ZingTruyen.Xyz

Bad Lover

Chapter 50

JFstories

KAILANGAN NIYA NG EBIDENSIYA NA HINDI NA AKO BABALIK SA KANYA?


Salubong ang aking mga kilay dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito? Bored ba siya dahil graduate na ng college? Walang mapaglibangan sa free time? Kaya naalala niya ako bigla? For what? For fun?


As if naman laro lang lahat ito. Hindi na kami mga teenager na tulad nang dati. We were no longer at the height of being immature, impulsive, and carefree.


"Seriously, what is this all about?" tanong ko na pilit pa ring nagpapaka-kalmado.


"Are you curious?"


Nagsalubong lalo ang mga kilay ko.


Ngumiti si Miko. "Sorry, but I'm not gonna tell you for free."



MICHAEL JONAS PANGILINAN. INI-STALK KO ULIT ANG ACCOUNT NI MIKO.


Active nga talaga siya sa account na ito dahil may story siya, kamay niya na kinuhanan niya ng photo. O di ba, mukhang tanga? Ano ito, pini-flex niya lang ang mahahabang daliri niya?


May tinype din naman siyang word sa ilalim ng story niya: 'Kampung'.


Ano ang ibig sabihin niyon? Basta, alam ko lang na isa itong Singlish, lokal na lengguahe sa Singapore. Mukhang nag-enjoy siya nang malala sa ilang buwang stay niya roon, na pati salita ay nadala niya sa pag-uwi rito sa bansa.


Maliban sa story niya na ito ay wala na siyang ibang new activity sa social media na puwede kong makita. Isa lang ang sigurado ko, active nga siya rito. Bakit kaya hindi niya pa pinapalitan ang kanyang profile photo?


Ang gamit niya ay ang ultrasound pa rin ni Mateo. Ang mga comment doon ay iyong mga dati pa. Kino-congrats siya, tinatanong kung sino ang nanay ng bata, at kung kailan siya nag-asawa, pero ni isa ay wala siyang sagot.


Iyong caption niya sa ultrasound photo: 'Pag may tiyaga, may nilaga'


Parang nanggagago lang, pero sanay na ako noon na ganoon talaga siya mula nang una ko siyang makilala. Napapaisip tuloy ako kung may nagbago na ba sa kanya ngayon matapos ang isang taon mahigit na hindi namin pagkikita?


Fine, I was curious. Papa pa rin siya ng baby ko, normal lang na gusto kong malaman ang ilang detalye sa buhay niya. Baka kasi nag-a-adik na pala siya. Kung ganoon lang din, wag na siyang magsustento. Magpakalayo-layo na rin siya.


Bago mag-off ng WiFi ay nag-check ako ng friend request. Nandito pa rin iyong ilang buwan ng nakababad na request ni Francis Molina.


Pinuntahan ko para lang i-check kung mutual namin iyong isa kanina, pero hindi. Sina Hugo Emmanuel Aguilar lang at Bimbo Zaragosa lang ang mutual namin ni Francis. Wala iyong isa. Pero sa pagkakatanda ko, friends sila noon. Sino ang nang-unfriend at in-unfriend?


Ang profile dito ni Francis ay nakaupo sa swivel chair, naka-black shirt pero may nakapatong na coat, naka-specs na black rimmed, tapos messy ang buhok, at may hikaw sa kaliwang kilay. Nakahalukipkip siya at seryosong nakatingin sa camera. Nang i-tap ko ang photo ay marami iyong react, karamihan ay heart. He is popular...


Imposibleng walang magagandang babae sa mga reactors na ito. Wala bang nagugustuhan si Francis sa mga ito? Bakit sa akin pa siya nagta-tiyaga, kahit alam niyang na wala siya sa aking mapapala?


Alam din naman niyang may anak na ako. Hindi ba niya naisip na kung sakali ay magiging isa siyang instant daddy?


Hindi pa alam ni Miko pero alam na ng tropa nila, kaya nga pinipigilan siya na ligawan ako. Hindi sa pag-aari ako ni Miko, but that was bro code, I guess. Wala nga lang paki si Francis. Matigas ang ulo niya, kaya siguro nagkasundo sila noong magtotropa. But what if... what if malaman na ni Miko?


I wonder what that man would feel. Or would he even care?



DUTY AGAIN: I was late because I had forgotten the time while looking through profiles of potential babysitters for my son at the agency.


Ang bilis kasi ng proseso para sa pag-alis ulit ni Mommy. Sa katapusan na agad. Ngayon ay kailangan ko nang maghanap ng mag-aalaga kay Mateo. Someone na willing mag stay-in.


Ang kailangan na makuha ko ay iyong mahaba ang pasensiya, may genuine concern sa bata, at mapagkakatiwalaan since makakasama namin ito ng baby ko sa bahay. Iyon sanang puwedeng ituring na pamilya. Saan kaya ako makakakuha?



BREAKTIME KO NANG MAG-TEXT SI MOMMY. May dumating daw na delivery sa bahay. Mga laruan ni Mateo. Kanino pa ba galing?


Noong nakaraang punta niya, may bitbit din siyang mga laruan at damit ng bata. Hindi marami ang gamit ni Mateo dahil wala naman ditong nagbibigay na iba, maliban sa akin at sa pamilya ko. Wala itong ninong at ninang dahil wala naman akong kaibigan. Pabor sa akin na may natatanggap ito, but not from him.


Nagpapadala naman siya ng sustento, hindi niya na kailangang magbigay ng kung anu-ano. Sobra-sobra na kasi. Baka kasi kalakihan ng bata ang ganito, tapos isang araw ay bigla siyang magbago. Ano ang mararamdaman ng anak ko?


Hindi naman habangbuhay na si Mateo lang ang anak niya. Paano kapag nakakilala na siya ng ibang babae? A woman his mother would prefer for him, a woman he would sincerely love and fight for, and a woman he would finally marry?


Syempre, kapag may sarili na siyang pamilya, kapag may bago na siyang anak, ay mahahati na hindi lang ang budget niya, kundi pati ang kanyang atensyon. Malaki ang chance na ang anak niya ng bago na palagi niyang nakakasama, at mula pa sa babaeng mahal niya at gusto ng mommy niya, ang magiging priority niya. Ayoko na masaktan ang anak ko.



ANG PAG-IISIP AY NAKAAPEKTO SA MOOD KO. Nakasimangot ako buong duty. Minsan ay napapadabog pa ako. Pag pinakikisuyuan naman ay sumusunod ako pero hindi ngumingiti.


Iyong mga co-nurse ko ay pinagbubulungan na ako. "Hayaan niyo iyan, ganyan talaga iyan si Zandra."


"Hirap nga raw niyan pakisamahan, palaging nagtataray."


"Kaklase ko iyan sa La Salle," sabi ng hindi ko naman maalala kasi di nga ako friendly. "Ganyan na iyan noon pa man, masungit. Rich kid kasi. Pero mabait naman minsan."


At least, napuri sa huli. Pero alam ko namang kahit ito ay diskumpiyado sa 'minsang' pagiging mabait ko. Aminado akong mataas ang tingin sa sarili, hindi friendly, at maarte. But life had already taught me a lesson. I was humbled by some struggles I experienced in a short period of time. One trait remained unchanged in me, though: my unfriendliness.


For me, it was pointless to build ties and trust others as people were all bound to abandon you in the end. Kaya suplada ako noon at mas suplada na ngayon. Ayoko lang magsayang na naman ng panahon.


Pagkatapos ng shift ko, naghilamos lang ako at kinuha na sa locker room ang aking bag. May isang text message ako. Galing kay Francis.


Francis Molina:

Can I come and pick you up tonight?


He would pick me up? What happened to his appointment in Quezon City this week? Was it pushed back?


Pumunta na ako sa lobby. Bukod sa 11:00 p.m. na ay umaambon-ambon pala, kaya walang masyadong tao sa labas ng ospital. May kalayuan dito iyong waiting shed sa tapat ng main road kaya naghanda akong manakbo papunta roon dahil wala akong dalang payong.


In my peripheral vision, I caught sight of the tall man leaning against the pole near the emergency exit. He was somewhat leaning down, and the hood of the grey jacket he was wearing covered his head. He looked like he was waiting for someone.


Nanakbo na ako papunta sa waiting shed. Pagkarating doon ay nagpunas ako ng panyo sa aking mga nabasang braso. Nilingon ko iyong lalaki na ngayon ay naglalakad na sa dilim papunta rito. Wala siyang payong but he had his hood on, so I guess it was fine.


I shifted my gaze away from him when the light here in the waiting shed flickered. As he came closer, the light eventually went out. Ang natirang liwanag na lang ay iyong sa buwan at ilaw ng ilang motoristang dumaraan sa kalsada.


Nasa gilid ko na siya, may kadiliman man dahil nga sa namatay ang ilaw rito sa waiting shed at kahit pa busy ako sa paglalahad ng palad upang saluhin ang patak ng ambon, ay nakikita ko siya sa aking peripheral vision. He was just standing quietly beside me.


Minsan lang talaga magsalita. Hindi niya gusto na ma-pressure ako, yet iyon pa rin ang nangyayari. He was a nice guy, though. Maybe we could really become friends if only he did not harbor any romantic feelings for me.


I had been firm in telling him over and over that he could not expect anything from me, but even though he refrained from asking me to give him a chance, what he was doing to me was still like courtship. Maybe I should have been harsher in rejecting him.


Nataon siguro talaga na hindi siya natuloy sa QC para makapag-usap kami. Kaysa rito sa kalsada o sa bahay, nag-isip ako ng public place kung saan puwede ko siyang kausapin nang masinsinan. Tutal gutom na ako, yayayain ko na lang siguro siya muna sa malapit na Jollibee.


Tapos try ko na ring awayin siya kapag hindi niya pa rin ako sinukuan. Ano ba? Ang dali lang naman akong isuko, bakit hindi niya magawa?


He simply had to give up on me. What was so hard about that? Dapat ba ipa-seminar ko siya kay Michael Jonas?


Tinanong ko siya nang kaswal at hindi tinitingnan. "Gusto mong kumain?"


Sa aking peripheral vision ay nakita ko siyang marahang napalingon sa akin. Nagulat marahil sa bigla kong pagyayaya.


Hindi ko napigilang mapangiti, kasi kung alam niya lang na iba ang pakay ko. "Come on. Let's eat, then talk..."


He did not answer, but he continued to stare at me. Even though it was dark and I was not looking at him, I could tell he was really surprised. I could even imagine his lips parting at this moment.


"Don't worry, my treat. Pambawi lang kasi lagi mo akong inuunahan sa pagbabayad ng pamasahe tuwing sinusundo mo ako."


Napabuga ako ng hangin kasi hindi pa rin siya nagsasalita, at parang biglang naging iba ang ihip ng hangin. Parang nagkaroon ng tensyon sa paligid dahil sa huli kong sinabi. Baka na-gets niya na ang pakay ko.


Sumeryoso na ako. Habang pinapanood ang pagdaan ng ilang sasakyan sa madilim na daan, mahina akong nagsalita, "Do you know he's back? He didn't just come back; he approached me after we hadn't talked in a while."


Wala pa rin siyang sinasabi.


Tumawa ako nang kaunti. "Ang galing lang, bigla siyang naglakas-loob lumapit at kausapin ako. At tingin ko rin, hindi niya pa alam ang tungkol sa 'yo. Ano nga kaya ang masasabi niya kapag malaman niya, ano?"


Lalong kumapal ang bigat sa paligid namin.


"Anyway, about your feelings for me..." Humarap na ako sa kanya subalit nakayuko. "Francis, I want to—" Biglang kumurap ang ilaw.


Babalik na yata ang ilaw dahil dalawang beses kumurap. Marahang umangat ang mukha ko patingala sa kanya, dahil gusto kong makita ang reaksyon niya, pero mabilis na kurap lang ng liwanag ang nangyari. Mabilis lang pero sapat na para panlakihan ako ng aking mga mata.


I wasn't just imagining things, right? Iyong pares ng mga mata na nakita ko, iyong lamig na masisinag doon, iisang tao lang ang kilala kong nagmamay-ari ng mga iyon! And it wasn't Francis Molina!


Muling kumurap ang ilaw, at this time ay hindi na iyon muling namatay pa. Maliwanag na maliwanag na muli sa waiting shed at kitang-kita ko na ang hitsura ng lalaking aking kaharap ngayon dito.


My breath hitched in my throat as his name escaped my lips. "Miko..."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz