CHAPTER 03
"It's beautiful things to meet someone who makes you forget your troubles.."
Hindi ito 'yong inaasahan na mangyayari ni Crisanto ngayong gabi. Mula sa pagtulong niya sa babaeng nagpakilala na si Janette na nasiraan nga ng sasakyan malapit dito sa winery niya hanggang sa pagpapatuloy niya dito mismo sa lugar niya. Tapos heto pa ngayon, nagkasakit pa ito, at kahit naka-ilang beses na niya itong ginigising simula pa kanina noong nasa pahingahan niya sila ay hindi pa din ito magising-gising hanggang ngayon. He brought her here on his house, na nasa may dulong bahagi na nga ng Palacios winery. Hindi pa din ito nagigising hanggang ngayon pero ang init-init pa din nito. Kaya naman kumuha siya ng bimpo at saka maliit na planggana at nilagyan 'yon ng malamig na tubig. Yong may yelo pa nga ang inilagay niya para mas mabilis din ang pagbaba ng lagnat nito habang sige siya sa pagpunas dito. Sigurado kasi na kaya ito nilagnat ay dahil sa nabasa nga ito kanina ng ulan. At may mga ganito palang klase ng tao, 'yong mahihina ang resistensiya. Para kasing ngayon lang siya nakatagpo na nilagnat agad dahil lang sa pagkabasa sa ulan.
Samantalang lamig na lamig pa din ang pakiramdam ni Janette, pero ngayon ay ramdam niyang may kumot na siya kaya 'yon ang hinihila niya ng maayos para matakpan ang buo niyang katawan. Ilang beses siyang sumubok na idilat ang kanyang mga mata pero parang antok na antok siya na hindi niya maintindihan. Maging ang katawan niya ay masakit din, pero aware pa naman siya sa nangyayari sa kanya kaya talagang sinubukan niyang idilat ang kanyang mga mata.
"Finally at nagkaroon ka na din ng malay sa wakas." Parang nakahinga ng maluwag si Crisanto ng makita niyang dumilat si Janette. Pinunasan niya ng pinunasan ito ng bimpo na binasa niya ng malamig na tubig. At halos isang oras niya na din pala itong ginagawa simula kanina.
"A-Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya aa mahinang beses, para pa akong napaos. Nakahiga na ako sa kama at iba na din ang paligid ko. Wala na yata kami doon sa pahingahan na pinag-dalhan niya sa akin kanina.
"Ako ang dapat magtanong niyan, but you're okay already? I heard you moaning earlier, akala ko nananaginip ka lang pero no'ng susubukan ko sanang gisingin ka ay hindi ka naman dumidilat at ng hinawakan ko na ang noo mo ay ang init-init mo." Kuwento ni Crisanto na nakaupo pa din sa upuan na nasa gilid ng kama. Hindi din niya alam kung bakit ba niya dinala-dala ito dito sa mismong bahay niya. Samantalang napaka-sagrado ng lugar na 'to dahil nga dito sila tumira ng namatay niyang asawa.
"S-Sorry, p-pasensiya na sa abala." Sabi ko sa kanya, para kasing umiikot ang paningin ko at nahihilo ako. But I still know that he's the one who helped me earlier. 'Yong lalaking ayaw magpakilala!
Tumango-tango si Crisanto, at least nagka-malay na ito at saka aware naman sa nangyayari dito. "Sige, dito ka na lang muna, sa labas lang ako." Sabi niya, gusto niya munang manigarilyo dahil kanina pa nga niya ito binabantayan at pinupunas-punasan. Hindi na din kasi siya makakatulog nito dahil anong oras na din. Kaya maghihintay na lang din siya na mag-umaga. Ang ulan naman ay wala pa din tigil hanggang ngayon. Hihinto sandali tapos bubuhos na naman siya at ito nga ang paulit-ulit na nangyayari simula pa kanina.
"S-Sandali, dito ka muna." Nahihilo kong sabi sa kanya sabay hawak sa braso niya. Grabe, ang laki ng braso niya at para talagang batak na batak sa trabaho dahil ramdam ko ang ugat doon. Pinilit ko din makaupo kahit nahihilo pa din ako.
Napakunot noo naman si Crisanto habang nakatingin lang kay Janette. She's not really okay but she really sat down. "Magpahinga ka lang, maaga pa din naman kaya dito ka muna." Sabi pa niya dito, mag-aalas singko pa lang din kasi ng umaga ngayon.
"Thank you, gusto ko lang magpasalamat ng maayos." Sabi ko sabay hila sa kanya.
'Yon naman ang hindi inaasahan ni Crisanto lalo pa at nakatayo nga siya sa harapan nito at ng hilahin niya ito ay natumba sila sa kama. Buti na lang naitukod niya ang kamay niya sa gilid nito kung hindi ay siguradong ang lahat ng bigat niya ay mapupunta dito. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ako hinila?" Galit ang boses na sabi niya, tatayo na nga din sana siya pero hinawakan lang siya nito ulit.
"Hindi ko din alam, ang init ng pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya. "Sandali nga, ano ba kasing pangalan mo?" Tanong ko sa kanya, parang nagdadalawa ang tingin ko sa kanya kaya pumikit-pikit pa talaga ako.
"Tinulungan na kita at pinatuloy dito sa bahay ko kaya bakit kailangan mo pang malaman ang pangalan ko?" Tanong ni Crisanto, hindi niya talaga sinabi ang pangalan niya dahil sigurado naman kasi siya na aalis na din ito ngayong umaga kapag umayos na ang panahon at naayos na din ang kotse nito. Isa pa hindi kasi siya interesado na makipagkilala sa kung sino.
"'Yon na nga, hindi ko alam kung bakit ba ayaw mong sabihin ang pangalan mo. Hindi ka naman siguro masamang tao o isang kriminal." Sabi ko pa, kahit nahihilo ay kita ko ang maliit niyang bigote. Hinawakan ko tuloy ang baba niya para sana mahawakan 'yong mga 'yon. Pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
Enough, magpahinga ka na." Matigas na sabi ni Crisanto, baka kasi nagha-haluccinate ito kaya nagkaka-ganito.
"No, dito ka lang muna." Sabi ko at hinila ko ulit siya pero this time ay nagdikit naman ang mga labi naming dalawa.
Complete on Patreon and vip group! Want to read this stories? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz