CHAPTER 01
"A world is full of guys, be a man.."
The Philippines is not traditionally known for wine production, but there are wineries and vineyards, especially in certain emerging regions. One such place is the Palacios winery in Zambales, which is currently managed by Crisanto. This winery does more than just produce various types of wine; it also features a tasting room where visitors can sample the wines. There are times when tourists, often from abroad, come to tour the winery, making the tasting room essential for them to choose their preferred wines. Additionally, Crisanto's vineyard is a notable example of the growing wine industry in the Philippines, contributing significantly to wine production in the country and other Southeast Asian nations. He is committed to maintaining the quality of their wine production, as he is now in the third generation of his family in this business.
"T-Talaga bang papapasukin mo ako dito sa bahay mo? Hindi ka man lang ba natatakot na baka may gawin akong masama?" Tanong ko sa lalaking tumulong sa akin, nasiraan ako ng sasakyan pauwi sana sa San Marcelino. Ewan ko din ba kasi sa akin kung bakit ako sumuong sa malakas na ulan, at hindi na lang ipinagpa-bukas ang pag-uwi ko eh. Tuloy nasiraan ako ng sasakyan sa gitna ng kalsada, pasalamat na lang din talaga ako at may nag-magandang loob sa akin na tumulong.
"This is not my house, pahingahan ko lang 'to." Crisanto replied seriously, explaining that he doesn't really consider it a house; he refers to it as a resting place or an office. His actual house is located at the end of his winery, and that has been their home for a long time. However, he spends most of his time in what he calls his resting area, which is situated just in front of his winery. "Beside, ikaw ang nag-pumilit humingi ng tulong kanina, kaya na sa 'yo na lang kung may balak kang masama." Sabi niya pa sa babae, napa-iling pa nga siya dahil sa tanong nito. Katamtaman lang ang laki ng katawan nito tapos sa tantsa niya pa ay mga 5'3 lang ang height nito. Kaya sa tingin niya ay may gawin man itong hindi maganda habang kasama siya ay kayang-kaya niya ito labanan.
Napa-labi ako, ang sungit naman ng lalaking 'to. But he was right, I was the one who asked helped from him, siya lang kasi ang dumaan na sasakyan kanina at talagang lamig na lamig na din ako kasi nabasa nga ako ng ulan. Tiningnan ko kasi kung ano ang sira no'ng sasakyan ko kanina, as if na marunong akong mag-mekaniko kaya 'yon, nabasa ako. "Dito ka ba nagta-trabaho? O ikaw ang may-ari nito?" Tanong ko ng sundan ko siya dito sa may mini kitchen, parang bahay naman kasi ang pinuntahan namin kaya akala ko ay dito siya nakatira. Saka 4x4 din ang sasakyan niya kaya medyo pricey din 'yon kahit papaano. Pero kanina habang papasok kami dito ay nakita ko na may naka-paskil doon sa dinaanan namin na isa pala itong winery. Kaya siguro may iba't-ibang wine din ang nandito nakalagay sa isang cabinet.
Kinuha ni Crisanto ang tasa na nilagyan niya ng mainit na tubig at saka nilagyan 'yon ng kape. He don't use creamer when he drink his coffee that's why this is the only thing he can offer to her. Para man lang mainitan ang sikmura nito dahil kita niya naman na nilalamig ito kanina pa. "Drink this, para mainitan ka man lang." Sabi niya sabay urong ng tasa sa gawi nito.
"S-Salamat.." Sabi ko habang yakap-yakap ang sarili ko. "Pero sandali, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Janette." Pagpapakilala ko sa kanya, nakalimutan ko na kasing magpakilala sa kanya kanina.
Tiningnan lang ni Crisanto ang kamay na inilahad ng nagpakilala na si Janette sa kanya bago siya tumalikod. Hindi niya naman ito tutulungan kanina kung hindi ito humarang sa daan, ayaw niya naman siyempre makasagasa kaya hinintuan niya ito.
"Ang sungit naman, wala kang sinasagot sa mga tanong ko." Sabi ko matapos makahigop ng kape, medyo mapait siya kahit nakita ko naman kanina na nilagyan niya ito ng kaunting asukal.
Crisanto just shook his head and went into a room. Meanwhile, Janette continued to sip the coffee that was given to her. The rain was still pouring heavily, and the sound of the drops hitting the roof was very noticeable. She felt lucky to have found someone to help her earlier; otherwise, she would probably have to spend the night in her car.
Pagbalik ni Crisanto sa kusina ay inabot niya sa babae ang isang tuwalya na kulay puti at saka t-shirt niya. She's soaking wet, basa ang damit nito at kung hindi ito magpapalit ay siguradong magkakasakit ito.
"Nandoon ang cr kapag magpapalit ka, puwede ka din maligo muna doon." Turo ni Crisanto sa pinaka-dulo na bahagi ng pahingahan niya. He will spend his night here, dito na lang siya matutulog kaysa umuwi pa sa bahay niya na ilang minuto lang naman ang layo kapag nakasakay sa sasakyan.
"Salamat, tawagin mo na lang akong Janette ha." Sabi ko at ipinatong muna sa ibabaw ng lamesa ang binigay niya. Hindi naman pala siya gano'n kasama dahil pinahiram niya pa ako ng masusuot ko. Pero may pagka-arogante pa din ang dating niya.
"May kilala akong mekaniko na puwedeng mag-ayos ng sasakyan mo bukas. Pero kung hindi mababago ang panahon at tuloy-tuloy pa din ang ulan hanggang bukas ay baka hindi maayos ang sasakyan mo." Ani Crisanto.
Tumango-tango ako, 'yan pa ang isa kong iniisip. Sakto lang din kasi ang pera ko ngayon, tapos parang wala namang atm machine dito kaya paano ako magbabayad ng gagawa ng sasakyan bukas kung sakali? Pero bukas ko na lang din iisipin ang tungkol do'n. "Hmmnn.. puwede bang magsalita? May sasabihin sana ako." Sabi ko sa kanya,
"About what?" Nakakunot noong tanong ni Crisanto.
"May pagkain ka ba diyan? Kanina pa kasi ako nagugutom sa totoo lang." Sabi ko na kinapalan na lang din ang mukha na sabihin 'yon sa kanya.
This story is now on going and pay to read on Patreon and vip group. Only 2 chapters will be posted here in wattpad. Dm me on my fb page if you want to join!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz