Chapter 8
HINDI ko alam ang isasagot sa mga oras na 'to. Nanginginig ang tuhod ko at ito na naman ang halo-halong emosyon na bumabalot sa pagkatao ko. Kung hindi lang talaga masamang magmura nang magmura, nagawa ko na.
Mabilis akong napabitiw sa kaniya at pinilit tumayo sa sarili kong mga paa kahit pa ang totoo ay parang malalagutan na ako ng hininga sa lakas ng dagundong ng puso ko.
"S–sumosobra ka na!" utal na singhal ko sa kaniya. Puro ka pakilig, shutaaaaa—gusto ko sanang idagdag kaso ako lang yata itong papatayin na, nakukuha pang maglandi.
Keep your kipay to yourself, Vinniece Jan Saavedra! Pakiramdam ko, kung hindi ko pagsesesermonan ang sarili ko, matutuluyan talaga akong bumigay sa pesteng boss kong 'to.
Nginisihan niya ako na animo nakikipaglabanan ang mga mata niya sa akin na kasalukuyang matalim ang tingin sa kaniya.
"Binabaliw mo 'ko, n–nahihirapan na akong intindihin ka pati ang sarili ko. P–pakiramdam ko isang maling galaw ko lang, may kalalagyan ako sa 'yo," frustrated na frustrated na sabi ko sa kaniya. Ano pa bang itatago ko, totoo namang nasi-stress niya na ang buong pagkatao ko.
"Why?" Sinabi niya ang mga salitang iyon na animo ba tuwang-tuwa siya sa nararamdaman ko at maging sa pagkalitong nangyayari sa akin.
"Kung hindi ka masaya sa buhay mo, masaya ako sa akin. Name-mental torture mo 'ko!"
"I already told you that life is never fair—it is and will always be unjust to everyone, Saavedra."
Sunod-sunod akong umiling sa kaniya. "Diyan ka nagkakamali, sa inyong mayayaman, fair ang buhay. Wala kayong hirap na nararanasan. Kung hindi kayo gagawa ng sarili n'yong problema, wala kayong magiging aberya," matatas na sagot ko. "Unfair na sa inyo ang buhay sa mga hirap n'yo na kayo naman ang may gawa? Naranasan n'yo na bang matulog na kumakalam ang sikmura?"
"And you think life only revolves around physiological needs?" sagot naman niya sa akin.
"Hindi ba? Wala kayong hirap sa pagkain, damit, tirahan, pera, at kung ano-ano pa na siya naman talagang totoong iniikutan ng buhay!"
Bigla siyang lumakad papalapit sa akin, saka niya unti-unting iniyukod ang katawan niya upang magkatapat ang mga mukha namin. Para ko na naman tuloy nahigit ang hininga ko dahil sa ginawa niya. "Those dresses and weapons were either worn by a rich person or were used to kill the rich person you despised a lot."
Nagulat ako na literal na nanlaki ng mga mata ko sa narinig ko. "P–pero may d–damit ng bata roon—"
"Yes, a child of Col. Lazarus got raped and killed."
Napatanga ako sa narinig ko at sa hindi malamang dahilan ay parang may sumasakal sa leeg ko na hindi ko mawari.
"P–pero bakit pumayag siyang i-display ang damit ng anak niya sa museo na ito?!" halos mabaliw-baliw kong pahayag. Hindi ko kasi makuha bakit kailangang gawin ito, paano na lang ang ikatatahimik ng batang biktima kung pumayag ang sarili niyang ama sa ganito?
"It is his way of saying that death not only chases after poor people, death chases wealthy people as well—no gender, no age, if a murderer wants to kill . . . he will."
Pinipilit kong intindihin ang paliwanag niya't isipin na nasa ayos ang purpose ng Col. Lazarus na iyon para i-display ang damit ng anak niya pero hindi talaga . . . hindi ko mage-gets kahit kailan.
"Do you mean a murderer like you?" walang prenong sabi ko pero parang hindi na naman siya natinag.
"LANCE!" Kapwa kami napalingon ng boss ko sa boses namin na iyon at bumungad sa akin ang isang babaeng may magandang figure na akala mo ba ay ramp model ng isang magazine. "Oh my gosh, you're finally here!" anito nang makalapit sa amin at saka pa niya hinalikan sa pisngi ang boss ko na ikinakunot ng noo ko. Change mood agad ako na hindi ko mawari.
At sino naman talipandas ito na kung makahalik ay akala mo may nguso ng tilapia?!
Hindi nagsalita ang boss ko, sa halip ay bumaling sa akin itong babaeng whatever na ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na akala mo ba ay taga-general inspection office siya.
"Yes?" taas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya dahil gaya nga ng lagi kong sinasabi, wala talaga sa ugali ko ang nagpapaapi.
"And you are?"
"Me," sagot ko.
"Ha?" parang naguguluhan na sabi niya.
"I am me, bakit?" taas-kilay pa rin na tanong ko.
"Girl, you're so funny—"
"Ay hindi naman kita pinatatawa."
"She's my date for today," biglang agaw ng boss ko sa atensyon namin nitong babaeng mukhang kulang sa pagmamahal. Date raw e nagkakapikunan na nga kami!
"Oh, I see. Hi, Lance's date for today, I am Talla Lau," pagpapakilala nito at iniabot pa sa akin ang isang kamay niya na tanda na makikipag-shake hands siya kahit wala naman akong pake sa kaniya.
"Vinn. Vinniece Jan Saavedra," pagpapakilala ko na lang din pero hindi ko inabot ang kamay niya. Hindi ko siya gusto at wala siyang magagawa roon.
"Such a cute name!"
Cute mo lolo mo! Ginawa mo pa akong aso, shunga!
Ang boss kong bukod na pinagpala sa lahat ay bigla kaming iniwanan nitong babaeng plastic. Gusto ko namang sumunod kaso ay bigla na lang nagsalita itong babaeng shunga na 'to.
"How well do you know Lance, Ms. Saavedra?" tanong niya at ayaw ko talaga siyang sagutin.
"Sakto lang, we have an employee-employer relationship."
"Then you must know his occupation well," anito sa akin at parang bigla ay gusto ko na siyang kausap. Mukhang sa kaniya ko na makukuha ang mga impormasyon na gusto kong malaman.
Halatang nagulat pa siya nang bigla na lang akong umangkla sa isang braso niya na para bang sobrang close naming dalawa.
"Hindi nga, e, Sis. Ano ba talagang trabaho ni Sir Lance? Ang alam ko lang kasi ay published writer siya ng mga psychological books," pang-e-etchos ko sa kaniya kasi nandito na ako, malay ko siya pala ang sagot sa mga dalangin—eme.
"Girl? Seriously?!" Halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko. "You do not know?"
Tamo 'to, sasampalin ko 'to, e. Nagtatanong ako tapos sasagutin ako ng tanong din.
"Hindi, e." Gusto ko na talaga siyang pilosopohin pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi baka hindi niya i-splook ang mga gusto kong marinig.
"He's more than you think he is, Ms. Saavedra. He's not someone you could easily grasp in the palm of your hand," sagot niya na lalo lang nakapagpa-overthink sa akin. "I once thought that he's a weirdo but as I learned his true nature, I realized that I should fear him. Kayang-kaya niyang alisan ng laya ang isang tao kung gusgustuhin niya."
So, ano nga? Ano ba talaga siya? Bakit parang hirap na hirap sabihin ng mga tao sa paligid niya kung ano ba talaga siya? Parang masisiraan ako ng ulo kakaintindi sa kanilang lahat na nag-iingat sa kamisteryosohan niya.
"So, ano at sino ba talaga siya?" Hindi ko na napigilan ang tanong na iyon sa kaniya.
"He's a—"
"Talla." One-word lang iyon pero parang pareho kaming na-freeze nitong si Talla dahil sobrang lamig ng pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon.
"L–Lance. . . ." may pangingig sa boses ni Talla na para bang may muntik siyang nasabi na hindi dapat sa klase ng tingin na kasalukuyang ibinibigqay sa kaniya ng boss ko.
"Maybe you should go home now," walang emosyong sabi niya habang ako ay nagpapalipat-lipat lang ng tingin sa kanila.
"I–I guess you're right. Bye, Lance. Bye, Miss Saavedra, nice meeting you," anito at parang nagkukumahog nang umalis.
Nang makaalis na si Talla ay may iniabot na inumin sa akin ang boss ko at balak ko sana siyang ismiran pero nanaig ang pagiging matakaw ko nang makita kong chocolate drink iyon.
"Thank you pero hindi pa tayo tapos," pagmamaldita ko matapos kong abutin ang inumin at siya naman ay ngumisi sa akin.
NAGISING ako na mataas na ang sikat ng araw dahil tumatama na ito sa mukha ko.
"Mukhang nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi bago ako nakatulog," bulong ko sa sarili ko pero unti-unti kong na-realize na hindi ko naaalala kung paano akong nakapasok dito sa kuwarto ko kagabi. Ang huling alam ko ay nakasakay ako sa sasakyan niya pauwi hanggang sa hatakin ako ng antok along the way at hindi ko na alam kung anong nagyari.
Kakaba-kabang bumaba ako ng kitchen dahil mukhang binuhat ako ng murderer kong boss paakyat ng kuwarto ko.
Dahan-dahan pa ang pagpunta ko sa kusina nang makarinig ako ng malakas na pagtikhim at halos tumalon ang puso ko nang siya ang mabungaran ko. Nandoon siya sa tabi ng ref habang may hawak na bote ng tubig.
"B–bakit?" Hindi ko alam kung para saan pa ang pagkautal ko.
"Why are you tiptoeing?" kunot-noong tanong niya na kabobohan talaga kung sasagutin ko pa.
"P–pake mo?"
"Is that how you really communicate with your boss?"
"Paano ba dapat?" Hayan, maldita mode on na ako.
Imbes na sumagot ay bigla na lamang siyang naglakad palapit sa akin.
Putcha! Papalapit siya at papalapit din ang halimuyak niya. Amoy siyang bubble bath bamboo flavor, ambango! King ina ko talaga, malapit na ako mamamatay bobo pa rin ako.
"B–bakit ka lumalapit?! Kung inaakit mo ako para masisante mo ako puwes palitan mo na iyang estilo mo kasi wala akong balak na magpaakit sa 'yo dahil gusto ko ang trabaho ko at wala na akong mahahanap na ganito kadaling trabaho na malaki ang suweldo!" Napakabilis kong nasabi ang mga salitang iyan hindi dahil nagyayabang ako, kung hindi dahil totoong kinakabahan ako sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin.
Hindi pa rin siya sumagot, patuloy pa rin siyang naglakad palapit sa akin at nang makalapit siya ay unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa tainga ko.
"Should I make you bow down to me, Saavedra?" bulong niya na nagpataas ng balahibo ko sa buong katawan.
Akmang itutulak ko na sana siya nang bigla na lamang niyang padausdusin ang palad niya patungo sa likod ng ulo ko habang hindi pa rin niya inaalis ang pagkayuko niya sa tainga ko.
"Tell, Saavedra, how do I maker you bow down to me? How do I make you obey me? How do I make you . . . crave for me?"
Gago! Parang nag-je-jelly ace ang mga tuhod ko sa bawat salitang binibitawan niya. Nahihilo ako at hindi ko alam pero naghahanap ako ng makakapitan.
"A–ano bang p–pinagsasasabi mo?" halos pabulong na sabi ko dahil parang ayaw nang lumabas ng mga salitang iyan sa bibig ko.
Unti-unti niyang iniangat ang mukha niya nang hindi pa rin inaalis ang palad niya sa ulo ko. Akala ko ay tuluyan na siyang lalayo ngunit pinagdikit lang pala niya ang mga noo namin.
"You probably didn't remember what you did last night, right?" bulong niya. Amoy na amoy ko ang bagong toothbrush niyang hininga samantalang ako ay hindi pa rin nakakapagmumog man lang. Huwow! Talagang naisip ko pa iyon sa sitwasyon kong 'to!
"W–wala akong ginawa—" Hindi ko man lang natapos ang sinasabi ko dahil natuod ako sa ginawa niya—his lips literally just touched the tip of my nose!
"You seduced me last night, Saavedra."
Halos hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. At paano ko naman siyang ise-seduce samantalang chocolate drink lang naman ang ininom ko kagabi, iyong inabot niya.
"C–chocolate drink lang—"
"Bailey's Belgian Chocolate Irish Cream Liqueur to be exact," pabulong na putol na naman niya sa akin.
Para naman akong biglang ginapangan ng stress sa narinig ko at biglang ragasa ang alaala sa akin ng mga naganap kagabi.
*****
"Hoy! Akala mo ba type kita? Hindi! Hindi ka nagkakamali!" tumatawang sabi ko pero para akong high kahit hindi naman. Nandito pa naman kami sa sasakyan niya kasi pauwi na kami.
Imbes na pansinin ako ay straight lang siyang nakatuon ang pansin sa may kalsada. Naiinis ako kasi nahihilo ako nang hindi ko malaman kung bakit. As in hilo na para akong lasing. Malala pa ang tamas a red horse ganoon. Nakailang baso rin ako ng chocolate drink na 'yon ang sarap kasi.
Parang inaantok na ako kaya't saglit kong ipinikit ang mga mata ko at nang maalimpungatan ako ay para akong nakalutang sa ere.
"Damn," anang boses at nang marahan kong idilat ang mga mata ko ay naaninag ko ang guwapong-guwapong mukha ng boss ko. Ang ganda naman ng panaginip ko na 'to, dito hindi siya murderer.
"Bossing Sir kong mahal. Sobrang guwapo mo talaga." Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero parang may gumihit na ngiti sa magagandang hubog ng mga labi niya.
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbaba sa akin sa kama ngunit imbes na hayaan ko na siyang umalis ay bigla ko na lamang ipinulupot ang mga braso ko paikot sa batok niya.
Lulubos-lubosin ko na 'tong panaginip ko na 'to tutal ay nandito na ako at kahit paano rito ay puwede ko siyang hayagang pagpantasyahan.
"Kainis! Sobrang guwapo mo! Sobrang sarap mo pa!"
Bigla kong kinabig ang batok niya at tinamnan ng halik ang noo niya, ang pisngi niya, at ang ilong niya. Nang dadako na sana ako sa mga labi niya ay tuluyan na akong hinatak ng malalang antok.
*****
Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa dahil sa mga naalala ko.
"You probably remember it now, Saavedra. Tell me, how do I get even? By doing this?" aniya at unti-unti na niyang binaba ang mga labi niya sa mga labi ko nang bigla na lamang biglang tumunog ang radio.
"Newsflash! Ang kilalang manunulat na si Talla Lau ay natagpuang patay ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan na tuklap wala ang kaniyang mga labi. Patuloy na tumutok sa DVWV 354 para sa progreso ng balitang ito."
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
Tatapusin na ito, hindi man daily update pero pipilitin kong tapusin na 'to para matapos ko na rin ang Desperate Gamble. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz