Chapter 35
"AKO ANG PAKASALAN MO, JILLIAN."
Tigagal ako. Kung si Hyde lang ang gustong makuha ni Hugo ay maiintindihan ko pa, pero bakit kailangan pati ako? Naiinggit ba siya sa mga ka-batch namin na may mga asawa at pamilya na? Kaya gusto niya ngayon ng instant?!
Naiiyak na umiling ako. "Hugo, you know I can't do that. Please. Please understand my situation..."
"Why don't you understand mine?" mapait na balik niya sa akin. "Mahirap bang intindihin, Jillian? Ayaw kong magkaroon ng ibang tatay ang anak ko. Itinago mo na nga sa akin, inilayo mo na, balak mo pang ipaako sa iba. Masyado mong tinatapakan ang pagkalalaki ko."
"We don't need to get married," nagpa-panic na suhestiyon ko. "We can just do co-parenting, Hugo. Nasa maayos naman na pag-uusap ito."
"Whoa, after nine fucking years, you want us now to talk?" Umismid ang mapupulang mga labi niya. "I remember asking you before, Jillian. I asked you so many fucking times, but your answer was always the same. That we should forget about what happened."
Bumuga si Hugo ng hangin at nag-iwas ng tingin sa akin. Nanginginig na napayuko siya para hilutin ng mahahabang daliri ang sentido.
"And when you met me after after a month, hindi kita magawang diretsuhin. Kasi umpisa pa lang, nagsinungaling ka na sa akin. Ang sabi mo, nasa Pascam pa kayo, pero alam ko na nakalipat na kayo. Pinakiramdaman kita kasi hanggang pangangapa lang naman ako sa 'yo. And what you made me feel on our last meeting was that you no longer need me!"
Umawang ang mga labi ko.
"Jillian, wala akong naaalalang masamang ginawa sa 'yo, yet you chose to hide my own flesh and blood from me for nine fucking years!"
Napasinghap ako nang pag-angat muli ng mukha niya, ay makitang pinangingiliran na siya ng luha sa mga mata.
"I want to see his baby photos. Kung may ultrasound, gusto ko ring makita. Pati ang toddler days niya hanggang sa mag-aral siya. Kung may video, mas maganda. Ihanda mo lahat. Gusto kong makita lahat! At utang na loob, ipakilala mo ako sa anak ko!"
"Hugo, p-please..."
"Didn't you understand me at all?" Pulang-pula siya. "Akala ko ba matalino ka? Malinaw ang sinabi kong paraan sa 'yo kanina. Iyon lang ang tatanggapin ko kung ayaw mong magkagulo tayong lahat dito. Kahit mamatay ako ngayon, isusumpa kita hanggang sa hukay ko. Kasal lang ang magpapatahimik sa kaluluwa ko!"
Kuyom ang kamao niya at bumukas lang nang hagurin niya ng kamay ang kanyang buhok. He was so frustrated. Ilang beses siyang napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili, subalit ganoon pa rin. Humihingal pa rin siya sa taas ng emosyon.
"Three days, Jillian. You have three days to think this through."
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
"I am giving you two options only. Marry me or be my enemy." Pagkuwa'y tinalikuran niya na ako.
Napahabol ako sa kanya hanggang sa gate ng bahay namin. Kinuha niya ang key fob sa bulsa ng jeans niya at pinatunog ang pula na Audi sa labas.
Bago siya pumasok sa driver's seat ay humihingal na nilingon niya pa ako. "You took my son from me. Bayaran mo ang kasalanan mo sa akin kasama ang tubo! Ikaw ang tubo, Jillian! Bigyan mo ako ng buong pamilya!"
Nakapasok na siya sa loob ng kotse ay tigagal pa rin ako at halos mawasak ang aking dibdib sa pagkabog nito.
Natanaw ko ang liwanag ng paparating na kotse. Kahit madilim ay nasisinag ko ang kotse ni Harry. Nahigit ko ang aking paghinga nang mapatingin sa windshield ni Hugo. Nakangisi siya sa akin nang nakakaloko.
Napabusina si Harry dahil paharabas na iniliko ni Hugo ang kotse at muntik pang magasgasan ang gilid ng kotse ni Harry. Nagtama ang liwanag ng magkabilang headlights at nag-caused ng pagsagitsit ng gulong sa kalsada. Sumibad na paalis pagkatapos ang kotse ni Hugo na akala mo ay walang nangyari.
Pagbaba na pagbaba ni Harry sa kotse ay lumapit agad sa akin ang lalaki. Namumula siya hanggang leeg. "Who was that?"
Bumukas sara lang ang bibig ko sa pagkabigla.
Nabura ang inis sa mukha ni Harry at napalitan iyon ng pag-aalala. "Jillian, what happened? Sino iyong may ari ng kotse na iyon?"
"It's... Hugo," nanghihinang sagot ko. "Pumunta siya rito."
Hindi agad nakapagsalita si Harry, pero dumilim ang kanyang ekspresyon. "What did he do here?"
"Nagkuwentuhan sila ni Mommy, tungkol sa mommy niya. Co-teacher ni Mommy kasi ang mommy niya and..." Wala na akong masabing iba. Hindi ko pa alam kung paano pagkakasyahin ang tatlong araw na palugit ni Hugo para pakawalan ang bomba sa lahat.
Tila naunawaan naman ni Harry ang paghihirap ko sa pagkukuwento. Tumango na lang siya. "Uh, where is Hyde? Tulog na ba siya? I'm sorry kung ngayon lang ako, hon. Nagkaproblema lang ng kaunti kay Mommy sa bahay."
Hindi pa tapos magsalita si Harry ay nag-beep na ang phone ko. Text message mula kay Tita Eva na mommy niya. Nakatingin naman si Harry sa phone screen.
Tita Eva:
Jillian, nandiyan na naman ba si Harry? Nandito lang kanina bigla na namang nawala. Ano, pinapunta mo na naman diyan sa inyo? Hindi mo ba alam na may sakit ako?! Aba, hindi pa kayo kasal pero sinosolo mo na ang anak ko!
Ibinaba ni Harry ang kamay ko na may hawak sa phone. "Sorry, hon. Please don't mind her. Ako na ang bahala sa kanya pag-uwi ko."
Kagat ang labi na tumango lang ako. Hindi naman na bago ang ganito. "Uhm, si Hyde pala..." mahinang sabi ko. "Nakatulog na. May pasok pa kasi bukas. Pero hinintay ka niya kanina."
"Yeah, 'sabi ko pa naman hindi puwedeng hindi ako pupunta ngayon. May tatanong nga raw siya sa akin about usapang lalaki. Nagtataka ako kung saan niya nakuha iyon. Usually naman ng pinag-uusapan namin ay about his school lessons lang."
"May ibang araw pa naman. Kumain ka na ba?" tanong ko para maiiwas na ang usapan. Nanghihina na ang mga tuhod ko at gusto ko nang pumasok sa loob.
"Hindi pa nga, eh. Nagmamadali akong umalis sa bahay noong akala ko nakatulog na si Mommy." Nang akma niya akong hahawakan sa pulso ay parang may sariling isip ang kamay ko na umiwas sa kanya at lumayo. Hindi naman siya kumibo.
Niyaya ko na si Harry sa loob. Sa kusina ko siya dinala. Tahimik ako habang ipinaghahanda siya ng pagkain. Tahimik din naman siya habang nakamasid sa akin. Makailang ulit niyang nahuli ang pagkakamali ng nanginginig na mga kamay ko, gayunpaman ay hindi pa rin siya kumibo.
Pesto at juice ang inihain ko sa kanya. Parang hindi naman nagalaw ni Harry ang pagkain. Nakatitig lang siya sa plato. Parang may iniisip na kung ano.
"Uhm, hindi mo ba nagustuhan?"
"Huh?" Napaangat ang mukha niya sa akin. "Ah, no. Of course, masarap ito. Sorry, may naisip lang kasi ako."
Pagkakain niya ay siya na ang naghugas ng pinagkainan kahit pa pinipigilan ko siya. Naghintay na lang ako sa kanya hanggang sa matapos siya. Sa sala na kami nag-stay. Magkatabi kami sa sofa habang hawak niya ang kamay ko.
"Kumusta pala si Tita Eva?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Sinumpong siya ng migraine kanina. Mainit ang ulo niya at ayaw akong paalisin. Siguro naiinis na dahil minsan na lang ako sa bahay. Maraming work sa firm at hindi ko naman kaya na palaging mag-uwian."
Napayuko. Hindi lang naman kasi ang firm ang kumukuha ng lahat ng oras ni Harry. Kasama na rin ako. Tuwing wala siyang work ay nandito siya sa akin, kaya siguro nagkakaganoon si Tita Eva.
"Nami-miss ka lang naman niya, eh. Tuloy-tuloy kasi ang pagtatrabaho mo. Ayaw mo bang magpahinga kahit ilang araw lang? Mag-leave ka para makasama mo nang matagal-tagal ang mommy mo..."
"You know that I can't do that. Hindi ako puwedeng um-absent dahil may pinag-iipunan tayo. Kulang pa ang natatabi ko dahil iyong dividend ko sa kompanya ng uncle ko ay sa lupa naman natin napupunta."
"I'm sorry kung maliit lang ang naidadagdag ko sa ipon natin para sa kasal at sa magiging bahay natin. Hayaan mo, sisikapin ko na makakuha ng mas maraming commission works para naman—"
"No, hon." Umiling siya. "You know, kahit nga hindi ka magbigay sa ipon natin. Ako dapat ang mag-shoulder niyon kasi ako iyong lalaki. Just focus on Hyde, okay? But, once na kasal na tayo at nasa iisang bahay na nakatira, ako na rin ang bahala pati sa pangangailan niya. He's my son, too."
Doon ako napaiwas sa mga mata niya.
"Jillian, he's my son," ulit niya na bagaman mahina ay may diin.
Lumunok ako para alisin ang bikig sa aking lalamunan. "T-thank you, Harry." I wanted to hell him about Hugo, to come clean with him, but I couldn't bring myself into. Kakikita pa lang nila kanina. Mainit-init pa.
Dinala ni Harry ang kamay ko sa kanyang mga labi para halikan. "I love you, Jillian. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin."
Napatayo ako bigla. "Uhm, g-gabi na masyado, baka delikado na sa daan. Baka magalit na rin nang husto ang mommy mo."
Ayaw ko na magalit na naman si Tita Eva kay Harry dahil nandito siya sa akin. Baka pati tumawag na naman ito at awayin si Mommy. Mula nang magkarelasyon kami ni Harry ay ganoon na ang nagiging karaniwang pangyayari. Hindi pa rin kasi boto si Tita Eva sa akin hanggang ngayon.
Tumayo rin siya at nagulat ako nang magaan niya akong yakapin. "Jillian, magagalit ka ba kung sasabihin ko na ayaw ko nang umuwi?"
Napasinghap ako sa gulat. "Harry..." It was the first time I heard him talking about not wanting to leave.
Humigpit ang pagkakayap niya sa akin kaya hindi ako nakawala. Sumubsob siya sa leeg ko. "Ayaw na kitang iwan, hon. I want you to always be with me. Is that too much to ask for?"
Gusto kong sabihin sa kanya na kung talagang gusto niya, puwede naman talaga. Hindi naman kailangang ng matagal na pag-iipon at preparasyon, dahil kahit simpleng kasal lang ay ayos na sa akin. Ang kaso, ang kanyang gusto ay iyong kasal na pangarap niyang ibigay sa akin. A grand wedding. Ayaw niya ring wala pa kaming sariling bahay.
May hinuhulugan kaming lupa at nag-iipon kami ng pangpatayo ng aming dream house. Hindi namin iyon gaanong pinag-uusapan dahil bihira niyang mabanggit. Nahihiya rin naman ako na magtanong dahil may mga pagkakataon na pumapalya ako sa pag-aambag sa ipon namin.
Kumalas si Harry sa akin. Malamlam ang mga mata niya habang nakatunghay sa mukha ko. "I'm sorry for making you wait, hon."
Maliit na ngumiti ako. "Sige na, hinihintay ka na ng mommy mo sa inyo." Hanggang hindi pa kami kasal, kailangan niya pa ring umuwi sa mommy at daddy niya.
"Yeah, you're right..." Nagri-ring na rin ang phone niya. Nang i-check niya iyon ay tumatawag na sa kanya si Tita Eva. Hindi na mapakali sa paghihintay sa kanya.
Inihatid ko na siya sa labas. "Mag-ingat ka sa pagda-drive..."
Ayaw niya pang bitiwan ang kamay ko kung hindi ko pa iyon binawi. Nakita ko ang pagdaan ng malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. "I'm sorry about tonight, Jillian. Babawi ako sa 'yo."
Tumango ako. Bago siya lumabas ng gate ay humarap siya ulit sa akin. Napatingala ako nang yumuko siya para halikan ako. I was expecting a peck on the lips, but what he gave me was more than that. Malalim ang halik na nagpadilat sa mga mata ko.
Tulala ako kay Harry habang habol ko ang aking paghinga matapos niya ilayo ang mga labi niya sa mga labi ko. Ngayon na lang ulit niya ako hinalikan sa paraang ganoon.
"Sorry, hon. I just missed you so much." Niyakap niya pa ulit ako bago siya tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan niya.
I went back to the house, so Harry could leave. Hindi niya kasi pinapaandar ang kanyang sasakyan hangga't hindi ako nakikita na pumapasok sa bahay.
My heart was still pounding out of my chest. This wasn't because of Harry. It was already like this even before he came. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba iyon kanina kaya niya ako hinalikan.
At ngayong wala na si Harry, mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kailan pa ba huling kumabog nang ganito ang dibdib ko? Hindi ko na matandaan. Pumikit ako nang mariin. Pagdilat ko ay marahan ako na nagbuga ng hangin.
Ang pagkabog ng aking dibdib ay kilala ko ang dahilan. Siya ring dahilan kung bakit hindi ko mapakahirapan nang maayos kanina si Harry. Sa isang iglap, gulong-gulo na naman ang maayos na sistema ko. And it was all because of the person.
When I opened my eyes, I was greeted by the dark living room and the door leading to the kitchen. I couldn't believe that the person I never expected to see again would come to this place. Nanggaling siya rito, tumapak sa sahig na tinatapakan ko, umupo sa sofa na nasa harapan ko.
I still couldn't quite believe that we ate together at the same table. That he even talked casually to my family... and my son...
Napahawak ako sa aking dibdib. Nanggaling siya sa lugar na ito kung saan lumaki ang anak ko, kung saan unang nagsalita, nakalakad, at nagkaisip.
When I remembered Hyde, I immediately went upstairs. Basta ako pumasok sa kuwarto ng walong taong gulang na bata nang hindi kumakatok. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog sa kama.
Nanghihina ako na lumapit sa natutulog na bata. Inayos ko ang pagkakakumot nito. "Baby..."
Tumabi ako at inalis ang unan na yakap-yakap ni Hyde para mayakap ko siya. Nang gumanti ng yakap sa akin ang natutulog na bata ay doon gumaan ang dibdib ko. I couldn't tell when my eyes got tired of staring at my son's sleeping face, all I knew was that the sun was already about to rise when I fell into deep slumber.
Nagising na lang ako na nag-iisa na sa kama. Hyde was no longer beside me; it was already 9:00 AM on the room's wall clock.
Sa sobrang puyat ko ay napahimbing ako ng tulog. Hindi ko namalayan na bumangon na si Hyde at pumasok sa school. Hindi rin ako ginising dahil siguro nakita na tulog na tulog ako. Marunong naman na rin kasi itong kumilos mag-isa. Ayaw na ayaw na rin nitong nagpapaasikaso masyado.
I got up and my eyes looked around my son's room. Malinis. Walang nakakalat na tuwalya o pinaghubaran. Ayaw na ayaw kasi nito na may aalalahanin pa ako. The thought made my heart swell with joy and pride. I was raising a responsible little man.
How would Hyde react once he learns the truth? Masyado pang bata ang anak ko pero matured na mag-isip. Siguradong malulunod ako sa mga tanong niya.
Nahiga ulit ako at niyakap ang unan na yakap-yakap ni Hyde kagabi nang pumasok ako rito sa kuwarto niya. I suddenly thought of Hugo Emmanuel Aguilar. Totoo talaga na galing ang lalaking iyon rito kagabi. Nararamdaman ko pa ang sakit ng dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog nito.
Seryoso ba talaga siya sa mga salitang binitiwan niya kagabi? Kahit malabo ay umaasa pa rin ako na baka nadala lang siya ng emosyon. Na sana ay nabibigla lang siya at hindi totoo ang ibinigay niya na tatlong araw na ultimatum.
Bago ang lahat, kailangang malaman ni Harry ang tungkol dito. Kailangan kong pagplanuhan ang pagsasabi. Nang maalala ko ang lalaki ay napabukas ako ng social media. Hindi ko pala siya nakumusta kung nakauwi ba siya nang maayos kagabi. Baka iniisip niya na nagtatampo ako sa kanya.
Bumungad sa akin ang profile photo ko na mukha ni Harry. Mula nang magka-social media ako ulit ay ito na ang profile photo na gamit ko, at hindi pa napalitan kahit kailan.
Ipi-PM ko na si Harry nang makita na meron akong notification. Kagabi pa iyon. Pag-click ko ay bigla akong napabangon nang makita kung ano iyon at kung kanino galing.
Hugo Emmanuel Aguilar added you as a friend!
Sa pagsala ng kamay ko sa screen ay na-tap ko ang 'accept' button. Hindi bumilang ang isang minuto na nakatanggap ako ng message sa inbox ko.
Hugo Emmanuel: Palitan mo ang profile photo mo.
JF
#JFstoriesTroublemaker35
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz