Chapter 15
Nakatingin ako sa mag-aama na naglalaro sa tabi ng dagat. Napansin ko ang isang buntis na babae sa di kalayuan. Sinuot ko ang tsinelas at nagmamadaling pinuntahan ito.
"Hey, wait!" lakad-takbo na hinabol ko ito. Hingal na hingal na hinawakan ko ito sa braso.
"Luz?" nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa tiyan ng Doktora.
"K-Kath? H-Hello?"
"Buntis ka? Si T-Tres ba?"
"K-Kath, please. Huwag mo sabihin sa kan'ya. Ayoko na guluhin siya."
"P-Pero paano ka? I mean, dapat niya malaman ang-."
"No. Siya ang tumapos sa relasyon namin. Ayoko na guluhin siya. N-Nasa maayos naman ang ako at kaya ko naman palakihin ang magiging anak ko."
Napabuntonghininga naman ako. Pilit akong ngumiti kay Luz at niyakap ito.
"Kung may kailangan ka, nandito lang ako," hinawakan ko naman ang kan'yang mukha.
"S-Salamat. Bumalik lang ako sa isla para dalawin ang inay."
Tumango lang ako kay Luz. Ngumiti ito sa akin at nagpaalam na aalis na ito. Sinundan ko lang ng tingin ang mabait na Doktora.
Pabalik na sana ako sa bahay nang sinalubong ako ni Tristan.
"Madilim na. Kakain na rin tayo," aniya na hinawakan pa ang aking kamay.
"Minahal mo ba talaga ako?" diretsong tanong ko sa kan'ya.
Napatigil ito at humarap sa akin.
"Just answer my question. Ano ba kami sa buhay mo Tristan? Kung mahalaga kami sa'yo, kailangan mo bitawan si Eden," mahina at diin na saad ko sa kaniya.
"Huwag muna natin ito pag-uusapan, okay?" aniya na tumalikod na ito.
Inis na dinampot ko ang bato at binato ito. Nabigla din ako sa ginawa ko. Sa ulo ko ito natamaan ng bato. Hinawakan niya ang kan'yang ulo at puno ng dugo ang kan'yang mga kamay.
"T-Tristan?"
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "let's go home," saad niya na hindi man lang iniinda ang sugat sa kan'yang ulo.
"Mahirap ba sabihin na mahal mo ako? O sadyang hindi mo talaga ako minahal," mahinang saad ko rito.
Hindi pa rin ito umiimik.
Pagdating sa bahay, dumiretso agad ito sa silid. Sinundan ko naman ito. Naabutan ko ang mga bata nanunuod ng cartoons. Pumunta naman si Tristan sa CR. Lumabas ito at may dala na medicine kit. Lumapit ako at kinuha ito. Tinulak ko ito paupo sa kama at sinimulang linisin ang kan'yang sugat.
Pagkatapos ko lagyan ng benda ang kan'yang ulo agad naman ito tumayo.
"Ihanda ko lang ang hapunan natin, " aniya sa akin.
Nakatingin naman ako sa tatlong bata na dumedede. Nakahiga ang mga ito habang ang mga mata ay nakatutok sa telebisyon.
Niligpit ko muna ang lagayan ng mga gamot at sumunod kay Tristan sa kusina.
"Let's eat," ipinaghila niya pa ako ng upuan.
Tahimik naman akong umupo at nag-umpisa na kumain. Tanging tunog lang ng plato at kubyertos ang maiingay. Napatigil naman ako sa pagsubo nang tumunog ang cellphone ni Tristan.
"Eden?" aniya na tumayo pa ito at tumalikod.
Inis na binagsak ko ng malakas ang kubyertos sa aking plato. Nakakunot naman ang noo ni Tristan na nakatingin sa akin.
"Ibalik mo na kami sa Manila," galit na saad ko sa kan'ya. Tumayo ako at nakakuyom ang aking mga kamay.
Lumapit ito sa akin.
"Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Ibalik mo kami sa Manila!"
"Umupo ka at tapusin mo ang pagkain mo," aniya na pinatong ang kan'yang cellphone sa lamesa at umupo na ito para ipinagpatuloy ang pagkain.
Dinampot ko ang kan'yang cellphone at malakas ko itong binato sa pader.
"Ibalik mo kami sa Manila!" nagsisigaw na saad ko sa kan'ya.
"Hindi puwede. Mas ligtas kayo dito," aniya na tumayo ito at dinampot ang sira-sira niyang cellphone.
"Sa ayaw at gusto mo, aalis kami!" akmang tatalikod na ako mabilis niya akong hinila sa braso.
"Please, Kath. Mas ligtas kayo ng mga bata dito," aniya na hinawakan ang aking mukha.
"Ligtas? Bakit? May bumabalak ba pumatay sa amin? Umpisa na dumating ka sa buhay ko puro kamalasan at kapahamakan ang binibigay mo! Tapos ngayon, ang mga bata madadamay pa dahil sa'yo!"
Nakayuko lang ito. Hindi man lang umiimik.
"Kung mahalaga sa'yo ang mga bata, hayaan mo kami lumayo at mamuhay ng tahimik. Hindi tatahimik ang buhay mo hangga't nakadikit ka pa rin sa mga illegal mong negosyo, Tristan!"
"I'm sorry. Kaya ko kayo protektahan, Kath. Aayusin ko ito, okay?" aniya na niyakap ako ng mahigpit.
Mahina naman akong napatawa. "Hindi kita maintindihan. Pinapaasa mo lang ako. Hindi ko alam kung anong laro na naman ito!"
"Kath?"
"Sino si Eden sa buhay mo? Ano ako sa buhay mo?"
Humarap ito sa akin at tinitigan ako. "M-Mahalaga ka sa buhay ko."
"Hindi iyan ang gusto ko marinig, Tristan. M-Mahal mo ba siya?"
Napabuntonghininga ito. "Ma-."
"Bro?"
Napatingin kami sa pinto. Sila Javi ang dumating. Si Tres nakatitig lang ito sa akin.
"K-Kath, mag-uusap lang kami," Mahinang saad ni Tristan sa akin.
Lumapit naman si Javi sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Aayusin namin ito. Magiging okay din ang lahat," mahinang saad niya.
Tumango lang ako at umakyat na sa silid. Tulog na ang tatlo pagdating ko. Pinatay ko muna ang TV at gumayak na maligo.
Pagkatapos ko naligo, hindi pa rin tapos sila nag-uusap. Lumabas ako ng silid at pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng apat na kape at dinala sa sala. Nakatingin silang lahat habang inaayos ko ang kape sa center table.
Umupo ako sa tabi ni Javi. "Gusto ko malaman ang pinag-uusapan niyo," mahina at diin na saad ko sa kanila.
"K-Kath..ahmm... it's all about our business," aniya naman ni Javi.
Humarap naman ako kay Javi. "Kahit ikaw? Kinukunsinti mo rin si Tristan!"
"Kath, hindi sa ganoon. Alam mong-."
"Shut up! Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko pa kayo!"
Tumayo si Tres at lumapit sa akin. "Kath, ginagawa namin ito para sa kaligtasan niyo."
Mangiyak-ngiyak na umiiling na lang ako. "N-Nagpapagod na rin ako. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman sa'yo, Tristan?"
Tumayo ito at lumapit sa akin. "Gusto mo malaman? Tatanggapin mo pa ba ako pagkatapos mo marinig ang lahat sa akin?" mahinang saad niya habang hinahawakan ang aking mukha.
Dahan-dahan akong tumango.
Hinila niya ako paupo sa kan'yang tabi. Nakahawak ang kan'yang kamay sa aking baywang.
"Kumalas na si Dos sa organization ng Black Market. Buong organisasyon ang humahabol sa kan'ya para patayin siya at panigurado na tiktikan na rin nila ang tungkol sa'yo at sa mga bata," aniya ni Javi sa akin.
"W-What is that?"
"K-Kath, I'm so sorry," aniya sa akin ni Tristan. Nakasubsob ang kan'yang mukha sa aking leeg.
Napabuntonghininga naman si Drake. "Sabihin mo na bro."
"I- I am...a Drug-."
"Stop! A-Alam ko na. Maraming pagkakataon na puwede ka umalis, right? Bakit ngayon mo lang naisipan?" tumayo ako sa harapan niya. "Wala akong pakialam sa organization na sinasabi mo. Umalis ka, o kami ang aalis. Iyan lang solusyon para hindi kami madamay."
Nakanganga silang lahat na nakatingin sa akin.
"K-Kath?"
"Si Eden? Si Nuxen? Di ba pamilya mo rin sila? So, delikado rin ba ang sitwasyon nila?" pang-uuyam ko rito.
Yumuko ito.
"You're a bullshit! Aalis na kami!"
Tumayo ito bigla at hinawakan ang aking braso ng mahigpit. "Kung aalis ka, huwag mo isama ang mga anak ko!" sigaw niya.
Napatayo naman si Tres at hinila ako.
"Bakit iiwan ni Kath ang mga bata. Kahit kaibigan kita, kakalabanin rin kita," seryosong saad ni Tres.
Pumagitna naman si Javi at Drake.
"Kath, kahit hindi ka aalis, kaya ka namin protektahan. Si Ziena, gumagawa rin siya ng paraan," aniya ni Javi.
Hinila ko ang aking kamay at tumakbo paakyat.
"Kath?" tawag ni Tristan habang sinusundan ako.
Sasarado ko na sana ang pinto pero agad naman niya ito napigilan.
"Baby, I'm so sorry. Please."
Humarap naman ako sa kan'ya.
Lumuhod ito sa aking harapan. "N-Nakasangla na ang kaluluwa ko sa Black Market. Oras kumalas ako, papatayin nila ako. Patatayin nila kayo. Kath, gusto ko rin magbago at makasama kayo," humagulhol ito habang nakayuko. "Please, don't leave me. Please." umiiyak na saad niya.
Napapikit naman ako. Nanlalambot akong nakatingin sa luhaang niyang mga mata.
"K-Kath, mahal kita. Mahal na mahal!"
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz