Chapter Two
Mallory
Mom and Dad had always wanted a son. Pagkapanganak sa akin nakitaan ng bukol ang ovary ni mommy kaya kinailangan tanggalin iyon. Dahil doon hindi na ako nasundan pa, kahit plano talaga nilang magkaroon ng dalawang anak.
Maybe that was the reason they were so fond of Tisoy. Binabalik-balikan nila si Tisoy, sinasama nilang kumain sa labas pagkatapos namin magsimba. They bought him new clothes and a pair of slippers. He was a little cleaner now compared to the day we first met him, and he gained a few pounds too. Natutuwa sina mommy at daddy tuwing may nakikita silang improvement kay Tisoy. Hindi nila alam na nagseselos ako dahil may iba na silang binabalingan ng atensyon nila bukod sa akin. I felt like I was no longer the center of their universe. I hated that feeling. I started to hate Tisoy too.
"Hindi ka pa din ba umuuwi sa tita mo?" Tanong ni daddy habang kumakain kami.
Umiling siya habang ngumunguya. "Pinalayas na niya ako, saka ayoko na talagang bumalik doon. Gagawin na naman akong punching bag ng asawa niya."
"Saan ka nakatira ngayon?" Mom curiously asked.
"Wala, kahit saan lang. Kahit saan ako maabutan ng antok, doon ako na tutulog pero madalas nasa tabi ako ng simbahan."
"Nag-aaral ka pa ba?"
He shook his head. "Hanggang grade two lang ako pero kapag may nakukuha akong mga libro sa basura, tinatago ko yun doon sa gilid ng simbahan yung walang makakakita tapos binabasa ko. Lalo na yung libro sa eskwelahan. Natututo naman ako sa mga binabasa ko, ganun din naman sa eskwelahan. Kung ano ang nasa libro, yun din ang tinuturo nila."
"Gusto mo pa bang mag-aral?" Dad asked.
"Kung ako lang, syempre gusto kong ituloy yung pag-aaral ko kaso wala naman akong magulang na mag-eenroll sa akin, wala akong pangbili ng uniform, wala akong baon. Yung dapat na oras ko para sa pangangalakal para may makain ako mapupunta sa oras sa eskwelahan. Kaya hindi na lang." Kibit-balikat na sabi niya.
Dad smiled at him. "Alam mo, matalino kang bata. Sa pananalita mo pa lang alam kong matalino ka."
Tisoy smiled back at him, shaping off his pair of dimples. "Talaga? Ikaw pa lang nagsasabi sa akin niyan."
"Ako din. Tingin ko matalino kang bata." Mommy said and then she shifted her gaze to dad. "Kaya nga naisip namin na kung gusto mo, kung gusto mo lang naman, tumira ka muna sa bahay namin. Kami na ang magpapaaral sa'yo at magbibigay ng lahat ng kailangan mo. Sayang naman kasi. Mabait at matalino kang bata, we don't want it to go to waste."
Tisoy stopped, he looked shocked. And I was as shocked as him.
"I'm not going to share my room with him!" Nakasimangot na sabi ko.
"You don't have to share your room, honey. We still have two spare rooms remember? Tisoy can use one of it." Mommy tucked some lose strands of my hair behind my ear. I wanted to protest. Natakot ako na baka mabaling na ang lahat ng atensyon nila kay Tisoy. Hindi lang tuwing Sunday ako may kahati sa mga magulang ko, he'd be with us everyday. Paano kung mas mahalin nila si Tisoy kaysa sa akin? Paano na ako?
"But mommy, I don't want him to live with us." I whined.
The excitement on Tisoy's face disappeared.
Sandaling nagkatinginan sina mommy at daddy. Mom stroked my hair as I frowned at them. "Mallory, anak, maswerte ka kasi nakakapag-aral ka. Nandito kami ng daddy mo na nagmamahal sa'yo. Hindi lahat ng bata meron nang kung anong meron ka. Hindi maganda ang ganyang ugali. Masarap sa pakiramdam ang nakakatulong ka. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto ko rin may tumulong sa'yo katulad ng ginagawa namin ng daddy mo ngayon."
Being the nine year old I was, I didn't understand what my mother was saying. All I knew was that I didn't want him to go home with us. I crossed my arms over to my chest and frowned.
Pilit na ngumiti si Tisoy, "Marami naman akong natututunan sa mga librong binabasa ko kaya wag na lang. Ang dami niyo na ngang naitulong sa akin, binigyan niyo na ako ng tsinelas, ng mga damit at saka sinasama niyo pa akong kumain sa labas. Sobra-sobra ng tulong iyon."
"Pero Tisoy, iba pa rin yung nag-aaral ka sa eskwelahan." Sabi ni daddy.
Dahil sa pagpilit ni mommy at daddy ay napapayag na nila si Tisoy na sumama sa amin. We brought him home with us that day. I never said a word to them but I made it clear with my frown that I didn't like what they were doing.
Tuwang-tuwa si Tisoy ng makita ang bahay namin. He said he had never seen a house as huge as ours. I wouldn't say we were super duper rich. We were an upper middle class family. We lived in a five bedroom house, we had a helper, and a car. Dad owned a pub restaurant and Mom was a pediatrician.
My parents showed him around the house and he got so excited when he saw his bedroom, it was right next to mine. Tuwang-tuwang lumundag siya sa kama at nagtatalon. I had never seen someone this happy before. While he was being showered with attention, I, on the other hand, felt ignored and neglected. Umalis na ako at nagpunta sa playroom ko. Umupo ako sa desk sa sulok at nagcolor na lang ako ng mawala ang inis ko. I was mindlessly coloring my coloring book, wala na akong pakialam kung lagpas ang color ko o kung pudpod na ang crayon dahil sa diin ng pagkukulay ko.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Tisoy. Lumapit siya sa akin at umupo sa bakanteng silya sa tabi. Hindi ako kumibo at sinimangutan ko siya. I pretended he was invisible and tried to focus on coloring Cinderella's carriage.
"Mallory, gusto mong maglaro tayo sa labas?" He asked in a friendly tone.
I shook my head without looking up at him. I ignored him but he still wouldn't leave me alone. Kumuha siya ng papel na nakakalat sa desk at nagsimula siyang tupi-tupiin iyon. I stopped what I was doing and watched him.
"Anong ginagawa mo?" Inis na tanong ko. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa kung anuman ang ginagawa niya. Pinanood ko siya hanggang sa maging hugis ibon na ang papel na iyon. A beautiful paper bird. I was so fascinated.
"Paper crane." Saka pa lang sumagot si Tisoy ng matapos na iyon. "Nabasa ko 'to doon sa librong napulot ko dati. Origami daw ang tawag dito."
"Ang ganda." Wala sa sariling sabi ko. Inabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman. I still couldn't believe that this was made with a single flat paper.
"Hipan mo." Sabi niya.
"Huh?" I looked at him, cluelessly.
"Hipan mo sa butas sa ilalim." He said.
Tinignan ko ang ilalim at may butas nga doon. I did what he told me to do. I blew into the hole and the body of the paper crane expanded.
"Nabasa ko din na kapag daw nakagawa ka ng isang libong paper crane, pwede kang mag-wish ng kahit ano at magkakatotoo daw iyon." Sabi niya.
Binuklat ko ang paborito kong libro at nahulog doon ang nakatuping paper crane. The nostalgia of my childhood came rushing back. It was the paper crane Tisoy gave to me when I was nine. The paper used to be white pero dahil sa kalumaan, naging brown na ito. Inayos ko iyon hanggang sa magmukha ulit paper crane. I didn't know why I kept this for so long. Basta natatandaan ko, gandang-ganda ako dito. Naalala ko ang sinabi niya noong ibinigay niya sa akin ito. Sabi niya pwede daw magwish kapag nakagawa ka ng isang libo nito. I wondered if it was really true.
Hindi ko akalain na ang Tisoy na nakita ko kagabi ay ang Tisoy na kinupkop nina mommy at daddy. He was now Derek von Einsiedel, a rich bank magnate. Marami na akong nabasang article tungkol sa kanya, mga magazine interviews. He had been linked to a lot of women, from hollywood stars to famous models. But despite his status he had stayed humble. He had funded scholarships, he had build an orphanage for children, and other than that he done a lot of charity works.
At ito ako ngayon, umuupa ng kwarto sa isang maliit at lumang bahay. Tuwing umuulan, ilang timba ang kailangan kong ilabas dahil sa butas sa kisame. Tatlong beses ko nang sinabi iyon sa may-ari ng bahay, palagi niyang sinasabi na ipagagawa niya iyon pero magtatlong buwan na ako dito wala pa rin nangyayari. Ang boarder naman sa tabi ng kwarto ko, gabing-gabi na nagpapatugtog pa ng malakas. Pag-uwi ko ng madaling araw at pagod na pagod ako sa trabaho, masakit na nga ang ulo ko sa ingay sa club pati ba naman pag-uwi ko. Makaipon lang talaga ako ng konting pera, lilipat na ako sa ibang boarding house.
My phone rang and an unfamiliar number popped into the screen.
I answered. "Hello?"
"Good morning, Mallory." I heard a deep, velvety voice.
"Paano mo nalaman ang number ko?" Gulat na sabi ko.
He stifled a laugh. "I have connections."
"What do you want from me?" I tried my best to sound annoyed.
"Let's have lunch. We have a lot of catching up to do." He said.
"No, we don't. Pwede ba, tigilan mo na ako, Tisoy. Oo na, I get it. Mayaman ka na, naingudngod mo na sa mukha ko, ano pa ba ang kailangan mo?"
I heard him exhale. "You know that's not my intention."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko kailangan ng tulong mo. I don't need you."
"Mallory, I just want us to talk."
"About what?" Asik ko.
"Everything. About you, about your parents, about what happened to you. It's been so long."
"Kailangan kong pumasok sa trabaho." Dahilan ko.
"It's your off today."
"How did you know?"
"I have connections."
"Yun naman pala. Baka hindi mo na lang gamitin yung connections na yun para malaman mo kung anuman ang gusto mong malaman ang nangyari sa buhay ko at ng mga magulang ko, tutal alam naman pala nila ang lahat, di ba?"
"Mallory." He sighed. "Please, for old time's sake."
"Ilang taon kang nawala tapos babalik-balik ka ngayon? Ulol! For old time's sake mo mukha mo!" I lost my cool and eyes began to water. I just hoped he never noticed the tremble in my voice.
Sandali siyang natigilan bago ko narinig na bumuntong-hininga ulit siya.
"Ikaw ang may gusto na umalis ako." Sabi niya.
For a moment, I didn't know what to say. Hinayaan kong tahimik na tumulo ang luha ko.
"Mommy and daddy wanted you to stay." I said, trying to control the shakiness of my voice.
"But you wanted me gone, didn't you?"
"Hindi kita pinaalis, kusa kang umalis."
"Because that's what you wanted."
"I hate you." I sniffled.
"Mallory..." Mahinang sabi niya. "Mallory, are you crying?"
Nang hindi ko na nakayanan ang pagpigil ng hikbi ko ay ibinagsak ko na ang telepono.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz