ZingTruyen.Xyz

Bad Lover

Chapter 49

JFstories

PALAGI KO NA SIYA ULIT MAKIKITA?!


"I said, give me your bank number!" nanggagalaiti kong sabi. "Hindi ko sinabing mag-selfie ka at gawin mong wallpaper ng phone ko ang photo mo!" Sa gigil ko ay talsikan ang laway ko sa mukha niya.

Napahaplos naman si Miko sa pisngi niya pero di naman nandiri. Wala lang.

Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa gate. Dahil sa inis ay nakalimutan ko nang gabi na at mga tulog na ang ibang kapitbahay, pabalibag kong sinara ang gate. Buwiset na buwiset ako.

I went straight to the bathroom and cleaned myself before going upstairs. Pagpasok sa kuwarto ay nagbihis na agad ako at pinuntahan ang natutulog na isang taong gulang na batang lalaki sa crib. Nang makita ito ay doon lang ako kumalma. Kinarga ko ito at dinala sa kama. Umuga-uga pa ang nakasalpak na pacifier sa munting bibig dahil sa pagsipsip.

Hinalikan ko ito sa ulo. Tulog na tulog na ang baby ko. Walang kamalay-malay kung sino ang kanina lang ay nasa labas ng bahay namin. Tiningnan ko ang aking phone at pumintig na naman ang ugat sa sentido nang makita ang wallpaper na ngayon ay selfie na ni Miko. Ano bang problema niya?

I didn't realize that I was already staring at my phone screen. Ang bilis ng pangyayari ng kunin niya ang photo na ito sa labas ng bahay namin, madilim pa ang paligid dahil gabi, at bahagya pang blurred ang bandang balikat niya dahil sa pag-agaw ko sa phone kanina, pero nasaan ang hustisya? Flash lang ang nagpaliwanag dito, yet iyong photo niya ay parang may extra lighting, like he was in a studio or something.


Seryoso siya sa kuha, bahagyang naka-chin up, kaya kitang-kita ang jawline at emphasized nang malala ang bridge ng matangos na ilong. Iyong kilay niya rin ay ang kapal-kapal na itim na itim, and his eyelashes were even longer than mine. Naiinis ako.

I remembered his eight hundred plus selfies in my old phone. Nag-hang na iyon noon dahil sa dami ng photos niya na wala namang kuwenta. Puro pagpapa-cute lang. Puro close up. Nakadila, nakanganga, nakangisi. Pa-cool. Cool naman talaga. Coolang sa aruga. Ay, puwede ring sobra.


Nakadama na naman ako ng inis. Binuksan ko ang phone. Buburahin ko na dapat ang photo niya nang mahagip ng aking paningin ang app for social media. Hindi na kami friends sa lahat ng social media at naka-lock na ang profile ko, hindi rin naman siya nagtangka kahit minsan na i-approach ako. Ni humingi kahit photo ng paa ng anak niya, never niyang ginawa.


I opened the app and looked for his account. His profile photo was still the same as before, Mateo's first and last ultrasound photo. He still hadn't changed it. I think this account was no longer active. Even so, I clicked on it to check.


Nagulat pa ako nang makitang ni hindi man lang naka-private. Nakatiwangwang sa public. Mukhang di na nga talaga ginagamit. Maybe he already had a new account. Yet, to my surprise upon scrolling, his most recent post was just two months ago! So he was still using this account?!


Iyong latest photo ay kuha niya na solo. Nakatayo siya at ang likod ay railings. Naka-hoodie na black, white shirt sa loob, grey na pants sa ibaba, at white sneakers. Ang tangkad niya sa kuha, hindi siya nakangiti, na parang nagpakuha lang ng photo dahil mandatory?


Nangunot ang noo ko nang makita kung nasaan siya, sa likod niya kasi ay naroon ang famous fountain statue na half-lion, half-fish of Merlion. Nasa Merlion park. Sa Singapore!


Hindi sa naiinggit ako, pero wow, nakapag-travel na pala siya? Sino naman kaya ang kasama niya? Wala akong pakialam, pero anong ginawa niya roon? Iyon ba ang reason kaya ang tagal niyang hindi nagpakita?


Kung tatantiyahin ang mga buwan, ilang buwan pa lang siya noong naka-graduate. Siguro ay nag-celebrate siya after graduation. Baka kasama niya ang kanyang mommy, o kahit sino, wala naman akong pakialam. Anyway, check ko nga iyong comment section.


Nangunguna si Isaiah. Walang profile pic ito kaya mapagkakamalan mong inactive, pero nag-comment.


Isaiah Gideon DV: Nagbago ka na.


May reply siya.


Michael Jonas Pangilinan: Di na kaya sa patas. Kailangan na umangat.


May ibang bumati sa kanya ng happy birthday kahit di naman niya birthday. Ang tatanda na pero mga isip bata pa.


Pati si Asher ay may comment din, pati si Arkanghel na nasa ibang bansa pa rin yata ay nag-comment din, at kahit si Bimbo Zaragosa na naging tropa niya rin noong high school.


Asher James Prudente: I don't claim this negative energy.


Arkanghel Wolfgang: @Asher James opportunity knocks only once. Go take it for granted.


Bimbo Zaragosa: Dambalasek pis!


May reply naman siya sa lahat. Michael Jonas Pangilinan: 'Nanyo, thank you.


There was only one who didn't comment, or maybe they weren't really close. Pinatay ko na ang WiFi at nahiga na. Io-off ko na dapat ang phone, nakuha lang ng mga naipong notification sa taas ang atensyon ko. Hindi pa pala nabubura iyon. Binuksan ko kung ano, at napanganga na lang ako nang makita. Bluetooth notifications!


Ang mga sinend gamit ang phone ko ay naririto pa rin. Mga photo namin ni Mateo! Miko sent those photos to his phone, but why?!

BANGAG AKO PAGGISING KINABUKASAN.


It wasn't because I didn't get enough sleep, or maybe it was. Nag-isip lang naman kasi ako magdamag. Nakakairita kaya ngayon ay ni hindi man lang ako nagsuklay pagbangon ng kama. Pagtayo ko, deretso linis na ako ng bahay at asikaso kay Mateo.


I was dressed in a huge oversized old shirt, which was completely different from what I usually wore, pajamas below, and my hair was tied up in a messy bun. Kinuha ko sa kusina ang basurahan sabay labas ng bahay. Magtatapon ako ng basura dahil naipon na at ako lang ang tagatapon. 


Ewan ko ba kay Mommy, di bale ng mabulok mga basura namin pero hindi mo talaga siya mapapalabas para magtapon ng basura. 


May mga kapitbahay na kami sa labas, pinapaarawan ang mga anak at apo, naghihintay ng pagdaan ng taho, at nagwawalis ng harapan ng kani-kanilang bahay. It was like this every day.


Inaayos ko ang basurahan namin dahil natanggalan na naman ng takip, tapos ikinalat ng galang aso. Imbes magtatapon lang ay magwawalis pa tuloy ako.


"Good morning, Zandra," one of the neighbors, Aling Mikay, greeted me. Bitbit nito ang sanggol na apo para paarawan. "Nasaan ang mommy mo, Zandra? Hindi nalabas, ah!"


"Kasama po ng baby ko sa loob," sagot ko rito. Hindi talaga lumalabas si Mommy kahit para paarawan si Mateo. Noon pa man ay iwas na si Mommy sa mga kapitbahay namin.


"Sus, iyan si Jesela, lagi lang nakakulong sa bahay niyo. Ni hindi man lang ilabas ang anak mo, di pa tuloy namin nakikita nang maayos itsura. Nagkaapo na at lahat, ganyan pa rin ugali. Kataas kasi ng tingin sa sarili, sa 'yo tuloy na anak bumawi."


Sumabat si Manang Bibe na kalalabas lang ng bahay. Pinakamatanda sa mga ito. Nasa seventy plus na yata. Marami ng apo at may apo na rin sa tuhod. "Ay, sinong pinag-uusapan niyo riyan? Mommy nitong si Zandra? Aba'y ano na? Hindi na talaga nakabalik iyon sa Canada, ano? May pasabi-sabi pa noon na doon na siya raw titira, ah!"


"E, akala yata kasi ni Jesela hindi mangyayari sa kanya ang nangyari sa apo ko, na pagka-graduate e nabuntis agad," ani naman ni Aling Mikay. "O hayan, instant yaya siya ng apo niya. Di na tuloy siya nakabalik ng Canada!"


"Uy, Ate Zandra!" Si Tonya na batang kapitbahay namin. Sa pagkakaalam ko ay sixteen pa lang ito ngayong taon, pero heto at malaki na ang tiyan dahil kabuwanan na. "Nagulat ako, parang di mommy mo, 'te. Iba na itsura. Walang kaayos-ayos. Mukhang nalosyang na sa kaaalaga sa anak mo, 'Te!"


Si Manang Bibe ay natawa. Isa sa mga apo nito si Tonya. "Ay siya nga, nalosyang na talaga ang Jesela! Baka ang daddy mo, Zandra, ay hindi na iyan balikan, palitan na ng Canadian!"


Pumintig na ang ugat ko sa sentido dahil kung sino pa ang pinakamatanda, siya pa ito riyang mas malala. Naiintindihan ko na si Mommy kung bakit ayaw na talaga nitong lumabas. Nagmabilis na ako sa paglinis ng kalat para makapasok na ulit sa bahay.


Patuloy si Manang Bibe. "Zandra, ang  nakabuntis pala sa iyo, saan na hane? Tinakbuhan ka na talaga? Nakow, iyan na nga ang aking sinasabi. Aanhin ang talino sa ekswela kung di naman marunong kumilatis ng lalaki? O tingnan mo ang iyong mommy na noon ay ka-proud sa iyo, ginawa mo laang na instant yaya ng anak mo."


Kandabagsak-bagsak na ang hawak kong dustpan dahil sa pagmamadali. Sasabog na ang dibdib ko nang biglang may malamig na boses na nagsalita, "'LA, IYONG GANYAN HONG EDAD, DAPAT ACTIVE NA KAYO SA CHURCH."


Napalingon ako sa gulat dahil kilala ko ang boses. Napanganga ako dahil tama ako. "Miko..."


He was standing a few feet away from me. White Lacoste shirt, jeans, at itim na Adidas slides kung saan makikita ang mahahaba at malilinis niyang daliri sa paa. Malinis na malinis tingnan. His right hand was tucked inside his pants pocket, while his left was holding an SM Eco bag. Hindi siya nakangiti, kalmado lang, pero may kung anong titis na masisinag sa mga mata.


Kumikinang sa liwanag ang suot na maliit na silver earrings sa parehong tainga. "'La, malapit na ho kayo kaya magpakabait na kayo. Imbes na panghuhusga sa kapwa ang atupagin, nag-iipon na ho dapat kayo ng ligtas points niyo."


Napasinok si Manang Bibe. Nang makabawi ay napasigaw ito. "Bastos na batang ito!"


Miko just shrugged his broad shoulders and calmly walked toward me. He handed me the paper bag he was carrying, which I absentmindedly accepted. Pagkuwa'y dinampot niya ang natumba kong dustpan. Siya ang nagpatuloy sa pagwawalis ko ng kalat, at tinaktak niya ang dustpan sa basuran. 


Miko also placed a stone on top of the trash bin as a weight, so that even if the dog played with it, it would not fall again. Nang makatapos ay nagpagpag siya ng kamay, saka ako nilingon. "Nag-almusal ka na?"


Nakatanga pa rin ako, pati ang mga kapitbahay. Wala akong masabi dahil hindi ko ini-expect na pupunta siya. As in ngayon na ganitong kaaga!


Ngayon ko na lang siya ulit nakita sa ganito kaliwanag, kitang-kita ko ang mukha niya nang malinaw. Ang aliwalas, makinis, at parang lalong naging pangahan. His lips also appeared to be redder in the light. It was really not fair that he showed up so early in the morning!


His next question was so casual that it stunned not only me but also my neighbors who were listening. "Gising na si baby?"


Nagbulungan na ang aking mga kapitbahay. "Iyan ba iyong ama?", "aba'y guwapo naman pala," "mukha lang maloko, may hikaw sa magkabilang tainga o!", "tagasaan kaya iyan?", iyong bulong nila na sana isinigaw na lang, dahil dinig na dinig naman.


May mga kasunod pa, "nagkabalikan na?", "mukhang may kaya sa buhay. Tiba-tiba ang Jesela!", at "iyan nga iyong tatay, nakita ko na iyong bata, e. Xerox copy!"


Miko, on the other hand, seemed not to hear anything or he just didn't care. He was still carrying the broom and dustpan as he spoke calmly, "Saan ito lalagay?"


Saka pa lang ako nahimasmasan. "J-just leave it there," tukoy ko sa gilid ng gate.


Pumasok naman siya para ilagay iyon sa loob. Nakihugas pa siya ng kamay sa gripo sa may garahe. Napapasok na rin ako dahil ayokong mausisa pa ng mga kapitbahay kapag nakabawi ang mga ito. Nanghahaba nga ang mga leeg habang sinisilip kami rito sa loob.


Hindi pa rin kumpletong umaayos ang aking huwisyo, basta gusto ko lang ay makatakas na muna sa mga intriga sa labas, kaya pati si Miko ay nahila ko na papasok sa loob. We were already in the living room when I realized it. 


I looked up at him, and saw his eyes widening at me. He also didn't expect me to drag him inside.


Iyon ang tagpo na naabutan ni Mommy. Pababa ito ng hagdan karga-karga si Mateo. "Zandra, alive na naman ba ang mga tsismosang kapitbahay? Sabi ko na kasing gabi ka na magtapon ng basu—" Hindi nito natapos ang sinasabi at muntik pang mabitiwan ang kargang bata nang mapatingin sa amin.


Napabitiw naman ako sa kamay ni Miko na hawak-hawak ko pa rin pala.


Ang namimilog na mga mata ni Mommy ay malinaw ang ipinaparating, kung ano ang ginagawa ni Miko dito sa amin. Kahit nakakaharap naman ni Mommy si Miko noon pa, dahil kapag naghahatid si Miko ng gamit para kay Mateo ay si Mommy ang kumukuha sa garahe, pero ganito pa rin talaga ang reaksyon niya lagi sa lalaki. Naiilang pa rin ang mommy ko, na ipinagtataka ko kasi mataray si Mommy, pero bakit parang takot siya kay Miko? 


Si Mateo na karga ni Mommy ay lumingon sa amin, ang inosenteng mga mata ay tumingin sa lalaking katabi ko. Hindi ito palangiti kaya para akong sinikmuraan dahil bigla na lang bumungisngis ang munting bibig ng bata.


Nang tingalain ko si Miko sa aking tabi ay tigagal siya na nakatingin sa batang lalaki. Ilang ulit kong nakita na umalon ang kanyang lalamunan pero walang nanulas sa kanya na ni isang salita.


Si Mommy nang mahimasmasan ay biglang tumalikod pabalik sa hagdan. "Ay, saglit, may naiwan pala ako sa kuwarto. Zandra, sa itaas muna kami ni Mateo!" Nagmamadali itong pabalik na pumanhik.


Nang tingnan ko ulit si Miko ay nakayuko na siya. I wanted to ask him if he would like to see Mateo, but I suppose he wasn't ready yet.


Hindi ko alam kung bakit iniiwasan niyang makita ang bata, iyong amin lang naman ang wala na, o wala talaga, pero iyong sa kanilang mag-ama, hindi naman iyon mawawala. Hindi ko ipagkakait na makita niya ito dahil karapatan nilang dalawa na magkita at magkasama.


But since he didn't seem to have the intention to see the child, he had nothing else to do here, so I supposed he may leave now. Tumalikod na ako. "Puwede ka nang umalis. Wag mo na lang pansinin ang mga kapitbahay namin—"


"Seryoso ako." Mahina bagaman dinig na dinig ko ang mababang boses.


Huminto ako pero hindi lumingon.


"Nang sabihin kong palagi mo na akong makikita ulit. I'm dead serious."


Bumuga ako ng hangin upang pawiin ang tensyon na namumuo sa aking dibdib. "Wag kang mag-alala. Hindi kita pipigilang magpakita kay Mateo—"


"Then thanks," putol niya sa sinasabi ko. "Dahil mangyayari iyon. Hindi mo lang ako palaging makikita, dahil sa dalas ng pagpapakita ko, makikita rin ako hindi lang ni Mateo, ng mommy mo, pati ng lahat ng mga kapitbahay niyo."


Iyong pait sa aking lalamunan ay idinaan ko sa maisking tawa. "Right, you're back. You've finished your studies so you have a lot of time now. Oh, do I have to congratulate you?"


"Who told you I finished college?" mahinang tanong niya na hindi ko gaanong narinig.


Nilingon ko siya. "What did you say?"


"I'm saying that you're right, I am back." Lumamlam ang mga mata niya. "I am back, Zandra..."


Ang gulat sa mukha ko ay napalitan ng dilim, pero ngumiti ako. "Nice. I'm also telling you, Michael Jonas Pangilinan... I'm not coming back to you."


I could clearly see the pain in his eyes, but he also smiled at the end. "Cool. I'm down bad for evidence."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz