ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 18

rosejhilcay

DOS POV

Mahal ko si Kath. Pero kailangan ko gawin ito para sa kaligtasan niya. Pinagbuhatan ko siya ng kamay dahil sa putang-inang tapping device na nilagay nila sa mansion ko. Kailangan sakyan ko lahat ang plano ni Eden.

Lalo nalaman ko ang magulang nila Kath at Snow ay dating miyembro ng Black Market Organization. Pinaimbistigahan ko ang pamilya Moore. Pinatay ang mag-asawa dahil malaki ang stock holder nila sa Black Market. Pangalawa ako sa pinakamalaking stock holder ngayon sa loob ng organization. Nagbabalak na rin ang mga ipatumba ako. At alam kong inaalam nila ang personal na buhay ko. Ginagamit ko si Eden para iligaw sila. Pero hindi pa rin sapat. Noong iniwan ako ni Kath, akala ko may kinalaman ang mga organization sa pagkawala niya. Halos nabaliw ako sa kakahanap.

Noong nagkita kami sa grocery store. Halos ayoko na humiwalay ito sa akin. Pero putang-ina. Si Wolf Summer, dumidiskarte rin sa asawa ko. Buti na lang tinulungan din ako ni Ziena. Kahit sobrang mahal ang singil ng abogadang iyon, pinatulan ko na rin ito.

Lalo ako nanlumo na nanganak ito ng kambal. Masakit sa akin na lumayo ang loob ng mga anak ko, lalo na si Sky.  Malaki ang pasasalamat ko kay Ziena. Siya mismo ang tumulong sa akin para magkaayos kami ni Kath.

"Ano ang sasabihin ko kay Kath? Paano kung magalit siya sa akin?" natatarantang saad ko kay Tiger at Tobby.

Masaya na ang marriage life ni Tiger. Kahit napakamaldita ni Jelai, tiniis pa rin ng kapatid ko.

Si Tobby naman, abala ito sa kan'yang negosyo. Si Terrence, ganoon din. Samantala si Timothy, may asawa na rin ito.

"Sabihin mo ang totoo. Kung gusto mo, si Tucker mismo ang magsasabi kay Kath," aniya naman ni Tobby.

"Damn! Paano kung pati ako madadamay!" inis na saad ko rito.

"Wala na tayong magagawa, bro. Si Tucker na lang ang magpaliwanag sa asawa mo,"saad ni Tiger sa akin at tinapik ang aking balikat.

Napabuntonghininga na lang ako.

"Kamusta ang negosyo mo?" tanong ni Tiger sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako. "Okay naman. Iyong sa Black Market, pinul-out ko na ang investment ko. Ang Daddy naman ni Eden, si Ville na ang bahala ang magtrabaho."

"Babalik ako sa Britain, may asikasuhin lang ako," aniya naman ni Tobby.

Kinuha ko ang jacket ko na nakasampay sa sofa at nagpaalam na sa dalawang kapatid ko. "Uwi na ako. Dadaanan ko pa si Ziena."

"Ingat," sabay na saad ng dalawa.

Dumaan muna ako sa office ni Ziena pero aniya ng sekretarya niya pumunta ito sa bahay ni Kier, birthday daw ng kambal.

Habang nagmamaneho ako tumunog naman ang cellphone ko. Tumatawag ang aking asawa.

"Love?" bungad na sagot ko kay Kath.

"Dumiretso ka na sa bahay nila Sheena at Kier. Birthday ng kambal at sinundo ako kanina ni Javi."

"Ohh. Okay, nagmamaneho na ako."

"Sige. Ingat."

Napakamot naman ako sa aking batok. Hindi ko na naririnig na nag-I love you ito sa akin. Maraming nagbago kay Kath. Minsan natataranta na lang ako kapag sinisigawan niya ako. Konting pagkakamali ko, agad niya akong binubulyawan.

Pagdating sa mansion ni Kier, agad ako sinalubong ni Thunder.

"Tito!"

Napangiti naman ako na lumapit rito. "Hey, Buddy."

Agad itong sumampa sa akin. Anim ang anak ni Kier. Limang lalaki at nag-iisa lang ang babae.

Pagkapasok ko sa gate, nahagip agad ang paningin ko sa garden ang aking mga kaibigan.

"Bro!" sigaw ni King sa akin.

Binaba ko muna si Thunder. Lumapit naman ako sa kanila na nag-iinuman na ang mga ito. Napairap naman ako kay Lobo na nakangisi ito sa akin. Nandito na rin ang ibang mga kaibigan ni Sheena.

"Akala ko patay ka na?" Nang-uuyam na saad ko kay Wolf.

"Hindi pa puwede. May naghihintay pa sa akin," aniya na sa ibang direksyon nakatingin. Tiningnan ko naman kung sino ang tinitingnan niya.

"Putang-ina mo, Lobo! Asawa ko iyon!" inis na sinipa ko ang kan'yang upuan.

Tawa naman mg tawa ang mga kaibigan ko.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Bakit kay Tres hindi?" nakangising saad ni Lobo.

Nakakunot naman ang noo ko. Bigla naman binatukan ni Tres si Lobo.

"Tres, aminin mo,"nakangising saad naman ni Javi.

Putang-ina talaga! Huwag din nilang sabihin may gusto rin ang hinayupak na ito sa asawa ko!

"Bro, actually....ako ang nagpaanak sa asawa mo.... don't worry bro, nakapikit naman ako kaya hindi ko nakita ang pag-aari mo," nakangising saad naman ni Tres.

"Fuck!" sigaw ko naman sa kanila.

Napatingin naman ako kay Kath na bigla na lang sumulpot.

"Really, Tres? Paano mo natahi ang ano ni Kath kung nakapikit ka?" asar naman ni Drake.

Lalapitan ko sana si Tres pero mahigpit ang pagkahawak ni Kath sa aking braso. Nakasimangot itong nakatingin sa akin.

"Mag-aaway pa ba kayo dito?" diin na saad ng asawa ko.

"Nakita ng putang-ina na iyan ang pagkababae mo!" inis na sagot ko.

Nakakunot naman ang noo ng asawa ko.

"Malamang, Tristan! Doctor siya. Alangan naman kakapain niya habang nakapikit! At kayo, puwede ba tigilan niyo ang pag-asar sa asawa ko!"

Natahimik naman kaming lahat.

"Nanay, ang palaka ko po!"

Napatigil kaming lahat na nakatingin kay Dust na hawak-hawak ang garapon.

Nanlalaki naman ang mga mata namin na may tatlong palaka na tumalon sa lamesa.

"Punyeta!" sigaw ni Gold at mabilis tumayo at tumakbo ito.

Nagsitayuan naman ang ibang mga kaibigan ko at natatarantang lumayo sa lamesa. Pasimple naman akong umatras.

"Dust, bakit mo pinakawalan ang alaga mong palaka? Alam mong hirap na hirap si Tatay na humuli niyan," aniya naman ni Sheena na hinuhuli ang mga palaka.

Napahilamos naman ako sa aking mukha.

"Ay, mahilig pala sa animals ang mga anak mo, Sheena," nakangiting saad ng asawa ko at tumulong ito sa paghuli.

"Damn! Balak ba gawing Zoo ni Sheena ang mansion nila?" nakangibit na saad ni Javi.

Napahilot naman si King sa kan'yang sentido na nakatitig kay Sun na may hila-hila itong biik.

Lumapit naman si Kier sa amin na nakasimangot. "Pasensiya na kayo, Bro."

"Sanay na kami. Ayoko kumain pati baka kung ano na naman ang kalokohan ang gagawin ng asawa mo, Kier!" saad ni Drake.

Napakamot naman ako sa aking ulo. Naalala ko na pinakain kami ni Sheena ng daga at ahas.

"Daddy!"

Napangiti naman ako kay Sky na tumatakbo ito palapit sa akin.

"Tatay, pakainin mo na ang mga kaibigan mo," malambing na saad ni Sheena kay Kier.

"Busog pa kami!" sabay-sabay na saad naming lahat.

Nakakunot naman ang noo ni Kath.

"Ahmm..k-kumain ako sa bahay ni Tiger. B-Busog talaga ako," kinakabahang saad ko.

"Bakit pumunta pa kayo rito kung hindi kayo kakain!" mangiyak-ngiyak na saad ni Sheena.

Damn! Lumiit naman ang mga mata ng asawa ko. Isa-isa niya kaming tinitingnan na may pagbabanta.

"Kakain ba kayo?" diin na tanong ni Kath sa amin.

"L-Love. Y-You don't understand," saad ko naman.

"Huwag ka umuwi sa bahay, Tristan!"

Natatarantang niyakap ko ito.

"K-Kakain ako," saad ko at hinalikan ito sa labi.

"Ay, wow. I-welcome natin ang bagong miyembro ng Andress Bonifacio team!" nakangising saad ni Ville na basta lang itong sumulpot.

Masama ko itong tiningnan. Si Ville at Kier ay magpipinsan.

Nandito lahat ang mga kaibigan namin. Si Jaime Will Vicente at asawa niyang si Zen ay kararating lang din.

"Alam niyo boys, hindi naman masama na Andress Bonifacio kayo, ang dapat niyo katakutan, walang iyot," nakangising saad ni Ville sa amin.

"Fuck! Ang bunganga mo, Ville!" sigaw naman ni Kier.

Humalakhak naman ang dalaga.

"What? Tama naman ako. Di ba, Dos?"  ngising aso na nakatingin si Ville sa akin.

Inirapan ko naman ito.

Lumapit naman si Ville kay Lobo. "Handa naman ako magpawasak sa'yo, Lobo. Mahalin mo lang ako at ibigay ko sa'yo ang kaharian ko."

Napairap naman si Lobo. "Anong klaseng kaharian? Puro ka kayabangan!" saad ni Lobo at tumalikod ito.

Napailing na lang ako na iniwan ang mga ito. Nadatnan ko si Kath na pinapakain ang kambal namin. Si Sky, nakipaglaro ito sa kambal nila Kier at Sheena.

Niyakap ko naman ang asawa ko at hinalikan ito sa sentido.

"I love you," saad ko rito.

Humarap ito sa akin.

"Ikuha mo ng palaka si Sky. Gusto niya rin daw katulad kay Dust," aniya ng asawa ko.

"Fuck! Love naman! Bakit mo naman pinalapit si Sky sa mga anak ni Sheena na pinaglihi sa exotic!" inis na saad ko.

"Kukuha ka o -."

"Oo na! Kukuha na!" inis na sagot ko naman.

Putang-ina! Itatanong ko kay Ziena kung ano ang ikaso sa mga asawang babae na ginagawa kaming under de saya!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz