00
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Hindi pa man ako nakakalabas ng airport ay ramdam ko na kaagad ang mainit na klima sa Pilipinas. After staying for 5 years in the States, I am now finally home. Nasanay akong namumuhay sa ibang bansa dahil na rin gusto kong mas mapalawak ko pa ang kaalaman ko, isa pa ay para na rin hindi ko paulit-ulit na naaalala ang nakaraan ko.
Habang bitbit ko sa kamay ko ang bag ko ay tulak ko naman ang trolley na naglalaman ng mga bagahe ko. Inuwi ko na lahat ng gamit ko dahil base na rin sa napag-usapan namin ng Daddy ko, hindi na ako babalik sa America para manirahan ulit doon. I am going to stay in the Philippines for good to help them in their business.
Dapat ay noong isang buwan pa ako makakauwi pero dahil kailangan ko pang ayusin ang lahat ng kailangan kong asikasuhin doon. They didn't want me to leave, actually. Pero hindi na ako nagpaawat dahil alam kong kailangan ako ng Daddy at iyon naman talaga ang naging usapan namin noon.
Babalik ako.
As expected, maraming mga sumasalubong na mga kapamilya ng mga kasabay kong umuwi ng Pilipinas. Some of them were holding placards of their loved ones so they could be easily seen.
I wasn't expecting any of that since I didn't tell my parents that I was coming home today. Inalalayan na lang ako ng isang staff na naroon nang makakuha na ako ng taxi upang umuwi sa amin.
Inalis ko ang suot kong sunglasses at isinabit iyon sa may neckline ng suot kong bestida. I was wearing a black dress partnered with a black heels as well. Ang beach wave kong buhok ay nakalugay lang.
After putting all my belongings in the trunk, I told the driver where we will go. Isinandal ko na lang din ang pagal na katawan sa may upuan habang pinagmamasdan ang mga gusaling nadaraanan namin. Malaki rin ang pinagbago ng Pilipinas simula ng umalis ako...
Tahimik lang akong nakaupo sa likod at kahit na magiliw naman ang driver ng nasakyan kong taxi, marahil nang mapansin nito na wala akong gana na makipag-usap ay hindi na rin ito nagsalita pa.
Kung ako lang naman ang papapiliin, hindi ko gugustuhin pang bumalik dito. Ang mga magulang ko ang nagpupunta sa States para makasama ako tuwing Christmas at New Year. Nag-iisang anak ko kaya hindi ko rin sila masisi kung bakit ba parang taon-taon na lang din nila akong sinasabihan na umuwi na ngunit matigas ang pagtanggi ko dahil hindi ko alam kung kaya ko na ba talagang umuwi rito.
Maraming pwedeng mangyari na iniiwasan ko.
Hindi nagtagal ay ipinarada na ng driver ang taxi nito sa labas ng malaking gate sa isang subdivision. Pareho pa rin sa alaala ko ang lugar na iyon. Marahil ang nagbago lang ay ang bagong pintura noon ngunit ang pakiramdam ay pareho lang.
Ang driver na rin ang naglabas ng mga gamit ko, nagdoorbell na lang ako upang mapuntahan ako ng kasambahay namin at hindi nga nagtagal ay bumukas ang gate.
"Ma'am Ashanti!" gulat na bati sa akin ng kasambahay namin. Napangiti naman ako ng tipid sa kanya. "Ngayon po pala ang uwi niyo! Sana ay nagsabi kayo para naipasundo kayo sa airport," sabi pa nito habang iniipon ang gamit ko sa gilid.
Binayaran ko na rin ang driver at nagbigay ng tip dito bago lumingon sa kasambahay namin. "Sina Mommy?" tanong ko rito bago kinuha ang bag na pwede ko namang dalhin upang tulungan ito. Lumabas na rin ang isang kasambahay namin para tulungan si Lottie.
"Nasa opisina po ang daddy niyo, Ma'am. Ang mommy niyo naman ay lumabas din kaninang umaga," sagot sa kanya ng mga ito. Tumango naman siya bago tuluyang pumasok sa loob.
Gaya ng inaasahan ko, walang pagbabago sa loob ng bahay namin. Hindi iniba ng ayos ni mommy iyon kaya kung ano ang alaala ko noong umalis ako ay ganoon pa rin hanggang sa ngayon.
I saw their pictures hanging on the wall and I couldn't help but smile. Hindi ko naman itinatanggi na namimiss ko na rin ang mga magulang ko pero hindi ko rin maiwasan na panindigan ang desisyon ko na mamalagi sa ibang bansa.
"Gusto niyo ba munang kumain? Ipaghahanda ko kayo ng pagkain para bago kayo magpahinga at–"
"I want to rest first," I cut her off and smiled a little. "Can you bring those to my room, please?" I asked them and I saw them nod their heads. Nauna na akong umakyat patungo sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay agad na naamoy ko ang pabangong inilagay nila sa loob ng kwarto ko. Hindi naman iyon masakit sa ilong kaya hinayaan ko na lang. Bagong palit din ang bed sheet ko maging ang mga pillow cases.
Gaya ng naabutan ko sa may living room, wala ring pinagbago ang mga nakalagay sa kwarto ko. May isang shelf na nasa may gilid ng kwarto ko kung saan nakalagay lahat ng mga stuffed toys na natanggap ko noong nag-aaral ako.
I saw the empty spaces and I smiled bitterly. Mabilis akong umiling bago inilapag ang bag ko sa may lamesang naroon at alisin ang sunglasses kong nakasabit sa damit ko.
I sighed heavily as I roamed my eyes around the room. I am really here now.
I remained seated for a while before I decided to get up and walk towards the bathroom. Bago rin lahat ng mga toiletries na naroon at mga brand na gamit ko talaga ang mga inilagay roon at alam ko na ang mommy ko ang may kagagawan ng mga iyon.
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ko kaya naman pinagbuksan ko na muna ang mga kasambahay upang maipasok na ang mga maleta ko. Sa ibang araw na lang ako mag-aayos ng mga damit ko at ilalagay iyon sa walk-in closet ko.
I grabbed one bathrobe and walked towards the bathroom. Matapos kong timplahin ang tubig upang hindi ito masyadong malamig para sa akin ay naligo na rin ako. I am planning to just sleep today because I am still tired from my trip from the USA to the Philippines.
I went out after and then grabbed my lotion and put some on my body. Hindi talaga ako kumportable kapag hindi ako naglalagay ng lotion matapos kong maligo.
Binuksan ko ang cabinet kung saan naroon ang mga pambahay ko na damit. Hindi ko tiyak kung may kasya pa ba sa akin sa mga iyon pero sa palagay ko naman ay ang maluluwag na damit ko noon ay masusuot ko pa ngayon.
I just pulled out a sleeveless top and shorts. I looked at myself in the mirror. I smiled sadly while looking at myself. Hindi ko pa rin alam kung tama ba ang desisyon kong bumalik pero wala naman din talaga akong mapagpipilian kaya kailangan ko na lang sigurong tanggapin na ito na ang buhay ko ngayon.
After drying my hair, I went to bed and lay down. Kung ano-anong bagay ang mga tumatakbo sa isipan ko at alam ko naman na dapat ay iwaksi ko ang alinman na kunektado sa kanya.
I just heaved a sigh and closed my eyes so I could take a nap.
It was almost 6 pm when I opened my eyes. Una kong tinignan ang orasan sa gilid ng lamesa ko kaya bumangon na rin ako kaagad dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Nagpunta na lang muna ako sa banyo upang magbawas ng tubig sa katawan bago naglakad para lumabas ng kwarto ko. Hustong pagbukas ko nang makita ko na naroon si Reynalyn at si Anj na mukhang nagulat din sa akin.
"Ashanti!" masayang sabi ni Ryn bago ako niyakap. Ayaw nito na tinatawag siya sa buong pangalan nito. "We missed you!" dagdag nito at hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"Kaya nga! Buti na lang tumawag kami kaya nalaman namin na nandito ka na!" sabi naman ni Anj na niyakap din ako ng mahigpit. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanilang dalawa.
"It won't be a surprise if I told you I'm coming home today," pagdadahilan ko naman sa kanilang dalawa. Inirapan lang nila ako bago niyakap na muli.
"Ang tagal mong nawala, ha!" kumento ni Anj habang naglalakad kaming tatlo pababa ng hagdan. Inanyayahan ko na lang din silang kumain kasabay namin dahil kilala naman sila ng mga magulang ko. We've been best friends since we're kids. Kilala naman din ako ng mga magulang nilang dalawa.
"Ganoon talaga," sagot ko na lang bago pumasok sa kumedor.
"Ashanti?" tawag sa akin ni Mommy na ikinalingon ko. Ngumiti naman ako sa kanya at mabilis na lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. Sa likod naman nito si Daddy na tinungo ko rin upang yakapin.
"I missed you both," sabi ko sa kanilang dalawa na litaw sa mga mukha na masayang makita akong muli na naroon sa bahay namin.
"Sana ay nagpasabi ka na ngayon ang uwi mo para napasundo ka namin," sabi sa akin ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti ako sa kanya at umiling. "It's okay, I am here now," sabi ko naman dito.
"Ikaw talagang bata ka, ang hilig mong biglain kami sa mga desisyon mo," napapailing na sabi ng Daddy ko, ngumiti ito sa akin bago ako muling niyakap at hinalikan ang noo. "Namiss ka namin ng mommy mo, anak," bulong niya sa akin.
Ngumiti naman ako ng tipid dahil kahit naman ako ay namiss ko silang dalawa ni Mommy. Alam kong may mga pagkukulang ako bilang anak nila pero hindi naman iyon basehan upang masabing hindi ko sila namiss at hindi ko sila gustong makasama.
"Girls, join us for dinner. Finally, Ashanti is home," sabi ng Daddy ko sa mga kaibigan ko. Hindi naman tumanggi ang mga ito kaya nagpahanda na si Mommy sa mga kasambahay namin ng makakain namin ngayong hapunan.
They were asking me about my trip and also my experiences in the States. Sinasagot ko naman ang mga iyon pero nililimitahan ko lang din ang pagsagot sa kanila.
"May nanliligaw sa'yo roon, diba? Ano na nangyari?" usisa ni Anj sa akin. I looked at her and rolled my eyes. "Nothing, I wasn't there to have a boyfriend," sagot ko sa kanya bago nagkibit-balikat.
"You're not getting any younger kaya! Supportive naman sila Tito, e," sabi ni Ryn bago ngumiti sa mga magulang ko. Alam ko naman ang bagay na iyon pero wala lang talaga akong plano na makipagrelasyon o ano. Wala akong oras para roon.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam na muna ako sa mga magulang ko na aakyat ng muli sa kwarto ko dahil na rin kung tutuusin ay kulang pa ang tulog ko kanina. Hindi naman sila humadlang at hinayaan na lang ako na umakyat.
Sumama naman sa akin si Ryn at si Anj dahil namiss daw talaga nila akong dalawa. Hinayaan ko na lang sila dahil matagal naman talaga kaming hindi nagkitang tatlo.
"So, how are you?" tanong ni Ryn habang nakaupo sa may kama ko.
I looked at her and creased my forehead. "I answered that earlier, didn't I?" I asked her back. Kinuha ko na lang ang mga pasalubong ko sa kanilang dalawa at ibinigay iyon sa kanila.
"You know what I mean, Ash," she rolled her eyes on me. Kinuha nito ang ibinigay ko at ngumiti sa akin.
"Diretsuhin mo na lang kasi," sabi naman ni Anj na binabasa ang mga nutrition facts sa binigay kong mga chocolates. "Ask her how's her heart and if she's over Clo–"
"Anj," I cut her off. She looked at me and shrugged. "Ash, we all know why you went there, it's been 5 years already. Hindi pa rin ba okay?" tanong niya sa akin. Alam ko na nag-aalala siya sa akin pero ayoko lang talagang pag-usapan ang bagay na iyon.
Ngayong nasa Pilipinas na ako, hindi malabo na magkita kami kaya naman iyon ang pilit kong iiwasan dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kaming dalawa.
"I heard he's still single," sabi naman ni Ryn na binuksan na ang isang chocolate bar at tumingin sa akin.
"And if that's the case, it's none of my business," sabi ko na lang sa kanila bago iniligpit ang isang maleta ko. Bukas ko na lang ipapamigay sa mga kasambahay namin ang mga pasalubong na binili ko para sa kanila.
"Okay, enough talk about C, hindi natutuwa si Ashanti," sabi naman ni Anj bago naupo na rin sa tabi ni Ryn at kumagat sa chocolate bar na hawak nito.
Napangiti na lang ako nang tuluyan na nilang binitawan ang usapin tungkol sa lalaking iyon. Alam ko na wala naman ako sa posisyon upang ako pa ang umiwas pero nasaktan din ako noon kaya hindi ko magawang buksan ang topic na tungkol sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim bago tumingin sa mga kaibigan ko.
Ryn looked at me and smiled a little. "I know we should drop the topic, but look... he's on the news again..." she showed me her phone and I saw his face again.
I looked at him and sighed a little. "Let's stop talking about him," sabi ko na lang bago iniwas ang tingin sa mukha ng lalaki.
It's better if I don't talk about him because we ended things years ago.
Panalangin ko lang na sana ay hindi magkrus ang landas naming dalawa.
I don't know what will happen if I see Cloud Monteverde again.
I closed my eyes and sighed heavily.
Sana hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz