Chapter 26
PARA AKONG LUMUBOG SA NAGYEYELONG TUBIG. Nayakap ko bigla ang malaki, may butas, at basa ng pawis na lumang t-shirt na aking suot. Anong ginagawa ni Asher dito? Dito sa lugar na ito? Paano niya nalaman kung nasaan ako?!
Ang tanong na hindi ko magawang isaboses ay si Rio ang gumawa. Maaskad na hinarap niya si Asher. "How did you find out about this place?!"
Kalmado pero napakalamig ng tono ni Asher nang magsalita. He answered Rio's question but his eyes were focused on me. "Nakita ko na galing ka kina Lai sa Pascam. Nasa may kanto na ako nang marinig ko ang sinabi mo sa mama niya na hahanapin mo si Lai. Kaya sinundan kita."
"Hah!" Pumalatak si Rio nang sarkastiko. "I thought you were in a relationship? But you have no idea where Lai is? Ni hindi mo rin alam na umuuwi pala siya ng Cavite all this time?"
"Rio, ano ba?" mahinang saway ko naman dito. Hindi ko malaman kung paano magtatago mula sa malamig na mga mata ni Asher na sa akin pa rin nakatutok.
Nanlilimahid ako, ang pangit ng suot ko, ang laki ng lumang tsinelas. I didn't want him to see me like this, but he didn't just see me, he even knew where I was! Paano kung malaman niya pa ang dahilan kung bakit nandito ako? Paano kung malaman niya ang tungkol sa tunay kong pamilya?!
"Anong ginagawa mo rito, Lai?" Ang malamig na mga mata niya ay naging malamlam. "Kailan ka pa nandito?"
Magsasalita sana ako nang sumigaw si Nanay. "Lai, iyong mga damit! Nahulog na lahat sa lupa! Diyos ko, ang hirap pa namang maglaba! Mabuti sana kung maraming sabon at me washing machine, kaso ay wala, e! Alam mo namang mahirap lang kami!"
Nag-panic ako. Hindi puwedeng may masabi pang iba si Nanay habang nandito si Asher. Dahil wala na akong iniingatang mga damit na bitbit ay nakabuwelo na ako. Sinimukrahan ko si Rio sanhi upang mabitiwan na nito ang aking braso. Namumulang kandaubo ito.
Nang wala nang pumipigil sa akin ay balewalang tinapakan ko ang mga damit na nalaglag sa lupa at nilapitan si Asher. Nilunok ko na lang ang hiya kahit nanlilimahid pa ako, naglalangis ang mukha, magulo ang buhok, at malaking lumang t-shirt ang suot. Hinila ko siya sa kamay niya.
"Lai!" sigaw naman ni Rio. Hahabol sana ito pero masakit pa ang tiyan sa pagsuntok ko.
Si Asher naman ay kahit nagtataka'y nagpahila sa akin. Sa may labasan nilingon ko siya. "May pera ka pamasahe?"
Tumango siya.
"Good." Pumara ako ng dumaan na tricycle. "Manong, pa-special sa Buenavista." Wala pa rin akong suot na bra, pero di naman siguro halata.
Hindi na kami pumunta pa sa pila dahil bukod sa marami doong tambay ay baka maabutan pa kami ni Rio kapag naka-recover ito. Nang lumabas ito sa eskinita ay alikabok na lang ang nadatnan nito sa kalsada.
Sa apartment ni Tita Judy ako nagpa-special sa tricycle. Nakasarado nga lang. Mukhang may pinuntahan ang tiyahin ko. Mabuti na lang at alam ko kung saan nakatago ang susi kaya kaya nakapasok kami ni Asher sa loob kahit wala roong tao.
"Wait ka lang muna riyan." I made Asher sit on the edge of the bed. Then I rummaged through Aunt Judy's clothes. Nanghiram muna ako ng t-shirt at shorts. Sa underwear naman ay may extra ito na bago at nakabalot pa. Ugali na kasi talaga nito ang magreserba. Papalitan ko na lang ang mga iyon.
Mabilisan akong nag-shower at nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay naroon pa rin si Asher sa pinag-iwanan ko sa kanya. Tahimik na nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakayuko at magkasalikop ang mga palad.
Naupo ako sa tabi niya. Hindi pa rin naman siya kumikibo, ni tumingin sa akin. Tinawag ko siya. "Asher..."
"Kailan pa?" Dama sa mahinang boses niya ang hinampo.
Nanginginig ang mga labi ko. "Ilang beses na," sagot ko. Ilang beses na akong umuuwi ng Cavite nang hindi sa kanya nagsasabi.
Tumango-tango siya. "Kung bakit at kung bakit ka nandoon, malamang naman ay may dahilan ka, 'di ba?"
Napatanga ako. Iyon lang? Hindi siya galit dahil naglihim ako sa kanya?
"At saka may dahilan ka rin kaya hindi mo masabi sa akin, 'di ba? Kaya, okay lang ako, Lai. Pero may gusto lang sana akong itanong. Okay lang kung sasagutin mo o hindi. Bakit alam nong lalaking iyon kung nasaan ka? Bakit alam niya, pero ako, hindi?"
"Hindi ko alam kung bakit niya alam." Hindi ko talaga alam paano naisip ni Rio na naroon ako. "Nagulat na lang ako nang pumunta siya kanina. Iyon ang una..."
Nag-angat na si Asher ng mukha mula sa pagkakayuko, at sa gulat ko ay nakangiti na siya. "Ibig sabihin ay sabay lang pala kami na nakaalam na nandoon ka?"
Napakurap ako. "Ha? O-oo...?"
Lalo siyang ngumiti, na para bang narinig na ang gusto niyang marinig. Tumango-tango pa ulit. "Nauna lang siya ng ilang minuto."
"Uhm, oo?" Ang inaasahan ko ay ang panunumbat mula sa kanya, pero bakit wala?
"Hah! Yabang niya, kung 'di lang ako natalisod sa natapakan kong bato, e di sana mas nauna pa akong nakapasok doon sa eskinita kanina kaysa sa kanya!"
Was he for real?
Malambing na ngumiti pa si Asher sa akin. "Lai, I miss you!"
"I-I miss you too..." natutulirong sagot ko. But, even if I wanted to think more about Asher's behavior, my thoughts were too preoccupied. At sa pagkatuliro nga ay hindi ko na nakuhang gumanti nang yakapin niya ako...
NAWAWALA ANG IPHONE KO.
Pagbalik ko sa Bacao kinabukasan para kunin ang aking mga naiwang gamit ay wala na roon ang aking cell phone. Wala na sa mesa kung saan ko iyon naiwan kahapon. Walang makapagsabi kung saan napunta.
Wala na rin pala akong pera. Naubos na sa pama-pamasahe ko ang aking mga kinita sa pag-s-student assistant. Hindi na rin iyon sasapat kahit pa scholar ako. May allowance naman ako galing kay Papa na iniiwan ni Mama sa mesa tuwing nauwi ako sa amin sa Sunterra, pero hindi ko na kasi iyon kinukuha.
Natagpuan ko na lang ang sarili na nag-a-apply na ng trabaho. I ended up being a crew member at a famous donut shop. Naisip ko na magandang job experience din ang ganito, pero mahirap pala pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Mas mahirap dahil walang upuan ang trabaho na ito. Buong shift na nakatayo lang sa booth para magtinda, at napakaliit ng sahod.
May dalawang shift. Isang AM at isang PM. Minsan ay wala pang pasok. No pasok, means no sahod. Depende kung magaling ka at maging paborito ng branch manager, bago ka mabigyan ng schedule. Ako ay napunta sa PM na sched. Ang hirap dahil iyon ang sched na kailangang maipaubos ang donut hanggang sa end shift.
Ang hirap magpaubos ng donuts. Hindi rin puwedeng hindi ako o-order ulit dahil may kota sa sales. Kapag din naubusan ng donuts habang may dumarating pang customers ay malilintikan ang score ko as trainee. Tapos kapag maraming matira, iyong tinatawag na 'T.A.' o take away, ay makakaltas naman sa sahod ko.
Kumbaga, hindi lang utak, diskarte, at swerte ang labanan dito. Pag alam kong hindi na mabibili ang donut ay lumalabas na ako ng booth. Nagbebenta na ako sa mga dumaraan sa daan.
Masuwerte na lang talaga kapag PM ang schedule ko ngayon, pagkatapos ay AM naman kinabukasan. Madaling madiskartehan kahit pa may tirang donuts. Inaagahan ko ang pasok, tipong 5:00 a.m. pa lang. Sa madaling sabi, itinatago ko ang bagong deliver at pinauubos muna ang luma.
Ubos na ubos ang oras at lakas ko. Parang bigla akong tumanda at namulat sa tunay na mundo. Na hindi puwedeng saya lang, na magaan lang, at puro kabig lang. You must also give back to be fair, make sacrifices on your end, and suffer too.
Pagod na pagod ako pagdating ng Sabado. Wala na akong damit dahil hindi ako makapaglaba sa boarding house at lalong hindi sa Bacao. Sumakay ako ng jeep at umuwi sa Pascam ngayong araw.
Nanghihina pa ako nang pumasok sa pinto. Nadatnan ko si Mama na seryosong nakatayo sa gitna ng sala habang hawak ang cellphone sa kanang kamay. "Bakit ngayon ka lang, Laila?"
Ngayon ko lang siya rito naabutan kaya nagulat ako, at aaminin ko, may tuwa na sumibol sa puso ko.
"Bakit di matawagan ang phone mo?" galit na tanong niya. "Iyong papa mo ay bigla na lang tumawag sa akin! Hindi ka raw ma-contact! Ano ba iyan, Laila? Anong nangyayari at di ka ma-contact?! Nag-aalala tuloy ang papa mo! Ayoko na nag-aalala iyon!"
Lumapit si Mama sa akin. Namumula siya sa pagpipigil habang nagsasalita.
"At bakit di mo na kinukuha ang allowance mo? Ano, di mo na kami kailangan ng papa mo? Ano na, Laila? May sariling buhay ka na?! Sabi ko na nga ba at darating ang araw na ito! Magbabago ka! Kakalimutan mo rin kami! Kasi sino lang ba kami?!"
Tulala ako kay Mama nang mapansin ko ang kanyang pangangalumata. Ngayon ko naalala ang petsa. Ito iyong petsa na...
"Ahg!" Napasabunot si Mama sa kanyang buhok. "Pag umalis ka na, paano pa pag umuwi ang papa mo? Ano ang sasabihin ko sa kanya?! Paano na ang pamilya natin?! Paano na ang isang pamilya na walang anak?!"
"Ma, nawala lang ang cell phone ko." Napayuko ako. "I'm sorry. Pero bukod doon, may gusto rin akong ihingi ng pasensiya sa inyo. Puwede po ba tayong mag-usap? Mag-usap na tayo ngayon, Ma, please?"
Pero nag-ring ang phone niya. Sinagot niya agad pagkatapos akong talikuran. His younger brother, Tito Eloy, was on the other line. Kahit may kalayuan ay nauulinigan ko ang mabilis na pagsasalita nito. Malamang na problema na naman.
"Ano kamo, Eloy?! May sakit ang bunso mo kay Mabel?" tukoy ni Mama sa unang kinasama ni Tito Eloy. "Aba'y, sigurado ka bang na-dengue? Sige, sige, dalhin niyo na sa ospital. Magwi-withdraw lang ako at susunod na ako riyan!"
Sabi na. Napatapik na lang ako sa aking noo. Pinanood ko ang pagkukumahog ni Mama sa paghahanap ng kanyang bag. "May sakit ang pamangkin ko, Laila, kailangan ako roon," balisang sabi niya. "Baka mapaano iyon kaya kailangan ko nang puntahan! Kawawa ang bata!"
Humakbang ako palapit sa kanya. "G-gusto niyo po bang sumama ako? Sasamahan ko po kayo..." Kahit pagod ako, isang sabi lang niya, sasamahan ko siya.
Umiling si Mama. "Hindi ka kailangan doon."
Bago siya umalis ay sinabi niyang mag banana cake sa microwave. Ginawa niya raw iyon para sa akin. Pagkaalis ni Mama ay napatingin ako sa kitchen namin, at bigla ay kumalam ang aking tiyan. Para bang lahat ng tiniis kong gutom ay ngayon naglabasan.
Gutom na gutom ako, iyong gutom na hindi puwedeng itulog muna. Nakadagdag din sa gutom ko ang bigat ng aking dibdib. Nagkalkal ako sa microwave. Naroon ang bagong bake ni Mama na banana cake. Ininit ko agad nang deretso doon iyon. Para akong trabahador na nag-OT sa sobrang bilis at dami ng kinain ko. Nagkandabulon-bulunan pa ako.
After I had eaten, the exhaustion hit me again. I was tired and sleepy. I just wanted to rest when suddenly the doorbell rang outside the gate. Sino? Di ko naman tinawagan si Asher, ah? Ayoko ng kahit sino ngayon dahil sa totoo lang, parang sasabog na ang utak ko. Pagod na pagod din ako ngayon at gusto ko na lang talaga ay magpahinga sana.
Padabog na nilabas ko ang sino man iyon. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng specs ang nakita ko. Walang iba kundi si Rio. Maamo ang mukha na may pagkakabado. Pero ano na naman kaya ang pakay nito?
Bagong paligo ang lalaki, na obvious dahil basa pang bahagya ang buhok, mabangong-mabango, at ang linis-linis nitong tingnan. Puti pa ang suot a plain t-shirt, jogging pants, pati tsinelas sa paa. As in puting-puti, pakpak na lang ang kulang.
Namula agad ito nang makita ako. "L-Lai..."
Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit?"
"Uhm, that guy," he said tensely. Parang nagdadalawang isip pa. "Is that guy really your boyfriend?"
He went here just to ask me that?
"Lai, break up with him and come to me. I'll wait for you!"
Napahilot ako ng sentido.
"You can't?" Lumungkot ang mukha niya. "But can you just try?"
"Puwede ba wag ngayon?" inaantok na sabi ko sa kanya, dahil talagang gusto ko nang ipahinga ang utak ko, ang katawan ko, ang puso ko. Lahat-lahat!
But Rio was determined. He even rubbed his palms to beg. "Lai, leave him and choose me. I promise that I'll be good. So give me a chance, huh?"
Babatuhin ko na sana ito ng tsinelas nang may magsalita sa di kalayuan. "Hoy, hangal."
Napabaling ako sa lalaking dumating. Si Asher. Itim na plain t-shirt at dark grey na jersey shorts ang suot niya. Nakasombrelo nang pabaliktad. May hikaw sa isa sa makakapal na kilay ngayon. At may nginunguyang bubble gum.
Tiningnan lang din siya ni Rio pagkatapos ay bumalik na sa akin agad ang atensyon nito. "Lai, please think it over. You will not regret coming to me because I'll treat you better!"
Umigting naman ang panga ni Asher. Lumapit siya sa basurahan sa gilid ng gate, at doon idinura ang nginunguyang bubble gum. Salubong ang mga kilay niya nang maangas balikan si Rio. "Nakatira ka ba?!"
Inirapan lang siya ni Rio at tumingin na ulit sa akin. "Lai, please. At least try me. Kahit isang buwan lang o kaya kahit isang linggo lang. Okay, sige puwede rin tatlong araw lang!"
Lalong nanggalaiti naman si Asher sa narinig. "Tangina mo, pinagsasabi mo?! Gusto mong paduguin ko nguso mo?!"
Hindi na siya pinansin nito. "Okay, Lai. If you really can't leave him, just make me your number two. Kahit mas mahalin mo pa siya kaysa sa akin, basta dapat mahal mo rin ako!"
Gigil nang kinuwelyuhan na ni Asher sa t-shirt ito.
Pero ayaw pa rin talagang paawat ni Rio kahit hila-hila na ni Asher ang kuwelyo nito. "Lai, I'm serious! Okay lang din sa akin kahit pa mas lamang ang oras mo sa kanya, just please, make me your lover too! I am fine with anything and I won't ask for more than you can give. Open minded ako!"
Napabuga ako ng hangin. "Rio, umuwi ka na."
Nang marinig ang sinabi ko ay pabalandrang binitiwan ni Asher si Rio at pinagmasdan ito nang walang kasing angas. "Narinig mo? Ang sabi ni Lai, umuwi ka na! O bingi kang hangal ka?!"
Nang bumaling sa akin ay matamis na nakangiti na. Akmang bubuksan na niya ang gate para pumasok at lumapit sa akin nang magsalita ako. "Ikaw rin, Asher."
Nabitin sa ere ang pagbukas niya ng gate. Umawang sa pagkagulat ang bibig niya. "Ha?"
I stared directly into his eyes and casually repeated what I had said. "Umuwi ka na rin."
Natigagal pa muna si Asher ng ilang segundo at hindi makapaniwala na itinuro pa ng daliri ang sarili. "L-Lai, pati ako?"
Kaswal na tumango na lang ako at ni hindi ko na makuhang magpaliwanag pa nang mahaba, dahil malapit na talagang bumigay ang katawan ko. "Please, pagod ako. Gusto kong magpahinga kaya please, umuwi ka na rin muna sa inyo, Asher."
Napakapit siya sa gate namin. He was like a huge puppy that had been punished by his owner and was about to cry. "Pero, Lai, ang tagal nating hindi nagkita! Ang tagal nating hindi nagkausap dahil hindi ka na nag-o-online! Palagi ring naka-off ang phone mo!"
Si Rio naman ay napa-tsk sa tabi. "I guess I am not the only one here that is deaf."
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Asher. Mula sa pagiging maamo ay biglang bumangis. As if he went from being a gentle Golden Retriever to an angry Pit Bull Terrier.
"Anong sabi mong hangal ka?!"
"That you're deaf!"
Kinuwelyuhan ulit ni Asher si Rio. Hindi naman na nagpatalo si Rio, kinuwelyuhan din nito si Asher. Walang padedehado, magkasing tangkad, at magkasing angas sila pareho. Hindi man sanay sa pakikipagbasag-bungo si Rio pero mukhang handa talagang pumalag sa pagkakataong ito. Para na tuloy may dalawang Pit Bull na nagigirian ngayon sa harapan ko.
Ang kaso, talagang pagod hindi lang ang katawan kundi pati na ang isip ko. Napakamot na lang ako ng ulo. "Ewan ko sa inyo, gugulo niyo. Tulog muna ako."
"Lai!" halos sabay pa na tawag nila sa akin.
Si Asher ay binitiwan si Rio at kulang na lang ay dambahin ang gate namin. "Ngayon na lang ulit tayo nagkitang dalawa." His eyes pleaded with me to change what I said. "Lai, aalis din ba talaga ako?"
"Oo, Asher. Umalis ka rin. Umuwi ka na muna sa inyo." Pagkasabi'y tinalikuran ko na silang dalawa ni Rio.
Bago iyon ay nakita ko pa ang pagdaan ng di matatawarang sakit sa mga mata ni Asher. Pero talagang pagod ako. Mas gusto kong ipahinga ang aking pagod kaysa intindihin ngayon kung ano man ang nararamdaman niya....
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz