Chapter 65
DEAD ON ARRIVAL?!
"Dead on arrival na po yung isa." Nakayuko ang nurse nang masalo niya ang nanunumbat kong mga mata.
Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi ng nurse. Sino sa kanila? Sino sa kanila?! Nakakalat na ang media sa aking harapan ngunit tulala pa rin ako at hindi makagalaw.
"Ikaw ang ampon ng mga Cole at kahalikan ni Mayor sa stolen photo na kumalat sa Internet, right? Ma'am, anong masasabi niyo ngayon sa nangyari? Sa tingin niyo ay plano ito ni Miss Valentina Hynarez katulong ang daddy niya para maghiganti?"
Napatitig ako sa camera na nasa harapan ko. Nakalapit na pala sila sa akin nang hindi ko man lang nararamdaman.
"Ma'am, totoo ba na pinakasalan kayo nang lihim ni Mayor? At hindi iyon alam ni Miss Valentina? Totoo bang niloko niyo si Miss Valentina kaya naghihiganti siya sa inyo?"
Sumalit sa isip ko ang luhaang mukha ni Valentina habang hawak niya ang baril na pumatay sa sarili nilang tauhan. Umiling ako at hinawi ang mga camera sa harapan ko.
Hindi ko ilalaglag si Valentina dahil pinili niya ang tama. Katulad ko ay nagmahal at nasaktan lang rin siya. Hindi pa huli para sa kanya. Pero sa ama at tiyuhin niya? Huli na.
"Ma'am, anong masasabi niyo? Pahingi ng statement—"
May mga guwardiya na humarang sa mga media men. May humigit sa kamay ko at nang lingunin ko ito ay seryosong mukha ni Tarek ang aking nabungaran. Inalalayan niya ako palabas ng ospital hanggang sa makarating kami sa nakaparadang itim na Pajero. Binuksan niya ang pinto sa backseat ng sasakyan at inalalayan akong sumakay.
Hindi na ako nagulat nang makita si Ate Minda sa loob. Sinalubong ako ng babae nang mahigpit na yakap.
"Ate..." Napahagulhol agad ako sa balikat niya. Para akong biglang nakakita ng kakamping masasandalan.
"Hush, Ganda..." alo niya sa akin sa boses na garalgal. Maging ang balikat niya ay nanginginig sa mga oras na ito.
Ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Hinayaan ako ni Ate Minda ng ilang minuto rin. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Kahit si Tarek ay tahimik lang sa driver's seat.
Ring ng phone na hawak ko ang nagpatigil sa akin. Nanginginig pa ako nang sagutin ang tawag.
Basag na boses ng matandang lalaki ang nagsalita. "Fran, wala na siya. Wala na ang anak ko..."
"Fran, saan ka pupunta?" luhaang tanong ni Ate Minda sa akin.
Hindi ko na siya nasagot. Kahit nanghihina ay sinikap kong lumabas ng kotse at wala na akong pakialam sa mga camera na nakatutok sa akin. Patakbo akong bumalik sa ospital habang walang pugto ang pagtulo ng mga luha ko.
Wala nang mga media sa loob. Ang nagkalat na lang ay mga tauhan ng mga Cole. Sinalubong ako ni Vice pero hindi ko na siya napagtuunan ng pansin dahil dire-diretso ang tila may sariling isip kong mga paa patungo sa kinaroroonan ng morge.
Nakasunod sa akin si Vice at ang mga tauhan niya. Kahit sina Tarek at Ate Minda ay narito na rin at pilit na umaalalay sa akin.
Nanghihina ang mga tuhod ko pagpasok sa loob ng morge kung saan naghihintay ang nasa mid thirties na babaeng morgue staff na magtuturo kung nasaan ang bangkay na pakay namin.
Tigmak ang luha ng matandang lalaki na bise presidente ng bansa ng siya'y magsalita.
"He's gone. My son is gone!" Halos lumuhod siya sa sahig ng morge.
Inalis ng staff ng morge ang puting kumot na nakatakip sa mukha ng katawan na nasa pinakaunang mortuary table.
Una kong nakita ang maputlang balat at ang mahahaba at payapang pilik-mata ng lalaki. Kung makahimlay siya roon ay aakalain mong isa lang siyang prinsipe na nagpapahinga.
Ano bang masamang biro ito?
Nanginginig ang mga tuhod na nilapitan ko siya at masusing pinagmasdan. Baka kasi nangti-trip lang siya. Baka ginu-good-time niya lang kaming lahat dito.
"Come on, big guy..."
Hinawakan ko siya sa malamig niyang balikat.
"Wake up now, okay? Hindi na nakakatuwa 'tong joke mo na ito e." Nagsimulang gumaralgal ang boses ko and I hate it.
Bakit ako iiyak e joke lang nga ito.
"Sige na, bumangon ka na..."
Napakatahimik niya. Hindi pa rin siya kumikilos.
"Come on... This isn't funny anymore..."
Lalong lumakas ang paghagulhol ni Vice na nakasalampak pa rin sa sahig ng morge habang inaalalayan ng kanyang mga tauhan.
"Ayan o, naririnig mo siguro na sobrang nasasaktan ang daddy mo. I told you, he cares for you. Nahihiya lang talaga siya na ipakita, pero mahal ka niya."
Wala pa ring pagkilos sa mortuary table ang bangkay at napipikon na ako.
Tinapik ko siya sa balikat. "Come on! Bumangon ka na diyan! Maawa ka sa daddy mo! Kahit naman badtrip ka sa kanya, alam ko naman na hindi mo siya matitiis, di ba? Kaya bumangon ka na diyan bago pa siya atakihin sa puso!"
May humawak mula sa likod ko. "Ganda..." It was Ate Minda.
Tinabig ko ang kamay ng babae at saka muling tinapik ang balikat ng bangkay. This time ay halos alugin ko na siya. "Bumangon ka na sabi diyan! Naiinis na ako! Naiinis na talaga ako!"
"Fran!" Niyakap na ako ni Ate Minda mula sa likuran. Nanginginig ang katawan niya siguro dahil katulad ko ay umiiyak siya.
Pinipigilan niya ako sa ginagawa ko. Ayaw kong tumigil. Ang kulit ni Ate Minda.
"Ano ba?! Ate, hindi mo ba nakikita na ginigising ko 'to!" Pilit akong kumakalas sa kanya at tuluyan ng inuga ang mortuary table.
"Fran, ganda, tama na..." basag ang boses na awat niya sa akin.
"Ate, hindi nga! Hindi babangon 'to diyan hanggang hindi ako ang gigising e!"
"Tama na..." Hinang-hina siyang bumitaw sa akin para lang lumipat sa harapan ko.
"Ate, tumabi ka diyan. Pababangunin ko pa 'yan! Pinaglololoko tayo e!"
"T-tama na, Ganda..." Umaalog ang balikat na umiling siya at hindi umalis sa pagkakaharang sa mortuary table. Basang-basa na ng luha ang kanyang mukha.
"No!" Napasigaw na ako nang makitang tatakpan na ulit ng morgue staff ng kumot ang bangkay.
Pilit kong hinahawi si Ate Minda. Maski si Tarek ay pumipigil na rin sa akin pero nagwala ako.
"Bumangon ka sabi! Hindi kita mapapatawad kapag hindi ka bumangon!"
Nanlaban ako sa kanilang lahat at nagsisisigaw.
"Bumangon ka! Sinabi ko ng tama na bumangon ka—"
May humila sa akin at malakas akong sinampal. "Tumigil ka na sabi!"
Doon ako natauhan. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig nang mahimasmasan.
Natulala ako sa babaeng nasa harapan ko. "M-Mrs. Cruz..."
"Tama na! Tama na, Fran! Let him rest!" sigaw niya na halos mamaos na.
"Mrs. Cruz..." hikbi ko.
"Pabayaan na natin siyang makapagpahinga. Pagod na siya. Matagal na siyang pagod... Ito na siguro ang talagang dapat para sa kanya..." Puno ng luha ang mga mata niya na dati ay wala namang mababakas na kahit anong emosyon.
Parang bata ako na bumunghalit ng hagulhol at yumakap sa kanya. "Mrs. Cruz, sorry... Sorry... Sorry po!..."
Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang umiyak. Ginantihan niya ang yakap ko at hinayaan akong tumangis sa kanyang balikat.
"Sorry po... Sorry po talaga... Sorry..."
Walang imik na hinagod niya ang likod ko para pakalmahin. Kahit sa mga oras na ito na alam kong halos madurog siya na tulad ko ay mas pinili niya pa ring maging matatag at matapang.
...
Calder is dead and Jackson is in coma. Sobrang sakit. Sa ilang linggo na lumipas ay para akong pinapatay sa sakit.
Pinipilit ako nina Ate Minda na umuwi para magpahinga pero ayoko. Ayokong iwan si Jackson. Kung umaalis man ako sa ospital ay iyon ay para sumilip lang kay Calder sa sementeryo. Ganoon lang ang ginagawa ko sa araw-araw. Salitan kong binibisita at binabantayan ang dalawa.
Katatapos lang ma-cremate ni Calder pero gusto ni Mrs. Cruz na ilibing pa rin ang lalaki katabi ng libingan ng yumao nitong ina at amain. Sa wakas ay makakapiling na ulit ni Calder ang pamilya na nawala sa kanya.
Kahit anong pagluhod at pakiusap ni Vice habang yakap-yakap ang urn ni Calder ay hindi siya nagwagi sa kagustuhan ni Mrs. Cruz na ipalibing ang patay. Matigas ang puso ng may edad na mayordoma. Ni hindi nito pinakinggan ang pagmamakaawa ni Vice na hayaan ang urn ng anak na manatili sa kanya.
Si Mrs. Cruz ang natitirang legal na kamag-anak kaya wala ring nagawa si Vice kundi hayaang malibing si Calder matapos ang dalawang gabi lamang ng madamdaming burol.
Wala yatang oras na hindi ako umiiyak. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi ko na makikita at makakausap si Calder na katulad noong dati.
Hindi ko na siya maririnig na magbiro, mang-asar at magreklamo. Hindi ko na mararanasang ipagtanggol niya. Hindi ko na rin matitikman ang mga luto niya. At hindi na rin siguro magiging ganoon kasarap ang lasa ng kahit anong fishball, kikiam at kwek-kwek kahit saan.
Umiiyak din ako na halos maubos na ang tubig sa katawan dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Jackson... ang asawa ko. Puno pa rin siya ng tubo sa katawan habang wala siyang malay.
Nang ilipat siya sa VIP room ng ospital ay hindi na talaga ako natulog kahit segundo. Ni idlip ay hindi ko dinanas sa buong pagbabantay ko. The possibility that Jackson will leave me too like Calder did was terrifying.
Nang makaramdam ako ng pagkahilo ay saka lang ako umalis sa tabi ni Jackson. Pumasok ako sa banyo ng VIP Room at tumitig sa salamin na naroon.
"I need to be strong..." I forced myself to smile.
Kailangan kong lumaban. Namamayat na ako pero hindi ito pwede. Hindi katanggap-tanggap para sa kalagayan ko ngayon ang magpabaya.
Nakarinig ako ng kaluskos sa kuwarto kaya madali akong bumalik para lang magulat at madatnan na nakadilat na si Jackson.
"Oh, God!" Napaluha ako agad at nanakbo pabalik sa kanya.
Umungol siya. Nanghihina ang mga kamay niya na humawak sa aking braso. Ang malamlam na mga mata niya ay walang kurap sa pagtitig sa akin.
"Gising ka na..." hikbi ko.
Kinuha ko ang kamay niyang may swero at pinaghahalikan.
"Gising ka na talaga... Oh, God..."
Marahan niyang inalis ang oxygen na nakaharang sa kanyang bibig.
"I'm thirsty..." he said in a hoarse voice.
Napangiti ako kahit lumuluha. "I'll call your doctor—"
"P-please call my dad too, Nurse..."
Napatigagal ako. "N-nurse?"
Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakamasid sa akin. "Aren't you the nurse?"
Napalayo ako sa kanya bigla. Ang mga luha ko ay kusang dumaloy na parang wala na yatang katapusan.
"Why are you crying?" he asked. His face was plastered in confusion.
Umiiling akong umatras at tinungo ang emergency button. Mabilis ko iyong pinindot saka ako nanakbo palabas ng VIP Room.
Para akong masisiraan ng bait habang nasa labas. Kung hindi pa dumating si Ate Minda kagaya nang parati niyang ginagawa ay hindi pa ako titinag sa kinatatayuan ko.
Hinila ako ng babae palabas ng ospital at papasok sa kotseng nakaparada sa labas. "Umuwi muna tayo, Ganda. Kailangan mong magpahinga."
I let her take me. Wala akong imik o reklamo. Lumulutang ang isip at damdamin ko at hindi ko kayang makipag-argumento. Tahimik lang ako kahit si Ate Minda at Tarek sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa mansiyon.
Sa mansiyon ay tahimik din ang lahat. Mula sa mga guwardiya, kasambahay at maging sa mga hardinero ay walang sumulyap sa amin. Walang nagsasalita o lumilikha ng kahit anong ingay. Nakakabingi ang katahimikan at masakit sa pakiramdam ang pag-iwas ng lahat sa katotohanan.
Si Ate Minda ang nagtyaga na sumama sa akin hanggang sa kuwarto ko. Siya ang pumili ng isusuot ko. Siya ang nagpuno ng tubig sa bathtub at maging ang naghubad ng suot ko.
Tahimik niya akong inalalayang sumampa sa bathtub. Wala akong imik habang pinapabayaan siya na tulungan akong makaligo. I even leaned forward so she can scrub my back with a loofah.
Matapos maligo ay tinulungan niya rin akong magbihis. Ate Minda was also the one who combed my hair.
"O ayan, e di fresh ka na ulit, Ganda." Ang boses niya ay pilit ang pagiging masaya.
"I wanna go back to the hospital, Ate..."
Maliit siyang ngumiti. "Sige ako ang bahala kay Tarek."
Naiiyak na nilusob ko siya nang mahigpit na yakap.
...
Ang ilang minuto na pagbalik sa ospital ay parang ilang buwan para sa akin. Ang byahe ay nakakainip at nakakapikon.
Baka hinahanap na ako ni Jackson.
Baka nahimasmasan na siya at pinapahanap niya na ako.
Hinahanap niya na ako.
Hahanapin niya ako.
Paghinto sa harap ng ospital ay sulyap lang ang naibigay ko kina Ate Minda at Tarek dahil mabilis na akong umibis sa backseat para takbuhin ang lobby.
Hindi na rin ako nagtyaga na maghintay sa elevator. Pinili ko ang hagdan dahil ayaw kong may mamatay na segundo na nakatulala lang ako. Ang bawat hingal ko sa pag-akyat patungo sa 5th floor ay sulit ng nasa harapan na ako ng VIP Room na kinaroroonan niya.
Agad kong pinihit ang pinto at pumasok ako sa loob. Ang lalaking doktor na nasa mid fifties at isang babaeng nurse ang nadatnan ko. Wala si Vice. Pero gising si Jackson at nakatingin sa ibang panig ng kuwarto.
Ni hindi siya nagsayang ng panahon na tingnan man lang ako...
Kahit saglit...
Kahit saglit lang...
Nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko. Ang mga mata ko naman ay unti-unting nagtutubig. Hindi niya pa rin ba ako matandaan? Hindi pa rin ba niya ako kilala?
"Mrs. Cole?" Lumapit sa akin si Dr. Ferillo.
Nangingilid ang mga luhang tumango ako.
"I'm glad you're here now, Mrs. Cole."
"K-Kumusta siya, Doc?"
"I am done evaluating him. Physically, stable na ang pasyente."
"But he can't remember, Doc..." kumakabog ang dibdib sa sabi ko.
"Just some details in his life."
"Natatandaan niya ang lahat maliban sa ibang b-bagay?" I stammered on the last word.
The doctor nodded. "It's a Dissociative Amnesia , Mrs. Cole. Trauma and stress caused it."
Tuluyan na akong napaiyak.
"There's no nutritional deficiencies, infections and other issues. He already went through an MRI and CT Scan last week, but there's also no brain damage detected. His amnesia is all about trauma and stress."
Maraming ipinaliwanag ang doktor pero ang tungkol sa trauma ang pinaka-pinagdiinan niya. Dissociative amnesia ang nararanasan ni Jackson ngayon.
Ang mga naaalala lang ni Jackson ay mga piling bagay sa buhay niya. Sariling utak niya ang nagblock ng mga pangyayaring masasakit at ayaw niya nang alalahanin. Walang nakakaalam kung kailan siya gagaling o kung gusto niya pang gumaling.
The doctor suggested na once okay na si Jackson physically ay sumailalim naman siya sa isang psychologist. Kahit nakalabas na ang doktor at nurse ay nakatayo pa rin ako at hindi makalapit kay Jackson.
Siya na ang unang pumansin sa akin. "I'm sorry, Miss."
Napalunok ako sa klase ng mga titig niya. Mga titig na nagsasabing hindi niya talaga ako kilala.
"I really thought you're a nurse. Ikaw kasi ang una kong nakita nang magising ako." Bahagyang ngumiti ang maputla niyang mga labi.
Pinunasan ko ang mga luha ko at hinayaan lang ang sarili na pagmasdan siya. Despite of his paleness, he's still nonetheless handsome as ever.
Namiss ko na makita siyang gising. Namiss ko na marinig ang boses niya. Gusto ko na sana siyang yakapin ngayon. Gusto ko nang isumbong sa kanya ang mga pinadaanan ko sa loob ng mahigit dalawang linggo na in coma siya.
Gusto ko ring sabihin sa kanya na hirap na hirap na ako at ang sakit-sakit dahil wala na si Calder. Kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng magpapakalma sa akin. Nang magsasabi na okay lang at magiging maayos din ang lahat.
"You're crying again."
Lalo akong napaiyak habang siya naman ay takang-taka sa akin.
"You know what, Miss? May kamukha ka?"
Iyak pa rin ako nang iyak.
"Parang kamukha mo iyong batang makulit sa Davao."
Napatigil ako at natulala sa kanya.
Jackson smiled at me. "Yeah, kamukha mo siya. That doll in Davao."
Dahil ako nga iyon... Ako nga iyong doll mo...
Para akong baliw na humahagulhol sa harapan niya. Wala na akong pakialam kahit takang-taka na talaga siya sa akin.
"Miss, can you call my dad?"
Mahinang katok ang pumukaw sa akin. Agad kong tinungo ang pinto. And speaking of his Dad...
"Hello, Frantiska." Si Vice.
"Hinahanap ka niya..." I told him.
Parang biglang kinabahan si Vice. "Can you give us a minute?"
"S-sige po..." Tumango ako at tahimik na lumabas.
Sa labas ng VIP Room ay umiiyak pa rin ako.
Naaalala pa rin ako ni Jackson... Naaalala niya ang batang ako. Kung ganoon, bahagi pa rin ako ng mga alaala niyang masaya...
Ngingiti ako tapos iiyak ulit. Parang nasisiraan ng bait habang iniisip ang nakaraan namin sa Davao. Ang una naming pagkikita...
"Fran..." Bumukas ang pinto ng VIP Room at iniluwa niyon si Vice matapos ang ilang minuto.
Mabilis akong nagpahid ng luha kahit pa useless na iyon dahil mugtong-mugto naman ang mga mata ko.
"Nakatulog na siya."
Bumagsak ang balikat ko.
Ngumiti ang matandang lalaki at nilapitan ako. "You know what?"
Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Even before... May kakayahan na siya to erase memories na ayaw niyang maalala."
At ngayon ayaw niya na rin akong maalala? Parang tinutusok ng maraming aspile ang puso ko sa mga nagdaang minuto.
"Marami akong pagkukulang, Fran."
Pagak siyang tumawa at tumingala sa kisame upang sikilin ang pagsilip ng luha.
"Totoo lang ang mga sinabi ni Calder. Lahat kasalanan ko. Sa sobrang pagkaguilty ko sa pagkasira ng pamilya ko, pagkamatay ng asawa ko dahil sa karupukan ko, at sa pagsira ko sa buhay ng mga anak ko na kapwa biktima lang sa mga kasalanan ko... dahil sa lahat ng iyon, binalot ko ang sarili ko ng kamanhiran."
Malungkot na sinulyapan ni Vice ang pinto ng VIP Room na kinaroroonan ni Jackson.
"Akala ko kapag naging manhid ako, magiging malakas ako. Akala ko rin na maitatama ko pa ang mga mali sa pamamagitan ng pagmamanipula ng mga buhay nila."
Nang bumalik sa akin ang paningin ni Vice ay nanghina ako sa kirot at pait na nasinag ko roon.
"Sinikap kong kontrolin ang buhay niya. Sinikap kong planuhin ang buhay niya sa pulitika. Para sa akin hindi sapat na maging successful businessman lang. I wanted him to have more power and connections. Ang pagiging politician ko, ang ilang ulit kong termino sa pagkabise-presidente, lahat ng ito para kay Jackson. Dahil gusto ko na may makapangyarihan siyang ama na masasandigan niya."
Inabot ko ang kamay ni Vice at hinawakan. "Ginawa niyo lang po ang alam niyong makakabuti sa kanya."
He slowly shook his head. "My son is broken... Alam ko na iyon simula palang pero nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako. Hindi ko alam na habang pinipilit ko siyang ayusin, lalo pala siyang nawawasak."
Sarkastiko siyang ngumisi sa kawalan.
"You see? Marami siyang pinagdaanang sakit nang nag-iisa. Kinimkim niya lahat ng pait. Itinago niya ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na talagang matira. Ito na siya ngayon, binura na rin niya pati ang masasakit na alaala."
Bumitaw siya sa akin at tumalikod na.
"I'm telling you this because I want you to understand my son better."
Nang humarap siya muli ay napunasan niya na ang nagbabantang luha sa kanyang malamlam na mga mata kanina.
"After hearing everything, will you still stay with him?"
Maliit akong ngumiti. "Nothing's changed."
Tumango siya na tila nakahinga. "Good. By the way, I just came here to say I am sorry for everything... and goodbye."
"Po?" I blinked.
"I'm leaving."
"Where to?"
Nagkibit-balikat siya. "Somewhere far."
"Pero hahanapin kayo ni Jackson—"
"Believe me he won't."
Napatitig ako kay Vice. Puno ng lungkot ang mga mata niya pero sinisikap niyang ngumiti.
"Nakausap ko na siya, Fran. Okay na kami. Alam niyang aalis ako."
May inabot siyang envelope sa akin. "This is for you. And I have two favors to ask you."
"Ano po ang mga iyon, Vice?" Napatitig ako sa envelope na tinanggap.
"First, open the envelope once wala na ako. Second, wag na wag mong susukuan ang anak ko. Ipaglaban mo siya gaya ng paglalaban niya sa 'yo.
"I'll do it," mabilis kong sagot.
Mahina at pagak siyang tumawa. "Sorry may pang-third pa. Give him a happy family."
Naluluha akong tumango. Sunod-sunod na tango.
"Oh, may pang-fourth pa pala..." Lumamlam ang mga mata niya. "Don't forget to visit my Calder on his grave. Dalhan mo siya lagi ng bulaklak, ha?"
Napahikbi ako kasabay ng singhot. "I'll do that, too."
"I know you will." Ngumiti siya na may lungkot sa mga mata.
"Vice..."
"It's Dad." Tinapik niya ako sa balikat. "Fran, you're now part of the family. The daughter that I never had. Again, I apologize for everything."
Huling beses pa siyang sumulyap sa pinto ng VIP Room bago siya tahimik na naglakad paalis.
Ang papalayong tunog ng kanyang baston ay parang naiiwan pa sa aking pandinig.
Hindi ko alam kung bakit sobra-sobra ang kaba ko habang nakatingin sa papaliit na anyo ng matanda. Gusto kong habulin si Vice, pero hindi ko kayang iwan si Jackson dito. Parang kapag aalis ako ay may mangyayaring hindi maganda. At kung hindi ko rin susundan si Vice ay parang meron pa ring mangyayari na hindi maganda.
Hindi ko alam kung saan lulugar.
Pero katulad nang parati, pinili ko si Jackson.
Bumalik ako sa loob ng VIP Room. Natutulog na nga siya pagpasok ko. Mahimbing na tila haring natutulog doon.
"Hmn..." mahinang ungol na nagpalapit sa akin sa hospital bed.
"Jackson?" Natutulog pa rin siya at parang naalimpungatan lang.
Nakahiga siya sa kama habang payapang nakapikit ang mga mata. Marahan akong umupo sa tabi niya.
"Tulog ka lang... Pahinga ka lang..."
Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya at sumiksik sa kanyang tagiliran. Iniyakap ko rin ang isang braso ko sa kanya.
"Jackson, namimiss na kita..."
Mahina siyang umungol.
Lalo akong sumiksik sa kanya. "Sana bumalik ka na..."
Ang mahahabang pilik-mata niya ay walang kagalaw-galaw, at ang paghinga niya ay pantay na ulit. Tila nahimbing na sa pagtulog. Nag-iinit ang mga mata ko habang nakasiksik ako sa kanya.
"Bumalik ka na..." Kinuha ko ang isa niyang kamay na may swero at inilapat sa aking tyan. "Bumalik ka na. Kailangan kita. Kailangan ka namin ni Baby. Kaya bumalik ka na dahil magkakaanak na tayong dalawa..."
-JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz