Chapter 40
Hi, all! I know you are excited, but please do me this favor, refrain from spamming the #SB1 with spoilers and hate toward Hugo. Please be kind to other readers, especially to the new readers. Do not be rude. And I hope you try to understand the story more, so you may also understand the actions and decisions of the characters. Everything you read is part of the plot. Again, do not be rude.
-----------------------------------------------------------------------
"I GAVE YOU A CHANCE, MAN."
Parang yelong nakakasugat sa lamig ang boses ni Hugo.
"You had almost ten years, but instead of taking the chance, you wasted it."
Harry's whole face turned red and his hands clenched into fists. He was about to say something to Hugo when his cell phone suddenly rang. I smiled bitterly when I saw the hesitation in him, whether he would answer the call or not.
"Umalis ka na muna, Harry," sabi ko sa patag na tono. "Saka na tayo mag-usap. Pero buo na ang desisyon ko, na dapat noon ko pa ginawa. Let's stop wasting each others time."
"Hon, please..." Akma siyang hahakbang palapit sa akin nang humarang si Hugo sa pagitan namin.
Nang maghinang ang mga mata namin ni Hugo ay sandali akong napahinto. I didn't know if the emotion I saw in his eyes was just my imagination. But, Hugo seemed proud of what I did.
Tiim ang mga labi na nilampasan ko siya. Nauna na akong bumalik sa loob ng bahay at iniwan silang dalawa. Dumeretso ako sa aking kuwarto at nag-lock ng pinto. Pagak akong natawa nang mag-sink in sa akin ang mga nangyari kanina. What the hell? I really did break up with my long-time fiancé!
Although the pace of my relationship with Harry was slow and there were obstacles between us, it still never crossed my mind that we would come to this point. I expected to shed a bucket of tears after calling it quits, but it was funny that not a single tear fell from my eyes.
Pasubsob ako na nahiga sa kama. Ang aking nararamdaman lang ngayon ay pagod. I wanted to rest and that was what I did.
THE NEXT DAY I received two bouquets of roses. Ang dinampot ko ay ang bouquet of red roses. Mabango. Pero natitiyak kong sinipon na naman ang nagdala nito rito.
Nakatingin lang naman sa akin si Mommy habang inaamoy ko ang hawak na bulaklak.
Bandang hapon na ako nag-check ng phone. Puno ako ng missed calls at text messages mula kay Harry. I deleted all of it.
Si Kuya Jordan ay may dalawang text message sa akin. Tinatawagan daw siya ni Harry kagabi. May isang message din sa akin si Dessy sa Messenger. Mukhang pati siya ay binalak kausapin ni Harry dahil sa kadesperaduhan nito na makausap ako.
Dessy: Bakit biglang may missed call sa akin si Harry? What? Na-realized niya bang ako na ang gusto niyang pakasalan kaysa sa 'yo? LOL.
Hindi ko na pinagtuunan ang biro ni Dessy. Minsan ay off na ang mga biro nito, pero hindi naman ito nakikinig kahit pagsabihan. Nasanay na lang din ako katagalan. Tanggap ko ng ganoon itong tao, kagaya ng tanggap din ako nito kung gaano ako ka-boring sa buhay.
3:00 p.m. ngayon ang uwi ni Hyde dahil walang practice ng chess ngayong araw. Dumating si Hugo sakto na pagbaba ng bata sa service bus nito.
"Mommy, I have an assignment in Math. Mahirap po. Can I call Tito Jordan later or Daddy Harry?"
Napatingin ako kay Hugo na nakaupo pa-de quatro sa sofa. Tumayo siya at nilapitan ang bata. "Maybe I can help you, buddy."
Nangislap ang mga mata ni Hyde habang nakatingala kay Hugo. "Uhm, really po?"
"I am not busy today, unlike your uncles." Nang binanggit niya ang salitang 'uncles' ay sumulyap siya sa akin.
"Okay, if you insist!" nakangiting sabi ni Hyde saka nagmamadaling umakyat ng hagdan para magbihis.
"Careful, baby!" paalala ko rito dahil baka madulas ito.
Bumaling ako kay Hugo nang kami na lang sa sala. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa hagdan. Even though Hyde was gone, his eyes were still fixed on the stairs. I wouldn't have gotten his attention if I hadn't simply coughed.
"Thank you for the roses," I said to him. "Pero hindi mo kailangang mag-abala."
Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti nang matamis sa akin. "Gusto kong mag-abala."
Napalunok ako. Parang bigla na lang may kung anong init ang dumaloy sa mga ugat ko. Mabuti na lang at bumaba na si Hyde kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lumayo kay Hugo. Nakayuko ako dahil alam kong namumula ang aking mukha.
Pinuntahan ko na lang muna si Mommy sa kusina. Nagbi-bake siya ng cake. Kasasara lang niya ng oven nang mapatingin siya sa akin. Nasa mga mata ang pagtataka sa itsura ko. Na-haggard yata ako dahil bigla na lang naging bayolente ang pintig ng puso ko.
"Ah..." Bumukas ang mga labi ko. "T-tinuturuan ni Hugo si Hyde sa assignment..."
"Okay," sabi ni Mommy pero nasa mga mata pa rin ang pagtataka. "Mabuti at nagkakaroon sila ng bonding na dalawa..."
Nagmamadali naman ako na lumapit sa ref at naglabas ng pitsel. Sumala pa ang baso nang magsalin ako ng tubig. Pagkainom ko ay doon lang ako nahimasmasan kahit paano.
Nagpupunas na ng island table si Mommy nang maupo ako sa upuan doon. Mayamaya ay narinig ko ang mahinahong boses niya. "Oh, by the way, Jill. Harry called last night."
"I broke up with him," mahinang sabi ko. Posible naman na alam na rin nila. O kung hindi pa man, ayaw kong maiwan sila na walang alam. Ayaw ko na sa kanilang magkulang.
I slowly looked up to see Mommy's reaction, only to be surprised that she did not react whatsoever. Nakatingin lang si Mommy sa pinto ng oven kung saan naroon ang bini-bake niyang cake. Kalmado ang mukha niya.
"Mommy, hindi po ba kayo magagalit dahil bigla na lang akong nagdesisyon?"
Nang magsalita siya ay sa mahinahon pa rin na boses, "I trust you, Jillian."
"Hindi ko po alam kung tama iyong ginawa ko o nabigla lang ako," pag-amin ko. "Harry and I have been together for a long time. We're just waiting for the right time to get married, but suddenly I changed my mind."
"Hindi ka nabigla lang." Malungkot na ngumiti si Mommy sa akin. "There are things you have been through, things you have endured, and sacrificed in your relationship, and those are the reasons why you came up with your decision."
Napamata ako kay Mommy. Magaan man ang mga pinili niyang salita ay alam ko ang ibig niyong iparating, na aware siya sa mga nararanasan ko at tinitiis ko habang kami ni Harry. Hindi lang siya kumikibo pero alam niya lahat. At ang desisyon ko ngayon ay alam din niya na dahil sa hindi ko na kinaya. Dahil napuno na ako.
Hindi na ako magtataka kung may ideya na rin si Mommy kung ano at sino ang nagpamulat sa mga mata ko.
"Now, your next decision is something you should carefully think about. But don't forget to involve your heart in making the decision, because not only your and your son's future depends on it, but also your happiness."
Nang tumunog ang oven senyales na okay na ang ibini-bake niya ay tinalikuran niya na ako. I spent a few more minutes sitting before returning to the living room.
Hugo was still there teaching Hyde his assignment. The two were sitting on the carpeted floor. Their attention was focused on the book that was placed on the center table in front of them.
Hindi nila ako napapansin dahil pareho silang seryoso sa ginagawa. Parang may mainit na kamay na humipo sa puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Walang mag-iisip na hindi sila mag-ama dahil sa lahat talaga ng anggulo ay magkamukhang-magkamukha sila.
In fact, it was like I was looking at two versions of Hugo here. A child version and an adult version. Parang pinagbiyak na bunga at ang tanging pagkakaiba lang sa isa't isa ay ang kulay ng mga mata.
Even their mannerisms were similar. Ang paghagod ng kamay sa batok, ang pagkakamot ng kaliwang kilay at pagtaas ng sulok ng bibig. Parang gusto kong mapangiti.
Natigilan lang ako nang mapaangat sa akin ang paningin ni Hugo. Kumunot ang kanyang makinis na noo nang makita ako na nagmamasaid sa kanila.
Napatingin na rin sa akin si Hyde. "Mommy, I'm done with my math assignment!"
"T-talaga?" Gusto kong hilahin ang sariling buhok dahil sa aking pagkautal. Lumapit ako sa kanila at kaswal na naupo sa sofa.
"Yes, Mommy. Tinuturuan na lang niya ako para sa next lesson namin bukas!" Tumingin si Hyde kay Hugo. "Thank you po!"
Masuyong ginulo ni Hugo ang buhok ni Hyde. "Just tell me if you need my help, kahit kailan, I'll make time for you."
Tumaas ang isang kilay ni Hyde. "Really? You'll do that?"
"Yup. If that's okay with your mom, of course." Sumulyap si Hugo sa akin.
"Hmn..." Napahimas ng baba si Hyde at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Hugo.
Lumabas si Mommy mula sa kusina. Hawak nito ang phone sa kaliwang kamay at nasa itsura ang pagmamadali. "Jill, the cake is in the fridge. Kung gusto niyong mag-merienda, kunin niyo na lang. Tumawag ang daddy mo, may pinapa-e-mail na file sa akin."
Pag-akyat ni Mommy sa hagdan ay tumikhim ako. "Gusto niyo na bang mag-meryenda? Nag-bake si Mommy ng cake."
Tumayo si Hyde mula sa pagkakasalampak sa carpet. "Let's go, sir! Masarap mag-bake ng cake ang lola ko!"
"Oh, my mom can bake a cake too," sabi ni Hugo na ang tinutukoy ay si Mrs. Normalyn Aguilar. "She can bake you one if you want."
"Thank you, sir, but I have to decline. I only eat a cake baked by my Lola Ethel. For me, she's the best baker in the world!"
Napailing si Hugo at noong hindi nakatingin si Hyde ay mahina niya akong kinotongan sa ulo.
Nang mahabol ko siya sa sa pinto ng kusina ay kinurot ko siya sa likod. Impit na napaungol siya habang ako ay patay malisya na sumunod na kay Hyde. Pagpasok niya ay namumula ang kanyang mukha hanggang leeg. Mabuti nga sa kanya!
Si Hyde ang naglagay ng mga platito sa mesa. Pabibo rin ito na nag-slice ng cake para sa aming tatlo. "One for Mommy, one for me, and one for...!" Tumigil ito at ngumisi bago nagsalita, "sir!"
Nagkatinginan naman kami ni Hugo. Nagkibit siya ng malapad niyang balikat.
Si Hugo naman ang kumuha ng pitsel ng juice sa ref at naglagay sa mesa ng mga baso. Kung kumilos siya ay parang nasa sariling bahay siya, feel at home pero sa paraang smooth lang.
Naupo na ako dahil wala na akong kailangang gawin. Nagawa na nilang dalawa ang lahat ng dapat gawin.
Habang kumakain ay masayang nagkuwento si Hyde, "Mommy, I learned something today!"
"Really? What is it?" tanong ko bago sumubo ng cake.
"Hmn, when Daddy Harry teaches me Math, he calls his technique 'The Easy Way'. As for Tito Jordan, his technique is 'The Orthodox Way'. And you know what technique I learned today from him?" He pointed at Hugo. "The Lazy Way!"
Laglag ang panga ko.
"He's not meticulous like Tito Jordan and Daddy Harry, but he can make even the most complicated problems look easy. Dapat daw chill lang, parang mangungulangot ka lang, 'tapos may maiisip ka ng sagot."
"Hyde, kumakain tayo!" mariing sabi ko.
"Oops, sorry!" Napatakip naman sa bibig ang bata, pero hindi natakpan ang pagkakangisi nito.
Matalim na tingin ang ibinato ko kay Hugo. Ngisi lang din ang isinagot nito sa akin. Oh, God!
Habang kumakain ay patingin-tingin ako sa kanilang dalawa. Wala silang ilangan na para bang matagal nang magkakilala, parang hindi nagkainitan sa CR ng mall noong nakaraan.
Cool lang sila sa isa't isa. Si Hyde ay ngayon ko lang nakita na ganito ka-chill. Kapag kasi kina Harry at Kuya Jordan ay nakikita ko kung paano nito pinipilit magpaka-matured, parang gustong makipagsabayan sa dalawa sa pagiging seryoso. Kapag naman nagsalita ay mahinahon at laging may sense.
Ngayon ay walang pag-aalala si Hyde na magkamali. Ngayon ito kumikilos sa tunay na edad nito, isang batang excited magkuwento ng kahit ano. He even told Hugo the most trivial thing that happened to him at school today.
"So, our teacher scolded my noisy classmates again. Hindi ako kasali dahil tahimik lang ako. But, you know? Sometimes, I want to be noisy too. Gusto ko ring malista sa Noisy List."
Napaangat ang mukha ko at akmang magsasalita nang tumaas ang palad. Napatigil naman ako at hinintay ang susunod na sasabihin ni Hyde.
"It's not like I want to break the rules or anything, I just want to experience what a normal kid like me experiences. Make noise, play all day, and be lazy sometimes."
Napayuko ako. Hindi ko alam na may ganitong dilemma si Hyde. Ang akala ko, gusto niya ang pagiging straight na estudyante at iyong de numero ang bawat kilos at galaw. Ganoon naman kasi siya, gusto niyang matured siya sa ibang batang kaedad niya.
"You can do those things too, buddy," narinig kong sabi ni Hugo.
"Oh, no. I can't." Bumuga ng hangin si Hyde.
Napataas ng isang kilay si Hugo. "And why not?"
"My grandparents are teachers, my mom, uncle, and Daddy Harry were model students when they were still studying. It would be a shame if I don't take my studies seriously. I can't be a naughty and lazy kid."
"My mom is a teacher too," sabi ni Hugo na nagpaangat muli sa mukha ko. Nakangiti siya habang nagsasalita. "But, guess what? I'm a naughty and lazy kid when I was still studying."
"Oh?" Naghugis zero ang bibig ni Hyde dahil sa pagkamangha.
"But look at me, I graduated college and am now a professional."
"You're cool, sir!"
"Nope." Umiling siya. "Nasobrahan ako noon. May mga nagawa akong kalokohan noon na sobra-sobra na. Muntik na akong maligaw ng landas, pero good thing dahil nalampasan ko. Dahil may mga taong naniniwala sa akin. Sa kaso mo, mas okay ang buhay mo dahil mas maraming naniniwala at nagmamahal sa 'yo."
"So, I can play too?" nanantiyang tanong ni Hyde. "Basta 'wag lang po sosobra?"
"Hindi naman porke't magsasaya ka at i-e-enjoy mo ang pagkabata mo ay mapapariwara ka na agad. Puwede mo namang gawing balanse ang buhay mo para hindi ka maumay."
Lumabi si Hyde. "But, what if I overdid it?"
"Okay lang magkamali, basta wag mong sasadyain. And of course, make sure that you will learn from your mistakes. Para di sayang."
Bumalik ako sa pagkakayuko sa cake sa aking platito. May maliit na ngiti nasa mga labi ko.
Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang kumakain. Kung ano-anong topic until marinig ko ang tanong ni Hugo.
"Do you already have a girlfriend in your school?"
Muntik ko nang maibuga ang aking iniinom na apple juice.
Pagkalunok ko ay sumabat ako. "Hugo, Hyde is too young for that—"
"Yeah, I already have one!" biglang sabi ni Hyde sa proud na boses.
Nahampas ko ang mesa sa pagkabigla. "What, Hyde?!"
"Is she pretty, buddy?"
Nangislap ang mga mata ni Hyde. "Of course, she is!"
"I'm sure she is. I trust your judgment on that one, kid."
"She's very pretty, sir! And she's nice to me. Pag may practice game ako sa chess, nasa tabi ko po siya. Pinupunasan niya ako ng pawis sa noo!"
Napamulagat ako. "Hyde?!" I didn't know about this, maliban ngayon. Was that the 'usapang lalaki' that Hyde didn't want to tell me last Sunday?!
Nakangisi naman si Hugo sa akin. He was enjoying my reaction.
"Sir, I did what you advised me last time. I winked at her and told her that she was very pretty. When she blushed, that's when I knew that she also has the hots for me."
Oh, my God! When did my son learn about these things?!
Sinamaan ko ng tingin si Hugo. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Katulad na katulad kapag si Hyde ang nagtataas sa akin ng kilay nito.
"What?" inosenteng tanong ni Hugo sa akin. "Having a crush is part of growing up."
"I know. Pero ang magka-girlfriend sa elementary?! At ang kumindat at mambola ng babae sa ganyang edad?! Part din ba ng growing up?!"
"Mommy, don't scold him! He just helped me with my heart problem!" saway ni Hyde sa akin.
Pati yata butas ng ilong ko ay nanlaki. "Heart problem?!"
"Come on, Jill. Chill. Just trust the kid. Hindi naman porke't nag-syota na siya ay magkakaapo ka na."
"You!" Muntik na akong makapagsabi ng bad words.
At marami pa akong windang at konsumisyon moments na dinanas sa kanilang dalawa sa pagdaan ng mga oras.
Bukod pala sa girlfriend ni Hyde ay may isa pa itong cursh. Isang babae sa kabilang classroom daw na madalas nitong makatitigan. Ang problema, magulo raw ang babaeng iyon. Pabago-bago ng mood. Lumalapit lang kay Hyde kapag may kailangan. Hindi maintindihan kung may crush din ba kay Hyde o wala. Restless tuloy ngayon ang anak ko.
"I'm choosing my girlfriend," ani Hyde na nakalabi. "Siya naman talaga ang gusto ko mula simula. Bigla lang naman dumating iyong crush ko, pero mukhang hindi naman ako ang gusto niya. She's also giving me mixed signals, tapos lagi pa siya sa aking galit. So, I think I'll just forget about her." Tumingala ito kay Hugo. "What do you think, sir?"
Sa tanong na iyon ay napalunok na lang si Hugo. Ako naman ay hindi na rin nakakibo.
Bandang 5:00 p.m. ay humihikab na si Hyde. Hindi kasi nakapag-nap kanina. "Baby, malapit na mag-dinner, 'wag ka nang matulog. Agahan mo na lang matulog mamaya."
Sa amin nag-dinner si Hugo. Nagulat si Daddy nang dumating at makita ang lalaki, pero hindi naman nagtanong. Okay naman noong dinner, kahit inaantok na si Hyde ay maliksi at bibo pa rin ang bata.
Kapag nagkakatinginan kami ni Mommy sa mesa ay may kakaiba sa mga mata nito. Si Daddy naman ay parang namamangha kapag napapatitig sa kaharap kung saan nakapuwesto sina Hyde at Hugo.
"They look so much alike, why didn't I think of it right away?" narinig ko pang tanong ni Daddy sa sarili nang pabulong.
Pagkatapos ng dinner ay inihatid ko na ang bata sa kuwarto nito. Pagbaba ko sa sala ay nakaupo si Hugo sa sofa. Hindi pa siya umaalis. Nakayuko siya habang magkasalikop ang mga kamay.
Tumikhim ako at doon lang siya nag-angat ng tingin. Ang magandang mga mata niya ay mapungay na sa antok, pero nilalabanan niya.
Hindi ako bulag at manhid para hindi makita at maramdaman ang lahat ng pagsisikap niyang mapalapit kay Hyde. He was sincere in wanting to make up for the times he was not with his son.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Tulog na ba si Hyde?"
Sa halip sagutin siya ay iba ang lumabas sa bibig ko. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin, "Hugo, payag na ako."
Nagtatakang natigilan siya. "Huh?"
"'Sabi ko, payag na ako." Maliit akong ngumiti sa kanya. "Hugo, magpakasal na tayo."
jfstories
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz