ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 17

rosejhilcay

"Bahay naman ito ni Dos, kahit anong gawin mo dito, wala na akong pakialam. Kahit itapon mo pa ang mga gamit ng asawa mo, bahala ka," aniya sa akin ni Captain Ville.

"V-Ville?"

"Bakit?"

"Ville ba talaga name mo?"

"Yes. Why?" seryosong tanong niya na nakakunot pa ang mga mata.

"W-Wala."

"Saan mo nakilala si Geller?"

"Ahmm..s-sa tabi-tabi lang," nahihiyang saad ko naman.

"Tabi-tabi? Ano iyon tae ng aso?" nakataas ang kan'yang kilay na nakatitig sa akin.

"I-I mean, napagbintangan ko siya ang nakabuntis sa kaibigan ko," mahinang saad ko rito.

"Okay, so after niyan, doon ka niya sinisid? ganoon ba?"

"H-Ha? H-Hindi!"

"Well. Alam mo bang babaero ang asawa mo?"

Napayuko naman ako.

"Biro lang, Kath, pero matakaw lang talaga sa kepyas ang mga Geller. Actually, ikaw lang  naman ang nakatagal sa kan'ya. I mean, marami siyang babae noon, pero sa'yo lang siya nagbagong buhay."

Umangat naman ang ulo ko at tumingin kay Ville.

"Alam mo bang, napakayaman ng parents mo? Nakapangalan sa inyong dalawang magkapatid ang lahat ng kayamanan na iniwan ng parents niyo. Marami nagbanta na kunin at patayin kayo, pero syempre hindi papayag ang asawa mo na mapapahamak kayo."

Kaya pala marami nagsabi na hindi namin kamukha sila nanay at tatay. Maputi kami ni Snow. Sa unang tingin pa lang sa amin, mapagkamalan talaga na may foriegn blood kami.

Napabuga naman ako ng hangin. Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nagbabakasali na makatawag si Tristan sa akin. "B-Bakit bawal siyang tawagan? Ville, dalawang araw na nandito kami, wala na akong balita sa kan'ya."

Noong hinatid kami ni Terrence, umalis din ang dalaga. Kaninang umaga lang ito dumating.

"Buhay pa naman siya. Huwag ka mag-alala, pag-uwi niya, aararuhin ka niya with overtime pa. Hmmm..just kidding, pero totoo talaga iyan," nakangising saad ni Ville.

Hindi ko talaga makausap ng matino ang mga babaeng  kaibigan ni Tristan.

"Magluluto muna ako," aniya ni Ville at pumunta na ito sa kusina. Okay naman si Ville. Mabait ito kahit medyo bastos ang bibig.

Pumunta muna ako sa silid ni mismo ni Tristan. Naabutan ko naman na nakahiga ang tatlo habang naunuod ng tv. Nakasalpak naman sa bibig nila ang dede.

Inayos ko na lang ang mga laruan na pakalat-kalat sa sahig. Maya maya lang nakatulog na ang tatlo. Pinatay ko na ang telebisyon at bumaba na sa kusina.

Napatigil ako bigla nang nadatnan ko si Ziena.

"Hi, Kath!" aniya na malapad ang ngiti.

"H-Hi."

Lumapit ako at umupo sa kan'yang harapan.

"How are you, Kath?" tanong sa akin ni Ziena.

"Okay lang," kagat-labing saad ko naman.

"By the way, pauwi na ang asawa mo on the next day," kindat sa akin ni Ziena.

"Kamusta ang mga magkapatid na Geller?" nakangising tanong ni Ville kay Ziena.

"Wala pa ring pagbabago, gusto angkinin ang lahat na mga babae," humarap naman ang abogada sa akin na nakangisi.

"Isang jowa lang dapat sa isang tao para naman magkaroon naman ang lahat," natatawang saad ni Ville.

Napanguso naman ako sa usapan ng dalawang babae.

"Wala iyan sa plataporma ng mga Geller at Alcantara, hangga't puwede araruhin, sige lang ng sige." aniya ulit ni Ziena.

"So, si Dos Geller, ano sa palagay mo Attorney?" aniya ni Ville na sabay tingin sa akin.

"Si Dos? Nagbago na siya, I think. Pero, malay natin baka...may babae pa iyon."

Napailing na lang ako sa kanila. Tumayo ako at tinulungan si Ville ihanda ang mga pagkain. Sobrang dami ang kan'yang nilutong ulam. Nagsimula na kaming tatlo kumain. Ako na rin nagpresinta na maghugas ng plato, samantala ang dalawang dalaga naman nasa sala at naglalaro ng chess.

Nagtataka na rin ako na hindi umaalis si Ziena.  Lumipas ang araw na dito lang siya. Tinulungan nila akong dalawa na alagaan ang mga bata.

"Kuha lang ako meryenda," saad ko sa kanila habang nakipaglaro sila sa mga bata.

Abalang-abala ako sa paggawa ng sandwich nang may yumakap sa aking likuran.

"Missed me?"

Naninigas naman ako sa paos na boses ng isang lalaki.

Dahan-dahan naman akong humarap. "T-Tristan?"

"Hi," aniya at mariin akong hinalikan sa labi. Inayos pa niya ang buhok ko na nasa mukha ko na ito.

"B-Bumalik ka,"mangiyak-ngiyak na saad ko rito.

"Of course. Naghihintay ang asawa at mga anak ko," nakangiting saad niya na sinakop ulit ang aking mgalabi.

Halos nauubusan na ako ng hangin bago niya pinakawalan ang aking mga labi.

"K-Kakarating mo lang?"

"Yes. Kasama ko ang mga kaibigan ko," aniya na niyakap ulit ako ng mahigpit.

"T-Tristan?"

"Yes?"

"Nakaalis ka na ba sa organisasyon na iyon?"

Nakangiti itong tumango. "Already. Inayos na rin namin ni Ziena ang mga pera na iniwan sa inyo ng mgulang niyo."

"S-Si Eden?"

"Sinabi ko na sa kan'ya ang lahat. Sinabi ko sa kan'ya na ikaw lang ang mahal ko-."

"Putang-ina! Paulit-ulit na lang ang sinasabi mo, Geller. Ipakita sa gawa huwag puro bayo!" Aniya ni Ville na kinuha ang ginawang sandwich at juice.

"Ang bastos mo talaga, Ville!" inis na saad ni Tristan.

"By the way, Kath. Ang rupok mo. Ay ang tuwa naman ni Geller, makapasok na naman sa madilim na kuweba," nakangising saad ni Ville at lumabas na ito ng kusina.

"Huwag mo na lang pansinin, baby. Gan'yan talaga si Ville, masanay ka na sa mga lumalabas sa kan'yang bibig."

Ngumiti lang ako. "Sanay na ako sa kanila."

Hinawakan ni Tristan ang kamay ko at hinila palabas.

Binati ko rin sila Javi, King, Gold at Drake.

"Baby Sky," tawag ni Gold sa anak ko.

Nakakunot naman ang noo ni Sky na na nakatingin kay Tito Gold niya. Mahina naman napatawa si Tristan sa reaksiyon ng anak namin.

"Damn! Geller talaga ito," natatawang saad ni Gold.

Inakbayan naman ako ng asawa ko. "Luluwas tayo sa isang araw," mahinang saad ni Tristan.

"Gusto ko makita si Snow."

"Ahm..s-sure. Nasa Manila na rin siya," aniya sabay iwas ito ng tingin.

Habang kumakain kami ng meryenda kinukulit naman ni Ziena si King.

"What goes around, comes around. Right King?" nang-uuyam na saad ni Ziena.

Napatigil naman kami. Nagtataka akong nakatingin kay Ziena.

May problema kaya ang magkasintahan?

"Alam niyo mga putang-ina kayong mga lalaki, hindi kayo makuntento sa isa," nakangising saad ni Ziena.

Tumawa naman ng malakas si Ville.

Napapailing na lang si Tristan. Napatingin kami kay King na tumayo ito.

"Sit down! Fuck you!" sigaw ni Ziena.

Tumahimik kaming lahat. Mahigpit naman hinawakan ni Tristan ang kamay ko.

Natatakot din sila kay Ziena?

Nakangisi naman si Ville na nakatingin sa mga lalaki.

"Z-Ziena, calm down please," mahinang saad ko.

Nagumiti naman si Ziena at umupo ito.

Umupo naman si King sa tabi ko. Hinawakan ko naman ang balikat ng guwapong Doctor at pinisil ito.

"Everything's going to be okay," mahinang saad ko sa kan'ya.

Napabuntonghininga naman si King at tumango.

Niyakap naman ako ni Tristan. "Napakabait mo. I love you so much," bulong sa akin ni Tristan.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz