Chapter 45
"DON'T MOVE."
Butil-butil ang pawis ko habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. It was painful, but I can still manage.
"Stay put, Fran. We're almost there."
It's fine. Natitiis ko pa naman. Mas masakit lang ang ngayon kaysa kanina. A while ago, he tattoed a bar code with the date today on the left side of my neck. Ngayon naman ay nasa groin ko na ang needle. He's going to put his sign there. Masakit dahil manipis ang skin sa part na ito.
Nagulat ako nang sabihin niya kaninang huhubarin niya ang cycling shorts ko. Hindi na ako tumutol dahil noong sinabi niya iyon, hindi naman siya humihingi ng permission. Sinabi niya iyon para gawin ko.
Tumingin ako kay Jackson na nakatingin pala sa akin. I could only see his eyes dahil may suot siyang surgical mask. Ina-assure ako ng mga mata niya.
Pahapyaw niyang binanggit kanina na lahat ng napapangasawa ng mga kasamahan niya sa secret underground fraternity na ito ay kailangang may bar code sa gilid ng leeg. The bar code with the date kung kailan ginawa ang tattoo at initial nila. Sa groin naman ay signature nila. Of course gamit ang isang super expensive special ink. Hindi nga lang invisible ink na katulad ng sa kanya.
Yup sinabi niya na rin sa akin na hindi niya lang mga kabusiness partners ang mga kaibigan niya kundi brothers niya sa fraternity—the Red Note Society. It's an elite private underground fraternity.
Iyong note na tattoo niya sa leeg at iyong barcode ko sa leeg ay pass para makapasok sa place na ito. May invisible laser iyong elevator kanina, at kung wala kang tattoo o kasama na may tattoo sa elevator ay masusuffocate ka dahil magbubuga raw ng poison smoke sa loob. Parang pinaka-protection ang identity pass para makarating dito. Nandito rin daw kasi sa basement ang pinaka-bank ng grupo nila. Hindi lang raw pera ang nakadeposit dito, kundi pati gold bars. Ganoon sila kayaman. Isa rin kasi sa negosyo na pinagsososyohan nila ay oil and mining business.
Hindi niya binanggit kung sino-sino ang mga kabrod niya, malamang mga pribado at mayayamang tao ang mga iyon. Mga kasosyo niya sa negosyo, malalaking negosyo. Hindi na ako nagtataka kung bakit payaman si Jackson kahit pa hindi naman lahat ng negosyo ng daddy niya ay hinahawakan niya. May own business siya at mukhang kumikita iyon ng ilang digits sa ilang oras lang.
Bilang asawa ng isang member ng RNS, required na may sign kami sa balat. It's like wearing them on our own skin. Pagiging possessive siguro ay isa rin sa reason ng tattoo. Pero isa sa mga katanggap-tanggap na reason ay pass nga ito para dito sa underground. Para may access din kami dito at sa pera at ari-arian ng mga asawa namin.
I know it's crazy, but I trust Jackson. I trust my husband. Katulad ng nagtitiwala rin iyong babae na nasa labas doon sa asawa nito.
Pumikit ako nang muling dumikit sa balat ko ang karayom. Masakit talaga...
"Done." Napadilat ako nang magsalita siya.
Nakatayo na si Jackson sa harapan ko habang hinuhubad ang suot na guantes ng mga kamay.
Marahan akong bumangon at hinagilap ang shorts ko. Bago ko pa 'yun damputin ay naunahan niya na ako. Kinuha niya iyon saka siya yumukod. Nakaluhod ang isa niyang tuhod nang isuot niya sa akin ang shorts. Hinayaan ko lang siya. Noong nasa kalahati na ng mga hita ko ay saka ko lang siya tinulungan. Tumayo ako at inayos ang pagkakasuot ng shorts sa akin.
Inalis niya ang surgical mask at hinila ako pakulong sa kanyang mga braso. "Sorry..."
Sumiksik ako sa matigas niyang dibdib. Wala akong masabi, pero hindi naman ako galit.
"Sorry," he repeated.
Tumingala ako at tiningnan siya sa mga mata. Normal lang ang emosyong nakikita ko. Sincere naman siguro siya sa pagso-sorry, hindi lang talaga maaninag sa kanya ang pagsosorry niya. Nginitian ko siya. "Uwi na tayo?"
"Yeah," sagot niya.
Kinarga ako ni Jackson in a bridal-style way. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya. Kung sasabihin ko kasing ibaba niya ako ay baka hindi rin naman niya ako sundin kaya hinayaan ko na lang. Yumakap ako sa leeg niya.
Paglabas namin ng kuwarto ay marami ng tao sa labas. Nasa may babasaging billiard table na nasa pinakamalapit sa sliding door. Apat ang lalaki, pare-pareho halos ng tangkad. Kahit hindi ko kaharap ay sure ako na walang tulak-kabigin sa mga itsura nila. They are all gorgeous men. Magaganda rin ang bulto ng katawan, iyong sakto lang sa tangkad ng mga ito, parang mga lalaki sa GQ magazine. Familiar ang iba kaya alam ko na agad na business partners and frat brothers ang mga ito ni Jackson.
Sa leather sofa naman ay may dalawang babaeng nagkukuwentuhan. Nandoon ang morenang babae kanina at ngayon ay may kausap na siyang isa pang babae. Babaeng maganda rin, at buntis. Sa laki ng tiyan ay parang kabuwanan na.
"Hello," bati sa akin ng buntis ng mapadaan kami ni Jackson.
"Hi," ganting bati ko. Nakakahiya kasi karga pa rin ako ni Jackson, pero mukha namang hindi ito issue sa dalawang babae. Parang sanay na sila sa ganitong eksena. At mukha naman silang mababait at hindi masusungit.
"Hi, Mayor!" bati naman ng babaeng morena kay Jackson sabay baling sa akin. "Frantiska, right? Nice to meet you. Bonding tayo minsan."
Sasagot sana ako nang lumakad na si Jackson. Kinawayan ko na lang tuloy ang dalawang babae. "Ano ka ba? Kinakausap pa nila ako," sita ko kay Jackson ng makalayo kami.
"Wala silang sasabihin sa 'yo," kaswal na sagot niya.
Nang madaan naman kami sa mga nagbibilyar ay nilapitan siya ng isa sa mga lalaking nandoon. Grey ang mga mata ng lalaki. Mukhang masungit, ngunit guwapo. "JC."
"My wife," pormal na pakilala niya sa akin sa lalaking grey ang mga mata. Parang balewala lang na karga niya ako. Ni hindi nga yata siya nangangalay. At parang wala lang rin sa kausap niya na may karga siya.
"She should hang out with the girls."
"Maybe some other time."
"And when is that time?"
"Maybe if you already have your final woman."
Napangisi ang lalaking grey ang mga mata. Lalo itong gumuwapo dahil sa biglaan na pagngisi. "Final women," he corrected Jackson.
Hindi ko alam ang pinaguusapan nila kaya nakatanga lang ako. Tumalikod na si Jackson at tinungo na namin ang elevator. Nang nasa loob na kami ay hindi niya pa rin ako ibinababa. Ako na ang nagpilit na bumaba dahil baka nga mangalay na siya.
"Sino siya?" tanong ko.
"Foresteir."
"Ah..." Mukhang surname basis sila ng mga friends niya. Hindi na ulit ako nagtanong pa. Ang importante, may bagong natutunan ako sa kanya. Nakita ko at narating na ang isa sa mga lugar na pinupuntahan niya. Nakasalamuha ko na rin ang mga taong madalas niyang nakakasalamuha.
Marahan niya akong ibinaba. Nang makatayo na ako sa sariling mga paa ay humarap siya sa akin. "Are you sure you're okay?"
"Oo nga. 'Wag mo akong alalahanin. Nilagyan mo lang ako ng tattoo, hindi mo naman ako inoperahan."
Inalis ang suot kong pony tail. Inilugay niya ang buhok ko sanhi para matakpan ang maliit na barcode tattoo sa gilid ng aking leeg. "Don't show your tattoos to anyone."
"Yes, Mayor!"
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "Thank you for wearing my love on your skin."
"And thank you for showing me your world." Yumakap ako sa kanya. Ano pa man ang malaman ko about my husband, I will accept it with all my heart.
...
I was staring at the ceiling for almost an hour. Gumagala ang isip ko sa kung saan-saan. Nakahiga sa tabi ko si Jackson at alam kong tulog na siya. Nakayakap ang isang braso niya sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa aking leeg.
Nilingon ko siya. Nakapikit ang mga mata niya. Ang mahahabang lashes ay hindi gumagalaw. Tulog na tulog na talaga. Tumagilid ako at pinagmasdan si Jackson.
I know I am safe with him. Kaya bakit ba ako nag-iisip pa ng kung anu-ano? Sumiksik ako sa kanya at niyakap siya. Nasa akin si Jackson. Nasa akin ang pinakamatinong lalaki sa mundo kaya dapat mapanatag ako.
Sinikap kong maging kalmante hanggang sa wakas ay tinamaan na rin ako ng antok. Malalim na ang tulog ko nang marahan siyang bumangon at umalis sa tabi ko. Hindi ko na namalayan kung saan siya pumunta at kung anong oras siya nakabalik.
Basta namalayan ko na lang na umaga na at nang hinanap ko si Jackson ay nakaupo na siya sa sofa na kaharap ng hinihigaan kong kama.
Bumangon ako at natulala sa kanya. Preskong-presko siya habang nakaupo roon at nakamasid sa pagtulog ko. Black polo na nakatupi ang manggas hanggang siko, fitted jeans at black boots ang suot niya. Basa ang buhok kaya alam kong nakaligo na siya.
"B-bakit di mo man lang ako ginising?" Bigla tuloy akong nailang. Kainis! Siya fresh tapos malamang ako may muta-muta pa.
Tipid lang na ngumiti ang mapula niyang mga labi.
Nahihiwagaan akong tumayo at kumalong sa kanya. I gently touched his face. "Mauuna ka bang umalis sa akin ngayon? Nakabihis ka na, hindi pa ako naliligo."
"Hindi na natin kailangang magsabay palagi paalis."
"Ha?"
"Pero susunduin kita sa school para sabay tayong uuwi." May inabot siya sa aking box.
"Ano iyan?" Nang tanggapin ko iyon ay namangha ako. Bagong cell phone na may nakapatong na new SIM sa ibabaw. "May cell phone pa naman ako e."
"You forgot your phone on the floor. Natapakan ko."
Napakurap ako. "What?" At bakit ko naman iiwan sa sahig ang cell phone ko?! Gulat na napatitig ako kay Jackson. "E nasaan na? Hindi naman siguro nasira. Saka iyong SIM ko roon magagamit pa naman—"
"Naitapon na. I forgot about the SIM."
Napatitig ulit ako sa box ng bagong cell phone ko at sa bagong SIM card. Ano pa nga bang magagawa ko?
Hinalikan niya ako sa pisngi saka inalalayang makatayo. "'Gotta go. I already saved my number there, text me every hour."
"Okay." Tiningala ko siya. Kinailangan ko pang tumingkayad para abutin siya sa pisngi at halikan. "Every two hours, I will text you."
"One hour."
Natawa ako. "Sige na nga." Kumaway ako nang pumunta na siya sa pinto.
Saglit siyang lumingon. "Oh by the way, I fired Calder this morning."
Napatanga na lang ako nang tuluyan na siyang lumabas ng aking kuwarto.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz