Chapter 36
SINO SIYA PARA UTUSAN AKO?
Palitan ko raw ang aking profile photo? And why would I listen to him? Umalis ako sa kama. I waited for Hugo to PM again, but he didn't have any new messages. Naghintay pa rin ako pero wala na talaga.
Ahg! Bakit ba hinihintay ko siya? Seriously? Ano ito, katulad noong high school kami? Naghihintay ako sa message niya?!
Darn it! Napabalik ako sa kama at doon namroblema. Iyong mga payapang araw ko, sa isang iglap ay nawala na. Dapat sa mga oras na ito ay nagyo-yoga ako at mayamaya ay payapang iinom ng tea. After lunch ay magsisimulang magtrabaho habang katabi ko ang diffuser with aromatherapy.
Sa hapon ay gagawa ako ng merienda para sa lahat, sa pag-uwi ng anak ko ay sasalubungin ko ito ng yakap at kukumustahin, pagkuwan ay sa gabi'y tutulungan ko sa assignment nito. Bago matulog ay magpapadala ako ng goodnight message kay Harry. Iyon ang dapat na normal na araw-araw ko.
How could I do all that now? Sa tuwing pipikit ako para mag-relax ay ang nakasimangot na mukha ni Hugo ang nakikita ko!
It was like I was seeing a bad-boy version of my son. Iyong imbes na kalmado at kulay tanso ang mga mata ay nagiging pilyong kakulay ng madilim na kalangitan. Nawawala rin ang mabait at inosenteng ekspresyon at napalitan ng angas at kaarogantehan. Ahg, that man! Sinisira niya ang aking mala-anghel na imagination sa anak ko!
Nauubos ang oras ko sa pagtingin sa phone. I was about to go offline when I suddenly thought about my display photo. Matagal na nga iyon. Mula nang gawin kong display photo ay hindi ko na pinalitan.
Pumunta ako sa album at tumingin sa mga photos na naroon. Kaunti lang ang mga photos, mabibilang sa daliri, dahil hindi naman ako mahilig mag-upload. Hindi ko rin ugali na magmasid sa buhay ng iba.
Bihira akong mag-online, unless kailangan. Maliban sa aking pamilya at Harry, ang nag-iisang kaibigan ko na si Dessy lang ang aking nakaka-chat o ka-video call. Pero hindi rin madalas dahil pareho kaming busy sa kanya-kanya naming trabaho.
Habang naglalakbay ang isip ay hindi ko namalayan na tumitingin na pala ako sa aking phone gallery. Pinalitan ko ang aking display photo. I chose what I thought was Hyde's most adorable photo. Last year iyon. Naka-school uniform ito. Ang guwapo nito at ang tangkad para sa edad.
Ah, my son. My adorable son. He was like an angel in my eyes. Right, he was very different from that man. Natauhan lang ako nang mag-beep ang aking phone. Ang dibdib ko ay tumahip na naman nang triple sa normal, pagkakita kung kanino galing ang notification.
Hugo Emmanuel Aguilar liked your photo.
What the heck?! Hindi pa roon natapos. Akala ko ay nag-offline na siya, pero nakatanggap ako ng bagong message mula sa kanya.
Hugo Emmanuel: Good job, Jillian.
Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa ko. Pinalitan ko nga pala ang aking display photo. Oh, God! Did I really do what Hugo ordered me to do?!
DESPITE BEING DISTRACTED, I did my online job well today. Nag-OT ako kaya 6:00 p.m. na nakapag-sign out. Gusto kong mapagod nang husto. I wanted to be busy too. Para malibang at makalimot ako kahit ngayong araw lang. Pagkatapos mag-dinner at maglinis ng kusina ay tinulungan ko na si Hyde sa assignment nito.
Around 9:00 p.m. ay iniwan ko na ang bata dahil matutulog na ito. I went back to my room to rest. Isang oras pa lang akong nakakatulog nang kumatok si Mommy mula sa labas ng pinto. Pupungas-pungas ako na bumangon.
Nakapantulog na si Mommy nang pagbuksan ko ito. "Jill, nasa baba si Harry. Hinihintay ka."
Ha? Monday pa lang, ah? Anong ginagawa ni Harry dito? Bakit bigla siyang umuwi ng Tagaytay? He should be in Manila until Friday night.
Nagsuot ako ng bra sa ilalim ng shirt na suot. Bumaba ako at nakita ko ang lalaki na nakaupo sa sofa. Nakasuot ng white polo at jeans. Nakayuko sa magkasalikop na mga palad.
Nang maramdaman ang pagbaba ko ay saka lang siya tumingala. Inayos niya ang suot na specs. Halatang galing pa siya sa Manila dahil sa pagod na nakikita ko sa kanyang mga mata.
Nilapitan ko siya at humalik ako sa makinis niyang pisngi. "Hi! Bakit ka pala napapunta rito?"
Yumuko siya sa akin habang hawak ang bewang ko. "Because I missed you?"
"Alam ba ni Tita Eva na nandito ka?" Dahil kung alam ng mommy niya na uuwi siya rito sa Tagaytay ngayon, ay hindi iyon papayag na hindi siya muna sa bahay nila dederetso.
Sa halip na sumagot ay magaan na niyakap niya ako. "Are you free tonight? Let's go on a date."
"Ha?" Ano bang meron ngayon? Wala akong natatandaang okasyon. Malayo pa kahit ang anniversary namin. At saka, bakit bigla-bigla?
Hindi si Harry iyong klase na basta magyayaya. He would make me check my schedule first before asking me out and he always gave me enough time to prepare.
"So, are you busy tonight, hon?"
"Hmn, hindi naman. Tulog na si Hyde. Wala rin akong commission project na gagawin ngayon." Although inaantok na ako, hindi ko na lang sinabi iyon.
Minsan lang kami makalabas ni Harry. Halos dito lang kami sa bahay nagkikita palagi. We were both busy. Minsan lang din siya magyaya na lumabas, usually kapag may okasyon lang, like anniversaries. Pero madalas ay dito lang din kami sa bahay nagse-celebrate. Ngayon na lang niya ulit ako niyaya kaya walang dahilan para tumanggi ako.
Nginitian ko siya. "Hintayin mo ako. Magbibihis lang ako."
Tumango siya at ginanti nang masuyong ngiti ang ngiti ko. Iniwan ko na siya para makapagbihis. Inaantok na talaga ako dahil inabot ako ng madaling araw kanina sa over time sa online work ko. Pero minsan lang naman kaming lumabas kaya ano ba iyong tiisin ko muna iyong aking antok ngayon.
Plain crop top cream blouse na pinatungan ko ng maong jacket na may paint design sa likod ang aking sinuot. Plain maong jacket lang talaga ito na regalo ni Harry last Christmas na inartehan ko. I painted a lavender fairy on the back of the jacket.
Sa pang-ibaba ko ay blue fitted jeans at sa paahan ay cream flat sandals. Ang buhok ko ay tinirintas ko lang nang patagilid. Wala akong kolorete sa mukha at katawan pero maraming palawit na fairy keychains ang colorful kong gypsy crossbody bag.
Ever since I embraced the world of arts, I had also embraced the real me. My real personality wanted a bright and colorful world.
Mild scented cologne lang ang iwinisik ko sa katawan bago babain si Harry sa sala. "Let's go?" masiglang yaya ko sa kanya. Gusto ko ring malibang kaya excited ako sa paglabas namin.
Nagpaalam muna kami kay Daddy na gising pa at nasa dining bago kami umalis. Binilinan ako ni Daddy na bumalik din agad. Gabi na kasi kaya nag-aalala ito.
Dinala ako ni Harry sa Sky Ranch. Pasara na rin dahil nga sa palalim na ang gabi. Hindi naman kami nag-rides, naglakad-lakad lang sa gilid. Nagpahangin.
Nang hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami ay nakakagulat na bigla na lamang akong napapiksi. "Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at pasimpleng lumunok. Ano bang nangyayari sa akin? Madalas namang hawakan ni Harry ang kamay ko, kaya bakit naging ganoon ang aking reaksyon?
Hindi naman na nagsalita pa si Harry. Tahimik na lang siya sa tabi ko. Nakiramdam naman ako. Bakit nga ba siya nandito? Hindi siya basta-basta umuuwi nang walang pasabi. Hindi rin siya mahiling manorpresa. Kahit sa mga regalo niya sa akin ay hindi niya natitiis na sabihin agad sa akin. He was that kind of person.
Basta siya umuwi ngayon ng Tagaytay sa kabila ng pagod niya sa maghapong trabaho sa firm. Alam ko na sunod-sunod ang kliyente nila ngayon. Kung uuwi siya bukas ng madaling araw ay tiyak na kukulangin siya sa tulog. Mabuti sana kung hindi siya magda-drive.
"What do you think of renting a house?" he asked out of the blue.
I did not expect his question, so I couldn't think of an answer right away.
"Kung hindi pa natin kayang magpatayo ng sarili nating bahay, puwede naman tayong umupa muna. Puwede rin na kumuha ng rent to own. Maraming magagandang subdivision dito sa Tagaytay at sa Batangas kung gusto mo."
Napatanga ako sa kanya. Lahat ng ginagawa niya ngayon ay puro pambibigla sa akin. Ngayon lang kasi niya binuksan ang topic na ito.
Yumuko siya sa akin at ngumiti. "Of course, we will get married first."
"Iyon naman ang plano..." Iyon ang plano namin na inabot na ng ilang taon. Sa tagal ay nakasanayan ko na.
Namulat ako na walang ibang option kundi ang maghintay. Bukod kasi sa pag-iipon ay aware ako na meron pang ibang dahilan. Like his mom...
Nag-ring ang phone niya. Kung hindi ko pa siya sinabihan ay hindi niya pa iyon titingnan. Nang makita na si Tita Eva ang tumatawag ay dumilim ang kanyang mukha. Tinitingnan niya lang kasi ang nagri-ring na phone pero hindi niya sinasagot.
"Sagutin mo na ang mommy mo. Baka nag-aalala sa 'yo." Palagi siyang inaalala ni Tita Eva. Ganoon siya kamahal nito dahil hindi na nagkaanak pa ang tita ko.
Nang sagutin niya ang tawag ay awtomatiko na nabitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi naman ako kumibo at bahagya na lang na lumayo.
Sandali silang nag-usap bago niya ako nilapitan. "I'm sorry. Alam pala ni Mommy na nasa Tagaytay na ako. Tumawag daw siya kay Jordan kanina. Pinapauwi niya na ako dahil hindi raw na naman maganda ang pakiramdam niya."
Sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam ni Tita Eva ay kailangan agad na umuwi ni Harry. Kahit ano pa ang ginagawa niya, kahit ano pa ang okasyon o sitwasyon, pagdating sa kalusugan ng mommy niya, ay kailangan niyang iwan ang lahat. Nagkakaunawaan kami sa bagay na iyon.
"I am not going home, hon..."
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagsimula siyang maglakad habang nakapamulsa.
Napasunod naman ako. "Masama ang pakiramdam ni Tita Eva tapos hindi ka uuwi? Paano kung magalit siya?"
"Bakit siya magagalit?" salat sa emosyon na balik tanong niya. "Ilang taon na ba ako? Saka ano ba iyong sama ng pakiramdam niya? He can take a med for that. Hindi naman ako doktor."
Hindi ako nakapagsalita. Ngayon ko lang siya naringgan si Harry ng mga ganitong salita. Ngayon ko lang din siya nakitaan ng reaksyon na ganito. Na para bang wala siyang pakialam sa mararamdaman ng mommy niya.
Hinuli muli ni Harry ang kamay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad na magkahawak-kamay. Nang mapagod ay bumili siya ng drinks namin. Sa may bandang malayo sa mga tao kami pumuwesto. Wala pa rin siyang kibo.
"Harry, may sasabihin sana ako sa 'yo." I think this was a good opportunity to tell him the truth.
Sooner or later ay malalaman na rin naman niya. Tatlong araw lang ang ibinigay ni Hugo sa akin. Pangatlong araw na bukas. Susubukan kong humingi ng extension. Hindi ko nga lang sigurado kung pagbibigyan ako ng lalaking iyon.
Parang hindi niya ako narinig. Bigla na niya akong hinila. "Let's go back to the car, hon."
Kumuyom ang mga palad ko. Ang loob ko ay tumututol. Ito na sana ang magandang pagkakataon na masabi ko sa kanya ang tungkol doon.
Pagbalik sa sasakyan ay wala kaming kibuan na dalawa. Pinakikiramdaman ko siya. Ilang minuto na kami rito pero hindi niya pa rin ini-start ang makina ng kotse. Hindi na ako nakatiis na hindi magsalita. "Harr—"
"You changed your display photo on Facebook," sabi niya na pumutol sa aking pagsasalita.
Natigilan ako. Kung ganoon ay nakita niya na ang pagpapalit ko.
"Napansin ko lang. Hindi ka kasi nagpapalit maliban sa cover photo. But, it's okay because it's Hyde."
"Y-yes. Pinalitan ko ng photo ni Hyde..."
"But, hon." Tumingin siya sa akin. "I will not change mine." Ang kanyang tinutukoy ay ang ang photo ko na siyang gamit niyang profile photo sa account niya.
Pinaandar niya na ang kotse. Sa kauna-unahang pagkakataon na nakasama ko si Harry sa iisang lugar ay may kung anong mabigat sa aking dibdib. I was restless the whole trip.
Inihatid niya na ako sa amin. Madilim na sa bahay at ang gate lamps na lang sa ang natitirang nakabukas na ilaw. Nagpaalam na ako kay Harry dahil hindi siya bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako. "Thank you for tonight..."
Hinawakan niya ako sa kamay na dahilan para mahinto ako sa pagbubukas ng pinto. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.
Malamlam ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Can I ask for a kiss?"
Naalala ko iyong halik na pinagsaluhan namin noong nakaraan. Ganoon din ba ang mangyayari ngayon? Harry was waiting for me. Ano bang problema ko? Bakit hindi ko mapagbigyan ang hiling niya? Maliit na ngumiti siya sa akin at huminto na sa paghihintay. Bubuksan niya na ang pinto sa tabi niya para bumaba at pagbuksan ako. Bago niya iyon magawa ay pinigilan ko siya.
Nagtataka siyang napalingon sa akin. Sinalubong ko ang nakaawang niyang mga labi ng halik. His eyes widened because he didn't expect it. Sa kabila niyon, agad din siyang napapikit.
Marahang gumalaw ang mga labi ko sa mga labi ni Harry. Ang tagal na mula noong huling beses na sinubukan kong humalik. Halos hindi ko na matandaan kung paano.
Harry gently cupped my cheeks to support me. His lips moved softly to respond to the clumsy movements of my lips. The rhythm of his kisses slowly changed as the moments passed. His lips became aggressive and demanding. It was like the last time. My palms gently pushed him on his hard chest as I felt like I was going to run out of breath.
Harry did let go of my lips. I thought it was already over, but then his lips went down, exploring my neck to my collarbone. "Jillian..." he breathed out. "I love you so much."
Nang magtangka siyang hubarin sa akin ang suot kong jacket ay doon ko na siya malakas na itinulak. Gulat na gulat ako.
"Hindi na." Niyakap niya ako at sumubsob siya sa aking leeg.
I was dumbfounded. Did he really try to do it with me? Ang mga mata ko nanlalaki sa madilim na kisame ng kotse niya, habang taas-baba ang dibdib ko.
Ang kapwa namin paghahabol ng paghinga ang tanging maririnig sa loob ng kotse.
"Harry, bababa na ako," I managed to say to him.
Sinubukan ko siyang itulak muli pero humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Napasinghap ako nang abutin niya ang lock ng pinto ng kotse sa gilid ko. "'Wag ka nang umuwi. Come with me, Jill. Sumama ka na sa akin..."
"W-what are you saying?" windang pa rin na tanong ko.
"Sumama ka na sa akin at magpakasal na tayong dalawa. I have a client who is a judge. Puwede akong makiusap sa kanya para ikasal niya agad tayo ngayon."
"H-Harry, we have a plan. Bakit bigla kang nag-iba ng desisyon?" Ilang taong plano na iyon at balak niyang basta itapon ngayon? "At hindi tayo basta puwedeng magpakasal nang hindi nalalaman ng mga pamilya natin." Hindi ko magagawa iyon kina Mommy at Daddy!
"Alam naman nila na magpapakasal tayo. Doon din tayo pupunta."
"P-paano si Hyde?" mahina ang boses na tanong ko sa biglaang desisyon niya. "Hyde will definitely be disappointed when he finds out that we got married without him." Sana man lang kahit kasama namin ang bata.
Napabuga siya ng hangin at humiwalay sa akin. Inayos niya ang ang buhok ko at ang lumaylay na manggas ng suot kong maong na jacket.
Ang sarili niya ay hindi niya na tinangkang ayusin. Magulo pa rin ang kanyang buhok, bukas ang ilang piraso ng butones ng suot na polo. Ang harapan niya ay bahagyang namumukol. Iniwas ko ang aking paningin doon.
Nang kumalma na ay napayuko siya. Napahilot ang mahahabang daliri niya sa kanyang sentido. Parang bigla siyang nakapag-isip-isip sa naging biglaang desisyon.
Hinawakan ko siya sa balikat. "Harry, may problema ba?"
"Is it him, right?" Sa halip na sagutin ang aking tanong ay tanong din ang ibinalik niya sa akin.
"Ha?" Naguguluhan ako.
"Hyde's father. It's him, right?"
Natigagal ako. So, he knew...
Nang mag-angat siya ng paningin ay kahit may kadiliman sa loob ng kotse ay nasinag ko ang pait sa mga mata niya. "The man who got you pregnant, Jillian. It was Hugo Emmanuel Aguilar."
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz