako makabawi sa pagkabigla ay naglaglagan sa maruming lupa ang ilang piraso ng mga sinamsam kong sinampay.


"You don't belong here, Lai! Uuwi na tayo sa ayaw mo at sa gusto!"


Sina Nanay na kanina'y nagtataka ay mga nagsihabulan na rin. "Hoy, sino ka? Saan mo dadalhin ang anak ko?! Magtutupi pa iyan ng sinampay!"


"Shut up!" asik ni Rio dito. "You ambitious woman, wala kang anak dito!"


"Rio, ano ba? Sandali nga sabi!" Panay pa rin ang pasag ko habang hila-hila niya ako. Hindi ako makabuwelo dahil may yakap pa akong mga sinamsam sa kaliwang braso ko, wala pa akong suot na bra, at kandatali-talisod pa ako dahil malaki ang tsinelas na suot ng aking mga paa.


Papasok na kami sa eskinita habang naghihilaan nang bigla akong matigilan. Kahit si Rio at sina Nanay ay napalingon din sa aking tinitingnan.


Pero wala na akong pakialam kina Rio o kahit kina Nanay. Bigla ay wala na akong pakialam kahit saan pa man dahil bigla na akong pinanlamigan ng katawan. Malamig pero hindi matatalo niyon ang lamig na ngayon ay nasisinag ko sa mga mata ng lalaking nakatayo sa sa eskinita.


Nakatingin ang malalamig at seryosong mga mata niya sa amin—partikular sa akin at sa kamay ni Rio na ngayo'y mas humigpit ang pagkakahawak sa braso ko!


Napanganga ako at tuluyan nang nabitiwan sa lapag ang lahat ng natitira kong hawak na mga damit na sinamsam. "A-Asher..."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz