ZingTruyen.Xyz

Troublemaker

Chapter 39

JFstories

ONE WEEK.


Kailangan kaming maikasal ni Harry sa loob ng isang linggo, kapalit ng pag-atras ni Hugo at hindi na panggugulo. Madali lang naman ang kondisyon niya kung tutuusin. Madali lang talaga. 


Puwede kaming magpakasal ni Harry kahit sa judge lang muna. Pero anong sasabihin ng pamilya ko kapag bigla na lang kaming nagpakasal ni Harry? Ano rin ang sasabihin nina Tita Eva?


Puwede kaya na itago muna namin sa lahat ang tungkol sa kasal? At pagkatapos ay saka na namin pagplanuhan namin ang pagpapakasal sa simbahan?


Napatingin ako sa phone ko. I needed to talk to Harry. Pero inabot na ng gabi na hindi ko nagawang tawagan ang lalaki. He was uncontacted.


Nalaman ko na lang kung bakit, dahil sa text ni Kuya Jordan. Pumunta pala sa firm nila si Tita Eva at sinundo nito si Harry.



MASAKIT ANG ULO KO SA PUYAT. Magdamag ko kasi na kino-contact si Harry, pero uncontacted pa rin siya hanggang umaga. Mukhang doon natulog sa condo niya si Tita Eva. Nagalit yata talaga ang mommy niya noong nakaraan na bigla siyang umuwi ng Tagaytay nang dis oras ng gabi.


Ngayong araw ay wala si Mommy dahil may pinuntahan kasama si Daddy. Ang kasama ko lang sa bahay ay si Kuya Jordan, dumating ito kaninang umaga at may kinuha lang na dokumento. Nagpaalam na rin ito na paalis na.


Bumaba ako para i-check kung nai-lock ba ni Kuya Jordan ang pinto. Sa hagdan ay muntik na akong mapasigaw nang makita ang lalaking nakaupo sa sofa ng sala.


Hindi ang kuya ko kundi si Hugo! Ano na naman ang ginagawa niya rito?!


"Kuya mo ang nagpapasok sa akin. Kakaalis lang niya," sabi niya sa kaswal na boses, na para bang normal lang na nakakapunta siya rito sa amin kahit kailan niya gusto.


"Ano ba? Wala ka bang trabaho?!" Araw-araw na lang yata kasi siyang nandito.


Nakataas ang isa sa makakapal at itim na itim na kilay niya nang dumi-quatro siya nang pagkakaupo sa sofa. "Naka-leave ako."


Natampal ko ang aking noo.


"I brought you flowers." Inginuso niya iyon bouquet or red roses na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Kunin mo na lang. Para sa 'yo 'yan."


Ngayon ko lang napansin iyong mga bulaklak, dahil sa kanya agad natuon ang aking atensyon sa pagbaba ko ng hagdan. Para kasi siyang hari na nakaupo sa sofa namin. Black na long-sleeve polo at black pair of jeans ang suot niya.


Mukhang naligo muna si Hugo bago pumunta rito dahil basa pa ang kanyang magulong buhok. Nakalimutan pa yata niya na magsuklay. Mukhang pagkabihis ay lumarga na agad. Pero ang presko niyang tingnan, ang linis. At hindi ko sigurado kung iyong naaamoy ko bang mabango ay dahil sa ginamit niyang aftershave, shampoo o men's cologne.


Naipilig ko ang aking ulo. Ano ba iyong naiisip ko? Pakialam ko ba kung mabango si Hugo?!


Tumikhim ako at saka masungit na nagsalita, "At para saan naman ang bulaklak na iyan?"


"Didn't you hear me? Para sa 'yo nga, 'di ba? Alangan namang dinala ko 'yan para sa kuya mo? Ayokong gerahin ako ng hipag mo."


"What I meant is, bakit mo—" Nahinto ako sa pagsasalita nang mapasinghot siya.


Suminghot siya at saka ko napansin na namumula ang dulo ng matangos niyang ilong.


"What's wrong with you?" Don't tell me na-offend siya dahil hindi ko na-appreciate iyong pabulaklak niya?


"Wala," sagot niya at nagkusot ulit ng ilong. "Ano ba? Damputin mo na nga lang 'yang bulaklak at ilagay mo sa kuwarto mo! O kaya sa kusina! O kahit sa banyo! Basta kunin mo na—" Hindi niya natapos ang sinasabi dahil bigla siyang napahatsing.


Natulala ako sa kanya. Namula ang mukha niya nang tumayo. Papunta siya sa pinto nang bigla na naman siyang napahatsing. And then, I remembered something.


Sinundan ko siya at naabutan sa tapat ng pinto. "Hugo!"


Nakasimangot siyang humarap sa akin. "What?!" singhal niya na ngayon ay mas pulang-pula na ang dulo ng ilong. Pati mga mata niya ay parang naluluha.


"Umamin ka nga sa akin." Hinila ko siya sa kwelyo. "Are you allergic to pollen?!"


Namilog ang mga mata niya. Ngayon ay natatandaan ko na talaga. Narinig ko noon sa faculty, habang kausap ng mommy niya ang ibang teachers doon, sinabi nito na allergic ang anak sa bulaklak.


"Hindi!" nakasimangot naman na tanggi ni Hugo. Napatagilid siya para humatsing ulit.


"Come on! 'Wag ka nang mag-deny!" Itinulak ko siya palabas ng pinto para mapalayo na siya sa bulaklak.


Hindi naman matindi ang allergy niya sa pollen kapag open space. Siguro ay na-irritate lang ang nostrils niya dahil closed door ang living room. Naka-AC pa ang lugar kaya langhap-sarap siya.


Nang nasa may labas na kami sa harapan ng bahay ay pinagmasdan ko siya. Nakatayo siya isang dipa ang layo sa akin. His eyes were avoiding me as he wiped his nose with a clean handkerchief. Isa pa sa hindi nagbabago sa lalaking ito, laging may dalang panyo.


"Hugo," tawag ko.


Nang mapatingin siya sa akin ay sumimangot na naman siya. Mataas talaga ang pride kahit sinisipon na.


"Why?"


Pumormal ang mukha niya.


"Hugo, why are you doing all this?"


"Don't you get it?"


Hugo's eyes turned serious, just like his cold voice. And when he said his reason, my heart fell into the abyss.


"Jillian, all of this is my way to have you."



NAKAALIS NA SI HUGO. Wala na ang kotse niya pero tulala pa rin ako. Nakatanaw pa rin sa gate.


Ipinilig ko ang aking ulo at kinabog ang aking dibdib. Bakit bigla na namang naghuhurumentado ang puso ko? May sakit na ba ako?


May humintong kotse sa tapat. My brow furrowed when I recognized Harry's car. Why was he here?


Harry got out of his car. He was wearing a white polo shirt and a pair of grey baston jeans. Nakasalamin sa mata. Even at first glance, you could already tell he was the type of person who was kind and gentle.


Bumaba ang paningin ko sa bagay na nasa kanyang mga kamay, he was carrying a bouquet of white roses.


Ilang minuto na ang nagdaan na nakatingin lang ako kay Harry. Hindi ko maintindihan ang sarili. Kung hindi pa niya ako tinawag ay hindi pa ako matatauhan. Doon pa lang ako lumapit sa gate para pagbuksan siya.


Pawisan na siya dahil sa pagtayo sa arawan. Nakangiwi siya nang makapasok na. "Sorry, hon, galit ka ba sa akin?" nag-aalalang tanong niya.


"Ha?" I blinked.


"Hindi mo kasi ako agad pinagbuksan. Baka galit ka sa akin."


Bakit ako magagalit? Meron ba akong dapat ikagalit? Ah, oo nga pala, hindi ko nga pala siya ma-contact magdamag.


Pinapasok ko siya sa loob. Pinaupo ko siya sa sofa. Napatingin siya sa bouquet of red roses na naroon. Pero hindi siya nagtanong kung kanino iyon. Siguro naisip niya na para iyon kay Carlyn. Palagi kasing may roses ang sister in law ko mula kay Kuya Jordan. Hindi niya naisip ang posibilidad na para sa akin ang bulaklak.


"Hon..." Malamlam ang mga mata niya habang nakatingala sa akin.


"Hindi ako galit. Nagtatampo lang siguro kasi hindi ka man lang nagsabi na magpapatay ka ng phone."


"I'm sorry. I have no excuses." Napayuko siya.


Naupo ako sa tabi niya sa sofa. "Sa condo mo nag-stay kagabi si Tita Eva at kinuha niya ang phone mo?"


Umiling siya. "Tinago ko sa kanya. Alam ko kasi na titingnan niya ang convos natin. Iniisip niya kasi na ikaw ang nag-utos sa akin na umuwi ng Tagaytay noong nakaraan."


"And what did you tell her?"


Umiling siya. "Hindi ako sumagot. Hindi naman siya makikinig sa sasabihin ko."


So, hinayaan mo lang siyang magalit sa akin kahit hindi naman ako ang nagpauwi sa 'yo? I wanted to ask him, but I held back. Katulad ng lagi kong ginagawa ay kinimkim ko na lang. Kasi lilipas din naman ito. Matatapos din.


"Hinayaan ko na lang na magalit si Mommy hanggang kumalma siya. Hinatid ko siya ngayon dito sa Tagaytay."


"At dito ka dumeretso pagkatapos mo siyang ihatid? But what if she gets angry again?"


"Don't worry, hon. Pinagsabihan siya ni Daddy pag-uwi kanina. Saka kinausap ko rin si Daddy tungkol kay Mommy bago ako umalis. Uhm, sino pala ang kasama mo rito?"


"Ako lang. Wala sina Mommy at Daddy. Mamaya pa sila gabi uuwi. Si Hyde naman ay mamayamang 5:00 PM pa. May practice ulit sa chess club na sinalihan niya sa school."


"I see."


Sumandal si Harry sa sandalan ng sofa. Napansin ko na namumula ang mga mata niya. Mukhang pagod siya at kulang sa tulog.


"Gusto mo bang magpahinga muna? Ikukuha kita ng unan sa itaas."


"Can I just sleep in your room?"


"Ha?"


"I'm tired and sleepy. Gusto kong magpahinga kahit sandali lang sana."


Hindi ko puwedeng idahilan na baka biglang umuwi sina Mommy at Daddy, dahil nasabi ko na kanina na mamayang gabi pa uuwi ang mga ito. Alam na rin niya na mamaya pang 5:00 p.m. si Hyde uuwi.


Tumango ako. "Okay..."


Isinama ko si Harry sa aking kuwarto. Ito ang unang beses na nakapasok siya rito. Gumala ang tingin niya sa paligid. "You never changed. Masinop ka pa rin sa mga gamit."


"Gusto ko lang na palaging nasa ayos ang lahat." Pinagpagan ko ang kama bago siya niyaya roon.


Pagkahiga ni Harry ay iiwan ko na dapat siya para makapagpahinga siya, pero pinigilan niya ako sa pag-alis. "Wala ka namang ibang gagawin, di ba? Can you stay with me?"


Napaisip pa ako bago siya pinagbigyan. Nahiga ako sa tabi niya. May espasyo sa pagitan namin. He was my fiancé, but I still couldn't help to feel awkward sharing the same bed with him.


Nakatabi ko naman na si Harry sa kama noon, pero iyon pa iyong panahon na mga bata kami. Siguro naninibago lang ako ngayon kaya ako naiilang.


Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. "Let's do it, Jillian."


Nagulat ako sa sinabi niya. Itinulak ko siya sa balikat. "H-hindi pa tayo kasal!"


"Then magpakasal tayo."


"Kailan?"


Hindi siya nakasagot. Ang ini-expect ko pa naman ay sasabihin niya na puwedeng kahit ngayon agad. Niyaya niya na ako noong nakaraan na kahit sa judge lang kami magpakasal. But why couldn't he say it now? O nabigla lang ba siya sa pagyayaya niya?


Nag-ring ang phone niya at doon niya lang ako hinayaang lumayo. Bumangon ako at iniwan siya sa kuwarto. Alam ko na si Tita Eva ang kausap niya. Nauulinigan ko ang galit na boses nito.


Napahawak ako sa aking ulo. Kumikirot iyon. Parang naipon ang stress at ngayon nagsisimulang sumipa isa-isa.


Bumaba ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Ilang minuto bago bumaba si Harry. "Tumaas ang blood pressure ni Mommy. Nag-away pala sila ni Daddy pag-alis ko. Uuwi muna ako."


"Will she be fine?"


"Yes." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'll call you when I get back to Manila."


Pag-alis ni Harry ay napaupo ako sa upuan. Ngayon ko lang napagtanto, bakit hindi niya ako isinama? May ganoong pangyayari sa pamilya nila, hindi ba dapat ay bilang fiancée niya ay katuwang niya ako?


Bakit kapag may mga ganitong pangyayari ay hindi niya ako isinasali? Nag-aalala rin naman ako sa kalagayan ni Tita Eva. Bukod sa mommy niya ay tita ko rin ang babae.


Hinagilap ko ang phone ko at tinawagan si Harry. Nakapatay ang phone niya. Nagpasya na akong sumunod sa bahay nila. Nag-taxi ako dahil malapit lang naman.


Pagdating sa bahay ng mga Aragon ay pumasok na lang ako basta dahil bukas naman ang gate. Gayunpaman, hindi ako basta pumasok sa pinto. Akma akong tatawag nang aking marinig ang pangalan ko.


"I WILL NEVER ACCEPT JILLIAN FOR YOU!"


Huminto ang pagtibok ng puso ko sa salitang binitiwan ni Tita Eva.


"Harry, hindi ko pa rin matanggap ang kababuyang ito! Na sa dinami-dami ng babae, anak pa ng kapatid ko ang napili mo! Hindi mo ba ako itinuturing na ina mo?! Gusto mo ba talagang sirain nang tuluyan ang pamilyang ito?!"


"Mommy, please? Wag kang sumigaw dahil hindi makakabuti sa 'yo ang pagsigaw." Malumanay na boses ni Harry.


"No! Bakit si Jillian? Anak siya ng kapatid ko! Kung itinuturing mo akong ina, dapat ituring mo ang anak ng kapatid ko bilang pinsan mo! 'Wag mong gawin sa akin ito, anak. Please!"


Inawat ni Tito Harold ang asawa pero hindi nagpapaawat si Tita Eva.


"Don't stop me, Harold! Gusto kong gisingin sa katotohanan ang anak natin. Na bukod sa pagpi-fiesta-han tayo sa usapan ng mga kamag-anak natin, hindi rin magiging maganda ang buhay niya kapag nakasal siya kay Jillian! May anak na iyon sa ibang lalaki! Bubuhay ka ng anak na hindi naman galing sa 'yo!"


Ang garalgal na sigaw ni Tita Eva ay parang kulog sa dibdib ko.


"Jillian is a spoiled and good-for-nothing bum! Disgrasyada! Ipapaako niya lang sa 'yo ang responsibilidad na dapat ay doon sa nakabuntis sa kanya! Why don't find someone else? Iyong babaeng disente at may narating na sa buhay!"


Pag-atras ko ay napatingin sa akin si Harry. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Jillian?!"


Tumalikod na ako at nanakbo palabas ng gate. Hindi ko alam kung sumunod si Harry dahil nakasakay na agad ako sa dumaang taxi.


Nanginginig ang katawan ko nang makauwi sa bahay. Hindi sumunod si Harry pero panay ang ring ng phone ko.


Napatingin ako sa center table kung saan naroon ang bouquet of red roses na bigay ni Hugo at sa bouquet of white roses bigay naman ni Harry.


I had no idea what came over me why I picked up that bouquet of red roses. Tila tukso sa aking paningin ang makulay na mga talutot nito. Dinala ko iyon hanggang sa aking kuwarto.


I was curled up on my bed staring at the flowers when Hyde entered my room. Alas tres na pala at nakauwi na siya galing sa school.


Sumampa siya sa kama at hinawakan ang aking mukha at napatitig sa mga mata ko. "Were you crying? Are you sick?"


"Mommy is fine." Niyakap ko siya. "Mommy is strong. Mommy is always strong..."


Gumanti siya ng yakap sa akin. "I know you're strong. And I know that I am still young and not yet strong enough compared to you. But, Mommy, I can protect you, too. Kaya ko at gagawin ko iyon kasi mommy kita at love kita."


Na-touched na napahikbi ako. "I love you, Hyde."


Humiwalay siya at ngumisi sa akin. "I love you even if you're a drama queen!"


Napangiti na ako. "Thank you, my drama prince."


Tila nanunukso na naglaro sa isip ko ang nakasimangot na mukha ng nagbigay ng bouquet of red roses. Ah, that one was no doubt the drama king.


"Ah, Mommy! Kailan po pala babalik ulit dito ang friend niyo?"


"Who's friend?"


Hyde pouted his naturally red lips. "You know, the man I met in the men's toilet. That one who has a massive—"


I quickly covered Hyde's mouth with my hand before he could continue to say the word. "That man has a name, okay?"


"But he doesn't want to be called by his name."


"Ha, what?"


"I tried calling him 'sir' but he said it's better if I will not call him that way. Ayaw niya magpatawag ng kahit ano. Saka na lang daw po. Mommy, he's weird."


Kumiling ang ulo ng bata.


Napalunok ako lalo nang lumalim ang mga titig ni Hyde sa akin. "Mommy, You want to tell me something, but you can't say it right now, right?"


Napanganga ako nang bumaba siya sa kama.


"It's fine. I can wait until you're ready, so take your time, Mommy!" Pagkasabi'y lumabas na ng pinto si Hyde.


I was left dumbfounded. Naulit ko tuloy sa isip ang mga salitang binitiwan ni Hugo noong Linggo: How did I produce such a smart kid?



GABI NA. Wala pa rin kahit anino ni Harry. Hindi ako nakakain ng dinner dahil wala akong kagana-gana. Mabuti na lang at lampas dinner na dumating sina Mommy at Daddy.


Nasa likod ako. Nagpapahangin sa may garden nang sabihin ni Mommy na dumating si Harry. Pinasunod niya ang lalaki sa akin.


Bago siya magsalita ay inunahan ko na siya, "Hindi ko pala nasabi sa 'yo, bago ka pumunta kaninang umaga ay dumating si Hugo."


Umawang ang mga labi niya. "T-then those roses..." Hindi niya naituloy ang sinasabi.


Mapait akong ngumiti. "Yes, they are for me."


"Why did he give you roses?"


Sa halip sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya. "Bakit pinaabot mo pa ng ganito katagal?"


Hindi siya agad nakapagsalita.


"Bakit hindi mo pa ako pinakasalan noon? Bakit hinintay mo pa na bumalik siya?"


"Hon, I know that—"


"Harry, katulad ka pa rin nang dati," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi mo pa rin ako kayang pangatawanan."


"Hon, let's talk. I'm sorry."


"No. It's me who's sorry."


Bumadha ang takot sa mga mata niya. "W-why are you...?"


"Harry, you know, maybe we are not really meant for each other. Kasi kung tayo, sana noon pa. Siguro ito talaga ang dapat sa atin, ang maghiwalay na."


"Hon, don't say that." Inabot niya ang kamay ko. "Hon, alam ko, galit ka lang. Mali ako. Alam ko, mali ako. I failed you. But, give me a chance to make it up to you. I promise you, I will not disappoint you again. I promise you that I will do everything to—"


Tinabig ko ang kamay niya. "No, stop this, Harry. This is the right thing to do. Habang maaga pa, habang hindi ka pa tuluyang nakatali sa amin ni Hyde, itigil na natin ito."


Nabasag na ang boses niya. "Jillian, please... No..."


"Bitiwan mo na ako. Ayaw ko na. Umalis ka na."


"No, Jill, please! Don't do this to me!"


"BINGI KA BA? SABI NIYA, UMALIS KA NA." Isang malamig na boses mula sa likuran namin.


Gulat na napalingon ako sa lalaking dumating. "Hugo..."


Harry's eyes widened when he saw him.


Naglakad ang lalaki palapit. Walang emosyon ang mukha niya habang ang madilim na mga mata ay nakatuon kay Harry. "Iwan mo na sina Jillian at Hyde. Iwan mo na sila sa akin."


Nagtagis ang mga ngipin ni Harry. "You..."


Ang mga mata ni Hugo ay lalong dumilim at lumamig. "'Wag kang mag-alala. Dahil kung wala kang bayag para pangatawanan sina Jillian at Hyde, pwes ako, meron."


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz