ZingTruyen.Xyz

Savaged

Chapter 8

JFstories

DID I HEAR IT RIGHT? Dipen wasn't really dead?


He was just under the influence of zombie tablets. Isang klase raw ng droga sabi ni Zantha. Kamuntik na akong matumba mula sa aking pagkakatayo. Ilang beses akong napatitig sa gwapong mukha ni Dipen, at pagkatapos ay kay Zantha.


Hindi ako makapaniwala. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. All this time, I believed that he was dead. Gusto kong magalit pero may tuwa sa isip ko. Gusto kong umiyak ngunit maligaya ang puso ko.


Pero paanong nangyari na buhay pa nga si Dipen? It had been so many days already. Hindi na dumadaloy ang dugo sa katawan niya dahil hindi na tumitibok ang puso niya.


Pero bakit din hindi pa nade-decompose ang katawan niya? At mainit pa rin siya? So maybe Zantha is right. Buhay pa siya. Buhay pa si Dipen Psyche Saavedra. Hindi ako nababaliw. But what kind of drugs was that? Iyong droga na dahilan kung bakit mistulang patay ang lalaking ito ngayon?


"'You okay?" Zantha asked.


"Are you certain?" Tiningnan ko siya.


"Actually, that's all I know. Ginagamit nila ang drugs na ito para makapagdeport ng mga droga na nasa katawan ng tao. Besides, supplier ang Daddy ko sa isang community na may pekeng relihiyon."


"Pero anong kinalaman ni Dipsy?"


"Hindi ko rin alam. But all I know that my father wants him dead. Maybe Dipsy is chasing them."


"Why would he chase your father?"


Napatingin kami sa katawan ni Dipsy. "Do you know who he really is?"


"He's Montemayor and Saavedra. In one. A crossbreed." Gusto kong matawa sa huli kong sinabi.


Si Zantha ang natawa. Umikot pa ang bilog sa mga mata niya. "Lakas makahayup ng sinabi mo, Kia. Sabagay, hayup naman talaga sa kaguwapuhan at kakisigan ang dalawang angkang binanggit mo."


"I am serious, bitch."


"All right." Sumeryoso siya ulit. "Well, baka may atraso siya sa father ko, or maybe..."


"Maybe what?" Nabibitin kong tanong. Gusto ko ng sabunutan si Zantha.


"May atraso siya."


Tumikwas ang kilay ko. Pinaglolo-loko ba ako ng babaeng ito?


"Chill." Sumimangot si Zantha. "I mean... may atraso nga siya kay Daddy. At isa lang ang puwedeng dahilan ng atraso niya."


Bigla kaming nagkatinginan ni Zantha.


"Dipsy's some kind of special agent."

"Special agent..." ninamnam ko sa mga labi ko ang salitang iyon. "He's a Phoenix. A Damned Phoenix."


Doon bumalik ang paningin ko sa lalaking wala pa ring malay. Hinawi ko ang bahagyang buhok na nakaharang sa mukha niya. Talagang nagbago na siya, mula sa pagiging nerd noon, lampa at payatot noong high school kami, ngayon ay parte na si Dipen ng isa sa mga top notch security agency sa bansa. Ang Saavedra Phoenixes. Ang ahensiyang alam kong kinabibilangan din ng pinsan kong si Quiro.


May maliit na ngiti na gumuhit sa labi ko.


...


TINUTUKAN KO ng baril si Dipen sa ulo. Pinarinig ko sa kanya ang aking pagkasa para alam niya na babarilin ko siya. "Play time is over, Dipsy. Alam kong hindi ka talaga bangkay."


Pero wala pa rin siyang malay. Kanina ay sinuntok ko na siya sa sikmura pero parang hindi siya naapektuhan.


Dinala ko muna siya dito sa isang tagong hotel. Bilin sa akin ni Zantha na magtago muna kami habang nag-iisip siya kung paano itatapon ang katawan ni Dipen.


Zantha's father was a drug lord. Of course, alam ko kung ano ang kayang gawin ng isang drug lord. My grandpa was a drug lord, too. A mafia lord. Pero hindi ko pwedeng idamay si grandpa sa gusot na ito. Bukod sa clan war ay iniiwasan ko rin na maungkat na naman ang pagiging involved ng angkan namin sa droga.


"Come on, Dipen! We're done here! I'm done with you! Ayoko na! Tapusin na natin 'to!" bulyaw ko sa wala pa ring malay na katawan niya.


Subalit kahit paggalaw ng kanyang pilik-mata ay wala akong nakita.


"Damn!" sigaw ko. "I swear to you, babarilin talaga kita!"


Ngunit tulad kanina ay wala pa rin siyang imik.


Kinapa ko ang pulso niya at ganun pa rin, wala akong maramdaman. Ganoon din ang kanyang puso, wala akong marinig na tibok.


Totoo kaya ang sinasabi ni Zantha? Na may ganun talagang klase ng drugs na posibleng ininum ni Dipen?


Tumunog ang aking cellphone at agad ko iyong sinagot.


"Kia, where are you? Meet me in 5th Street!" utos niya na parang may humahabol sa kanya.


"Anong nangyayari?"


"We're being tracked. They know where you are."


"What?! Hindi ko maintindihan!"


"Kia, you're in danger! You have to dump his body! Umalis ka na dyan!"


"I can't do that!"


"Why not?! Gusto mo bang madamay?!"


"I can't leave him."


"Yes, you can. Or else you're gonna die tonight."


Hindi na ako nakasagot. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"Kia, are you still there?"


"Y-yes..."


"Listen to me carefully." Nanginginig na rin ang boses ni Zantha. "You're young, you're beautiful. Sayang naman ang buhay mo kung mamatay ka lang sa isang taong hindi natin alam kung patay na ba o buhay pa. Leave him now! Save yourself! Magkita tayo sa–"


"No!" Hindi ko na siya pinatapos.


"Kia, mag-isip ka naman. Kahit minsan lang, please!"


"Nakapag-isip na ko." Hinalikan ko ang makinis na pisngi ni Dipen. "Hindi ko siya iiwan..."


"Shit!" bulong ni Zantha.


"Mamatay muna ako bago nila mahawakan ang katawan ni Dipen."


"Mahal mo ba siya–"


"Oo! Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya!" sigaw ko sa gitna ng aking pagluha. "I don't effin' care if he's already dead. Ang alam ko lang ay ayokong mawala siya sa akin. Ang alam ko lang ay hindi ko kayang magkahiwalay kami..."


"You're really crazy..."


"Siguro nga baliw ako. Pero ganun talaga..."


"You're gonna die..."


"I know. Pakisabi na lang sa parents ko ang lahat."


Narinig kong napabuntong-hininga siya.


"Goodbye, Zantha."


Napahalakhak siya. "You, bitch. Where are you?"


"Huh?"


"Nasaan ka at pupuntahan kita!"


"Pero–"


"Tutulungan kitang magbuhat. Mabigat si Dipsy. Itatakas natin siya."


"But–"


"This is a suicide, you know that. And you owe me so much for this!"


Napangiti ako habang nagpupunas ng luha. "I love you, bitch..."


...


"WHAT'S THIS?" Tanong ko kay Zantha matapos niyang iabot sa akin ang isang maliit na medicine box. Sa loob niyon ay may dalawang injection.


"It's adrenaline," sagot niya sabay silip sa kurtina ng bintana. "We need to move fast. I think I'm being followed."


"A-anong gagawin ko rito?"


"I-inject mo sa kanya."


Nanlaki ang mga mata ko. "Seriously?"


"Yes. That's the only way para magising siya." Bumaling siya kay Dipen. "If the drugs contain verapamil or diltiazem, that's the only way."


Pansamantalang huminto ang pag-inog ng mundo ko. Was everything real? Na babangon si Dipen once na mai-inject ko ito sa kanya? Na buhay talaga siya at nasa ilalim lang ng isang drugs?


Nanginig ako bigla. Lumakas ang tibok ng puso ko na para bang katapusan ko na.


"I wish I knew what you're talking."


Inagaw niya sa akin ang injection at siya na ang nagturok kay Dipen. "We're running out of time, you know that."


Napalunok ako nang mariin. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung handa na akong makita siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Pero huli na ang lahat. Naiturok na ni Zantha ang Adrenaline. Any moment ay babangon na siya. Anumang sandali ay gising na siya.


"Fuck!" usal ni Zantha.


"Bakit?"


"He should be awake by now. What the hell is happening?"


Nanlumo ako. Anong ibig niyang sabihin, na palpak ang lahat? Na mali ang espekulasyon niya? Nanghihina akong lumapit sa katawan ni Dipen. "Bakit wala pa rin siyang malay? Bakit hindi pa rin siya nagigising?"


"I-I don't know, Kia..."


Nag-umpisa nang pumatak ang mga luha ko.


Biglang may sumipa sa aming pinto. Napatalon ako sa gulat dahil napakalakas niyon.


"Shit!" hiyaw ni Zantha. "Please tell me that you have a fire exit!"


"Meron!"


Dali naming pinagtulungang buhatin si Dipen. Hinala namin siya patungo sa likod na pinto. Inabot sa akin ni Zantha ang isa pang injection. "Go! I-inject mo ito sa kanya kapag nakakuha ka ng pagkakataon!"


"Pero–"


Biglang may humablot kay Zantha. Wala akong nagawa dahil hawak ko si Dipen. Mabilis kong hinugot ang aking baril subalit nabitawan ko ito. Nalaglag ito sa hagdan hanggang sa ibaba.


"Go!" sigaw ni Zantha sa amin habang may nakahablot sa kanyang malaking lalaki.


Halos gumulong kaming dalawa ni Dipen pababa ng hagdan. Hindi nagtagal ay nalaglag kami na sa tancha ko ay isang palapag ang taas. Nabitawan ko siya at humiwalay siya sa akin. Nalaglag siya sa kalsada, at samantalang ako ay nalaglag sa malaking garbage can.


Hirap mang makatayo ay sinikap kong umalis sa kinabagsakan kong mga plastic. Hinagilap ko agad si Dipen. Madali ko siyang natagpuan subalit nahagip din ng paningin ko ang mabilis na pagbaba ng ilang mga lalaking nakaitim. Ang bawat isa sa kanila ay may dalang handgun.


Nagmadali akong bumangon kahit masakit ang aking balakang. Nilapitan ko agad si Dipen at mabilis na itinurok sa kanyang leeg Adrenaline na ibinigay sa akin Zantha. Ito na ang huli. Kapag hindi pa siya nagising ay lagot na kami.


Subalit dalawang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nangyari. Katulad niyong una ay wala pa rin siyang malay. Wala ni isang muscle niya ang gumalaw.


Luminga ako sa paligid at nakita ko ang aking baril. Kinuha ko ito at akmang itututok sana sa mga kalaban ngunit may sumipa sa aking kamay sanhi para mabitawan ko ito ulit. Tumalsik ito sa kung saan. Kaharap ko na pala ang isang lalaking nakaitim.


Noong una ay nasindak ako. Pero kapag iniisip ko na papatayin nila si Dipen ay kusang kumikilos ang katawan ko. Sinubukan kong lumaban at nagtagumpay ako. 


Sinuntok ko sa betlog ang isa dahilan para matumba ito. Ngunit nasipa ako niyong isa kaya tumilapon ako.


Halos mahilo ako sa lakas ng sipa nito. Tiningnan ko ang mukha ng lalaki nang sakalin ako nito pataas. Hindi ako makahinga dahil napakalakas nito. Mukhang sanay sa bakbakan ang mga ito. They looked like they were trained for this.


Gusto ko siyang sikmuraan pero hindi ko kaya. Nanghihina na ako. pero kusa pa ring lumalaban ang aking katawan.


Katapusan ko na ba? Siguro nga. Halos nanlalabo na rin ang aking mga mata. Pero ayokong sumuko. Ayokong mamatay si Dipen nang walang kalaban-laban.


Ilang sandali pa'y natumba ang lalaking sumasakal sa akin. Napasalampak ako sa pader habang habol ko ang aking paghinga.


Did I hit him? Pero wala akong maalala. Hindi ko matandaan kung nabayagan ko ba siya.


Sa muling pagdilat ko ay may nakita pa akong tumitilapon sa pader. Mayroong ibinabaligtad sa ere at ang isa namang lalaki ay binalian ng leeg.


Ganoon na lang ay pagyanig ng aking katawan. Kasabay nito ang panlalaki ng aking mga mata. There's a guy standing in front of me. Hindi ko alam kung paano niya pinatumba ang tatlong lalaki. Basta ang alam ko lang ay napatanga ako. Naestatawa ako habang nakatitig ako sa kanya.


"D-Dipen..." usal ko.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz