The Final Chapter
Maraming salamat sa pagsama sa akin hanggang sa dulo ng kwentong ito.
"Marsha, you should die so I can have the full custody of your daughter."
The woman's eyes welled with tears as they rushed down her cheeks like a waterfall. "J-just promise me that you will take care of my daughter..."
"You need to go now, Marsha." Lumabas ng kuwarto ang matangkad na lalaking kausap niya.
Patuloy sa pag-iyak si Marsha, she just stopped when she heard a noise—a cough from the bathroom.
"S-sino 'yan?" Kahit nanghihina ay napaangat siya sa kama. "I know someone's in there. Sino ka?!"
The bathroom door opened, and an old man inside pointed a .38 special revolver at her.
Marsha's eyes widened in fear. "Don S-Salvo..."
The old man walked toward the bed with the gun pointed at her. "Masyado ka nang nakakabigat sa anak ko."
Todo iling ang luhaan niyang mukha. "N-no... P-please..."
"Why are you afraid to die? Dito ka rin naman na pupunta at pabibilisin lang natin." Pagkasabi'y kinalabit nito ang gatilyo ng baril sanhi upang malaglag sa sahig si Marsha.
Mabilis namang pinunasan ng matandang lalaki ang baril at saka inilagay sa kamay ng walang buhay na babae. "You can now rest, Marsha. You no longer have to worry about your daughter now."
...
St. Peter Cemetery, PRESENT DAY
Bitbit ang basket na puno ng bulaklak ay bumaba ako ng sasakyan. Sinabihan ko si Tarek na hintayin na lang ako kaysa sumama pa siya sa akin dito. Tinahak ko ang daan papunta sa puntod na pakay ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi balikan ang nakalagay sa sulat na ibinigay sa akin ni Vice. Oo nabasa ko na ang laman niyon at alam ko na ang tunay na nangyari noon. He's the one who killed my mother.
Ang buong akala ni Vice ay may mapapala siya sa mga Justimbaste kaya ipinagkasundo niya si Jackson kay Mama noon. Umaasa pala si Vice na tatakbo bilang mayor ng Davao si Lolo Isko at alam ng lahat na sure win ang mangyayari dahil minamahal ng mga tao ang lolo ko. Malinis ang reputasyon ni Lolo at kilala ito bilang pilantropo. Pero walang balak si Lolo na pumasok sa politika. Ang gusto na lang ng matanda ay magpahinga. Isa pa, saan kami kukuha ng pangtustos sa kampanya gayong limitado na ang pera ng pamilya namin.
Nang malaman ni Vice na wala siyang mapapala ay sinubukan niyang umatras sa usapan. Pero huli na ang lahat dahil si Jackson na mismo ang may gusto na maipakasal kay Mama. Walang may alam na may sarili na palang usapan sina Lolo at Jackson noong panahong iyon, isang usapan tungkol sa kinabukasan ko.
Wala ng nagawa pa si Vice kundi hayaang matuloy ang kasal dahil alam niyang hindi na rin niya mapipigil si Jackson dahil nakapagdesisyon na ito. Pero hindi doon natapos ang lahat dahil isang tuso si Vice. Hinayaan niya nga na matuloy ang kasal pero sinigurado niya na hindi legal na mare-rehistro ang mga dokumento.
Hindi legal ang kasal ni Jackson kay Mama.
Wala ng pakialam si Vice sa mga Justimbaste dahil ikinatuwa niya nang matapos ang pekeng kasalan ay umalis din agad ng Davao si Jackson. Ang buong akala niya ay hindi na babalik ang anak niya, pero bumalik ito noong malala na ang sakit ni Mama. Palihim na sumunod siya sa Davao para alamin ang nangyayari, at hindi niya nagustuhan ang kanyang natuklasan...
Gusto akong dalhin ni Jackson sa Manila and Vice hated that idea.
Tumingala ako sa langit upang pawiin ang paninikip ng aking dibdib. Tama ang pagtitiwala ko kay Jackson. Totoo na hindi nga siya ang may gawa. Hindi siya ang pumatay kay Mama.
Humingi ng kapatawaran si Vice sa sulat. Sinabi niya roon na pinagsisisihan niya na ang lahat-lahat at okay lang kung hindi ko siya mapapatawad dahil deserve niya ang magdusa hanggang sa kabilang buhay...
Hindi ako ganoon.
Hindi ako magtatanim ng galit para pahirapan ang sarili ko. Nasaktan ako at nasasaktan ako pero hindi ako maghihiganti. Hindi ko hahayang sirain ng galit ang puso ko.
Ipinagdadasal ko siya kasama ng pasasalamat dahil siya pa rin ang daan kung bakit nagsanga ang mga landas namin nina Jackson at Calder. Sila ang mga importanteng tao sa buhay ko.
Sana lang ay kung nasaan man ngayon si Vice ay makita niya si Mama para personal siya na makahingi ng kapatawaran sa nagawa niya.
Nahinto ako sa paglalakad nang matanaw ang paparating. Isang babae na nakasuot ng bestidang itim at may dala ring bulaklak ang papunta sa kinatatayuan ko.
Nagliwanag ang aking mukha nang makilala siya. "Mrs. Cruz!"
"Kumusta?" seryoso pa rin ang tono niya tulad noon.
"Kayo po ang kumusta? Hindi na po kayo bumalik sa mansiyon. Saan na po kayo nakatira ngayon?" sunod-sunod kong tanong.
"Sa bahay na binili ni Calder para sa akin." Ngumiti nang tipid ang may edad na babae.
Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Sa tingin ko po ay matutuwa si Calder dahil sa wakas ay nagretiro na kayo at tinanggap niyo na ang bahay na binili niya para sa inyo."
"Para saan pa ba na manatili ako sa mansiyon?" Nagkibit siya ng balikat. "Wala na akong ipaglalaban doon. Wala na si Vice at wala na rin si Calder."
Sabay kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ng puntod. Nasa tabi ng libingan ni Calder ang libingan ng mama niya at ng kanyang step-dad. Pagkarating namin ay nagtataka akong napatingin kay Mrs. Cruz.
Kanino galing ang kandila at mga bulaklak? Meron na kasi doon at ang kandila ay halatang kasisindi lang. May nauna sa amin?
"Nakasalubong ko si Miss Valentina. Galing siya rito," she supplied.
Namilog ang mga mata ko. Dinalaw ni Val si Calder?
Mula noong tumestigo si Valentina laban sa tatay at tiyuhin niya ay wala ng may alam kung nasaan ang babae. Kahit si Sacha ay hindi alam kung nasaan ang kapatid.
Nai-issue na ang mga Hynarez, but still Valentina chose to testify against her own family. Walang may alam kung bakit.
Ang hinala ni Ate Minda ay matagal na ring nasusuka si Valentina sa sistema at tanging si Jackson na lang ang pinagkukunan ng babae ng lakas.
"Siraulo man si Valentina sana ay mahanap niya pa rin ang para sa kanya. Sana sumaya na siya," naiiling na sabi ni Mrs. Cruz.
Nagtirik din kami ng kandila at inayos ang mga dala naming bulaklak sa puntod ni Calder.
"Hoy kumusta ka na diyan?" kausap ko.
Nasa tabi ko lang si Mrs. Cruz at nakikinig.
"Masaya ba sa heaven, Calder? Bawal ang maligalig diyan, ha?" Pasimple kong pinahid ang isang butil ng luha na umalpas sa aking mata.
Tumayo ako at hinarap si Mrs. Cruz. "Baka nagpapasaway na po iyong pamangkin niyo kay God ngayon. Maligalig po iyon e."
Ngumiti siya. "Baka pinagtatawanan niya tayo ngayon. Alam kasi niya na ayoko sa 'yo pero heto ngayon at magkasama tayo."
Napangiti na rin ako. "Gusto niyo na po ako ngayon di ba?"
"I am sorry, Fran." Nag-iwas siya sa akin ng tingin. "Sorry kung inisip ko na isa kang balakid para sa ipinaglalaban ko noon..."
Napayuko ako. Naiintindihan ko na ngayon ang pinaghuhugutan ni Mrs. Cruz.
"Nagtyaga ako sa mansiyon dahil ayokong isuko ang pakikipaglaban para sa pamangkin ko. Gusto ko na maging pantay si Vice sa mga anak niya mula sa mana, karapatan at maging sa pagkilala."
Bumuntong-hininga siya.
"Pero sa pananatili ko sa mansiyon, hindi ko akalain na mapapamahal ako sa batang si Jackson. Siguro dahil naging mabuti sa akin noon si Donya Jacqueline kaya ang anak niya ay hindi ako nahirapang mahalin..."
Nakangiting minasdan ko ang mga bulaklak sa puntod. Napakabait nga raw ni Donya Jacqueline based sa mga kwento ng mga tauhan sa mansiyon.
"Hindi ko kayang iwan si Jackson habang lumalaki siya. Daig ko pa ang isang istriktang ina sa pag-aalaga sa kanya. Ayoko siyang pabayaan dahil alam kong walang maidudulot na maganda si Vice sa buhay niya."
"Hindi po ba nagtampo si Calder dahil mas inalagaan niyo si Jackson?"
"Naiintindihan ako ng pamangkin ko kung bakit si Jackson na ang mas naging priority ko. Naiintindihan niya na higit na mas mahina at mas nangangailangan ng atensyon ang kapatid niya kaysa sa kanya."
"Alam niyo po ang tungkol sa kalagayan ni Jacksoon noon pa?"
Tumango si Mrs. Cruz. "Isa iyon sa dahilan kaya hindi ko talaga magawang umalis. Nang malaman ko na tila may sakit siya sa pag-iisip ay halos madurog ako. Gabi-gabi ko siyang naririnig na kinakausap si Donya Jacqueline na tila buhay ito at nakikita niya. Naririnig ko siya na naglalambing, nagsusumbong, at kinumusta ang isang taong wala na sa mundong ito..."
At ang buong pagkakaalam ni Jackson ay teen ager na siya noong mamatay sa rest house sa Rizal ang mama niya. Ang kwento na iyon ay minanipula lang ni Vice.
"Ang iniisip ng lahat ay malakas siya at walang damdamin, pero hindi. Sa kanilang dalawa ni Calder, siya ang mahina. Itinatago niya lang ang lahat ng emosyon pero sa loob, wasak na wasak siya. Dahil alam niya ang lahat ng nangyari. Isinusuka niya ang sariling ama. Dala niya ang guilt sa nangyari sa mama ni Calder."
"Kaya pinahanap niya si Calder, Mrs. Cruz? Gusto niyang makilala ang kapatid niya."
Tumango siya. "Kahit ayaw ni Vice, pinapasok niya si Calder sa buhay niya." Ngumiti si Mrs. Cruz at tumingala sa langit. "At kahit itanggi ng magkapatid na 'yan, alam ko sa puso ko na mahal nila ang isa't isa."
Tumingala rin ako sa langit. "He's the most selfless guy I've ever known."
"Ang batang iyon... Tigas-tigasan pero malambot ang loob. Idinadaan niya sa biro ang lahat, pero nasasaktan siya sa totoo lang. Nahihirapan na siya at napapagod na pero mas pinipili niyang wag pag-alalahanin ang mga tao sa paligid niya." Napayuko si Mrs. Cruz at dinig ko ang kanyang mahihinang hikbi.
Kahit ako ay naluluha na naman. Wala rin yatang pagkakataon na dumadalaw ako rito kay Calder na hindi ako maiiyak.
Masakit pa rin kasi talaga.
Parang kailan lang, siya ang una kong kaibigan.
Siya ang nagpapatawa, nang-aasar, at nagpapakilig sa akin. Siya pa nga ang puppy love ko bago ko marealize na mas masarap siyang maging kaibigan.
Nagpaalam na si Mrs. Cruz matapos ang ilang minuto namin sa puntod. Ang sabi niya ay magsisimula siya ng bagong buhay bilang Miss Cruz dahil dalaga naman talaga siya. At this time ay hindi na siya magpapanggap na ibang tao. Mabubuhay na siya bilang siya.
Mayaman siya dahil sa kanya iniwan ni Calder ang mga properties at ipon. Ang sabi niya, maglilibot siya sa buong mundo hanggang sa hindi niya na kaya. Hanggang sa kulubot at mahina na siya.
Deserve ni Mrs. Cruz ang mabuhay nang malaya. At alam ko na kung nasaan man si Calder ngayon ay masaya siya.
Muli kong pinagmasdan ang puntod. "Pakabait ka palagi, ha? Wag mo ng alalahanin ang kuya mo dahil ako ang bahala sa kanya. So paano? Aalis na ang milady mo... Mahal kita."
...
Pagkababa ko ng sasakyan ay sumalubong agad si Ate Minda. Humihingal siya at ni hindi niya man lang nasalo ang "hello kiss" ni Tarek sa kanya dahil sa akin siya agad dumiretso.
"Ganda, si Sir Jackson hinahanap ka!"
Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng rest house. Dito na kasi kami ngayon nagi-stay sa Tanay, Rizal. Dito ko pinili na dalhin si Jackson para ilayo siya sa media at sa mata ng mga tao sa Quezon City. Dito namin sisimulan ang simpleng pagbabagong-buhay. Dito kung saan malayo sa siyudad at magaan sa pakiramdam ang tanawin at malamig na hangin.
I left around 9am when Jackson was still asleep in our bed. Malamang nang magising siya ay ako agad ang hinanap ng mga mata niya.
Kalaunan kasi ay natanggap niya na rin na ako ang batang babae na nakakausap niya noon sa Davao. Naging palagay na rin ang loob niya sa akin. Nitong huli ay alam na rin niya na mag-asawa na kaming dalawa.
"Nasaan siya, Ate Minda?"
"Nasa garden sa likod. Tumawag kasi kanina sa landline si Sir Acid about sa business."
Mula ng naririto na si Jackson ay madalas na ang tawag ng mga brothers niya sa Red Note Society. Ang mga ito ang umaasikaso ng negosyo nila dahil nagpapagaling pa siya.
Ang mga ito rin ang umasikaso para mas mapabilis ang kaso ng mga Hynarez.
Nauna na akong pumasok sa loob ng rest house. Tinungo ko agad ang sliding doors papunta sa likod kung saan naroon ang malawak na hardin ng rest house. That's our favorite part of this place. Doon namin paboritong tumambay dahil sa overlooking view ng Metro. Lalo tuwing gabi kung saan parang may mga nakalatag na maliliit na ilaw sa ibaba.
I went outside the sliding doors and there he was. Standing there, wearing a white shirt, his hands in his jeans' pockets, and looking as handsome as ever. Nang lumingon siya ay nahigit ko ang aking paghinga.
"Jackson..." I called his name.
Ang magagandang uri ng mga mata niya ay tumitig sa akin. For a moment, that was all there was, the unbreakable connection between us.
Mayamaya ay humakbang siya palapit sa akin. Ang pakiramdam ay parang katulad pa rin ng noon... nakakapanghina.
"What took you so long?"
I smiled sweetly at him. "You missed me?"
Nag-iwas siya ng tingin ngunit sa mapula niyang mga labi ay naglalaro ang isang ngiti.
Oo nagsimula na. Nagsimula na nga kami sa bagong buhay na magkasama. Mga bagong alaala, mga alaalang matatamis at magaganda na lang mula ngayon ang iipunin naming dalawa.
...
FOUR MONTHS LATER
I am now six months pregnant and based on the ultrasound report, I am having a healthy baby boy. Nasa Europe na kami ni Jackson ngayon kung saan siya nagpapagamot. Hindi ko siya sinusukuan kahit pa hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naaalala ang nakaraan.
Kahit pa para kaming nagsimula sa umpisa ay hindi naging sagabal iyon para magdamayan kami sa lahat ng masasaya at masasakit na sandali...
Five months ng patay si Vice. He died by suicide. He left a letter na ipa-cremate siya agad once matagpuan ang katawan niya sa kanyang hotel room na wala ng buhay. Huli na para makita pa siya ni Jackson dahil urn na lang ng abo ang dumating sa amin matapos siyang macremate sa Pilipinas.
Hindi ako umalis sa tabi ni Jackson. Palagi akong nakaalalay sa kanya at nakasuporta.
Hindi na siya nagpaconfine sa ospital pero regular ang session niya with his private psychiatrist. He's taking his meds too.
Desidido siyang gumaling dahil ang gusto niya ay makabalik na kami sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Gusto niya na doon namin palalakihin ang anak namin. Gusto niya rin na bumalik ako sa pag-aaral at siya naman ay aasikasuhin ang kompanya na iniwan ng daddy niya. Syempre hindi pa rin kami mawawalan ng oras para sa baby namin.
Ang pangarap naming kompleto at masayang pamilya ay malapit na naming mabuo paglabas ng baby sa tiyan ko.
Siya nga pala... Si Mrs. Cruz ay nasa mansiyon na ulit. Nagsawa na agad sa pagliliwaliw ang tita ni Calder. Hindi niya raw pala type ang magbuhay-reyna. Hindi raw kasi niya kayang mabuhay na wala siyang binubwisit at sinusungitang mga kasambahay, so ayun siya na ulit ang mayordoma doon. Baka malamang na isa si Mrs. Cruz sa magiging babysitter ng magiging baby namin ni Jackson.
Si Ate Minda naman at Tarek ay ikinasal na last month. Magkikita kami kapag nanganak na ako at bibinyagan na si Baby. Syempre sila ay magiging ninang at ninong. Ninang rin ang mga kaibigan ko sa DEMU.
Si Sacha at ang baby nito naman ay sumama na kay Valentina at huling balita ay nagmigrate na ang mga ito sa States.
Tungkol kay Olly, sumusulat pala sa akin ang babae. Hindi pa rin kami bati pero pinatawad ko na siya. Hinihintay ko na lang na tuluyan niyang marealized ang mga pagkakamali niya.
Pwede na rin kami umuwi ng Pilipinas na walang inaalala dahil ang lahat ng gusot ay naayos na ng kinabibilangang fraternity ni Jackson, and Red Note Society. Dahil sa pera at koneksyon, malinis na ang lahat ng komplikasyon
Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa niyon ang napakaguwapo kong asawa. He's wearing a black turtle neck pull over and a khaki fitted pants. Hinubad niya ang suot na eyeglasses at saka siya lumapit sa akin.
"Just done with the session with Doc. Flaming..." He sat on the side of the bed.
"Sorry hindi ko man lang nabati si Doc." Kakabangon ko lang dahil mabigat ang pakiramdam ko kanina.
"It's okay." Hinaplos niya ang tiyan ko. "Are you feeling better now?"
Ngumiti ako. "Yes."
"Mangga?"
"No. I'm good." Inabot ko siya sa balikat.
Ilang buwan na pero wala pa ring nangyayari sa amin kahit pa sa iisang kuwarto at iisang kama naman kami natutulog.
Palaging yayakapin niya lang ako, hahalikan at hahaplusin. Halos palaging ako lang ang nakikinabang. Samantalang siya, pagkatapos ng maiinit na eksena ay tatayo na at magkukulong sa banyo.
"It's okay..." sabi ko sa kanya sa mahinang boses. "Sabi ng OB ko, pwede pa."
"Fran..." Lumamlam ang mga mata niya.
"You used to call me doll..." bulong ko "Or your wife..."
Kitang-kita ko ang pag-alon ng Adam's apple ni Jackson.
Hinila ko ang isang kamay niya patungo sa gitna ng mga hita ko. Ilang sandali lang ay marahan niya na akong hinahaplos doon. Sinamantala ko ang pagkakataon, hinila ko siya para abutin sa mga labi. Katulad ng parati ay agad naman siyang gumanti ng halik.
Jackson parted my legs wide. He moaned into my mouth as his fingers touched the inside of my panties.
"Oh..." ungol ko nang maramdaman ang init ng mahaba niyang daliri. Ramdam ko ang panginginig ng aking parte at pagkabasa doon.
"Damn it," he growled when our lips parted.
I automatically arched my body against him. Noong mga nakaraan ay sobrang ingat niya sa akin. Sobrang marahan na para akong mababasag kapag hindi niya pinakaingatan. But lately ay bumabalik na ang dating Jackson. Iyong mas mapusok, mas mainit at maiksi ang pasensiya.
Jackson's middle finger slowly stroked my wetness until he slid it inside. He fingered me deeply and then slid his wet fingers up and down my throbbing core.
Lalong humigpit ang pagkakakapit ng isang kamay ko sa kanya dahil nahihibang na ako sa sensasyon na dumudoble habang tumatagal. Ang isang kamay ko ay mabilis na kinalas ang ribbon sa suot kong pantulog hanggang sa bumagsak na ito sa aking bewang. Wala akong suot na bra kaya naramdaman niya agad ang kalambutan ng aking magkabilang dibdib.
"Oh, damn..." Para siyang kakapusin ng paghinga habang mainit na nakatitig sa hinaharap ko.
"Suck them... Play with them... Please..."
Nagliliyab ang mga mata niya nang tumitig sa akin.
"Please..." Kinabig ko siya sa batok.
He leaned down to suck my boobs. A soft sound escaped my lips as he alternately licked the tip of each puckered nipple. His other hand cupped my left breast, squeezing it lightly as his mouth continued sucking and licking the nipple of my other breast.
Itinaas ko ang mukha niya para halikan siya ulit. Para akong malulunod sa paghalik niya. Ang init at napakabango ng bibig ni Jackson. Napahiwalay lang ako nang maramdamang nasa sukdulan na ako.
Nanginig ang balakang ko at napayakap ako sa kanya nang mahigpit habang bumibilis naman ang labas-masok ng dalawa niya ng daliri sa akin.
"Ahhh..." Mahinang sumandal ako sa balikat niya pagkatapos.
Mabilis pa ang paghingal niya samantalang pumapantay na ang aking paghinga.
Inabot ko siya. "We're not done yet..."
Pumikit siya nang mariin kasabay ng pagtatagis ng mga ngipin.
"Let me..."
He drew in a sharp breath when I touched his crotch. Lumapit ako sa kanya at idinikit ang hubad kong dibdib sa kanyang braso. Ramdam ko ang pagpipigil niya.
"You're so huge and hard..." anas ko.
"We should stop," he growled the words in my ear.
Napasunod ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at umalis sa kama.
Lumapit siya pero para lang ayusin ang suot ko na nahubad sa akin. Siya rin ang nagtaas ng naibaba kong underwear.
"Jackson..."
Hinalikan niya ako sa noo at hinimas ang may kalakihan ko ng tiyan.
"Mahal ko..." I hugged him and felt him stiffened.
Napatingala ako sa kanya para masdan ang kanyang reaksyon pero umiwas siya ng tingin. Bagay na madalas niya na ngayong gawin.
"What's wrong?" I asked him.
Ramdam ko na hindi na ito tungkol sa pagtabi sa akin. Hindi na tungkol sa kung gagawin namin ang ganoon o hindi.
Bigla siyang umiwas at nakapamulsang at lumabas sa sliding door ng kwarto na patungo sa veranda. Nakahabol lang ako ng tingin sa kanya.
I dont know but it felt weird these past few weeks. Parang may iba sa kanya. Parang pakiramdam ko, bumalik na ang dating Jackson ko. Parang ayaw niya na malaman ko na nakabalik na nga siya.
Pero imposible dahil sabi ng doktor niya, wala pa rin siyang naaalala. At okay naman na kami ngayon kahit pa ang lahat ng pinagsasaluhan naming memories ay bago.
Paglabas ko... nakatingala siya sa langit habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng suot na pantalon.
"Jackson..."
"I'm sorry for using your grandpa's money," he said all of a sudden.
Napasinghap ako sa sinabi niya. "What did you say?"
"I did that dahil walang-wala ako."
Hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan. Nakatingala pa rin siya sa kalangitan na parang wala lang ang sinabi niya.
I went near him. "Jackson..."
"Ayokong humingi kay Dad. Gusto kong may patunayan, and your grandpa trusted me enough kaya binigyan niya ako ng karapatan sa pera niya."
Napaawang ang mga labi ko.
"Believe me. I tried convincing your grandpa to use the remaining money to save your falling company, but he refused. Papalubog na talaga, at ayaw na rin niyang magkaroon ng alalahanin."
Nangilid ang mga luha ko. "Naaalala mo na?"
Saka lang bumaling sa akin ang malamig niyang mga mata. "The deal with your grandpa, yes."
Bumagsak ang balikat ko. Hindi naman na importante sa akin ang tungkol sa pera ni Lolo o kung ano man ang totoo tungkol doon.
"Believe me, ayaw niya na. He just wanted to make sure your future."
"I believe you."
Tumango siya at maliit na ngumiti. "Still, I'm sorry for not telling you sooner."
Lumapit ako sa kanya at tiningala siya. "I love you..."
Matagal na nakatitig siya sa akin bago siya mahinang nagsalita.
"Calder."
Napakurap ako. "Ha?"
"Let's name him Calder." Ang isa niyang palad ay humakaw sa kaliwang balakang ko at ang isa ay masuyong humaplos sa aking tiyan. "Calder was my favorite person before you came into my life."
Nanubig ang mga mata ko. "Jackson..."
"Laging may kulang dito." Itinuro niya ang kanyang dibdib. "Kapag wala ka, nasasaktan ako. Naaalala at hinahanap ka nito. Dahil alam nito na ikaw ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko."
"I'm okay with that." Ngumiti ako kahit naiiyak. "I'm totally okay with that."
Maliit na isang hakbang at niyakap ko siya. Isinandal ko ang pisngi sa kanyang matigas na dibdib.
"Wag na nating alalahanin ang masasakit. Basta naaalala mo lang na mahal mo ako at mahal na mahal kita... Okay na iyon. Mabubuhay na tayo nang masaya sa ganoon."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Naguguluhan ako pero hindi ko na inintindi pa ang pagtataka, nakontento na ako sa kung anong meron sa amin ngayon.
"Let's not think about the past, Jackson. Magsimula tayo ulit. Kasama si Calder..."
"We will... Mrs. Cole."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at paghaplos sa buhok ko.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Hindi na tayo maghihiwalay, Jackson. Tayong tatlo. Tayo ng magiging baby natin. Bubuo tayo ng masayang pamilya. Pamilya na hindi tayo pinalad na magkaroon noon. Mararanasan nating maging masaya. Hindi na tayo maghihiwalay."
Nang tingalain ko siya ay sinalubong ako nang mga mata niya na puno ng emosyon. Mga emosyong parang nakita ko na rin noon. At ang kainosentehan ng mga mata niya ay parang naglaho na talaga ngayon. But who cares? Ang importante magiging magkasama kami sa lahat ng oras at pagkakataon.
I'll be with the man who made me feel like I'm on the highest of heights and sometimes in the deepest of depths. Hindi na ako aalis. Sasamahan ko siya kahit saan at kahit kailan.
Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi. "I love you, Mrs. Cole."
At tingin ko ay gagawin na namin mamaya ang hindi namin magawa-gawa the past months. Napakapit na lang ako sa kanya ng buhatin niya na ako pabalik sa aming kwarto. Pabalik sa aming kama.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz