Chapter 8
Chapter 8
"HE'S YOUR SON."
"Ano ka ba?! Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tumaas ang boses ko.
Nagkibit siya ng balikat saka kinuha ang bimpo na may yelo. Siya na ang nagdampi-dampi non sa kanyang ilong.
"W-Wolf..." Nagbutil-butil ang pawis ko sa noo at pakiramdam ko'y bumilis nang dobleang tibok ng puso ko. "M-minsan lang tinatawag akong 'mommy' ng batang 'yon. Sabik kasi siya sa... ina. Namatay ang mommy namin ni Aki, baby pa halos siya."
Tumango-tango si Wolf.
Matagal na namayani ang katahimikan bago niya muling binasag iyon. "So have you made up your mind?"
Umangat ang mukha ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Napalunok ako. "W-Wolf, kasi..."
Nginitian niya ako na sanhi para lumubo ang puso ko. "You are worth the wait, Ingrid."
HAPON kinabukasan ng lumabas ako. Bibili ako ng sahog sa lulutuin kong ulam para mamayang gabi. Gusto ko namang lutuan ng masarap si Aki dahil pasado siya this grading period. Kaunti lang ang line 7 niya. At wala ring kaklase o teacher na nagreklamo tungkol sa kanya. Para sa akin ay achievement iyon.
"May bago na palang grocery store dito," puna ko.
Madalas kasi ay sa Waltermart ako nago-grocery ng pangmatagalan kaya hindi ko napansin na may bago palang mini grocery dito sa lugar namin—itong Mighty Mart.
Habang namimili ay naririnig ko ang chismisan ng mga kasabay kong customers. Sa mga Laredo pala ang Mighty Mart. Iyong mag-asawang ex-OFW na may isang anak na lalaki. Kilala ang Laredo dito sa Palmera dahil marami silang paupahan dito.
Palabas na ako ng grocery store ng may humabol sa akin. "Miss! Miss!"
Isang matangkad at nakangiting lalaki ang nalingunan ko. "Ako ba?" turo ko sa sarili ko.
Tumingin sa paligid ang lalaki, pati ang mga mata nito'y nakangiti. Mukhang masayahin. "May iba pa ba? Naiwan mo 'tong payong mo."
Saka ko lang nakita na bitbit niya ang payong ko. Kinuha ko iyon saka ako nagpasalamat sa kanya.
"Abraham nga pala!" inabot niya ang isang palad niya sa akin.
"Abraham?"
"Abraham Laredo, hindi mo naitatanong, ako ang pinaka-guwapo rito sa Palmera."
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Charot lang." Napakamot siya sa batok ng hindi ko tanggapin ang pakikipag-kamay niya. "Ano na lang pangalan mo, Miss?"
Pinagmasdan ko si Abraham. Hindi naman siya mukhang masama, mahangin lang talaga. Pero mas nake-kengkoyan ako sa kanya kesa nayayabangan.
"Ingrid." Nginitian ko siya. "Ingrid Uytengsu."
"Yown!" nang tumawa siya ay lalo siyang gumuwapo. May K nga magyabang. Sa huli ay nakipag-kamay na ako sa kanya. Gentleman naman siya at agad na binitawan ang palad ko.
"Sige, aalis na ako." Tinalikuran ko na siya.
"Bye, Ingrid! Cute mo!" Pahabol niya.
Natatawa na lang ako.
Patawid na ako ng kalsada ng mapansin kong may sumusunod sa aking sasakyan.
Nang sipatin ko iyon ay natiyak kong mamalin ang kotse. Bihira ang ganito na pakalat-kalat sa daan kaya alam ko na agad kung sino ang nagma-may ari non kahit pa ngayon ko lang iyon nakita.
Nang bumaba ang salamin sa gilid ng kulay puting Lamborghini ay lalong kumabog ang dibdib ko.
Hindi ko makita ang driver kasi nasa loob iyon, nasa gawi ng driver's seat.
Humakbang ako papalapit at ang una kong nakita ay ang braso na may tattoo. Ang malaking kamay at mahahabang daliri na nasa manibela.
"I'll drive you, Ingrid." Buo, malamig at malalim ang boses na gumising sa diwa ko.
"W-Wolf..."
Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat na nakatapat sa kinatatayuan ko. Ipinilig ko ang ulo ako at hindi nag-iisip na basta sumakay. Nasa loob na ako ng ma-realize. Agad akong napalingon sa kanya. Kampante siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Kung umasta siya ay parang wala siyang kasama sa loob ng sasakyan.
"W-Wolf, sana hindi na lang ako sumabay, diyan lang naman iyong—"
"Who's that guy?"
Si Abraham? Nakita niya?
"Do you like him?"
Nagpapanic na umiling ako. "Hindi ko iyon kilala! Ngayon ko lang nakita iyon. Alam ko lang na anak siya ng may ari ng Mighty Mart na grocery diyan! Naiwan ko lang kasi iyong payong ko kaya hinabol niya ako. Hindi ko talaga siya kilala."
Kusa akong natigil ng mapansin kong bahagyang nangingiti ang mga labi ni Wolf. Gosh! Masyado akong defensive!
"Ahmn, basta 'di ko siya kilala." Nahihiyang napayuko ako. Kahit hindi siya tumitingin sa akin ay daig ko pa ang natutunaw.
Nagulat ako nang lumapat sa ibabaw ng kamay ko ang mainit niyang palad. "Wolf?"
Hindi siya nagsalita. Nasa daan pa rin ang paningin niya pero ang isang kamay niya ay naka-holding hands na sa isang kamay ko!
Dapat iiwas ko ang kamay ko sa kanya, pero hindi ko kaya. Hindi kaya ng puso ko.
"Ingrid."
"B-bakit?" Magkasalikop na ang mga palad namin, at parang bibigay na ang dibdib ko sa tindi ng kaba.
"I saw you smiling at him." Bagamat mababa ang tono ay kababakasan iyon ng lamig.
"Di ba nga inihabol niya lang iyong payong ko sa akin at—" Hindi kaya nakita ni Wolf na nag-shake hands kami ni Abraham?
"I know you're just being friendly." Aniya. "But I don't trust his guts..."
Mukha namang mabait si Abraham, gusto kong sabihin kay Wolf 'kaso parang hindi magandang sabihin ko iyon sa kanya.
"And..." habol niya.
"And?"
"I don't want other guys touching you." Sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.
Hanggang makarating sa apartment ay wala na kaming kibuang dalawa. Ang sandaling biyahe ay tila inabot ng kaytagal dahil sa tensiyon na ramdam na ramdam ko sa loob ng sasakyan ni Wolf. Bago bumaba ay hinawakan niya ulit ang kamay ko para hilahin ako at bulungan.
"I'm a very jealous man. I hope you understand."
NAKATAYO SI WOLF SA HARAPAN KO.
At hindi pa rin ako makapaniwala na parang may namamagitan na sa aming dalawa.
Hello?! Hinayaan ko lang naman siyang i-holding hands ako sa loob ng Lamborghini niya!
Nakapamulsa siya sa suot na jeans habang nakikinig sa sinasabi ni Ate Helen. Naririto sila sa apartment ko dahil ayaw pang umuwi ni Totoy na engrossed na engrossed sa pagbubuo ng lego kasama si Aki.
Maraming dalang prutas si Wolf na dinala rin ni Ate Helen dito. Nag-uusap silang magpinsan habang ipinagbabalat at pinaghihiwa niya ng mansanas sina Totoy at Aki.
Wala akong pakilam sa paligid dahil nakabuhos ang atensyon ko kay Wolf. Posible bang araw-araw na lalong gumuwapo ang isang lalaki?
Hindi siya ngumingiti kahit nagpapatawa si Ate Helen. Para siyang bato na nakikinig lang pero napakaamo ng kanyang mukha.
Tulala ako kay Wolf ng bigla na lang may humarang sa view— si Aki!
Nakangising kinawayan ako ng paslit. "Timpla mo kong milk, dali!"
Bigla na lang kumanta si Ate Helen habang nagbabalat ng mansanas. "Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-tingin sa akin, 'di maintindihan. Ang ibig bang sabihin, kung mayrong pag-ibig ay ipagtapat mo na sa akin. Agad namang kitang sasagutin..."
Nang tumingin sa akin si Wolf ay agad ang pamumula ng pisngi ko.
"Kuya, crush ka ni Ate."
Gulat na napatingin ako kay Wolf—ay kanina pa nga pala ako nakatingin sa kanya.
Ang lakas ng tawa ni Aki. "Crush mo si Kuya Wolf! Kanina ka pa nakatingin sa kanya! Tingin na nanghuhubo ng brief!"
Nanlaki ang mga mata ko sa bata. "Hoy, saan mo natutunan 'yon, ha!"
"Kay Ate Meryl!" bungisngis ni Aki. "Kasi ganun daw niya tingnan crush niya e!"
"Hay, lintek na batang 'yon talaga!" himutok ni Ate Helen, ibinbaba ang mansanas. Nawala na sa mood.
"Mama, apple!" sigaw ni Totoy.
Ako ang nag-abot ng dalawang slice ng mansanas kay Totoy. Pati si Aki ay sinungalngalan ko ng mansanas sa bibig. "Bukas ka na mag-gatas, nagtitipid tayo!"
"Malamang iyang si Meryl ay nakababad na naman sa cell phone!" Tumayo si Ate Helen at naghugas ng kamay sa lababo.
"Ate, chill," awat ko sa kanya. Pagdating sa dalagita niya ay laging highblood si Ate Helen.
"Imbes na pag-aaral, puro boys ang inaatupag. Hindi na naawa sa mga magulang niya na nagpapakahirap para pag-aralin siya."
"Ganoon talaga ang ibang mga kabataan ngayon. Saka, sa salita lang naman iyong kay Meryl, 'tingin ko naman ay takot din iyong gumawa ng kapusukan."
"Sus! Hay naku, ewan ko! Sana lang talaga!" Tiningnan ni Ate Helen si Totoy. "Bunsoy, uwi na tayo. Gabi na, matulog na at may pasok pa bukas."
Kakamot-kamot ng ulo si Totoy na tumayo. "Ba-bye, Aki!"
"Bab—b—ye, T—otoy!" sagot ni Aki na puno ng slice ng mansanas ang bibig.
"Wolf, ikaw?" baling ni Ate Helen sa pinsan.
"Sa Makati ako uuwi." Tipid na sagot ni Wolf.
"Ganun ba? E sayang iyong kama, closet, personal ref at aircon mo sa kuwarto, hindi mo naman nagagamit."
"It's all right. Those are yours now, Helen."
Namilog ang mga mata ng babae. "Naku, ang mamahal ng mga gamit mo ron, nakakahiya namang ankinin ko na lang basta."
"Those are yours now. As a sign of my gratitude." Tinapik ni Wolf sa balikat si Ate Helen.
"Naku, ano bang gratitude. Wala lang naman iyon, ikaw naman."
"I don't forget favors given to me."
Tumango si Ate Helen na nakangiti at nagpaalam na kasama si Totoy. Si Aki naman ay pumasok ng mag-isa sa kuwarto para matulog. Hindi na umungot pa na itimpla ko siya ng gatas. Pagod din kasi ang bata sa paglalaro maghapon.
Nang maiwan kami ni Wolf sa sala ay naupo siya sa sofa na parang wala pang balak umalis.
"Ah, hindi ka ba gagabihin pauwi?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong maisip na itanong dahil naiilang ako na dalawa na lang kaming natira rito sa sala.
"Gabi na, bakit pa ako gagabihin?" tila naaaliw na tiningnan niya ako.
"I mean, umagahin pala." Sa pagkailang ko ay hindi ako makapag-desisyon kung mauupo ba ako sa upuan o hindi.
Parehong malapit ang mga upuan sa sofa na kinauupuan ni Wolf. At mas lalong hindi ako pwede sa sofa dahil nandoon siya.
Napakamot ako sa sentido. "Wolf, ano kasi..."
Pinagpag niya ang tabi niya na parang sinasabing tabihan ko siya sa sofa.
Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya sa akin. "You don't have to trust me."
"Ha?"
"Nothing." Nakangiti pa rin siya na ipinagtataka ko.
Marahan akong lumapit at ng abot niya na ako ay si Wolf na mismo ang humawak sa kamay ko para paupuin ako sa tabi niya.
"I know what's stopping you, Ingrid."
"Ha? Anong—"
"You're just not ready for what you feel about me."
He rested his head on my shoulder. Kusang nanigas ang katawan ko lalo ng hawakan niya ang isang kamay ko.
"W-Wolf..." May init na lumukob sa dibdib ko at gumanti ako ng hawak sa kamay niya.
Umungol siya at hinila ako. "'Wag kang lumayo."
Nang tingalain ko siya ay bumaba ang mga labi niya papunta sa mga labi ko.
Napapikit ako at hinayaan siyang halikan ako. Para akong tinatangay ng mga labi niya papunta sa ibang lugar. Umiinit ang pakiramdam ko lalo ng maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko.
"W-Wolf..." sambit ko ng bahagya akong makawala sa kanya. Ang mga mata ko ay parang nangangarap na nakatitig sa kanya. Gulong-gulo ang sistema ko, pero meron akong isang sigurado: Ayoko siyang mawala...
Hinila niya ulit ako and this time ay mas nakakabaliw ang halik na ipinagkaloob ni Wolf sa akin.
Hindi ako marunong humalik pero mabilis ko iyong natutunan dahil magaling ang nagtuturo sa akin. Nang maghiwalay kami ay pareho naming habol ang aming paghinga.
"Admit it. You're crazy about me." Anas niya sa tapat ng labi ko.
Naluluha akong tumango. Bakit pa ba ako magde-deny?
Muli niya akong hinalikan. Hindi na lang halik ngayon dahil pati ang mga kamay niya ay gumagalaw na rin. Hinahaplos niya ang bewang ko, paakyat sa likuran ko.
Dapat matakot ako at pigilan ko siya sa ginagawa niya. Kaya lang ayokong tumigil si Wolf. I wanted this, too.
Inaasahan ko na ang kapupuntahan ng kapusukang ito, at handa na ako. I love him. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero mahal ko si Wolf. Kahit kaunti pa lang ang alam ko tungkol sa kanya.
Bumaba ang mga labi niya sa leeg ko pero kusa ring tumigil.
Bakit? Litong-lito ako. Nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon, bakit siya huminto?
"It's getting really late." Tumayo siya at namulsa.
Namumula ang pisngi ko. Nahihiya ako sa kanya kaya tumayo na rin ako.
"Lock your door, Ingrid. Uuwi na ako."
Nang nasa pinto na kami ay hindi na ako nakatiis na tanungin siya kahit pa hiyang-hiya ako. "B-bakit ka tumigil, Wolf?"
Namumungay ang mga mata niya ng lingunin niya ako. "Because..."
"Because what, Wolf?"
"You're a queen and you deserve respect."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz