Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 29
Kabanata 29
"REEV? Kumusta? Maayos naman ba si baby natin?" Napangisi 'ko sa taranta ni Caspian sa pagsalubong sa 'kin pagkalabas ko sa OB-GYN clinic.
"Hmm, healthy." I smiled.
"Really? Ano raw sabi ng doktor, babe? May bawal ba sa 'yong pagkain?"
"Wala naman, iwas lang sa stress. So far, so good si baby..."
He pouted, hinaplos niya ang bilugan kong tiyan at umakbay habang naglalakad kami.
"Bakit kasi bawal ako pumasok sa loob?" ungot niya.
"Basta." I laughed. Inilagay ko ang kamay ko sa baywang niya at tumingkayad para halikan ng pahapyaw ang labi niya. "Secret,"
"Anong gender ba, Reev? Para bibili na ako ng gamit niya. Tapos na kasi 'yong kwarto, gamit na lang–"
"Wala namang ginawang kwarto sa condo mo, huh?" I asked. He paused, chuckling nervously.
"Secret, Reev," ganti niya.
"Oh? Secret, huh?" Tumaas ang kilay ko.
"Yes." He grinned. "Kung may secret ka, secret rin 'yong akin."
Ngumisi ako at nagkibit-balikat sa kanya.
"Basta magugulat ka sa gender ng anak mo," I said, hinting him with the truth.
"Girl?" He guessed.
"Hmm," I grinned and shrugged.
"Boy?" Hula pa niya ulit.
"Hmm," I answered again and shrugged.
"Hmm," ginaya niya akong magkibit-balikat at sumimangot bago tumalim ang tingin sa akin.
"Luh? Si Reev, bida-bida!" He snorted. "Ganda ka, Reev? Ganda ka?"
Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi siya't tumawatawang yumakap.
"S'yempre, maganda ang Reev ko." Hirit niya. "At bida-bida ka kasi bida ka sa puso ko."
Kinurot ko na.
"Ikaw, bida-bida ka ba?"
"Kasi bida ang saya sa akin?"
"Hindi, di 'yon pick up line, sinu-sure ko lang kung bida-bida ka," I hummed.
His lips parted. Umirap ako at nag-walk out. Sumigaw-sigaw na naman siyang parang tanga roon at humabol.
"Babe ko! H'wag mo 'kong iwan!" He screamed and caught me. "Bakit mo ako sinasaktan, Reev? Ang sakit ng heart ko," ma-drama niyang sabi at humawak sa dibdib niya.
"Bida-bida, a? Sige, sa sofa ka matutulog mamaya, break na tayo," asar ko.
However, my smile vanished when I realized his eyes were watery.
"Cas?!" I gasped. "Why are you..."
"H'wag ka makipag-break sa akin, Reev," he begged. Napakurap naman ako at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya.
"H-hoy..." I cupped his cheek. "Why are you so emotional? Ikaw ba ang buntis?"
Ngumuso siya at napahawak sa tiyan niya.
"P-p'wede ba 'yon, Reev?" He stared at his stomach.
"Hay naku," I grunted. Iniangat ko ang mukha niya para punasan ang luha niya. "Hindi ako makikipag-break, I'm just joking."
"Really?" He sighed and pulled me softly for a warm hug. "Don't joke with that, Reev. I'm honestly scared."
"Hindi kita iiwan," masuyong sabi ko. "I'm sorry, I won't joke about that again."
"Thank you..." he breathed. "I love you pero... baka nga buntis ako?"
Nahulog ang mukha ko sa balikat niya. Tumawa siya.
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
WE went to his family's mansion after. It was a disaster when I got inside. In the living room, I saw his cousins sitting on the couch and making fun of something with Zirena and Warrion there.
Pagsulyap ko naman sa kusina ay nailing pagkakita kay Tito Arthur at Daddy na hinahabol ang anak kong makulit.
"Habol! Lolo!" Sirius screamed. Bumitaw ako kay Caspian at pumasok sa kusina at naabutang tuwang-tuwa si Tita Tess sa apo niya.
"Go, Sirius! Pagurin mo ang mga matandang 'yan!" Tita exclaimed happily.
"Tess!" Tito Arthur exclaimed.
"Come on, Tess!" Reklamo ni Daddy. Humalakhak lang siya.
"Nah, hulihin n'yo 'yang apo n'yo! Palibhasa 'di n'yo na kaya kasi matanda na kayong mga ulupong!" Humagalpak siya. "May arthritis na kayo!"
"Babe?" Napalingon ako nang mapunta sa tabi ko si Caspian.
"Alam ko na saan ka nagmana," I pointed Tita Tess.
Caspian pouted. I laughed when he started whining.
"I'm a good boy, right?" He murmured.
"Nah." I shook my head. "Mana ka sa mommy mo."
"Mommy, o!" sumbong niya. Pagkalingon ni Tita'y lumiwanag ang mukha niya.
"Polaris, my dear!" She elegantly went in my direction and hugged me.
"Thank you for taking care of Riu," I hummed.
"No problem, 'di naman ako napagod. 'Yong mga lolo niya lang na may arthritis ang pagod. Buti nga!" She laughed evilly. Napangiwi si Caspian sa ina at umiling.
"And my asshole of a son is here," Tita pointed out, looking at her son.
"Mom!"
"Ano? Ano? Pabebe ka?" She embraced me. "Hindi pa ako nakakamove on na nakita mo si Polaris at may apo na ako!"
"Sorry na nga, e," Caspian scratched his head.
"Whatever, mas mahal ko na si Warrion." Ngiwi ni Tita.
"Sad to say, Mom, but Warrion is an asshole too," sabat ni Cas.
"Oh? May grilfriend na ba 'yan?" Biglang natigilan si Tita.
Caspian grinned and smirked at his Mom.
"Weh? 'Di nga?" She was thrilled. "Bato ang kapatid mo, anak!"
"He's a softy now." Ngisi ni Caspian sa ina na mukhang mahihimatay na naman!
Should I ready my arms now?
"Oh. My. God!" She yelped and pulled away.Sumulyap siya sa living room kung nasaan si Warrion at nagtatatakbo roon.
I gasped when Tita pulled his ear and spoke. "You brat! May girlfriend ka?! Anak, tao ka na! Ipakilala mo ako!" She giggled.
She was eager to know about her but Warrion was avoiding her and changing the topic. Umiiwas siya sa ina pero hinuhuli siya.
"I always love it when you smile," ani Cas na pumunta sa harapan ko.
"You love me even if I don't smile," I said.
His smile widened. He childishly wrapped his arms around me and planted a soft kiss on my lips.
"How did you know?" He murmured.
"You love me, everything from me. Simple as that." I shrugged. Bumilog ang bibig niya at napangisi sa akin.
"Palaban, I like it," he chanted.
Nangiti ako at humalik sa chin niya.
Mahal na mahal ko talaga ang bida-bida na 'to.
"Tama ang harutan! Hoy, Caspian! Help us chasing your son!"
Napahiwalay si Cas. "Dad!"
"Tulong!" My father exclaimed. I chuckled when I saw Sirius laughing and dancing there.
"Hindi n'yo ako po mahuhuli! Sabi ni Lola old na daw kayo!" Sirius exclaimed happily.
He jumped when suddenly, his father came and tried chasing him, too. Habang nagkukulitan sila ay natawa ako at hinayaan silang magkulitan.
I went to his cousins outside, they were talking there while Warrion was being interrogated by his mother. Zirena waved happily when she saw me approaching.
"Lars!" She called.
"Hello, Zire." I smiled softly. Tumayo siya at kumawala sa hawak ni Wave, I smirked when Wave's smile fade. Bumagsak ang balikat nito nang umalis sa kanyang tabi si Zire.
Zire pulled me softly to sit at the spare sofa. Nakanguso na si Wave at parang batang iniwan na nakatingin kay Zire kaya natawa ako.
"Look at your boyfriend, Zire." Nguso ko sa boyfriend niya. She glanced at him and gasped.
"Aww, my baby Wavy." She murmured and gave him a flying kiss. Namula si Wave. Humagikhik si Zire.
"Yaan mo na, Lars. Naiiyak talaga 'yan kapag miss niya 'ko," aniya.
"Pa-baby," Vioxx suddenly teased.
Wave's smile faded. He eyed Vioxx irritatedly who was busy eating chips na hawak pa ni Warrion.
"So? Paki mo kung pa-baby?" Wave retorted. "At least I ain't a sugar daddy like you."
Vioxx's smirk faded, he eyed Wave sharply. Napangiwi naman si Lucian.
"Mga hayop kayo, ang yayaman n'yo, sugar daddy tapos 'yong fifty pesos n'yong utang 'di n'yo mabayaran?!" Lucian exclaimed.
"Nangutang na naman mga 'yan?" I asked.
Lucian looked at me, pouting.
"Oo, Lars! Napakakuripot! 'Di ko na kayo ulit ililibre ng Mikmik!" He exclaimed.
"Ano'ng walang libre?" Napatingin kami nang dumating si Caspian habang buhat-buhat si Riu na ngiting-ngiti.
Caspian is sweaty, nang magpumilit bumaba si Riu sa bisig niya ay hinayaan niya itong tumakbo sa 'kin.
"Hi, Mimi Lars!" He kissed my cheek. "Hello po, Tita Zirena-ganda!"
Zire chuckled, she flipped her hair and smirked.
"I know right,"
"Ano na namang pinagtuturo mo sa anak ko?" Reklamo ni Caspian na naupo sa arm rest ng sofa.
"Tinuturan ko siya paano mamuri ng girls, 'di ba, Riu gwapo?" ani Zire sa anak ko na tumango kaagad.
"Do'n ka na nga sa boyfriend mo, maglandian kayo!" Taboy ni Caspian kay Zire na humahagalpak lang.
"H'wag mo nga awayin ang Zirena ko!" Wave exclaimed. I shook my head when he stood and pulled his fiancée softly.
"Palibhasa bitter," Vioxx exclaimed.
"Palibhasa sugar daddy," Caspian mocked him back.
"Aba't–" Tatayo sana si Vioxx pero hinila siya ni Lucian paupo.
"Sshh, ingay-ingay n'yo! FYI, sa akin kayo may atraso mga depungal kayo!" Lucian hissed. "May interest na 'yan! Ten percent!
Nang bumalik si Riu sa Lola Tess ay nakawala na si Warrion na masama ang tingin sa Kuya niya na dedma lang.
Naupo si Cas sa tabi ko't hinaplos ang tiyan ko.
"Your bump is bigger than a normal three months, babe."
"Hmm?" I smiled. "Normal naman 'yan? If it's big, e 'di hindi na ako nakadagan sa 'yo kanina."
He smirked. "Nah. Kahit malaki o hindi, we find ways, Reev. If 'di ka na makasampa, patagilid–"
"Hoy!" Sinampal ko ang bibig. "Bastos na 'to."
"Walang bastos do'n." He shrugged. "Girlfriend na nga kita, saka may anak na tayo, ano? Buntis ka pa? Ano sa tingin nila ginagawa natin gabi-gabi? Bato-bato pick?"
I sighed in exhaustion. He cackled. Aliw na aliw talaga siya sa kalokohan niya!
"Pero seryoso, Reev."
"Wanna know why?" I asked.
"Why?"
"Secret," I smirked.
"Reev!" He pouted. "Ang daya-daya, ayaw mo sa 'kin sabihin 'yong gender! Dadamihan ko ng bili 'yong pang-babae at panglalaking gamit, bahala ka."
"Teka, teka..." Nabaling ang atensyon namin kay Lucian na biglang tumayo roon sa sofa at may inilabas na notebook.
"What's that?" Warrion asked.
"Listahan ng utang n'yo," aniya at tumayo roon sa gitna, napailing ako nang maglabas siya ng ballpen at inipit sa tainga niya bago naglipat ng pahina.
"Alphabetical! So, unang sisingilin ko si Caspian."
"Ako?" Caspian exclaimed. "Wala akong pera!"
"Gago." Lucian sighed. "Letter C ka."
"Wala kong pera, tawad muna. Lagyan mo na lang interes."
"Ilang buwan na 'tong utang mo!" Reklamo ni Lucian at pumunta sa harapan namin.
"Hindi mo pa binabayaran ang utang mo?" Natatawang baling ko kay Caspian.
"'Di pa," ungot niya.
"Twenty pesos plus kinse," ani Lucian na nagka-calculate sa utak niya. "Tapos... 'yong binili kong Mikmik dati, ambagan tayo do'n."
"Kuripot mo naman!" Reklamo ni Vioxx.
"Hoy, 'di bale nang kuripot kaysa gastador kagaya mo. 'Di mo nga mabayaran utang mo tapos kapag nanghingi 'yong sugar baby mo, biglang labas ka lang ng card 'no?" He scoffed.
Vioxx made a face but didn't protest.
"Wala kong utang sa 'yo, Lucian," ani Warrion na nakasalampak sa sahig.
"Anong wala?" Inilipat ni Lucian ang pahina at nagsalita. "Three pesos, pinambili mo ng hairpin."
"What would you do with that? Hairpin?" ani Caspian. Warrion avoided his gaze and cleared his throat.
"Kakainin," he answered sarcastically.
"Share lang daw ni Warrion," Vioxx commented. "S'yempre, duh! Lumilipad ang hair ng bebe niya, kailangan ng hairpin!"
"Shut up, Vioxx!" He hissed.
"H'wag kayong mag-away-away ay bayaran na ang utang n'yo! Bilis!" Lucian exclaimed. Namaywang pa siya at sumimangot roon at inilahad ang kamay. "Bale forty,"
Caspian pouted, inabot ang wallet sa bulsa at ipinakita kay Lucian, all we can see is cards, no cash.
"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Lucian. "Hindi ka na makakautang sa 'kin–"
"Ako na," sabat ko. Natahimik naman silang dalawa.
"T-talaga, Reev?" Manghang sabi ni Cas sa akin. I rolled my eyes and opened my pouch.
"Ayan! Kuripot mo kasi, dami mo ngang sideline wala ka pang ipon!" ani Lucian kay Caspian. "Ano'ng panukli mo sa traysikel? Itlog mo?"
I bit my lip to stop my smile.
"Here." Inilahad ko ang fifty pesos kay Lucian na kaagad nitong kinuha.
"Teka, magpapabarya lang ako–"
"No, keep the change," I said. Lucian's eyes widened and brightened. Namangha pa siya roon at sumulyap sa fifty at pabalik sa akin.
"That's why I love you, Lars," maramdamin nitong sabi.
I laughed and shook my head.
"Anong sabi mo?" We both looked at Caspian's dramatic ass.
"I love Lars," Lucian mocked.
"Ano ulit?"
"I love Lars!" ani Lucian.
"Aba't inulit mo pa!" Caspian hissed.
"Sabi mo ulitin ko, e! Parang gago–" I gasped when Caspian stood and strangled Lucian. Nahulog pa sila sa sofa, nagpapatayan.
"Oh, God," I muttered in resignation.
"One, two, three!" Bilang ni Vioxx sa gilid ng sofa habang nagsasakalan ang dalawa.
Zirena is laughing, sina Wave at Warrion ay nakasimangot lang sa tatlo na nagre-wrestling sa sofa.
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
"YOU two should take a vacation! Ilayo mo sa stress si Polaris, Caspian! Naku, naku, ang apo ko!" Komento ni Tita habang nakaupo kaming lahat sa sofa.
"I was planning for a vacation soon and–"
"Anong soon? Dapat bukas kaagad! Maawa ka naman kay Polaris at sa apo ko, araw-araw kang kasama kaya sobrang stress kaya no'n!"
Napabughalit ako sa pagkakahulog ng panga ni Cas. He glared at me.
"May pasok pa si Riu, My. We can't go on a vacation without him–"
"Akong bahala!" She answered. "Until next week na lang naman ang pasok nitong apo ko, 'di ba? Ako ang magbabantay. Go, take your girlfriend in a vacation and we'll take Sirius there! ASAP!"
Napasulyap ako kay Riu na nakakalong kay Daddy at bumaling kay Tita Tess.
"Tita, aantayin na lang namin matapos si Riu saka kami magbabakasyon."
"No, Mimi!" ani Riu. "Okay lang po ako, don't worry po. I'm good boy!"
"No, anak." I shook my head. "You'll come with us, okay? Saka walang magbabatay sa 'yo–"
"Come on, Lars. Wala namang ginagawa 'yang Tito Arthur mo, and your father is always here. No worries, kami na ang bahala."
"Pero Tita, nakakahiya naman po,"
"Mom, it's okay, we'll take Riu with us," ani Caspian.
"Gusto ko rito muna ang apo ko!" Tita pouted. "Sige na, pagbigyan n'yo na ko. 'Di n'yo nga sinabi sa aking may apo na ako tapos–"
"Alright, alright..." Caspian gave up. Tita's face brightened excitedly.
"Yehey! Dito lang si Riu at Lola!" Napatawa na lang ako nang yakapin ni Tita si Riu na tuwang-tuwa rin na makaka-bonding niya ang Lola.
To my shock, I think this was planned. Iuuwi na sana namin si Riu at para makahanda rin ng damit niya sa pag-i-stay kina Tita Tess pero mayro'n na pa lang damit ang anak ko, turns out, Tita went to our condo and prepared clothes for him. In advance!
"Be a good boy, Sirius, hmm?"
"Opo, Mimi! Next week po sunod ako! Wala na po ako classes," bibong sabi niya.
I caressed his cheek. Hinalikan ko ang noo niya at niyakap siya.
"Mimi will miss you, anak. I promise to call everyday,"
"Love you, Mimi! Enjoy po kayo ni Papa!" He beamed.
Medyo nalungkot ako no'ng 'di namin makakasama si Riu though, I know he's in good hands. Masayang-masaya siya kasama ang grandparents at spoiled na spoiled siya.
"Are you okay, babe?" Cas asked.
"Hmm." I nodded. "I just miss Riu,"
"Should we go back and take him? Ako bahala kay Mommy–"
"No, it's alright," I said. "I know Riu wants to be with them too."
"Yeah. Spoiled na spoiled ng mga Lolo at Lola, dami niyang bagong laruan, kita mo ba?"
"Yeah, it's a good thing he's close with them, too. Malungkot lang kasi wala si Riu pero looking at the brighter side, at least we can have more time with each other."
"Sexy time?" He asked. I laughed and nodded.
"Yeah, sexy time,"
"Parang na-excite ako, hmm," he giggled, stretching his arm. "Buti na lang nakapag-Zumba ako kagabi."
I shared my food with him on the drive, feeling light and happy millions of times better than before.
Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko siya at 'di maiwasang maisip kung paanong iba at pareho siya ng Caspian ko noon.
He matured. He already had sharp features before but I think it hardened more as he aged–though it was really fucking good. He looked hotter.
His skin's still sunkissed. 'Di pa nababalik ang puti niya noon sa kakabilad niya sa araw. Nawili kasi sa pangingisda at pagtatraysikel ang loko-loko. Kapag trip niya minsan at bored, susunduin niya ako gamit 'yon.
His presence screams authority and power but he's soft to us, transparent, na 'di siya nahihiyang ipakita kung nalulungkot siya, o naiiyak, o masaya.
What happened to us was devastating and tragic. Malungkot na nawala si Castor, na 'di namin nakasama si Riu sa paglaki niya, na nasayang ang maraming taon sa 'ming dalawa pero nandito na, e.
We're human, we commit mistakes. We've hurt each other and sometimes, lessons had to be learned in a hard way. It's unfair sometimes but we couldn't turn back the time. We only have the chance to admit the lapses and mistakes, learn, and try again.
Everyday is trial and error. You just have to do your best to survive and be happy along with it.
What's important is that we love each other and together, we'll do our best to make up for the times we missed and give our children a happy family.
"We're here." Ni hindi ko napansin na tumigil na pala ang sasakyan. Inilibot ko ang tingin ko but to my confusion, I saw an unfamiliar black gates.
"Cas? Hindi naman dito ang unit mo?" Takang tanong ko but he just smiled, went out of the car, and opened the door for me.
I was confused but still went out with him, hinawakan naman niya ang baywang ko at inalalayan akong naglalakad.
"Cas?" I called his attention. Hindi niya ako sinagot, may kinuha siyang remote sa bulsa at umawang ang labi ko pagkakita ng itsura sa loob pagbukas ng gates.
My heart was racing as I stared at the modern black and white mansion with one-way glass walls. Sa gitna ay may fountain, then I noticed a statue in the middle.
It was a statue of a beautiful angel, a woman, lifting her hand to reach the star.
Naglakad ako papalapit roon at hindi makapaniwalang napatakip sa bibig nang makita ang mga lumalangoy na mga Koi roon.
"You like it, babe?" aniya.
"Y-you bought this?" Nanginginig kong sabi. This is exactly the lot where we planned to build our house!
"Of course." He smiled lovingly at me. "This is where we used to dream, this is where we planned to live and raise our kids."
"Y-you mean, this mansion's yours?"
"It's your mansion, Reev," aniya. "I made this for you and our children."
"Oh my god..." I gasped, muli akong napatitig sa eleganteng mansyon at sumulyap sa kanya. "When did you start building this? Impossibleng sa ilang buwan lang!"
"No. I started building this years ago, when we planned our wedding, no'ng sinabi mong gusto mo 'yong pwesto? I talked to the owner and bought it. My wedding gift for you." He reminisced. "But then, it stopped, when you were gone, when I lost you. I never had the will to look at it because I can remember how fucked up I am. Naisip ko noon, para saan pa ang bahay na 'to? Sinira ko na rin naman ang pangarap natin noon."
His soulful green eyes glistened. He took my hand.
"But then, after years of searching for you, I finally saw you, coincidentally. Akalain mo 'yon, Reev? Kung kailan hindi ka mahanap ng mga imbestigador saka kita nakita?"
"It's destiny," I whispered.
"You think I was destined for you?" Lumambot ang boses niya. I nodded with a smile, brushing his tears off.
"Yeah," I said.
"N-no'ng nakita kita, Reev, wala na akong pagdadalawang-isip. Ipinatuloy ko ang bahay, kahit na hindi ako sigurado sa atin, kahit hindi ko alam na tatanggapin mo pa ako. Pinagawa ko 'to habang umaasa na para ka pa rin sa akin."
He swallowed.
"A p-part of me still hopes are stars were still aligned, that they didn't just cross each other. T-that it's destined to shine together. I prayed for it, Reev. Sabi ko sa bituin–no, nagmakaawa ako sa bituin na para pa rin tayo sa isa't-isa..."
"Cas..." I breathed. "Mahal na mahal kita."
His tears fell more, napasinghap ako at nagitla nang yakapin niya ako at ibinaon ang mukha sa leeg ko.
"M-mahal din kita, Reev. Sobra. Singdami ng bituin sa langit, 'di ko mabibilang kung gaano karami."
He toured me inside the house, binibida ang pwesto ng mga gamit kagaya ng sinabi ko noon no'ng nagpaplano ko. It was a very large mansion, with spiral staircase and high ceiling.
"Here." He handed me an envelope and when I opened it, my eyes widened seeing my name in the land title.
"Cas..."
"This is yours." He smiled.
"Thank you," I whispered. "Thank you very much."
My heart was beating wild and fast as he showed me the room upstairs. I was very excited I couldn't even process it! There is one master room, two guest rooms, and four spare rooms. Nagitla ako nang makita ang nursery na sinasabi niya. This is the room he was talking about!
"Binyagan natin mamaya, Reev." He showed me the master's bedroom.
I looked at him flirtatiously and pulled his collar. He gasped. I leaned in to whisper.
"Now?" I slowly unbuttoned his polo.
"No," hinahapong sabi niya. "Mamaya, Reev. May ipapakita pa ako sa 'yo."
"Hmm..." Lumayo sa kanya ar pinakatitigan ang mata niya. "Sure?"
He was tempted. He even swallowed painfully but shook his head to contain himself.
"No. No, may surpresa pa ako." He sighed, stopping himself. "Kaya ko pa naman mag-antay, Reev."
I moistened my lower lip and stared at him.
"Yeah?"
"Y-yeah." He cleared his throat and pulled me softly. "Let's go to the roof, babe."
We went to the roof and was welcomed by the cold breezing of fresh air. Sumabog ang buhok ko sa lakas ng hangin pero abala ako sa mangha sa langit ngayong gabi.
It was so bright and beautiful! Like every star was aligned tonight to watch the moment!
"Come on," Cas assisted me and I couldn't get thrilled enough when a familiar equipment!
"Oh my God. Is that a freaking refractor?!" I exclaimed and pointed at it.
"Yup." He grinned. "We don't need to go to observatories to watch stars when we could always do it here. Every night."
I was beaming in excitement I was almost hopping kung 'di ko lang naalalang buntis ako!
Natawa si Cas at humawak.
"Kalma, buntis ko," he muttered. "Wait here, okay? Sandali..."
I was curious when he went closer to the refractor and took some paper on his lap.
"What was that?" I asked.
He winked. "Secret."
Sumilip ako pero itinago niya ang papel ang ngumisi.
"Basta, tawagin lang kita, Reev. Hanapin ko lang," aniya.
I watched him maneuver the equipment while gazing alternately to the paper. Habang busy siya'y inangat ko ang tingin sa langit.
One star immediately caught my attention. It was the brightest.
I lifted my hand to attempt to reach it.
"Hello, baby Castor," I hummed. "Are you happy in there, baby?"
"Found it, Reev! Come here!" Caspian's excited voice echoed. I went closer to him.
He was beaming, inilalahad sa 'kin ang telescope.
"Silip ka,"
Madilim lang iyong una kaya saglit akong nag-antay, bahagya pang nag-adjust hanggang sa nakita ang bituin sa gitna ng dilim.
It was blinking, like spark of light winking on and off. Nangiti ako nang unti-unti'y mas luminaw iyon at nagkahugis, tila bolang makulay, maliwanag at gumagalaw.
My lips parted when upon staring further, I realized it wasn't just one but two! Hindi iyon pansin pero nakita ko! With beaming blue and red lights aligned with each other! They're so close and moving in a form of rotation, around each other.
"O-oh, God. A binary star!" I gasped.
"That's yours," I paused and looked at him in shock.
"H-huh?"
"Reeva," he muttered and smiled. "It's named after you..."
"W-what... how..."
"Here." Muli siyang naglahad ng envelope at nang buksan ko 'yon at basahin ang certificate ay nakanganga lang ako sa kanya.
"W-wait, is it possible?"
Natawa siya at napakamot sa batok.
"Well, we can't really legally buy and name a star because it wasn't possible yet but I knew some companies offering to well, find a star for us, name it after you, and send us the exact coordinates." Namula siya. "I'm sorry, I just think it's a great idea to find a star for you–"
I ran closer and embraced him. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
"Reev..."
"T-thank you, Cas..." I whispered. "Thank you."
He chuckled. "But it wasn't actually recognized–"
"I recognize it, then!" Lumayo ako para titigan siya. "I don't care if it's legally recognized or not. Just the thought of you making an effort and doing this? Sobra na iyon sa 'kin. I-I know this is just some fancy certificate with my name on it but you... you did this for me. I'm your star."
His eyes mirrored mine. He nodded.
"You're my star, Polaris Reeva," he confirmed. "Polaris is already there so why not see another? I'll see you, Sirius, and Castor every night now. When I looked at the sky, it's my family I see."
Walang pagsidlan ang saya ko.
"G-grabeng dami naman nito, Cas. Sobra na. Ang mahal kaya–"
"Mas mahal kita d'yan," agap niya at humalik. "It's my gift."
"For?"
He smiled gently, leaned it, caressing my chin, and whispered in my mouth.
"Happy anniversary," he greeted.
Instead of pain, I felt nothing but bliss and happiness this time.
"Happy anniversary, babe," I greeted back.
We kissed, the butterflies swarming my stomach.
"Bakit ako lang? Dapat ikaw may star din! Kami ng mga anak mo mayro'n. We should find your own star too," I insisted but he only shook his head with a smile.
"No need. I found her, my star," bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz