ZingTruyen.Xyz

Serial Charmer

Chapter 56

JFstories

"ISAIAH, BUKAS KA NA UMUWI."


Hinila ko siya papasok sa loob ng gate, sa loob ng bahay, at nagpahila naman siya.


Pagpasok namin ay ini-lock ko agad ang pinto. Walang nag-abala sa amin ng magbukas ng ilaw. Bagaman walang liwanag maski kapiraso, sandali lang ay nasanay ang mga mata namin ni Isaiah sa dilim.


I felt his strong arms wrap around my waist. Tumama rin sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Naghahalong amoy Listerine mouthwash, pepper mint bubble gum, at iced coffee. Wala iyong muffins.


"Bakit ayaw mo akong pauwiin? Anong gagawin natin?" tanong niya sa paos pero buong boses.


I looked up at him despite the fact that I couldn't see him much in the dark. "Tatapusin natin iyong sinimulan natin sa Tagaytay. Mahaba ang gabi, puwede ngayon hanggang Part 3."


Napaungol siya nang humiwalay ako sa kanya. Humabol siya sa akin. "Vi, hindi na ako galit."


Nagpatuloy ako sa paglayo. Kabisado ko ang bahay at kung saan banda nakalagay ang mga gamit kaya kahit madilim ay ayos lang. Si Isaiah na nakasunod sa akin ay ilang ulit mahinang napamura dahil kandabunggo-bunggo siya sa kung saan-saan.


Muntik pa siyang mangudngod dahil tumama yata sa center table ang kanyang tuhod, pero maagap ko siyang naalalayan sa braso. Pagkahawak ko sa kanya ay bigla naman siyang yumakap sa akin.


"Isaiah, wala nang gamit dito," sabi ko sa kanya para bitiwan niya na ako. "Hindi ka na mabubunggo."


Hindi pa rin naman siya bumitiw. "So? E takot ako sa dilim."


Napabuga na lang ako ng hangin. Pagkarating namin sa hagdan ay hindi niya pa rin ako binibitiwan. "Gutom ka ba? Gusto mong kumain muna? Meron ako dito pero mga instant nga lang. Kung gusto mo, puwede kang um-order ng pagkain mo."


"Ikaw, gutom ka?"


"Hindi naman."


"Mamaya na tayo kumain. Hindi pa rin ako gutom." Siya na ang humila sa akin paakyat sa hagdan, na akala mo'y kabisado ang bawat baitang. Ilang ulit tuloy siyang nakantuhan.


Sa aking kuwarto ay bubuksan ko na ang ilaw nang pigilan ni Isaiah ang kamay ko. Tumingala ko sa kanya. Naaaninag ko ang seryoso niyang mukha, dahil kahit walang ilaw ay may kaunting liwanag mula sa labas ng bintana. Lumalagos sa manipis na kurtina ang liwanag mula sa lamppost sa kalsada.


"Vi," maaligasgas ang boses niya. "Nang sinabi mong ginalaw kita habang galit ako, hindi iyon totoo."


Nakatingala lang ako sa kanya.


"Kahit gago ako, hindi ko gagaguhin ang nanay ng anak ko. Aaminin ko, masama talaga ang loob ko kaya kung anu-anong pinagagagawa ko. Pero nang oras na may nangyayari na sa atin, nalimutan ko na lahat ng sama ng loob ko. Kung ayaw mong maniwala, okay lang. Deserve ko iyan."


Naiintindihan ko naman totoo man o hindi. What I didn't want to happen was for me to resent him, or for me even to feel a little bit of hatred towards him.


Ayaw kong madungisan iyong alaala ng Isaiah na iniwan ko noon. Ayaw ko makalimutan iyong Isaiah na nagparamdam sa akin na maganda pa rin ang mundo, na may magmamahal pa rin sa akin, at higit sa lahat, iyong Isaiah na dahilan kung bakit meron akong Vien. Umaasa ako na nandito pa rin siya kahit pa alam kong ibang Isaiah na ngayon ang kaharap ko.


I reached for his cheek and caressed it. I still wanted him despite everything, but I was done being selfish. Iba na rin kami kaysa noon. Sobrang layo na ng agwat namin sa isa't isa at tanggap ko na iyon.


Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Vi, sorry." Nabasag na ang boses niya. "Sorry na..."


"Mag-uusap na ba tayo?"


"A-ayoko." Pumiyok siya. Kahit madilim ay alam ko na puno ngayon ng sakit ang mga mata niya. "Ayoko makipag-usap kasi baka sabihin mo na naman tapos na tayo."


"Sige kung ayaw mong makipag-usap. Iba na lang ang gagawin natin."


Suminghot siya bago nagsalita ulit, "Anong gagawin?"


Hinila ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya. Pinadausdos ko iyon pababa sa laylayan ng suot niyang t-shirt. Napahingal siya nang maramdaman ang aking palad sa kanyang katawan.


Umungol siya, "Vi, hindi pa tayo bati, e."


"Ayaw mo ba?"


"'Di naman sa ganoon."


Ngayong gabi ay nasa kuwarto ko si Isaiah, ngayong gabi kami lang dalawa, at kahit ngayong gabi lang sana, gusto kong pagbigyan ang aking sarili na makasama siya. Ngayon lang. Pangako, ngayon lang talaga.


Hindi ko binigyan si Isaiah ng pagkakataon na mag-isip pa. Nang makapa ko ang garter ng shorts niya ay ipinasok ko roon ang aking mga daliri. Kasama ang briefs niya ay hinila ko iyon pababa. Napadaing siya dahil sumabit sa garter ang naninigas na bagay sa ibaba ng puson niya.


Napasandal siya sa pader ng kuwarto at napahawak sa ulo ko. "Vi, ah shit..." hirap na sambit niya. Para siyang mauubusan ng paghinga.


Tumayo lang ako nang hinang-hina na si Isaiah. Hindi pa ako tuluyang nakakaayos sa pagtayo nang higitin niya ako sa bewang. Pinunasan niya ng laylayan ng kanyang suot na t-shirt ang aking mga labi pagkuwan ay walang habas na siniil niya ako ng halik.


Mainit, malalim, sabik na sabik. Ganito rin ang halik niya noon sa akin nang galawin niya ako sa kuwarto niya. Pero gusto ko nang kalimutan iyon, ang gusto kong maalala ay ang ngayon. Gusto kong matabunan iyong alaala na iyon, at pagkatapos ang alaala na lang na ito ang babaunin ko.


I would savor this night, but I would never forget about the reality. Hindi ko kakalimutan ang malayong agwat namin sa isa't isa. At tuloy pa rin ako pagtatayo sa aking sarili kahit hindi na siya kasama. Pero ngayong gabi, hahayaan ko muna ang mga damdamin namin ang siyang mangibabaw. 


Ginanti ko ang marubdob na halik ni Isaiah. Nakarating kami sa kama. Inihiga niya ako na wala ng suot kahit isa. Kung paano niya ako naalis ang mga damit ko sa dilim ay hindi na ako nagtataka. Pagdating sa ganoon ay ilalaban ko si Isaiah, sa hubaran ay walang tatalo sa kanya.


Inabot ko ang kanyang leeg at pinanggigilang halikan. Tama ako, ang bango niya rito. Ang mga labi ko ay humagod sa kanyang mabangong balat habang niyayakap ko siya. 

Napaungol ako sa pagtutol dahil lumayo siya. Gusto ko pa siyang halikan doon nang bumaba ang mukha niya sa katawan ko. He held my breasts and played with my nipples. I gasped between shallow breaths as the heat surged through my body. 


Katulad ng ginawa ko sa kanya, pinainit ako ng mga labi niya. Bumaba siya sa pagitan ng mga hita ko. Napakapit ako sa balikat niya habang nakaliyad ang aking likod sa kama. "Ah, Isaiah..."


Lalo niyang pinagbutihan. Tuluyan nang napalitan ang alaala ng nangyari sa amin sa bahay nila. Nang umahon siya ay bumalik siya sa ibabaw ko. His body was pressing into mine once more.


I whimpered when I felt the swollen head of his manhood pressing into me. He was now hard again.


"Vi, tingin ka sa akin," he said hoarsely, his voice so deep.


He grabbed my chin to turn my face towards him. He was facing the little light from the window thus I could see the emotion in his eyes. He was about to say something when I covered his lips with my hand.


I didn't want to hear it. Ayaw ko na may masabi siya na kahit ano na puwedeng magpabago sa nabuong pasya ko. Nang bitiwan ko siya ay pumalit naman sa aking mga kamay ang mga labi ko. I kissed him deeply, releasing all the emotions I had in me in that kiss, causing him to moan into my mouth.


Lalong tumigas ang bagay na tumutusok sa akin sa ibaba. Napaliyad ako at inabot iyon para tulungan siya na ipasok, pero sa pagtataka ko ay iniwas niya iyon akin. Lumayo siya sa mga labi ko. "Vi, ayoko..."


Nang dumilat ako ay naaninag ko sa dilim ang kisame ng aking kuwarto. Si Isaiah ay sumubsob sa aking dibdib at niyakap ako nang mahigpit. Sumunod kong narinig ang mahinang mga hikbi niya. Nabasa na ang dibdib ko.


Pinaayos ko siya sa pagkakahiga at magkaharap kami na nahiga sa kama. Inabot ko ang kumot sa gilid at pinunasan ko ang kanyang pisngi. "Sige na, hindi na," alo ko sa kanya.


Niyakap niya ulit ako nang mahigpit. Sa leeg ko siya sumubsob. Nararamdaman ko pa rin ang impit na mga hikbi niya.


Niyakap ko siya sa ulo habang hinahaplos ang buhok niya. "Tahan na, hindi na..."


Hindi ko na matandaan kung anong oras na at kung sino ang unang nakatulog sa aming dalawa. Ang alam ko lang ay nakatulog kami na kuntento habang mahigpit na yakap ang isa't isa. Ang nagdaang gabi ay nakapagtataka na naging payapa.



KOMPLETONG PAHINGA. Iyon ang pakiramdam ko nang magising noong umaga. Bumangon ako at nilingon si Isaiah na nakadapa sa kama. Malalim pa ang paghinga niya.


Inunahan ko ang aking alarm sa pagri-ring sa 5:30 a.m. Gusto kong makapagpahinga pa si Isaiah kaya hindi ko muna siya gigisingin. Wala siyang kumot kaya kinumutan ko ang ibabang bahagi ng katawan niya bago ko siya iniwan sa kama.


Tumayo ako at dinampot ang mga nahubad na damit namin sa sahig. Ang akin ay inilagay ko sa marumihan. Ang kay Isaiah ay tinupi ko sa tabi niya para kapag gumising siya mamaya. Pinunasan ko naman ng wet wipes ang natuyong likido sa sahig banda sa pader na katabi ng pinto.


Bitbit ang tuwalya at bihisang damit ay bumaba na ako sa banyo sa kusina. Doon ako maliligo. Maikli man ang tulog ko pero para sa akin ay kompleto na iyon. Kaysa nang mga nakaraang araw, mas magaan ngayon ang aking katawan.


Shorts at t-shirt ang suot ko pagkalabas sa banyo. Nag-init ako ng tubig sa takure bago lumabas para bumili ng pandesal at kape sa kanto.


Pagbalik ay kumukulo na ang mainit na tubig. Sinalin ko iyon sa thermos. Nag-almusal ako at ang natirang pandesal ay iniwan ko sa mesa. Naroon din ang mainit na tubig sa thermos. Nagligpit ako nang kaunti sa sala at pagkuwa'y nanahi na.


Bandang 9:00 a.m. nang bumaba si Isaiah sa hagdan. Nakadamit na. Iyong damit niya kagabi. Light pink na shirt at white jersey shorts. Magulo pa ang buhok niya pero mukhang nakapagmumog at hilamos na siya sa lababo sa banyo sa kuwarto.


"May pandesal at mainit na tubig sa thermos diyan sa kusina. Mag-almusal ka muna," sabi ko sa kanya.


Wala siyang kibo na pumunta sa kusina. Mayamaya ay may dala na siyang mug na umuusok. Ang bibig niya ay may nginunguya na at may hawak pa siyang isa pang pandesal sa isang kamay niya. Naupo siya sa sofa habang pinapanood ako sa pananahi.


Nang maubos niya ang pandesal ay humigop siya sa mug. Hindi siya nag-aalis ng paningin sa akin. Saglit lang ay narinig ko ang boses niya. "Mahirap ba?"


Ang tinutukoy niya ay ang pananahi? Tumango ako. "Wala namang madaling trabaho."


Inilapag niya sa center table ang mug at pinagpagan ang kamay niya. Lumapit siya sa akin at malapitan na pinanood ko sa aking ginagawa.


"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong niya ulit.


"Sakto lang."


"'Wag ka nang manahi," mahinang sabi niya na halos muntik ko nang hindi marinig.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa shorts na nakasalang. Naulinigan ko ang sinabi niya subalit nagpanggap ako na wala akong narinig dahil sa lakas ng tunog ng makina.


"Oy, Vi..." tawag niya.


Patuloy pa rin ako sa pananahi.


"Vi, 'wag ka nang manahi. Uwi ka na..."


Doon ako tumigil. Tumigil din ang ugong ng makina. "Tapos ka na bang mag-almusal?"


"Vi, uwi ka na. Hindi na ako galit."


Tiningala ko siya mula sa aking pagkakaupo. "Kung tapos ka nang mag-almusal, umuwi ka na. Nag-text na sa akin ang mama mo kanina, hinahanap ka na niya."


"Oy, teka nga." Nagsalubong ang mga kilay niya. Nakikita ko sa kanya ang mukha ni Vien kapag nagta-tantrums ang bata. "Tagal ko nang napapansin, bakit pala ganyan na ang tawag mo kay Mama?!" 


"Dahil gusto kong lumugar," malumanay na sagot ko sa kanya.


"Sobra ba kitang nasaktan? Bakit pati mga magulang ko, itinatakwil mo na?!"


May kumatok sa pinto kaya napahinto siya. Gigil na napaungol siya nang makita kung sino ito. Si Eli ang nakatayo sa labas ng screendoor. Hindi ko nga lang maaninag nang maayos ang ekspresyon nito.


Tumaas ang sulok ng labi ni Isaiah sa akin. May tunog pa ang pag-ismid niya nang puntahan ang pinto para pagbuksan si Eli. Malamig na ang mga mata niya nang balikan ako. "Vi, ang aga-aga, may bisita ka!"


Pagpasok ni Eli ay doon ko nakita nang malinaw ang seryosong ekspresyon sa mukha nito. Nakita na nito marahil kanina pa ang kotse ni Isaiah sa tapat ng gate. Gayunpaman, hindi ito nagtanong.


Deretso ang tingin ni Eli sa akin nang magsalita, "Vi, pinapasabi lang ni Mama na may bagsak na bagong tahi. Kung gusto mo raw kumuha."


"Sige, Eli. Pupunta na lang ako kamo ako mamaya."


"Matatapos mo raw ba iyong mga naiwang shorts sa 'yo ngayon?"


"Oo. Tinatapos ko na. Kaunti na lang ito. Makakahabol ito sa hapon."


"Okay. Sasabihin ko kay Mama na matatapos mo ngayon. Inaalala niya kasi baka hindi." Pagkuwan ay makahulugang sumulyap siya kay Isaiah.


I heard Isaiah clicked his tongue. Nang lumingon ako sa kanya ay nakangiti siya. Bigla akong kinabahan.


Tama nga ako sa kaba ko. Lumakad siya palapit sa akin at sa gulat ko ay bigla niya akong yakapin sa bewang. "Alis na muna ako para makapagtahi ka."


In my peripheral vision, I saw Eli gritting his teeth.


It didn't end there. Bago ako bitiwan ni Isaiah ay ninakawan niya ako ng halik sa pisngi, iyong malapit sa gilid ng aking mga labi. Tigagal ako na napatingala sa kanya.


Parang wala si Eli sa paligid dahil nasa akin lang ang atensyon niya. Binitiwan niya na ako at tinungo na ang pinto. Bago tuluyang lumabas ay matamis niya pa akong nginitian. "Bye, boo. I love you."


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz