ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

02

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️



I immediately saw Cloud's car when we arrived at the restaurant. My dad called him and asked him if an Italian restaurant is okay with him and I heard him say yes so I think there's no problem.

Bitbit ko ang bag ko ay lumabas na rin ako ng sasakyan ni Daddy at pumasok na kaming dalawa sa loob ng restaurant. Hindi ko alam kung sadya bang malakas ang dating ni Cloud dahil hindi ako nahirapan hanapin ang lalaki. It was as if I knew exactly where he's located. I turned my head and saw him sitting.

Prente itong nakaupo habang may kung anong binabasa sa phone nito habang naghihintay sa amin ng tatay ko.

"Let's go, Ashanti. Mr. Monteverde said he's already here," sabi ni Daddy na mukhang hindi alam kung ano ba ang sasakyan ni Cloud.

"There he is," sabi ko na lang sabay turo sa lalaki. Paglingon ko ay sakto naman ding nakatingin siya sa amin. Tumayo naman agad ito para salubungin kami.

Naunang naglakad si Daddy kaya naman sumunod na lang ako rito. I was behind him when we reached the table.

"I apologize for making you wait, Mr. Monteverde," hinging paumanhin ni Daddy sa lalaki. Cloud smiled a little and nodded his head. "You have nothing to worry about, Mr. Laurel. It's fine," he replied.

"You're alone...?" I asked him. Napalingon naman siya sa akin at tumango muli ng marahan. "Yes. Please, take a seat," iyon lang at naupo na itong muli. Hindi man lang ako tinapunan nito ng mas matagal na tingin.

Huminga ako ng malalim bago naupo na rin. Kung pwede ko lang sabihin kay Daddy na aalis na ako ay kanina ko pa ginawa pero alam kong magtataka ito. Hindi naman nito alam kung ano ang nangyari sa akin noon kaya kahit na hindi ako komportable ay pinilit ko ang sarili ko na manatili na lamang doon.

"I heard you just acquired a telecom company," sabi ni Daddy habang kumakain kami. I was eating my pasta quietly while listening to them. To be honest, I have no idea what happened to Cloud for the past years since I made sure I won't know it. Kahit nga kina Ryn at Anj ay hindi ako nakikibalita dahil ayaw kong malaman ang nangyayari sa lalaki.

"Yes, Mr. Laurel," Cloud said. "My father wanted to expand the business, I am just doing what I was told," he added.

"Well, your father is very lucky to have a son like you. You have eyes on the business and I am sure you will be able to grow your company." my dad commended him. "I am also training Ashanti to manage our business since she's my only child. Who else will manage the business, right?" he chuckled and continued to eat.

"You're as strong as the bull, Daddy. I am just helping," sabi ko naman dito nang nakangiti. "Yes, but soon, you will manage our business," hindi pa rin nagpapaawat na sabi ni Daddy kaya naman napailing na lang ako sa kanya.

"She was in the States for 5 years," sabi ni Daddy. Mukhang plano pa nitong magkwento kay Cloud!

Mabilis akong tumingin kay Cloud na nakatingin naman din sa Daddy ko. "Really?" he said before giving me a fleeting look.

"Yes, yes," Dad said before wiping his lips. "She studied and worked abroad," he looked at me and I saw he's actually proud of what I did, for living on my own. "Though we had a deal that when the time comes that we need her here, she will go home. Now she's here," dagdag na sabi ni Daddy.

"Dad, he doesn't need to know about those things," mahinang sabi ko pero alam kong sapat na para marinig ng Daddy ko ang sinabi ko. "I am just sharing how happy I am that you're back, Ashanti," sagot naman nito sa akin.

I just smiled a little and nodded my head. Of course I don't want to take that happiness away from him. Totoo naman na sa loob ng limang taon, iniwasan kong umuwi kaya sila ang madalas na nagpupunta sa akin sa States para magcelebrate ng pasko at bagong taon.

"Does it mean that Monteverde Group will work closely with Ms. Laurel?" napatingin ako kay Cloud nang magtanong ito. Hindi nito binanggit ang pangalan ko. He looked at my dad before looking at me. "Is that right?" he asked again.

Tumango naman si Daddy bilang sagot sa lalaki. "Yes, since Ashanti is under training now, I will let her coordinate with you, but of course, with my supervision," sang-ayon naman nito.

Kumunot ang noo ko pero agad ko ring inalis iyon nang sumulyap sa akin si Cloud. Hindi naman nabanggit ni Daddy ang bagay na iyon. Ang alam ko ay ito pa rin ang makikipag-usap sa mga ito!

"I see," iyon lang ang sinabi ni Cloud. I stopped myself from rolling my eyes. Kahit na parehong Cloud pa rin ang nakikita ko kahit na maraming taon na ang lumipas, napaka layo ng ugali ng Cloud na nasa harap ko ang Cloud noon.

They talked about businesses and I was just listening to them. Napapag-usapan nila ang mga competitors at ang mga pwedeng gawin pero hindi pa naman final dahil parehong kailangan ng business plans kung paano aayusin ang negosyo, mapapababa ang kuha sa mga suppliers sa China at paano mapapalaki ang tubo sa bawat produkto.

"I will just take this call," paalam ni Daddy sa amin na tinanguan ko naman. Si Cloud ay tumango lang din dito.

Hindi ko alam kung kumapal ba ang hangin o nahihirapan lang akong huminga ngayong dalawa na lang kami ni Cloud ang naroon sa lamesa. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin kung makikita ko si Cloud na nakatingin sa akin.

Mas naging gwapo si Cloud ngayon dahil marahil naging mas matured na rin ito. His features are stronger now. He used to smile a lot to me before, now... he can't even look at me and I can't blame him for that.

"Welcome back."

Mahina lang iyon pero narinig ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Was that you?" I asked him, then I realized how stupid my question was.

"It's just the two of us here, who do you think that was?" kunot ang noo na tanong niya sa akin. Napasimangot naman ako dahil doon. I just rolled my eyes and waited for my dad. Hindi naman na rin nagsalitang muli si Cloud.

After a few minutes, my dad came back. "Thank you for having lunch with us, Mr. Monteverde," sabi nito bago tinawag ang waiter para makapagbayad na.

"The bill was already settled," sabi ni Cloud sa daddy ko. Kumunot ang noo nito ngunit tumango na lang ito. "Next time, it will be on me," sabi na lang nito kay Cloud na tinanguan naman ng lalaki.

Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko. "I will just drop you at the office. I need to go to Valenzuela to check on our warehouse. The operations manager just called me and there's a problem there," sabi nito sa akin.

Kumunot ang noo ko. "What happened?" Ang alam ko ay doon ang mas malaking warehouse namin ng mga tela na ginagamit sa paggawa ng mga damit.

"I will check on it. Ihahatid na muna kita sa opisina, anak," sagot naman ni Daddy. Umiling na ako sa kanya bilang pagtanggi. "I will just hail a cab, Dad. Go, mas kailangan ka nila na magpunta na roon," sabi ko naman dito.

"Are you sure?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "I'll be fine. Don't worry," sabi ko naman sa kanya. Kahit na parang ayaw nitong pumayag ay tumango na ito sa akin.

Bumaling naman na ito kay Cloud. "Thank you for the lunch, Mr. Monteverde. I apologize, I need to go now," sabi nito sa lalaki. Tumango naman si Cloud. "I can drive your daughter back to your office," sabi nito na ikinagulat ko.

I looked at him and raised a brow.

"What?" takang-tanong din ni Daddy.

"I have to go back, too. My secretary was still in your office," sabi naman nito sa Daddy ko, mukha namang sang-ayon si Daddy dahil tumango ito bago tumingin sa akin. "I think that's a good idea, Ashanti. Just go with Mr. Monteverde, hija. I will just call you later, okay?" sabi nito bago ako hinalikan sa ulo at nagpaalam na sa amin.

What the hell?

I looked at Cloud and he put his phone inside his coat. "Let's go," sabi nito. Hindi iyon pag-aaya. It was more like a command.

"I will just hail a cab," sabi ko naman sa lalaki. He looked at me. "You heard your dad, Ms. Monteverde. Let's go," pinal na sabi nito sa akin at dumiretso ng lumabas ng restaurant. Nagpupuyos ang damdamin na sumunod na lang ako sa kanya. Nakita ko siyang nasa tabi ng sasakyan nito.

I tried not to frown because I think that's unprofessional. I sighed heavily and looked at Cloud. "Get in," sabi nito sa akin matapos buksan ang pinto. Tumango na lang ako at pumasok na rin sa loob ng sasakyan nito.

I leaned on my seat and I couldn't stop myself from liking the scent inside Cloud's car. It was the same scent in my memory. I was still reminiscing the scent when Cloud got inside and started the engine.

Tumikhim na lang ako at isinuot na ang seatbelt ko.

Walang nagsasalita sa amin habang nasa daan kaming dalawa. Wala naman din akong maisip na sabihin sa lalaki. Isa pa, tiyak ko naman na ayaw rin akong kausapin ni Cloud. He offered to drive me back to the office because we're with my dad. Nagpapakita lang ito ng paggalang at respeto. Iyon lang naman iyon sa palagay ko.

"Thank you," sabi ko kay Cloud nang iparada na nito ang sasakyan. Hindi ko na rin hinintay na may sabihin siya at agad na akong lumabas ng sasakyan nito at naglakad papunta sa elevator. Sumandal lang ako sa pader sa loob nito at huminga ng malalim.

After years of avoiding him, I never thought I would still end up working with him. Kung minsan ay napaka mapaglaro ng tadhana.

Pagbalik ko sa opisina ko ay muli ko na lang inaral ang mga proseso at mga partner na rin naming suppliers para sa negotiation ko sa kanila sa mga darating na araw. Hindi rin naman ako inistorbo ng sekretarya ng Daddy ko.

Pagdating ng alas-singko ay kumatok lang sa pinto ng opisina ko si Agnes para sabihin na uuwi na ito. Hanggang alas singko lang naman ang mga pasok nila kaya tinanguan ko na lang ito. Kanina ay sinabihan niya lang ako na nagsabi ang Daddy na mauna na lang ako umuwi ngayon kaya naman nag-ayos na lang din ako ng gamit ko at naghanda na sa pag-uwi.

I just hailed a cab when I went out and went straight home and rested. Naligo na muna ako bago ako bumaba ng kwarto ko at naabutan ko si Mommy na nasa may kusina at naghahanda ng makakain namin. Kahit na may kasambahay kami, sinisiguro pa rin naman ni Mommy na siya ang magluluto ng pagkain namin ni Daddy.

"Mom..." I called her and she looked at me. She smiled at me. "Are you hungry?" she asked me. I shook my head. Pinagmasdan ko siya at hindi ko mapigilan ang sarili na maisip kung gaano ko siya namiss. Gaano ko sila namiss ni Daddy. Iba pa rin talaga kapag kasama mo ang pamilya mo. It's something no amount of money can replace.

"Did you know about the partnership with Monteverde Group of Companies?" tanong ko sa kanya. Muli siyang sumulyap sa akin at tumango. "Your dad mentioned it to me once. Why?" tanong nitong muli sa akin habang naghahain na ng pagkain namin.

"Nothing, I just think it's not necessary," sagot ko bago naglakad upang kumuha ng mga ubas na nasa lamesa. "There's a lot of other companies, why did he choose Monteverde Group?" I also took some time to check on Cloud's company. Talaga namang maganda ang accomplishments and achievements ng company nila, hindi ko lang maiwasan na hindi mailang.

Isa pa, naiisip ko na baka Cloud is up to something...

"They're one of the best," iyon lang ang sinabi ni Mommy sa akin. Kahit pa gusto kong magprotesta ay hindi na lang na ako nagsalita dahil mukhang nakapagdesisyon naman na ito tungkol sa bagay na iyon. They both decided to tie up with that company.

Ang magagawa ko lang siguro ay siguraduhin na mabibili namin pabalik ang mga shares ng mga ito upang mawala ito sa kumpanya namin.

Napalingon naman ako sa may pinto nang pumasok doon si Ryn at may dala itong mga damit. Agad akong lumapit sa kaibigan. "What are you doing here?" I asked her.

She smiled widely. Tumingin din ito sa nanay ko. "Hello, Tita! May masquerade ball po sa hotel nila Daddy, isasama ko po sana si Ash," paalam nito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "What the hell?" tanong ko sa kanya. Given that I don't have work tomorrow, this was not in my plan for today! Kung magpaalam din ito ay para lang kaming gagawa ng project sa bahay nila.

It was a masquerade ball!

Sana man lang ay ininform niya ako para mapaghandaan ko iyon!

"It's okay. Ashanti need that," sabi naman ni Mommy na nilingon ko. Natatawa lang ito sa akin kaya naman hinila na ako ni Ryn paakyat sa kwarto ko para magbihis.

"You're making plans without informing me," reklamo ko sa babae nang maupo ako. Nagkibit-balikat naman ito. "This was planned months ago, nasa States ka pa kaya huwag mo akong artehan, ha," sabi niya naman sa akin bago inabot ang isang puting silk dress. Mababa ang neckline nito at mababa rin ang sa likod. Sa palagay ko ay maeexpose ng husto ang likod ko sa damit na iyon.

"I don't like that!" sabi ko sa kaibigan pero wala naman din akong nagawa dahil ibinigay niya na sa akin iyon at pilit na ipinasuot. Nagniningning ang mga mata ni Ryn nang makita akong suot ko iyon. Good thing was there's a nipple pad for the dress because I can't wear a bra! Makikita iyon sa likod ng suot kong damit.

"You were gone for a long time, Ash. Dapat lang ay nagpaparty ka o kaya nakikipag socialize!" sabi pa ni Ryn sa akin.

Nagbihis na rin ito at nag-ayos na kaming pareho, nang satisfied na kaming dalawa ay lumabas na rin kami kaagad at si Ryn na rin ang nagmaneho ng sasakyan nito. Nagbilin lang sa akin si Mommy an magmessage sa kanila kung magpapasundo ako.

"Kung ano ano ang naiisip mo," sabi ko kay Ryn habang nasa daan kaming dalawa. May ari sila ng mga hotels dito sa Manila pati na rin ang mga branches sa Cebu at Davao. Ngumisi lang ito sa akin at itunuloy na ang pagmamaneho.

Bago bumaba ay inabutan niya rin ako ng mask na mask na kulay puti. It has pearls and feathers on it and it complimented my white dress. Sabay na kaming pumasok sa loob matapos nitong ibigay sa valet ang susi ng sasakyan nito.

Marami na rin ang tao sa loob at dahil lahat naman ay nakasuot ng mask, wala akong halos na makilala sa mga ito. Ryn said Anj will also be here so I told her I will just wait for her. Nagpaalam ang kaibigan ko na pupuntahan ang magulang nito kaya naman naiwan ako sa lamesa habang lumilinga-linga sa mga naroon.

Napako ang mga mata ko sa lalaking nakatingin din sa akin. He's wearing a black tuxedo and he paired it with a black mask as well. Hindi ko alam kung nakita ko na ba ang lalaking iyon noon pero parang pamilyar ito sa akin.

I reached for the glass of white wine and took a sip. Hinihintay ko na lang ang mga kaibigan ko para naman may kasama ako roon.

It was almost 20 minutes and I still haven't seen them. Kinuha ko na lang ang purse ko at naglakad ako papalabas upang magpahangin. Dala ko ang baso ng wine glass ay nakapunta ako sa may garden ng hotel na iyon. Walang tao roon pero rinig pa rin ang ingay mula sa party.

I never liked attending parties. Kahit noong nag-aaral ako ay dahil lang kina Ryn ako umaattend ng parties.

Napalingon ako nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko ang lalaking kanina ay nakatingin sa akin. Nakabagsak ang buhok nito at at bahagyang natatakpan ang noo.

There's something about him that screams familiarity for me. Hindi ko lang alam kung ano ang bagay na iyon.

"Are you not enjoying the party, too?" tanong ko sa lalaki. I saw him smile a little. "My friend just dragged me here," sabi ko pa rito. I hugged myself when I felt the cold breeze of the air.

Wala pang sampung segundo ay naramaman ko na ang paglapat ng coat ng lalaki sa tabi ko sa katawan ko. Napalingon ako sa kanya.

"You're exposing your back a little too much, don't you think?" he said. Kumunot ang noo ko at mas pinagmasdan ko siya. Kahit ang boses niya ay pamilyar sa akin.

"Who are you...?" tanong ko rito. Nagkibit-balikat ito bilang sagot sa akin. I just rolled my eyes and sipped from my wine again. "This tastes good. Natikman mo?" tanong ko ulit sa lalaki, he looked at me and shook his head. "I haven't."

I extended my arm and offered my glass to him. "Here, so you won't keep on drinking rum," I smiled at him.

"I think I'll have a taste in a different way," he said softly and to my surprise, he pulled me closer to him and claimed my lips.

What...

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz