ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 10

JFstories

NANDITO SIYA!


Nang tingnan ko si Kuya Calder ay burado na ang mapaglaro niyang ekspresyon. Seryoso na siya pero kalmado. Parang hindi siya takot na narinig ni Uncle Jackson na tinutukso niya ako.


"Nagbibiruan lang kami." Gusto kong kutusan ang sarili ko kung bakit pa ako nagpaliwanag.


Lalong kumunot ang noo ni Uncle Jackson. Tumingin siya sa suot na wristwatch. "Calder, pick up Valentina from the airport. She'll message you the details. Take her to Shang after."


"Copy that, Sir."


Tumalikod na si Kuya Calder at nakapamulsang naglakad pabalik sa garahe. Nakasunod ako sa kanya ng tingin pero hindi na siya lumingon pa sa amin.


"You're not replying to my messages."


Bumalik ang tingin ko kay Uncle Jackson. Messages? Nag-text ba siya? Kailan? Kanina nong nasa kotse kami ni Kuya Calder?


"S-sorry kasi—"


"Never mind." Tinalikuran niya na rin ako.


Naiwan ako na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt gayong wala naman talaga akong ginawa. Maliban sa hindi ko nga nabasa ang messages niya.


Habang naglalakad papunta sa mansiyon ay tiningnan ko ang phone ko. May two messages nga. Wala namang importante, sinabi niya lang na umuwi on time at always be contacted. Ano naman ang ire-reply ko sa ganoong text messages?


Dinner time ay walang imik si Uncle Jackson sa kinauupuan niya. Nasa dulo siya ng pahabang mesa, at ako naman ay nasa gilid. Tatlong upuan ang layo ko mula sa kanya. Sanay naman ako na hindi siya nagsasalita, pero nakakakabag ang dead air ngayon.


Nasa pagkain ang buo niyang atensyon kahit hindi naman siya mukhang gutom. Marahan ang mga kilos niya, maski ang paghawak niya ng spoon and fork ay very gentle. Ni hindi tumatama sa babasaging plato. At kahit ang pag-inom niya ng tubig mula sa baso at mabining pagpupunas niya ng table napkin sa kanyang bibig ay nakasunod ang mga mata ko. The fineness of his features was intimidating because he seemed too perfect. Napailing ako at nagfocus na lang sa aking plato.


Natapos ang dinner na hindi siya nagsalita. Kung sa ibang pagkakataon ay okay lang ang ganito, ngayon ay kakaiba. Ramdam ko kasi na galit siya.


Pero ano ba ang ikinakagalit niya?


Bagsak ang balikat ko nang walang imik na siyang umalis sa mesa. Hindi niya naubos ang pagkain niya. Nagsisikip ang dibdib ko habang habol siya ng tingin.


"Ganda, okay ka lang?"


Mga ilang minuto akong tulala nang biglang magsalita si Ate Minda na nakalapit na pala sa akin. May bitbit siyang tray. "Ayaw mo na ba? Masama ba pakiramdam mo?"


"Busog na ako." Tumayo ako at tinulungan si Ate Minda na magligpit ng pinagkainan. "Okay lang, 'Te. Pagod lang sa school."


"Ah, nakakapagod naman talaga ang mag-aral. Katawan at utak kasi ang gamit diyan." Pinagpatong-patong niya ang mga plato.


"Ate Minda, hindi ko yata nakikita si Mrs. Cruz?"


"Ay, naku, mabuti nga at wala. Umuwi raw sa probinsiya, pero bukas nandito na ulit para pahirapan ang mga buhay namin."


Tipid akong ngumiti. Mabuti rin. Kasi kung makakasalubong ko ito ngayon at susungitan ako ay baka lalo na akong ma-depress. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong pakiramdam, iyong lungkot na para akong may masamang nagawa kahit wala naman.


"Umalis si Calder ngayon, ah?"


"May pinasundo si Uncle Jackson sa airport." Natigilan ako ng maalala ko. Babae ang susunduin ni Kuya Calder. Sino kaya ito?


"Talaga? Sino?"


"Valentina raw, Ate Minda."


"Ay, anak ng ahas naman!" Nagkalansingan ang mga kubyertos ng basta niya iyon ipatong sa mga plato. "Si Valentina Zosia Hynarez!"


"Kilala mo?" Nilingon ko siya habang pinupunasan ko ang mesa.


"Naman!" Umikot ang bilog sa mga mata niya. "Business partners nila ang pulitikong ama non. Pero ngayon, sila na ang magpartner dahil magf-focus na raw sa business ang babaita. Ewan ko kung totoo."


Hindi naman siguro siya importante. Kasi kung importante siya, dapat si Uncle Jackson mismo ang susundo sa kanya.


"Ay, mabait naman yon si Valentina." Bumuntong-hininga si Ate Minda. "Hindi ko lang talaga type ang pagdikit-dikit niya kay Calder."


Nabitawan ko ang basahan.


"Palagi niyang nire-request na si Calder ang maghatid sa kanya, sumundo sa kanya et cetera! Kung pwede niya nga lang irequest kay Sir Jackson na si Calder na rin ang magpaligo at magpakain sa kanya ay baka matagal niya na ng ini-request."


Nanahimik ako at napaisip. "M-maganda ba si Valentina?" mahinang tanong ko.


"Maganda. Kung ikaw manika, siya naman mannequin!" Namewang siya at tumitig sa akin. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Para kang nalugi?"


"Ha? Hindi, ah." Lumabi ako. "Pagod lang talaga ako." Kinuha ko na ang mga plato sa isang tray at nagpatiuna na sa kusina.


"Ganyan talaga tayong magaganda, ayaw na may mas gaganda pa sa atin."


Pagkahatid namin ng mga plato sa kusina ay nagpaalam na ako kay Ate Minda na magpapahinga. Hindi na siya nagtanong dahil napansin naman niyang wala na ako sa mood magsalita.


Sobrang bagal ng mga lakad ko papunta sa hagdan. Dalawang lalaki ang laman ng isip ko at ginugulo nila ako. Si Uncle Jackson at ang cold and silent treatment niya sa akin at si Kuya Calder na bigla na lang nag-evaporate at hindi na nagparamdam. Nadaganan na yata ng eroplano.


Sa hallway papunta sa mga kuwarto ay nakasalubong ko si Uncle Jackson. Galing siya sa kuwarto niya. Nakasuot siya ng clear glasses na kulay itim ang frame, nakapajama siya na kulay asul, puting t-shirt at pambahay na tsinelas sa kanyang mga paa. Medyo basa-basa pa rin ang kanyang buhok na ibig sabihin ay kagagaling niya lang magshower.


Tumungo na lang ako at pinagpatuloy ang marahang paglalakad hanggang sa makalampas na kami sa isa't isa. Hindi ko rin naman napigilang lingunin siya. Pumasok siya sa study room at walang lingon na ipininid ang pinto niyon.


Nagpakawala ako ng paghinga kasabay ng paghawak ko sa aking dibdib. "Bakit ganito? Parang pinipiga ang puso ko?"


Iniligpit ko ang nagkalat na notebooks sa ibabaw ng aking kama pagpasok ko sa kuwarto. Tinapos ko ang mga dapat gawin para mabaling sa iba ang aking isip. Alas onse na ng makatapos ako. Inihiwalay ko ang mga printed assignments ko at inilagay sa kanya-kanyang folder bago ako nahiga.


Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame. Bukod sa naiisip ko si Kuya Calder kung ano ang ginagawa nito ngayon, hindi rin ako makatulog sa isiping galit sa akin si Uncle Jackson. 


Bakit ba siya galit? Galit ba talaga siya? E bakit siya galit?!


Pero sana kung galit siya, sinigawan niya na lang ako. Sana inaway niya na lang ako para aware ako kung bakit siya galit. Sana igrinounded niya na lang ako! Mas gusto ko pa iyong ganon kaysa ganitong sina-silent treatment niya ako!


Napabangon ako at kinuha ang aking cell phone. Ang last message sa inbox ko ay galing pa kay Uncle Jackson. Nang maalala ko ang kaseryosohan niya kanina sa mesa at sa hallway ay napasubsob ulit ako sa unan.


Pinakaisip-isip ko kung ano ba iyong pwedeng pinagmulan ng galit niya maliban sa hindi ko siya nareply kanina. Wala talaga akong maisip na iba pang dahilan kahit itaktak ko na ang utak ko. Wala naman kasi akong natatandaang may nagawa akong kasalanan sa kanya pero iyong kalamigan niya sa akin, parang ang laki ng kasalanan ko.


Wala akong ginagawa pero iyong guilt ko, ayaw mawala. Sa huli nagpasya ako na ibalik sa dati ang nakasaved na name ni Kuya Calder sa phonebook ko. From Kuya C, ibinalik ko iyon sa BODYGUARD KNIGHT.


Binura ko rin ang past conversation namin ni Kuya Calder kahit wala naman kaming pinag-usapang masama. Para lang kung sakali mang i-check ni Uncle Jackson ang phone ko, at least wala siyang masasabi sa akin.


Ang weird lang sa pakiramdam dahil biglang nabawasan ang guilt ko pagkatapos.


...


Nagulat ako nang kinabukasan ay hindi si Kuya Calder ang naghihintay sa akin sa garahe. Isang may edad bagamat bato-bato ang pangangatawan ang nakatayo sa tabi ng kotse na maghahatid sa akin sa school.


"Good morning, Miss Fran. Tara na po." Ipinagbukas niya ako ng pinto sa backseat.


"Si Kuya Calder?" tanong ko sa bagong driver.


"May pinaasikaso po sa kanya si Boss."


Tumango ako kahit nagtataka kung bakit bigla-bigla naman yata ito. Baka puyat kay Valentina kagabi?


O baka kasama niya pa ang Valentina na iyon hanggang ngayon? E ano ngayon kung kasama niya pa ito? Bakit ba pino-problema ko pa sila? Paki ko ba kung anong ginagawa nila ng Valentina na iyon!


Pagpasok ko sa kotse ay inilabas ko agad ang phone ko para i-text siya. Nakakainis lang kasi hindi ako mapakali hanggat hindi ko siya naiti-text.


ME:

Bakit wala ka? Ni di ka man lang nagsabi!


So what kung tunog boss ako? Boss niya naman talaga ako dahil pasweldo siya ng uncle ko!


Ako rin ang napahiya sa naiisip ko. Kailan pa ba ako yumabang nang ganito? Kasalanan ng Calder Raegan Knight na iyan kung bakit ang aga-aga ay sumasama ang ugali ko!


Saglit lang ay nagb-beep na ang phone ko sa reply ni Kuya Calder.


BODYGUARD KNIGHT:

Missed me already? ;)


Ngumuso ako at nag-type ng reply. Kakainis dahil sa isang smiley lang ay wala na iyong asar ko sa kanya.


Mabilis ang reply niya, meaning he's not with Valentina. Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon. Feeling ko lang talaga hindi niya na kasama.


ME:

Di noh. Mas guwapo sa'yo iyong bagong driver ko. Wag ka na bumalik.


Wala nang reply si Kuya Calder. Nagtatampo yata.


"Fran!"


"Olly!" Nilapitan ko si Olly na naghihintay sa akin. Palagi niya na akong hinihintay. Hindi na siya pumapasok na hindi ako kasama.


"Nakakainis ka talaga. Mas lalo kang gumaganda araw-araw!" nakangiting bati niya sa akin. Ganito niya ako i-greet ng "good morning" every day.


"Ikaw rin naman." Sabay na kaming naglakad papasok ng university.


"Di ka nag online kagabi."


"Ang dami kasi nating assignments. May research pa kaya naubos ang time ko at hindi na nakapag Facebook."


"Masyado mo namang siniseryoso ang studies. Chill ka lang, kaka-start palang hina-haggard mo na sarili mo. Sabagay, mukhang never ka namang mahaha-haggard."


Ngumiti lang ako.


"Bakit hindi pala bumaba si Calder ngayon?"


Kusang naglaho ang aking ngiti at umismid ang mga labi ko. "Hindi naman siya iyong naghatid sa akin."


"Ganun? Sayang. Akala ko pa naman makikita ko siya ngayon."


Biglang tumunog ang phone ko. Kanda-kumahog ako sa pagbukas ng message niya. Pero hindi si Kuya Calder ang nag-text.


JACKSON

Be home on time.


"Sino iyong nag-text? Si Calder ba?" excited na tanong ni Olly sa akin.


Nagkibit ako ng balikat kay Olly. "Uncle ko."


Nagusot ang kanyang mukha. "Anong sabi?"


"Umuwi raw ako nang maaga."


"Ano ba 'yang uncle mo? Wala ba iyang ibang pinagkakaabalahan sa buhay niya?"


"What do you mean?"


"Para kasing bata ka kung ituring. Saka ang OA niya, ha? Ano, araw-araw ka na lang uuwi nang maaga? Nakakainis kasi yayayain pa naman sana kita mamaya mag-bar."


"Bar?"


"Oo. Magre-relax lang. Sama tayo kina Sacha."


"Pwede na ba tayo roon?" Sa TV at mga libro ko lang nababasa ang tungkol sa bar. Doon ay sasayaw ko, titikim ng iba't ibang alcoholic drinks, at makikipagkilala sa ibang tao. At ang alam ko rin, hindi puwede roon ang mga minors na katulad ko. 


"Kami pwede na. Ikaw, kailangan mo maglagay ng heavy make up para makapasok ka ron dahil mukha kang nene. At syempre, magpapalit ka ng damit. Bawal naka-uniform don."


"Wala naman akong dalang damit," sabi ko na lang. Ayaw ko kasing sumama. Hindi ako palagay sa sinabi niya. Nakakatakot. 


"Daan muna tayo sa house ko, papahiramin kita. Kahit everyday pa."


"Next time na lang siguro, Olly." Masyado pang maaga for that, and I don't think I'm ready for that kind of lifestyle. Hindi ko rin kaya ang consequences kung sakaling malalaman ni Uncle Jackson na nagbar ako.


Saglit siyang sumimangot pero ngumiti rin pagkatapos. "Okay. Basta next time, sumama ka na, ha? Marami akong friends na gusto kang makilala. Mostly boys."


"Next time, Olly."


"Uhm, Fran, pwede ba akong humingi ng number ni Calder sa 'yo?"


Saglit akong napatitig sa kanya bago ako nakapagdesisyon. "Itatanong ko muna sa kanya, baka magalit e."


...


After school ay sinubukan ulit akong yayain ni Olly sa bar. Gusto raw talaga akong makilala ng mga friends niya. At gusto rin daw akong makabonding nina Sacha.


"Tara na. Wala naman tayong exam bukas." Sinales talk niya pa ako hanggang sa gate ng Don Eusebio Mariano University.


"Hinihintay ako ng uncle ko."


"Ano ba 'yang tanders na 'yan, iniintindi ka pa, malay magjogging na lang para hindi rayumahin."


"He's not that old," medyo pikon na wika ko. Hindi ko alam bakit bigla akong napikon kay Olly. Mali, dapat pala sinabi ko, hindi pa matanda si Uncle Jackson.


"Fine. But still, he's irritating. Hindi ka niya dapat hinihigpitan na parang tatay mo siya."


"He's my late mom's husband. So technically, he's my stepfather."


"Yeah, right." Bumagsak ang kanyang balikat. "Ulila ka na nga pala, and he's the only person na kumakalinga sa 'yo kaya hindi mo siya pwedeng balewalain."


Tumango ako.


"Regards na lang sa uncle mo. Sabihin mo pag may time siya, ise-set ko siya ng date sa widow Aunt ko. He'll surely love my aunt."


"How old is your aunt?" walang-gana kong tanong.


"Fifty-nine but still slaying."


Wala ka bang aunt na sixteen years old? Gusto kong itanong pero nang marealized ko iyon ay napangiwi ako.


Nawala ang atensyon sa akin ni Olly. "Mercedes-Benz G-Wagon so freakin' handsome!"


Sinundan ko ang tinitingnan ng nagniningning niyang mga mata. Isang matte black na luxury car ang pinakatititigan niya. Huminto ito sa tapat namin ni Olly.


Matagal bago ko naproseso kung kanino ang Mercedez Benz na ito. Sa dami ng kotse na nakikita ko sa garahe, hindi ko na malaman kung isa ba ito sa mga iyon. Nang bumaba ang nasa driver seat ay saka ko lang nahugot ang aking paghinga.


Siniko ako ni Olly. "He's hotter than his car!"


Naka-dark shades ang matangkad na lalaki na nagmula sa loob ng sasakyan. Black long sleeve polo and denim jeans ang suot niya at magulo ang kanyang buhok na tila sinuklay lang gamit ang sariling daliri sa kamay.


Tumingin siya sa amin at hinubad ang kanyang suot na shades. "Frantiska."


"Uncle Jackson..." bulalas ko sa mahinang boses na dinig na dinig ni Olly.


"He's your goddamned uncle?! For real?!"


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz