ZingTruyen.Xyz

Savaged

Chapter 7

JFstories

IT'S EMPTY!


The gun was empty! Ang baril na ginamit ni daddy ay walang bala. Kamuntik na akong mabuwal sa pagkakatayo. Akala ko, sumabog na ang ulo ni Dipen pero hindi nangyari. Thank God! 


"Pabebe ko!" saway ni Mommy. Nakapamewang siyang nakasimangot kay Daddy.


Oh, come on! Pabebe ko? Hindi pa rin pala natatapos ang endearment nilang ito? Gosh, ang tatanda na nila!


"I was just kidding." Tugon ni Daddy nang hindi nililingon si Mommy. Pinaikot niya ang baril sa daliri bago niya iyon isinuksok sa kanyang tagiliran. Bumaling siya sa akin. "Take your boyfriend and your friend upstairs."


Para akong robot na kusang kumilos ang aking katawan.


Sinalubong naman ako ni Grandpa Ybarra at hinagkan sa noo. "Happy birthday sa apo kong manang-mana sa akin. Ibinili nga pala kita ng bagong yacht, iyong may kanyon sa itaas."


Tumango lang ako dahil tila namamanhid pa ang aking katawan.


Nilapitan ako ni Mommy at hinalikan sa pisngi. "Napakasaya ko at lumaki kang isang mabuting bata. Ang regalo ko sa'yo ay peace of mind. Hindi kita dadalawin sa condo mo."


Tumango lang ako ulit. Itinulak ko ang wheelchair ni Dipen patungo sa elevator ng mansion namin. Patakbong sumunod sa akin si Zantha. Lumalagutok pa sa sahig ang takong ng stiletto niya.


Papasok na kami ng elevator nang magsalita muli si Daddy. "Happy birthday, baby." Nilingon niya ako. "You look horrible today."


Tigagal lang ako sa kanya. Nakikita-kita ko na ang sarili ko, mukha na siguro akong bruha. At ang ganitong itsura ang gustong-gusto ng daddy ko.


"Party will start shortly." Pahabol ni Mommy. "Inimbita ko lahat ng kaklase mo since nursery! Mag-eenjoy ka, baby, I am sure of that!"


Hangggang sa nagsara na ang elevator. Walang imik si Zantha sa tabi na hindi pa rin yata makapaniwala sa klase ng pamilyang meron ako.


...


"DUMP the body, Kia!" singhal sa akin ni Zantha.


Katatapos lang ng party nang gabing iyon. As usual, parang hindi ko naman kasama ang family ko. May mga kausap silang business partners na hindi ko naman kilala.


At ang mga bisita ko? Well, lahat sila ay mukhang hindi rin in-enjoy ang party ko. Kanya-kanya silang mundo, at ni wala man lang nagtangkang lapitan ako para batiin man lang. Hindi ko maintindihan kung ipinakidnap lang ba sila nina Mommy o kaya ay tinakot para um-attend or what. At wala rin naman akong pakialam sa kanilang lahat.


Ito ang pinakaayaw ko tuwing sasapit ang kaarawan ko.


"Kia, are you listening?!" untag sa akin ni Zantha.


"Ano nga ulit?"


"Sabi ko, idispatsa na natin si Dipen Psyche! That's the only way to make yourself free from this." Huminto siya sa kalalakad sa aking harapan at lumapit sa akin. Lumuhod siya dahil nakaupo ako at iniangat niya ang nakayuko kong mukha. "Dump the body."


Napalunok ako. Dump Dipen? Kaya ko ba?


Napansin niya ang pag-aalinlangan sa aking mga mata. "Oh, no, you're not." Sabay tayo niya nang mabilis at tinalikuran ako.


"What?!"


"You're in love with him, aren't you?" Humarap muli siya sa akin. Naglalangis na ang mascara niya.


Nag-init ang pisngi ko.


"God, Kia! He's dead!"


"N-no... Of course not..." Lumikot ang mga mata ko.


"Damn you, for denying it!"


"Zantha, please!"


Humalukipkip siya.


"I'm not that crazy to fall in love with a dead, okay?!" Pero bakit pati ako ay nasisintunaduhan sa sinabi ko.


"I believe in you." Lumapit muli siya sa akin ay hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. "You're not in love with him, so let's dump the body."


Matagal ako bago nakatugon. "Okay."


"Good." She smiled. "I'll help you."


"But first..." bumaling ako sa kama na kinahihigaan ni Dipsy. Hayun siya at tila anghel na mahimbing na natutulog. Kasalukuyan kaming nandito sa aking bedroom. "Gusto ko munang mapag-isa na kasama siya."


Itinulak ko palabas ng kwarto si Zantha. Isasara ko sana ang pinto nang ikalang niya ang kanyang kamay.


"Kia!" Nanlaki ang mga mata niya.


"Just... please give us a minute..."


Umikot ang bilog ng mga mata niya.


"We... We just need to be alone...even for the last time."


"Can I join?" sigaw ni Zantha nang maisara ko na ang pinto.


"Absolutely, no," sagot ko. Alone nga, e. Ano kayang hindi niya maintindihan doon? May pinag-aralan naman siya, med pa, pero sablay talaga siya sa mas maraming bagay.


...


THAT WAS THE longest day of my life. Well, I have lots of 'longest day in my life', but this one was different. Para kasing ang bagal ng oras. Para kasing hinihila ako pabalik.


Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakasandal sa balikat ni Dipen. Nakasandal siya sa passenger seat habang ako ay nagmumuni-muni.


Ibinabalik ko sa aking alaala kung saan ba nagsimula ang lahat. Kung paano kami muling nagkita, at kung kailan ko siya huling nakita.


Maybe Zantha was right that I was falling with this dead man. Siguro din ay baliw na talaga ako. 


Ilang sadali pa'y tumunog na ang aking cellphone. It's Zantha. Sinagot ko.


"Matagal pa ba yan?"


"Just a minute. May inaayos lang ako dito." Pagdadahilan ko.


"I'm just few blocks away. Bilisan mo at baka may makapansin pa sa inyo sa sasakyan na yan."


We were on a car. An unregistered car. No one knew about this car. Basta ang plano ay iwan dito ang bangkay ni Dipen. Bahala na. Pero kung magkakagipitan, ipapaliwanag ko na lang talaga kina daddy and mommy. 


And to Quiro, I must call him after I dumped Dipen's body. I should tell him everything. Dipen needed a proper burial. He deserved it.


And me? Well, I deserved to be a suspect. The clans of Montemayors and Saavedras will hunt me down, so I'm gonna hide...forever. Ayoko ng war. At ayokong idawit ang buong Montenegro.


Zantha did not know about this plan—my own plan. Ang alam lang niya ay palalabasin naming natagpuang patay si Dipen sa isang sasakyang walang pagkakakilanlan and that was bullshit. Bobita kasi si Zantha pagdating sa pagpaplano. Ang ikinatalino ng babaeng iyong sa medicine ay ikinaboba niya talaga sa ibang bagay. Hindi man lang niya naisip ang tungkol kina Quiro at sa parents ko who witnessed that Dipen was with me.


Maya-maya pa'y bumaba na ako ng sasakyan. Pinagmasdan ko muna nang mabuti si Dipen bago ko iyon ginawa. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito.


Napakalakas ng tibok ng puso ko. Naglakad ako palayo sa kotse upang tanawin kung saan naroon si Zantha. Nakita ko siyang nakasandal sa puting Benz.


Pikit mata akong naglakad papunta sa kanya. Ipinagbukas niya ako ng pinto at saka siya lumulan sa driver seat. Pagpasok ko sa kanyang sasakyan ay binuhay niya agad ang makina.


"Let's go." Pagkuwan ay pinaandar na niya ang kotse. "We need to leave."


Blangko ang isip ko. Hindi ko alam kung saan lumilipad ito. Para bang napakabagal ng galaw ng paligid. Pakiramdam ko ay may mali sa akin.


"Kia, what's wrong?" tanong sa akin ni Zantha. I just heard her voice na tila ba kanina pa siya nagsasalita.


"W-wala."


"Are you serious? You're crying."


"Huh?" Kinapa ko agad ang aking pisngi. Naramdaman ko nga na basa sa aking mukha.


Napapailing si Zantha habang nagmamaneho. May mga sinasabi siya pero hindi ko na naririnig.


What now, Kia? Think! Ano ang gagawin ko? Habang lumalayo ang sinasakyan namin sa kotseng kinalulunan ni Dipen ay bumibigat ang dibdib ko.


"Stop!" bigla ay nasabi ko.


"What?" Iritableng lumingon sa akin si Zantha. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.


"Just pull over!" hiyaw ko sa kanya.


Inihinto niya ang sasakyan ay inihimpil sa tabi ng madilim na daan. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at patakbong bumalik sa kinaroroonan ni Dipen.


Narinig ko ang boses ni Zantha pero hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin.


Wala ng ibang mahalaga sa akin ngayon kundi si Dipen. Wala ng mas importante ngayon kundi ang makasama ko siya muli.


Eh, ano kung patay na siya. Wala akong pakialam kung bangkay lang siya. Itatabi ko siya, aalagaan. Kung pwede sana ay pakakasalan.


Wala na akong pakialam sa kuya niyang si Leonardo. Tanggap ko ng nabulag lang ako sa pantasiyang makukuha ko ang lalaking iyon. Pero ngayon ay higit pa sa sapat ang nasa akin. Dahil nasa akin ngayon si Dipen Psyche Saavedra. At wala akong pakialam kahit patay na siya o kahit tuluyan na akong mabaliw.


Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, kahit wala siyang buhay, ay may namuo ng espasyo dito sa puso ko para sa kanya. Hindi pa kompirmado kung ano ito. Basta ang alam ko lang ay hindi ko kayang malayo sa kanya.


Siya lang ang tanging tao na nagtagal sa akin. At ayaw kong mawala siya. Buo na ang pasiya ko, hindi ko siya iiwan dito.


Nang makalapit ako sa kotse kung saan naroon siya ay binuksan ko ito. There he was—walang malay. O mas tamang sabihin na walang buhay.


Niyakap ko siya na para bang ngayon lang ulit kami nagkita. Kasabay nito ang hindi maampat na mga luha mula sa aking mga mata.


I can't let him go, hindi ko talaga kaya.


"I-I'm sorry, hindi na. H-hindi na kita iiwan, hindi na..." I cried.


Hinagkan ko nang ilang beses ang kanyang gwapong mukha. If only he's alive, maybe he could feel how much regret I felt right now.


He was all alone here at walang kalaban-laban, but I planned to leave him? Pathetic! Bakit ko hinayaan ang sarili ko na maging duwag?


Nagulat ako nang may biglang humila sa akin mula sa labas ng kotse. Nagulat ako nang makita ang mukha ni Zantha na pawis na pawis.


Nasundan niya pala ako.


"What the hell, Kia? You know I'm trying to save your ass!" Bulyaw niya sa akin.


"I know." Nilingon ko siya. "And you're a good friend for doing that." Pagkasabi ay bumaling ako kay Dipen. "But this one is different. He needs me, I need him."


"Need him for what?! To fuck with?!" hinawakan niya ako sa braso. "Kung kailangan mo lang pala ng FUBU, eh di sana 'dun ka na sa buhay! Doon sa gumagalaw pa!" napabaling din siya kay Dipen. "Hindi iyang titi lang ang buhay."


"Damn you, bitch!" Sinapak ko siya sanhi para pumutok ang nguso niya. "Hindi mo naiintindihan!"


"Ikaw ang hindi nakakaintindi!" Duguan ang nguso na tiningnan niya ako nang masama. "I want to save you, Kia, kahit gaga ka. Kahit nakakainis ang ugali mo ay kaibigan pa rin kita! I want to save you!"


"If you're saving me from Montemeyors and Saavedras, no need. I can handle their wrath-"


"Not from them, moron." Malungkot siyang umiling.


"Eh kanino, sa daddy ko? Sa mommy ko?!"


Umiling siya.


Nangunot ang noo ko.


"From my father."


Napatigagal ako. "What the heck?"


Lumamlam ang kanyang mga mata. "I'm sorry for not telling you this from the beginning."


Nakatanga lang ako sa kanya.


Tumulo na ang mga luha ni Zantha habang nanginginig siya. Hulas na ang makeup sa kanyang mukha. "Nakialam ako sa mga papers ng daddy ko, and I discovered something confidential."


"I don't get it..."


"Matalino ka, Kia. Higit kang mas matalino sa akin, pero bakit hindi mo agad napansin? Hindi mo ba nakikita na parang hindi naman patay ang kasama mo? Mainit pa rin siya, hindi naaagnas, at higit sa lahat ay mabango pa rin. Isa lang ang ibig sabihin n'on..."


"What the hell, Zantha?!" Huminto ang pagtibok ng puso ko. "Will you please stop beating around the bushes!"


"My father wants Dipen Psyche Saavedra dead."


"But he's already dead..." naguguluhang sambit ko. Saka anong kinalaman ng daddy ni Zantha kay Dipen?


"Dipsy is not totally dead..."


"Nababaliw ka na..."


"Ikaw ang nababaliw, Kia. Bakit hindi mo magawang unawain ang katotohanan? Masyado ka ng nagpalamon sa kabaliwan mo kaya hindi mo makita ang totoo! Hindi pa patay si Dipsy! At iyon mismo ang nabasa ko sa files ng daddy ko!"


"Your daddy? Anong kinalaman niya rito?"


Lalong nanginig si Zantha. "My daddy... he's a drug lord. At isa sa mga droga na pinapaikot ngayon ng daddy ko ay ang zombie pills."


"Zombie pills? What?!"


"Dipsy's not really dead, Kia. He was just under with this drugs..."


Nang lingunin ko si Dipsy ay ganoon na lang ang panlalamig ko nang makitang gumalaw ang mahahaba niyang pilik-mata.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz