ZingTruyen.Xyz

Vices Within Virtues

Chapter 9

Ice_Freeze

PARANG tanga ako na natuod sa kinatatayuan ko dahil sa narining ko. Parang hindi ko na kaya na maging alipin na lang ng salapi, mukhang kailangan ko nang umalis dito. Parang masisiraan na ako ng ulo.

Marahan ko siyang itinulak dahil gusto ko na lang kumaripas ng alis ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay mabilis niyang hinapit ang baywang ko.

"Where are you going?" tanong niya nang walang gatol na animo wala siyang narinig mula sa radyo.

Nilingon ko siya at sa unang pagkakataon ay nakatingin ako sa mga mata niya nang hindi ko nakikita ang kaguwapuhang taglay niya. Wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na ito kung hindi takot.

Hindi ko namalayan na nangilid na pala ang mga luha ko at kusa na itong tumulo sa mga pisngi ko. Masama lang ang ugali ko pero tao lang ako, marunong pa rin akong matakot lalo't buhay ko na ang nakasalalay rito. Dagdag pa, parang nawawala na ang mga agam-agam ko na mamamatay-tao siya—parang mas napapatunayan ko na. Isipin pa lang na paanong namatay bigla ang taong maayos pa naming nakausap kagabi ay parang mababaliw na ako.

"B–bitiwan mo 'ko," nagnginginig kong sabi sa kaniya.

Bigla niyang iniangat ang isang kamay niya at marahang pinahid ng hinlalaki niya ang mga naglalandas na luha sa mga pisngi ko. "Shhhhhh," pagpapatahan niya sa akin pero parang mas lalo lang akong binalutan ng takot. Hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan pa at mas lalong hindi ko na kayang mag-stay pa rito kasama siya nang hindi ko nalalaman kung sino at ano nga ba siya.

King ina mo, Jice! Tandaan mo 'tong dinadanas ko na 'to sa trabahong ibinigay mo sa akin. Hinding-hindi kita mapapatawad kahit pa kadugo kita.

Hindi ko na mapigilan ang maisumpa si Jice sa isip ko dahil sa gulo na sinasapit ko ngayon.

"A–ayoko na, aalis na ako rito. W–wala na akong pakialam kung pulutin ako sa kangkungan o pilitin akong magpakasal ng mga magulang ko. Ang mahalaga sa akin ay makalayo ako sa 'yo dahil ayoko nang makakita pa ng ibang bangkay na pinapatay mo!" nanginginig na sigaw ko bago ko siya marahas na itinulak at nagkukumahog na tumungo sa kuwarto ko para mag-empake ng mga gamit ko.

Ayoko na . . . ayoko na talaga.

Agad kong nilabas ang maleta ko nang marating ko ang kuwarto ko at basta-basta ko na lamang pinagsasalpak ang mga gamit ko nang wala akong pakialam kung may nababali ba akong mga hanger o ano. Hindi para mas intindihin ko pa ang mga hanger kaysa sa takot ko.

Nang matapos akong mag-empake ay mabilis akong lumabas ng kuwarto. Kasehodang lakarin ko hanggang labasan at mayroon na akong masasakyan pero hinding-hindi ako mag-i-stay pa rito na kasama siya ng isa pang gabi.

"You are really leaving," anang isang tinig bago ako tuluyang makalabas ng main door.

Ayoko siyang lingunin hindi dahil baka mapigilan niya ako, kung hindi dahil natatakot akong mas katakutan at kasuklaman ko pa siya kapag ipinilit niyang mag-stay ako kahit puro takot na lang ang nararamdaman ko.

Akala ko hindi niya ako mapapasuko, akala ko siya ang susuko sa akin—mali pala. Hindi ko pala kayang mapasuko siya dahil buong-buo na sa paniniwala ko na mamamatay-tao siya.

Tuluyan na akong lumabas ng main door at nang makalabas na ako ay nahagip siya ng tingin ko nang papasara ang pinto nang hindi ko sinasadya. May nakita akong lungkot sa abo niyang mga mata . . . pero hinding-hindi na ako magpapadala sa mga iyon. Hindi na kahit kailan.

DALAWANG linggo na ang nakalilipas mula nang umalis ako sa bahay ng boss ko at ni kaluluwa niya ay hindi ko na naramdaman pa—at mas mabuti iyon. Wala talaga akong balak na bumalik pa roon at patayin sa torture ang utak ko, sa ganda kong 'to hindi para tumira sa mental hospital ang drama ko.

"Girl! Pucha daydreaming, 'ne?" Nalingunan ko ang bansot kong bilog na kaibigan na papalapit sa akin.

"Ano na namang kailangan ng bubwit na 'yan?" kunwaring pang-aaro ko sa kaniya.

"Walanghiya ka!"

Natawa ako sa sinabi niya dahil umakto pa siyang ibabato sa akin ang bag niya.

"Wala bang hiring sa inyo?" tanong ko sa kaniya nang makaupo na siya sa tabi ko. Nandito kasi kami sa bahay ng mga magulang ko—sa terrace to be exact. Oo, hindi ko bahay kasi 'di ba nga wala akong pagmamay-ari sa buhay kong 'to bukod sa kipay ko. Hmp!

"Magtuturo ka ba ng mga day care, okay lang sa 'yo?" tanong niya sa seryosong tono.

"Basic, Pitchy, josko naman!" pagmamayabang ko.

"Tutusukin mo lahat ng zest-o nila o ng kahit anong inumin na baon nila."

"Kayang-kaya."

"Bubuksan mo lahat ng tinapay na baon nila."

"Maliit na bagay."

"Kailangan mong bantayan lahat ng galaw nila dahil kapag may nangyaring masama sa kanila ikaw ang mapapatay ng mga magulang nila."

"Tao ngang hindi ko alam ang pagkatao kinaya ko, sila pa kaya," mayabang pa rin na sagot ko.

"Ikaw ang maglilinis ng mga puwet nila kapag natae sila at ikaw ang dadakot ng mga tae nila kapag natae sila sa classroom mismo—"

"PITCHY, WHAT THE FUCK?!" Hindi ko na talaga napigilan ang naging reaksyon ko sa huling narinig ko.

"Girl, wala akong binanggit na kahit anong imbento sa 'yo. Lahat ng mga sinabi ko ay totoong nararanasan ng mga teacher ng day care at kung minsan nga ay elementary pa. Mukha lang madaling pakinggan ang trabaho dahil maliliit na bata ang kailangan na bantayan pero hindi alam ng mga tao kung anong responsibilidad ang nakaatang sa amin."

Parang ang emosyonal ni Pitchy ngayon. Hindi kasi siya normally ganito. Knowing this girl? Hindi ito patola lalo sa mga kagagahan ko.

"May problema ka ba?"

"Meron, puwede ko bang dagdagan iyang sa 'yo?" aniya at doon nga tuluyang nangilid ang mga luha niya.

"Luh, napano ka?" As walang sweet bone sa katawan na friend, iyan talaga ang naging response ko sa kaniya.

"May nagmura kasi sa aking nanay kanina, pero okay lang, naiintidihan ko siya. Naiiyak lang ako kasi nanliliit ako sa sarili ko," pagkukuwento niya at parang bigla akong naawa sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Kasi kung sa akin talaga gagawin 'yon, makakasampal ako.

"Bakit? Ano bang nangyari at bakit umabot sa punto na minura ka niya?"

"Kasi ang lesson naming kanina ay iyong paggamit ng orasan. E, may isa akong estudyante na wala siyang dalang papel na orasan, lumabas ako saglit para ibili siya sa canteen. Ayaw ko naman kasi na magmukha siyang kawawa sa mga kaklase niya dahil siya lang iyong wala ngang magagamit. Binilin ko iyong mga bata sa co-teacher ko na katabing classroom ko."

"Tapos?" Huminto kasi siya at parang gusto nang humagulgol.

"Iyong isang bata pumunta sa table ko, e, nandoon iyong tumbler ko na nakalimutan kongi sara, tumapon sa bata iyong laman na tubig ng tumbler ko. Nandoon lang sa swing iyong nanay niya kasi para agad masusundo ang anak kung sakali, nakita niya iyong nangyari sa bata."

"Anong ginawa sa 'yo?" Parang umiinit na ang ulo ko.

"Ang tanga ko raw. Wala raw ba akong utak para hindi malaman na kailangan kong isara ang tumbler pagkatapos kong inumin. Teacher pa raw akong naturingan pero napakabobo ko at wala raw akong karapatan maging teacher dahil iniiwan ko ang mga bata." Her voice suddenly cracked at wala akong nagawa kung hindi haplusin ang likod niya dahil nagsimula na rin siyang humikbi.

Hindi ako magaling sa mga ganito kaya hindi na lang ako nagsalita, sapat nang alam ni Pitchy na narito ako at kahit ano'ng mangyari ay kakampi niya ako.

Kaya kahit masama ang ugali ko, maayos akong makitungo sa mga nakakasalamuha ko kasi may kaniya-kaniya tayong dinadala at pagalingan na lang sa pagdadala.

Matapos umiyak ni Pitchy at gumaan ang loob niya ay nagpaalam na rin siya sa akin. Idinaan lang naman talaga niya iyong binilin kong kakanin na sa harap lang ng school na pinapasukan niya mabibili. Nagpapakadalubhasa kasi ako rito sa bahay namin at kung itatanong n'yo kung saan . . . sa pagiging modernong tambay.

Literal kasi na walang nangyayari sa buhay ko ngayon tapos si Jice ni minsan hindi sinagot ang tawag at text ko. Napakagago talaga ng babaeng 'yon.

Browse lang ako nang browse sa phone ko nang may mahagip akong isang facebook post na literal na pumukaw ng atensyon ko. Video ni Lance habang ini-interview siya para sa bago niyang libro.

Hindi ko alam kung kyuryosidad ba ang nagtulak sa akin na i-play ang video na iyon o ano.

"Mr. Lewis, what is the book all about?" tanong ng nag-i-interview na kung tama ang alala ko, si Ms. Jeyli Coll.

"A murderer," simpleng sagot niya pero narito na naman ang takot at kaba ko na hindi ko maipapaliwanag sa kahit na sino.

"Everyone has been saying that whenever you write a book, pakiramdam nila ay totoong-totoo ang mga nakasulat sa libro mo sa tuwing sila ang magbabasa—na para bang totoong mga kaganapan at pangyayari ang nakasulat," ani Miss Jeyli na sinagot niya ng ngisi. Iyon ang ngisi na ubod ng kayabangan pero may ipagyayabang—basta ganoon.

"You have to be a murderer in order for you to write one," sagot niyang muli at nakita kong napasinghap si Miss Jeyli sa video. Halatang nagulat ito sa isinagot niya.

"TAMA AKO! MAMAMATAY-TAO KA TALAGANG KUPAL KA!" sigaw ko sa telepono ko kahit na alam kong hindi niya naman ako maririnig. "Tama talaga ang desisyon kong layasan ka!"

"That's a pretty intriguing answer, Mr. Lewis," ani Miss Jeyli at muling nagtanong pero this time ay hindi na about sa libro. Naramdaman ko ang biglaang pagkambyo niya sa pag-i-interview. "Mr. Lewis, a lot has been asking me to ask you this. As a successful writer and at the same time you have that handsome face and masculine body, is there something that you've been craving to have? Isang bagay na gustong-gusto mong makuha pero wala ka pa rin up until now?"

Hindi ko alam kung kupal na assuming lang ba 'ko pero tumingin talaga siya sa camera na para bang ako mismo ang kinakausap niya.

"The one who left."

Four words. Four words lang iyon pero parang inalog ang buo kong pagkatao sa sinabi niya.

"The one who left? May isang tao bang umiwan sa 'yo?" tanong muli ni Miss Jeyli na ikinalingon niya rito and this time, mas ipinokus ko ang mga mata ko sa telopono ko. Literal na naghihintay ako ng susunod pa niyang sasabihin.

Napatanga ako sa telepono ko nang imbes na sagutin niya ang tanong ay muli siyang bumaling sa lente ng camera.

"I'll come for you," aniya at gumapang na literal ang kilabot sa buong katawan ko na kamuntik ko pang naihagis ang telopono ko.

Ako na ba ang susunod niyang biktima? Ako na ba ang susunod na mapapatay?

Agad kong inalis sa video na iyon ang telopono ko at akmang papasok na ako ng bahay para pumasok sa kuwarto ko nang bigla na lamang nakita kong nagkukumahog na lumapit sa akin si Kuya Budjong mula sa gate ng bahay.

"Oh, bakit humahangos ka, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Ma'am Vinn, may naghahanap po sa inyo nakamagandang sasakyan. Papapasukin ko na po kasi ito po iyong binilin ni Ma'am Jice sa akin kanina," anang Kuya Budjong at para akong kinabahan at nahinatakutan. Hindi pa ako nakakasagot kay Kuya ay may bigla na lang umarangkada na sasakyan papasok at huminto pa mismo sa harap ko.

Pakyu ka, Jice. Isa kang malaking gago! Ipinapahamak mo talaga ako! Hindi ka makasagot sa mga tawag ko pero nagagawa mong makapagbilin sa guwardya namin!

Kulang na lang talaga ay isumpa ko si Jice sa mga oras na 'to.

Hindi na ako nagtaka nang makita ko siyang bumaba sa sasakyan niya na makailang beses ko na ring nasakyan.

"Maiwan ko na po kayo, Ma'am Vinn," anang Kuya Budjong at parang gusto ko siyang pigilan na huwag akong iwan.

Ilang segundo nang maka-alis ang Kuya Budjong ay saka ako bumaling sa kaniya.

"A–anong ginagawa mo rito?" Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mautal.

"I told you, didn't I? I'll come for you," aniya na animo inulit niya ang narinig ko roon sa video.

"A–ayoko nang bumalik sa poder mo!" singhal ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin saka naglakad paakyat ng terrace pagawi sa tabi ko. "H–huwag kang lalapit sa akin!"

"I am here for two things," aniya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit. Bigla niyang hinapit ang baywang ko kaya't napasubsob ako sa dibdib niya.

Nagsubok akong itulak siya pero mas malakas siya. "A–ano?"

"First, I am not a murderer like you thought I was," aniya at doon na napamulagat ang mga mata ko.

"H–HA?! Ano ka kung ganoon?" gulat na gulat ang kaluluwa na pahayag ko.

Matiim niya muna akong tinitigan sa mga mata bago siya muling ngumisi at this time, ito iyong ngisi niya na para niya akong binabaliw sa kaniya.

"I am a criminal profiler."

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay marahas ang naging pagtulak ko sa kaniya na ikinabitiw niya sa akin probably because I caught him off-guard.

"A–ano ang ikalawang dahilan bakit ka nandito? Oo sige, tatanggapin kong hindi ka na murderer. Oo sige, may occupation ka pang iba bukod sa pagiging writer, pero ano pa iyong isa mong pakay—"

"I won't let you marry someone else."

Napamulagat ako sa sinabi niya at para bang nabingi pa ako.

"A–ano? A–ano kamo?"

"I am here for two things. To let you know that I am not a murderer but a criminal profiler, and no, I won't let you marry just anyone."

Putcha! ANO 'TO?! ANO 'TONG MGA NARIRINIG KO??

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Try ko ulit update bukas o mamaya kapag maagang nakauwi at walang uwing trabaho! Seryoso ako, tatapusin na natin 'to. HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz