Chapter One
Mallory
I was nine when I first saw him. He was thin, and frail, and dirty. But his honey eyes stood out in stark contrast to his sunken and dirty face. I woke up thinking that it would just be a normal Sunday for us. Magsisimba kaming pamilya, kakain sa labas at uuwi na. As we were walking out of the church after a mass, a kid's scream caught our attention. Nagmamakaawa ang bata na pakawalan siya habang hawak siya sa likod ng maduming damit niya ng isang malaking lalaki.
Dad wanted to know what was happening. Pinigilan siyang mangialam ni mommy pero hindi siya nagpaawat. Iniwan niya kami ni mommy na nakatayo sa harap ng simbahan at nilapitan ang lalaki. The kid calmed down as the big guy and dad talked. He took out his wallet and gave the man a bill. Maya-maya pa ay nakapatong na ang kamay ni daddy sa balikat ng batang lalaki habang naglalakad sila pabalik sa kinatatayuan namin.
"Sino ang batang yan?" Tanong ni mommy ng makalapit sila.
"Ano ang pangalan mo, hijo?" Daddy gently asked the boy.
"Tisoy." Maikling sagot nito.
"Tisoy, totoo bang nagnakaw ka ng tinapay sa bakery?"
"Gutom na gutom na kasi ako. Babayaran ko rin naman yun, wala lang akong pera ngayon." Nakayukong sabi nito.
Daddy and mommy looked at each other with pity in their eyes.
"Gusto mo bang sumama sa amin kumain sa labas." Mommy asked him.
He paused for a few seconds before nodding his head. Kasama namin siyang sumakay sa kotse. Dad sat on the driver's seat and mom sat next to him.
"Daddy, he's dirty." Sabi ko ng papasok na siya ng kotse. "Baka madumihan ang seat 'pag umupo siya dito."
"Mallory, that's not a nice thing to say!" Galit na sabi ni daddy sa akin. Parang nahiya naman napaurong siya.
"Hijo, sumakay ka na." Dad said. Tisoy hesitantly got in the car and sat a seat away from me. I made a face. He didn't smell so good too.
"What do you have to say to him, Mallory?" Tanong ni Dad sa akin while he was looking at me in the rear view mirror.
"Nothing." I shrugged.
"Ano'ng mararamdaman mo kapag sa'yo sinabi ng iba ang mga sinabi mo kay Tisoy?" Mom asked turning her head to me.
"I bathe and change my clothes everyday." I said grumpily crossing my arms to my chest.
"Maswerte ka dahil di lahat ng bata nagagawa ang mga nagagawa mo. That's why you should never take anything for granted." Mom said, shaking her head.
Hindi na ko nagsalita pa. I felt really pissed off. I didn't understand kung bakit kinakampihan nina mommy at daddy ang batang 'yun. I was their daughter and he was just a boy who stole bread from a bakery. Pumihit ang ulo ko sa kinauupuan ni Tisoy. Totoo naman na madumi siya and he smelled really bad. Naging brown na sa dumi ang puting sando niya, ang shorts niya sira-sira at nangingitim na ang mga paa niya sa putik. He wasn't wearing any slippers.
"Bakit wala kang suot na slippers?" I couldn't help but ask as I was looking at his feet. "Kaya ang dumi dumi ng paa mo."
He looked down at his feet and wiggled his dirty toes. "Nasira na kasi ang tsinelas ko."
"Hindi bale, ibibili ka na lang kita ng bago." Lumingon si mommy kay Tisoy at nginitian ito.
"I want a new pair of slippers too." I said.
"Okay pa naman ang mga slippers mo at saka marami ka naman sa bahay. Mas kailangan ni Tisoy iyon." Mom said.
I wasn't used to sharing my parents' attention with anyone. Wala naman kasi akong kapatid kaya sanay akong ako lang ang binibigyan pansin nina mommy at daddy. And then this dirty, stinky boy came. I felt it was unfair. Bakit siya bibilhan ni mommy ng slippers at ako hindi? I wanted to push him out of the car.
The car stopped in front of a fast food restaurant. I hopped out of the car and marched my way in. Sumunod naman si mommy, daddy at si Tisoy. We ordered our food and sat on one of the booth next to the window. Nang maserve na sa amin ang pagkain, Tisoy immediately grabbed his fork and dugged into the spaghetti. Nagmamadali ito sa pagkain na para bang nasa eating contest siya. His mouth was like a black hole, really. I wondered if he was even chewing his food or was he just slurping it into his stomach. I had never seen someone eat as fast as him.
"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka. Kapag naubos yan at gusto mo pa, oorder pa tayo." Natatawang sabi ni daddy.
He wiped the spaghetti sauce off the corner of his mouth with his arm. Nabaling naman ang atensyon niya sa chicken at nginata ito na parang kumakain lang ng mais. "Mas masarap pala 'pag hindi pagpag."
"Ano'ng pagpag?" Tanong ni mommy.
"Yung mga tira-tirang manok na napupulot namin sa basurahan." I could barely understand what he was saying because his mouth was full.
"Kumakain ka ng pagkain na galing sa basurahan?" Gulat na tanong ni daddy.
"Oo pero ngayon hindi na kami nakakakuha ng pagpag kasi may mga sigang naghahari-harian sa mga basurang dumadating sa amin. Kaya nga kinuha ko muna yung tinapay sa bakery kasi gutom na gutom na ako, babayaran ko naman iyon kapag nakapagkalakal na ako." Kwento ni Tisoy.
"Nasaan ang mga magulang mo?" Asked mommy.
"Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko, sabi ng tita ko nabuntis lang daw si Emma ng foreigner noong nagtatrabaho pa siya sa club sa Angeles."
"Kaya pala tisoy na tisoy ka dahil foreigner ang tatay mo." Nakangiting sabi ni daddy.
"Yun na ang tawag nila sa akin bata pa lang ako." Tisoy shrugged. "Si Emma naman, yung nanay ko, nakapag-asawa ng matandang hapon at nasa Japan na ngayon."
"Bakit Emma lang ang tawag mo sa kanya?"
"Kasi yun yung sabi niya. Ayaw niyang tawagin ko siyang nanay dahil masyado pa daw siyang bata para maging ina. Kaya Emily."
"Wala bang nag-aalaga sa'yo?" Tanong ni mommy.
"Wala. Dati nakatira ako sa tita ko kaso ilang buwan ng hindi nakakapagpadala si Emily. Hindi na nga nila makontak kaya madalas pinagbubuntungan ako ng galit ng asawa ng tita ko. Palagi akong binubugbog kahit wala naman akong ginagawa, lalo na kapag lasing siya. Hindi naman kaya ng tita ko ang asawa niya kaya pinaalis niya na lang ako."
I lifted my chin up, once I pulled myself back together, and bravely met his gaze. "Pinuntahan mo lang ba ako para insultuhan. Para ipamukha sa akin kung gaano na kalayo ang narating mo para lalo akong manliit sa sarili ko?"
"Mallory, gusto kitang tulungan." He said.
"Hindi ko kailangan ng tulong o awa mo." Mariin na sabi ko.
"Gusto kong makabayad sa ginawa ng pamilya mo sa akin noon."
"Ang mga magulang ko ang tumulong sa'yo, hindi ako. They're gone now kaya kalimutan mo na iyon." Mariin na sabi ko.
"Narinig ko ang nangyari sa kanila. I'm sorry." He weakly said.
"Babalik na ako sa trabaho, baka mapagalitan na ako ng boss ko." I said. I was about to stand up when he grabbed my hand, making me sit back down again.
"You don't have to do this Mallory. Ito ba talaga ang trabahong gusto mo? I don't want you serving these drunk assholes." He firmly said.
"Huwag mo akong pakialaman. Kaya ko ang sarili ko." I said pulling my hand away from his grip.
"Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago. You're still the old Mallory I know." He shook his head, looking at me with sad eyes. "You're beautiful and smart, you deserve better than this. Hayaan mong tulungan kita."
"I don't need your help. Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo kailangan tulungan dahil lang sa utang na loob mo sa mga magulang ko. Don't you remember? I hated you then and I still hate you now. Kahit anong tago mo sa dati mong pagkatao, para sa akin ikaw pa rin ang madumi at mabahong batang nadampot ni daddy sa labas ng simbahan."
He sighed, his expression darkened. "Kahit kailan hindi ko ikinahiya ang pinagmulan ko. Ikaw ang hindi makatanggap sa sitwasyon mo ngayon. Hindi mo kayang tanggapin na ang madumi at mabahong batang iyon ang tutulong sa'yo ngayon."
I didn't say anything. His words felt like swords through my heart. Masakit pala talaga ang katotohanan. He was now way up there and I was now way down here. After all these years, hindi pa rin magtagpo ang mundo namin.
"Kung sakaling kailanganin mo ang tulong ko. Huwag kang magdalawang-isip na lumapit sa akin." He said, sliding a silver calling card on the table in front of me. "Call me anytime you need me."
"Why are you doing this?"
"Naalala mo yung sabi ko sa'yo na hindi kita pababayaan?" He asked and a slight smile crept across his face. "I keep my words."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz