ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 11

JFstories

"BAKIT KA NANDITO?"


Nasa harapan na namin ni Olly si Uncle Jackson. Sa akin siya nakatingin, sa mukha ko, sa reakyon ko na parang natuklaw ng sawa. Tumaas ang isang kilay niya na parang naiirita sa tanong ko?


Napangiwi ako nang marealized ko ang aking tanong. Irritating nga. Wala akong masabi kaya nagkusa ang aking bibig. Dahil hindi ko talaga inaasahan na makikita siya rito. Why is he here? I thought he's busy with the business and campaign.


"He's your uncle?" bulong sa akin ni Olly. "Damn you! You didn't tell me that he's still young!"


Hindi ko masagot si Olly dahil pakiramdam ko, kahit bumulong ako ay maririnig pa rin ako ni Uncle Jackson. O di kaya ay mababasa niya ang bukas ng aking bibig. Hindi niya kasi inaalis ang matiim niyang paningin sa akin.


"Hi po." Si Olly na ang nagpakilala sa kanyang sarili.


Tiningnan lang siya ni Uncle Jackson.


"Wala yata si Calder? Bakit ikaw ang sumusundo? How sweet of you naman kay Fran. My friend is indeed a lucky girl."


Siniko ko na si Olly dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi. "Aalis na ko. 'Kita na lang tayo tomorrow."


Nagniningning ang mga matang tumango si Olly. "Ow-kay?"


"Let's go, Frantiska." Tumalikod na si Uncle Jackson.


Namilog ang mga mata ni Olly habang habol ng tingin ang nakatalikod ng si Uncle Jackson. Damn Olly! She was looking at his butt for Pete's sake!


"He had a great booty!"


"Olly!" Pinandilatan ko si Olly matapos kurutin sa tagiliran.


"What?" Nakatawang tanong niya.


"Ang halay mo!" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagalit kay Olly. Sumunod na ako kay Uncle Jackson na nakatayo sa tabi ng passenger's side. Siya ang nagbukas ng pinto sa akin.


Sa loob ay super awkward. Kung pwede lang akong lumipat sa backseat ay ginawa ko na. Nakakahiya lang na lumipat dahil magmumukha siyang driver ko, kahit pa sabihing wala namang makakakita dahil heavily tinted ang mga salamin ng kotse. Saka baka isipin naman niya na nag-iinarte ako. So tiniis ko na lang ang thick air sa pagitan naming dalawa.


"Who's she?" tanong niya habang nagmamaneho.


He talked? Talaga?


Hinintay kong ulitin niya iyong tanong niya, kasi medyo mahina iyong una, pero hindi na siya nagsalita pa. "My friend," sagot ko.


Sinulyapan niya lang ako nang saglit na saglit sa rearview mirror saka niya muling ibinalik ang paningin sa daan. Kung umasta siya ay parang wala siyang pakialam na may kasama siya sa loob ng kotse. Napahiya tuloy ako.


"S-sorry pala sa tanong ko kanina. Nabigla lang ako na ikaw ang sumundo sa akin..."


Nasan ba kasi si Kuya Calder e?! Siya dapat ang sumusundo sa akin at hindi si Uncle Jackson.


O kaya kung wala si Kuya Calder, iyong matandang driver na lang sana kanina. Hindi iyong ganito na para akong maiihi sa kinauupuan ko dahil sa tensiyon na ako lang yata ang nakakaramdam. Obviously ako lang talaga dahil kalmado lang ang katabi ko.


Hindi naman niya ako sinagot. Buong atensyon niya, nasa daan lang. Para tuloy akong nagsalita sa hangin. Bakit niya pa ako sinundo kung ganito lang din siya sa akin?


I sadly faced the windshield. The silence was awkward throughout the entire drive. Hindi ko matiis, kasi ang sakit sa dibdib.


Nakapagtataka na habang nakatingin ako sa mga motorista sa kalsada ay bigla na lamang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Kahit nasa loob ako ng kotse ay tila ako napupuwing. Nanlalabo ang aking paningin.


Narinig ko ang pagpapakawala ng paghinga ng aking katabi, kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan.


Suminghot ako nang maramdaman ko na para akong sisipunin. Hindi naman ako magkakasakit, pero iyong dibdib ko, masakit. "Galit ka sa akin..."


There, I said it.


"Di ba?" Nilingon ko siya. "Galit ka..."


Nilingon niya ako. "Tell me why should I be mad at you."


Napalunok ako sa lamig ng titig niya.


"Tell me," aniyang nasa daan na muli ang mga mata.


"Ikaw ang magsabi." Napiga ko sa aking mga palad ang strap ng bag ko. "Hindi ko alam kung bakit ka galit, pero alam ko na galit ka." I could feel it. Sanay ako sa silent treatment niya, kaya alam ko kapag may something wrong.


Ayoko nang ganito. Ayoko na galit siya kasi kahit hindi siya magsalita, ramdam na ramdam ko na may nagawa ako sa kanya na masama, na hindi niya gusto, na bawal. At hanggat alam kong galit siya, hindi ako matatahimik at mapapakali. Parang konektado iyong nararamdaman niya sa nararamdaman ko, nasasaktan ako na itinuturing niya akong hangin.


Nagulat ako ng ihinto niya sa tabi ng kalsada ang sasakyan. Sumandal siya sa sandalan at lumingon sa akin. Nakataas ang isa niyang makapal na kilay. "I want to know what you're thinking, doll."


Napasinghap ako ng tawagin niya ulit ako sa ganoong paraan. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang dating iyon sa akin ngayon.


"I want to know everything."


Everything?


"Come on..." Kahit hindi siya nakangiti ay tila may naglalarong ngisi sa mapula niyang mga labi.


Pwede pala iyon? Na seryoso ang mga mata mo pero ang mga labi mo ay may nagbabadyang ngisi. Hindi ko tuloy maturol kung nanunudyo siya o galit.


"B-bakit kailangan kong sabihin lahat?" Hindi ba ako pwedeng magtira para sa sarili ko?


Lumamig muli ang mga mata niya.


"I mean, wala naman kasi akong itinatago o itatago. Alam mo lahat. Pumapasok ako sa oras at umuuwi sa oras. Hindi kita sinusuway at—"


"You didn't reply to my text messages."


Napaawang ang mga labi ko.


"Yet you have already sent forty-five messages in just three days."


Gilalas ako na nai-check niya na agad iyon kahit hindi pa nag-i-isang linggo.


"Saan mo ginamit ang thirty-eight messages?"


Bilang na bilang niya ang pitong pirasong reply ko sa maiiksi niyang text na akala ko ay wala siyang pakialam. 


At bakit kailangan niya pang itanong kung kanino ko ginamit? Malamang naman na nakita niya na sa record kung sino ang itini-text ko maliban sa kanya. Unless gusto niyang marinig mula mismo sa akin.


Lumabi ako. "Alam mo naman kung sino, di ba?"


Wala siyang sagot.


Iyon ba ang ikinagagalit niya? Iyon lang ba? Dahil lang doon? Bakit ang babaw naman?


Napahikbi ako. "W-wala naman akong ginagawang masama..."


Hindi ba niya alam na takot ako na magalit siya? Na nasasaktan ako sa isiping galit siya sa akin? Pwede niya naman akong kausapin, bakit parang gini-guilt trip niya pa ako?


"Wala akong ginagawang masama, alam ko. Lahat naman ng gusto mo, sinusunod ko. Bakit kailangan ganituhin mo ako? Ikaw na lang ang meron ako sa buhay ko, ayokong magagalit ka sa akin. Ayoko na hindi mo ako papansinin at ayoko na ipinaparamdam mo sa akin na nakagawa ako ng kasalanan sa 'yo, na hindi mo ako pinagkakatiwalaan." Napahagulhol na ako.


Bakit ganito? Bakit ang iyakin ko sa kanya?


Hindi ko alam bakit ganito? Naiinis ako sa sarili ko at nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa paninikip ng aking dibdib. My tears were falling thick and fast. It was that painful.


Ayoko siyang magalit. Siya na lang ang meron ako, kahit hindi kami magkadugo, hindi kami malapit sa isa't isa, at kahit pa sampid lang ako sa buhay niya dahil pinakasalan niya lang naman si Mama sa papel dahil sa sapilitang kasunduan, para sa akin ay siya na lang ang aking natitirang pamilya. 


Minuto rin akong ganoon nang marinig ko ang pagtunog ng recliner ng driver's seat. Nang tingnan ko siya ay nakasandal siya sa sandalan at prenteng nakatingin sa akin.


Nahihiyang nag-iwas ako ng paningin. Pasimple kong kinusot ang mga mata ko at pinahiran ang aking luhaang pisngi gamit ang likod ng aking mga palad. Nakakainis kasi napapahikbi at napapasinghot pa rin ako kahit todo na ang pagpipigil ko.


"How can I be mad at you, my doll?"


Muli akong napatingin sa kanya. Ganoon pa rin ang kanyang pwesto ngunit may kakaiba na sa kanyang mga mata habang nakamasid siya sa akin.


"You are painfully innocent."


Napalunok ako nang umangat siya at bahagyang lumapit.


May kinuha siya mula sa bulsa ng suot niyang jeans at inabot sa akin. Matagal akong napatitig sa panyo na inaabot niya. I hesitated to accept it for a moment. Nang akma ko na iyong kukunin ay nagulat ako ng hindi niya naman iyon bitawan.


"I'm sorry for all the tears I've caused you today." Lumapit siya at pinunasan ang gilid ng aking pisngi. Langhap na langhap ko ang kanyang mabangong amoy.


Pati ang pawisan kong noo at leeg ay pinunasan niya rin. Napapikit ako. Pigil ko ang paghinga ko dahil halos magdikit na ang mga mukha namin sa sobrang lapit niya sa akin.


"I don't want you crying anymore, my doll."


He slowly bent down to kiss my forehead and my eyes fluttered open.


Napakapit ako sa matigas niyang braso. "H-hindi ka na ba galit sa akin?"


Hinaplos niya ang aking buhok. "I wanna know everything about you, doll. Tell me everything."


I bit my lower lip.


"Everything, Fran." Maaligasgas ang kanyang boses. "Can you do that?Can you give me that?"


Marahan akong tumango.


"Good."


Sasabihin ko ang lahat-lahat sa kanya? Sana nga kaya ko. If only it were that simple.


"I don't want you hiding anything from me."


Hindi na ako sumagot. Hahayaan ko siya kung ang malaman ang lahat sa akin ang gusto niyang gawin, I will let him. Kung hindi naman din dahil sa kanya ay wala ako ngayon dito. Siya ang nagpapapakain, nagbibihis, nagpapaaral at kumukupkop sa akin. Utang ko ang lahat-lahat sa kanya.


"You're so fragile and precious..."


"And you are so myterious..." malakas ang kabog ng dibdib na sabi ko.


Tumiim ang bagang niya.


Nilakasan ko ang aking loob. "G-gusto ko ring malaman ang tungkol sa 'yo."


Gusto kong higit siyang makilala. Gusto ko siyang maintindihan.


"P-pwede ba? You don't have to tell me everything though. I just want a piece of you. I want to understand you better."


"Really, huh?"


Akala ko magagalit siya, pero hindi. Sinamantala ko ang pananahimik niya. Pinagmasdan ko siya. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kaperpektuhan niya, pero hindi naman ako nagsawa, ni napagod.


"Please? Pwede ba kitang higit na makilala?"


Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi at umiling. "No."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz