01
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
I woke up earlier than my alarm the next morning. Madilim pa sa labas nang sumilip ako sa bintana. Wala pang alas singko y media nang bumangon ako sa kama ko upang magwork out na muna bago maligo.
Mas gusto kong pinagpapawisan ako sa umaga bago ako naliligo o kumakain dahil na rin mas nagiging klaro ang isip ko tungkol sa mga bagay-bagay.
Also, I am working out to distract myself with things I should not think about. Mga bagay na hindi ko naman na dapat iniisip pa.
Nagpalit lang ako ng damit at nagsuot ng sapatos bago ko itinali ang mahaba kong buhok at lumabas na rin ng kwarto ko. I head straight to the kitchen to drink water and to get my tumbler as well. Plano ko lang naman mag jogging kahit na thirty minutes lang sa loob ng subdivision namin. Iniisip ko na rin naman na mag-enroll na sa malapit na gym para sa regular na pagwork out ko.
“Ashanti? Ang aga mo naman yatang nagising?” binuksan ni Mommy ang ilaw sa may kusina kaya naman bahagya pa akong napapikit nang masilaw ako. Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti rito. Alam kong nagtataka ito dahil kakauwi ko lang kahapon at dapat na nagpapahinga ako pero hindi iyon ang gusto ko dahil ayokong may kung ano ano akong maisip.
“Naninibago po yata ako sa oras kasi,” palusot ko na lang bago tumalikod. “Do you want coffee, Mommy? Bago ako mag jogging ay timplahan na kita muna ng kape,” sabi ko rito. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mommy sa balikat ko kaya muli ko itong nilingon.
“Are you okay?” tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko bago tumawa ng marahan. “Of course, I am, Mommy. Naninibago lang talaga ako sa oras,” sabi kong muli sa kanya. Inabot ko na lang din ang mug na nalagyan ko na ng powdered coffee, sugar and creamer. “Ikaw na lang maglagay ng mainit na tubig,” ngumiti ako bago humalik sa pisngi nito at nagpaalam na lalabas na.
Hindi ko naman na narinig ang sinabi nito dahil dumiretso na ako sa paglabas sa gate namin at nagsimulang mag jogging. Mabuti na lang at hindi pa naman tirik ang araw kaya hindi mainit pa mainit sa balat ang init nito. Nagsisimula pa lang naman din itong sumikat.
Halos kinse minutos na akong tumatakbo nang huminto na muna ako upang huminga ng malalim. Nasa may pathwalk ako at wala naman ding ibang tao kaya naman nagsimula na lang akong mag stretching. Nag-iinat ako ng braso, balakang at mga binti nang mapansin ko ang isang sasakyan na nasa may kabilang kalsada.
Napakunot ang noo ko dahil alam kong wala namang sasakyan doon kanina. I was all alone there. Wala nga rin kahit ibang nagjojogging o ano. Ako lang talaga mag-isa…
I looked away and shook my head. Pinalis ko na lang ang kung anuman na iniisip ko dahil hindi lang naman kami ang nakatira sa loob ng subdivision na iyon.
Nagsimula na lang akong tumakbong muli hanggang sa makabalik na ako sa bahay namin. Dumiretso akong muli sa kusina at naabutan kong naroon na rin si Daddy at kausap nito si Mommy. Kumuha lang akong muli ng isang baso ng tubig at ininom iyon.
“You should be resting, Ashanti,” sabi ni Daddy sa akin na nginitian ko naman. “I’m okay, dad,” sabi ko na lang dito.
“Go, wash yourself so we can have breakfast,” sabi naman ng Mommy bago inabot sa kasambahay namin ang isang plato na may lamang tocino. I smiled widely. Kung may pagkain man ako siguro na hindi pagsasawaan, tocino na iyon.
Tumango na ako rito bago nagpaalam sa mga magulang ko at dumiretso na ng akyat sa kwarto ko. Binuksan ko na rin muna ang TV para may ingay akong naririnig habang naghahanap ako ng damit na maisusuot.
Nabanggit naman ni Daddy sa akin ang plano nito na isama ako sa opisina upang makita ko kung may mga suggestions ako na dapat na gawin upang mas mag grow pa ang company namin. We own a textile company and we’re exporting our materials abroad. Plano na ni Daddy na magretiro kaya naman bilang nag-iisang anak lang naman niya ako, ako ang inaasahan na magpapatuloy ng negosyo namin.
But, I am planning to negotiate with him. Hindi ko pa kaya ang bagay na iyon kaya gusto kong humingi pa sa kanya ng kahit dalawa o tatlong taon na pamahalaan niya muna ang negosyo habang inaaral ko ito.
I picked high waist black pants and a white blouse. I-tutuck in ko na lang iyon at teternuhan ng black heels.
Kinuha ko na rin ang tuwalya ko bago nagpunta sa banyo upang maligo. I could still hear the sound from the television. I smiled a little when I heard some news on show business. Marami pa rin talaga na iyon ang inaabangan sa balita. Unlike us, we always check the exchange rates, the market, and the buying power of the customers.
Napailing na lang ako bago mabilis na tinapos ang pagligo ko. Mabilis lang akong gumamit ng blower sa buhok ko kaya naman lumabas ang pagiging natural na kulot nito. More like it was a beach wave kind of curls. Naglagay na rin ako ng make-up sa mukha ko at nang satisfied na ang tingin ko rito ay nagbihis na rin ako. Nagwisik lang din ako ng pabango sa may gilid ng leeg ko at sa pulso ko bago kinuha ang bag ko at lumabas na rin ng kwarto ko.
Bumaba na ako sa may komedor at nakaupo na rin ang mga magulang ko na parang ako na lang ang hinihintay. Naupo na lang din ako at nagsimula na kaming kumain. Gusto kong matawa na wala ni isa sa mga magulang ko ang kumukuha ng tocino dahil sabi nila ay para sa akin talaga iyon.
“You can use my car, hija. Ihahatid na lang ako ng Daddy mo sa restaurant,” sabi ni Mommy sa akin habang kumakain kami. Tumango naman ako sa kanya. Itatanong ko na rin dapat iyon dahil wala naman akong sasakyan dito sa Pilipinas. Hinihiram ko lang ang kay Mommy kapag narito ako.
“So, I’ll just wait for you at the office, Dad?” I looked at my dad and I saw him nod his head. Tumango na lang din ako at pinagpatuloy ang pagkain. Uminom na lang din ako ng tubig matapos akong kumain at tumayo na rin kaagad dahil wala akong balak na maipit ako sa traffic.
“Ashanti, are you sure you’re ready to go to the office? You can still stay here and rest and–”
“I’m okay, Dad. Really,” I chuckled and kissed him on the cheek. Maging kay Mommy ay humalik na rin ako sa pisngi bago lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan ni Mommy. Sumakay na ako sa sasakyan nito at nagmaneho papunta sa opisina. I even used an online map to make sure I won’t be stuck in traffic.
It was almost 8:30 in the morning when I parked my car in the parking lot. Lumabas na rin ako kaagad at tinungo ang elevator para magpunta sa opisina ni Daddy. Hindi ko pa alam kung saan ba ang magiging opisina ko kaya naman dumiretso na lang ako roon.
Naabutan ko naman si Agnes na secretary ni Daddy. Halos kaedad ko lang din ito dahil ang talagang secretary ni Daddy ay ang ina nito na nagretiro na rin kaya naman si Agnes na ang pumalit.
“Ashanti?” bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ako. Agad na lumapit ito sa akin at ngumiti. “Kailan ka pa nakabalik?” tanong nito habang hawak ang braso ko. I chuckled softly and gave her the paper bag I prepared for her. May mga laman iyong chocolates and some items from New York.
“Nag-abala ka pa! Thank you!” sabi nito sa akin. “Wala pa ang Daddy mo pero sa loob ka na lang ng office niya maghintay. Gusto mo ba ng kape, juice, tubig…?” tanong nitong muli sa akin pero umiling na lang ako sa kanya.
“Just show me the way, I think?” natatawang sabi ko na sinang-ayunan naman ng babae. Dumiretso kami sa isang hallway at sa dulo nito ay ang opisina na ni Daddy. Pumasok na lang ako sa loob at inilibot ang mga mata sa kabuuan nito. I smiled when I saw our pictures on his desk. Maging ang mga pinapadala ko na mga figurines ay naka display sa may shelves na naroon.
“It’s really a good thing that you’re here, Ashanti. Lalo na kapag dumating na ang mga bagong investors natin,” sabi ni Agnes na may dalang bottled water. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin. “What do you mean investors?” tanong ko rito.
Mukha namang nagulat ito sa tanong ko. “Uhm… magcheck po pala muna ako kung may meetings si Sir ngayon, excuse me, Ma’am,” sabi nitong bigla sa akin at iniwan na lang ako sa loob ng opisina ni Daddy.
I looked at the door when she closed it and heaved a sigh. Mukhang may mga kailangan pa akong alamin dito sa kumpanya para malaman ano ba ang lagay nito.
Naupo na lang muna ako at kumuha ng libro habang hinihintay si Daddy na dumating. It was almost 9:30 am when he opened the door and got inside. He smiled at me and removed his coat. “Let’s go, ipapakilala na muna kita sa mga empleyado natin,” sabi nito sa akin at bago pa man ako makapagtanong ay lumabas na itong muli kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. Iniwan ko na lang din ang bag ko at naglakad na.
Inilibot niya ako mula sa mga executives ng kumpanya, ang iba-ibang department na humahawak sa iba’t ibang operations. May ibang namumukhaan ko dahil nagpupunta naman ako roon noon, pero karamihan ay panay bagong mukha na sa aking paningin.
I was smiling politely at them. Wala naman akong maipintas sa relationship ng mga tao roon dahil kilala ko naman si Daddy bilang isang fair na tao. Hindi naman nito hahayaan na may mga trabahador na hindi pantay ang sinasahod.
Matapos kong makilala ang mga nasa opisina na sa palagay ko naman ay hindi ko agad matatandaan ang mga pangalan, bumaba na rin kami para silipin ang warehouse kung saan ibinabagsak ang mga produktong nagawa. May ibang factory pa kung saan doon naman ang pagawaan ng iba-ibang tela.
“Dad, what’s with the investors thing?” tanong ko nang nasa may elevator na kami. Napalingon naman si Agnes sa akin na bakas ang takot sa mukha nang lumingon kay Daddy. “Bakit ka naghanap ng mag-iinvest sa atin?” tanong kong muli rito nang hindi ito magsalita.
He looked at me and smiled a little. “I will explain that to you later, hija,” sabi niya lang sa akin. I looked at him and even though I still wanted to ask him, I just nodded my head. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makabalik kami sa opisina niya.
“We’re alone now, explain to me the investor thing,” sabi ko kay Daddy habang nakaupo ito sa may swivel chair nito. He looked at me and heaved a sigh. Bakas sa mukha nito na ayaw nitong sabihin sa akin ang kung anuman na bumabagabag dito.
“Dad…”
“We needed to make a way to make the company grow, anak. Malaki ang nawala sa company dahil itinakbo ng accountant ang pera na dapat ay ipapambayad natin sa mga naorder na nating mga materyales. Kung hindi tayo kukuha ng investor para ibenta ang share ng company sa kanila, babagsak ang kumpanya natin…”
Natigilan ako sa sinabi nito. “What…?”
“That’s why I had to sell 49% of the company’s share to the Monteverde Group of Companies. Sa ngayon, pinapaikot ang pera na mayroon para tuloy-tuloy ang produksyon at–”
“Monteverde… Group of Companies…?” mabilis ang tibok ng puso ko na tanong sa kanya habang nakatayo pa rin. Maybe it’s a coincidence, right?
Hindi naman siguro related sa isang tao na bahagi ng nakaraan ko ang tinutukoy na kumpanya ni Daddy.
Tumango ito sa akin. “The CEO’s son will be here today since he’s the COO of their company. He will personally check the business and it’s a good thing that you’re here as well.”
Pilit kong kinalma ang sarili kahit pa may kung ano sa akin na hindi mapakali hangga’t hindi ko nakikita kung sino ang COO na haharap sa amin ngayon.
Pinasamahan na lang ako ni Daddy kay Agnes papunta sa isang kwarto para gawing opisina ko. Nakahanda na roon ang isang computer maging ang ilan sa mga kakailanganin ko kapag nagsimula akong magtrabaho.
Pero malayo sa mga kakailanganin kong gamit sa opisina ang isipan ko. I don’t think I can think of paper clips, highlighters, pens or whatsoever right now.
Tinatapik ko ang sahig gamit ang sapatos ko habang pilit na iniisip na masyadong malaki ang mundo upang maglandas ang buhay naming dalawa ng isang lalaking bahagi ng nakaraan ko. It’s impossible, really.
Huminga ako ng malalim at napapitlag ako nang bigla akong tapikin sa balikat ni Agnes. I looked at him and she smiled a little. “Ma’am, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo. Nandyan na po sila Mr. Monteverde,” sabi nito sa akin.
Muli para akong kinapos ng hininga dahil sa sinabi nito ngunit tumango na lang ako at inipon ang lakas ko upang sumunod dito. “W-where are they?” I badly wanted to pull my hair because of stammering! I cleared my throat. “Where are they?” I asked again, now with confidence.
“They’re at the board room,” sabi nito sa akin bago nagpunta roon at pinagbuksan ako ng pinto. I filled my lungs with air before I walked inside. Lahat sila ay tila iisang ulo na lumingon sa akin maliban sa lalaking nasa dulo at natatakpan ng binabasa nitong dokumento na nakalagay sa isang folder.
“Hi, good morning,” bati ko sa mga ito.
“Ladies, gentleman, this is my daughter, Ashanti Ysabelle Laurel. She will be the acting COO for the meantime while I train her to manage the company,” pakilala ni Daddy sa akin. “I hope you will give her the same support you are giving me,” he added. Ngumiti naman ang mga naroon at binati ako.
“Let’s start, shall we?” sabi ng isang lalaki na sa palagay ko ay taga-Monteverde Group of Companies. Tumango na lang ako at inokupa na ang isang silya na naroon.
I heaved a sigh and looked at the people around me. Wala sa kanila ang inaasahan ko kaya para akong nabunutan ng tinik. I sighed in relief because of that.
“Before we start, I would like to introduce the COO of Monteverde Group of Companies,” sabi ng isang babae na naroon. Ngumiti ito at nilingon ang kaninang lalaki na nagsalita.
Napatango ako.
That must be him.
I sighed in relief.
“He rarely joins a meeting, actually. But he’s here today. Mr. Cloud Monteverde,” sabi nito. Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan na binanggit nito.
Cloud Monteverde.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang lalaki na may binabasa kanina na ibinaba ang folder na hawak nito. Pigil ang hininga ko nang makita ko ang mukha nito.
What the hell?
He smiled a little at the girl who introduced him. He was wearing a gray suit, a white polo underneath and a black tie. His hair was in an Ivy League haircut and he looks so damn clean and handsome.
Tulad noon.
“Thanks. Let’s proceed,” sabi lang nito sa babae. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kahit na ni isang sulyap ay hindi nito ginawa sa akin. Pinilit ko ang sarili ko na makinig na sa nagpepresent ipako ang atensyon ko.
We were there for almost an hour. Idiniscuss lang naman nito ang plano ng company para mas mag grow pa kaya nagtake rin ako ng mga notes para maaral ko ang mga ito.
I was collecting my papers when I saw Cloud walking towards me. Napatingin ako sa kanya pero sa Daddy ko siya lumapit. “Mr. Laurel, that was a good presentation. We will just ask for a copy of it and our team can check it as well,” sabi nito sa Daddy ko.
“Of course, of course. That will be fine. Anyway, are you free for lunch? My daughter just got back, so I think we can talk, too, over lunch?” tanong ni Daddy sa lalaki.
Natigilan naman ako sa sinabi nito.
No. Of course he will say no, too!
“Daddy, I don’t think–”
“Sure,” he cut me off. “I will tell my secretary about the plan so we can go to the parking lot together,” sabi nito na ang mga mata ay sa Daddy ko pa rin nakatingin.
“Great,” my Dad smiled and looked at me. “Ashanti, hija, get your things so we can have lunch with Mr. Monteverde,” sabi nito sa akin. I looked at Cloud again who’s now busy talking to his secretary. Tumango na lang ako sa daddy ko at bumalik sa opisina ko para kunin ang gamit ko. Sinabihan ako ng Daddy ko na magkita na lang kami sa parking lot kaya naman dumiretso na lang ako sa elevator.
“Hey, please hold!” sabi ko nang makita kong pasara na iyon. Mabilis akong pumasok sa loob nang harangan ng kung sinuman ang elevator. I composed myself and looked at the man inside the elevator to thank him.
“You…” halos walang boses kong sabi. Mabilis akong nagbaba ng tingin. “Thank you…” nag-iwas na ako ng tingin at huminga ako ng malalim. I could smell his damn perfume and I hate it! Hindi man lang ito kumikibo o ano kaya nanahimik na lang din ako.
Nang makarating na kami sa may parking ay nauna na itong lumabas. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makita kong binuksan nito ang isang Mustang na nakaparada roon.
Kumunot ang noo ko.
It looked like the same car I saw earlier…
Napailing na lang ako bago naglakad papunta sa sasakyan ni Daddy. Hindi lang naman siguro si Cloud ang may Mustang sa Pilipinas!
Sumandal na lang ako at hinintay na ang Daddy ko.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz