ZingTruyen.Xyz

He Doesn't Share

Chapter 7

JFstories

Chapter 7

"NILILIGAWAN KA NA?!"

Tumango ako sabay hawi ng buhok ko papunta sa kaliwang parte ng leeg ko. Manerism ko na iyon.

"Ang bilis naman!" Namimilog ang mga mata ni Ate Helen. Parang bigla siyang namroblema at napaisip.

"Kahit nga ako e nabibilisan," nakangusong sagot ko. Pati nga pala sa damdamin ko, nabilisan din ako. Hindi naman kasi ako ganito sa ibang lalaki, pero kay Wolf, ewan ko ba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit kakikilala ko pa lang sa kanya, palagay na ako na kasama siya. Para bang matagal ko na siyang kilala.

Tumabingi ang mga labi niya. "E anong plano mo? Sasagutin mo?"

"H-hindi ko alam, 'Te. Kakaumpisa pa lang niya e..."

"Aba't pinayagan mong manligaw?"

"Parang hindi naman nagpaalam. Basta na lang, e..."

Nanahimik si Ate Helen, tila may malalim na iniisip.

"Ganon ba talaga siya, 'Te? Masyadong tahimik?"

Matagal siya bago nakasagot. "Ganon naman ang mga boys, di ba? Tahimik. Hindi palasalita. Kaya nga mas marami ang mga bilang ng mga lalaking inaatake sa puso. Di tulad nating mga babae, madadaldal. Lahat ng problema natin, ivino-voice out natin agad, kaya kahit paano, nakakaluwag tayo. Hindi lahat nakikimkim."

"Ganun..."

"Ang mga lalaki, seven thousand words in a day lang. Ang mga babae, twenty thousand words. Minsan, sobra pa. Ang layo ng pagkakaiba."

"Pero iba si Wolf. Parang one-hundred a day lang yata ang words niya."

"E, ganun talaga iyon. Mahal ang per word non." Umismid siya.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya."

"Ha? Kwento?"

"Oo, 'Te." Hinawakan ko pa ang mga kamay niya. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit bigla-bigla na lang akong naging interesado.

"Ahm, ano. Hindi naman kasi kami ganun ka-close. Kumbaga, ano. Ano ba?" nag-isip siya. "Mabait siya. Guwapo siya."

"Ate, hindi ko siya makikilala sa ganyan."

"Aba e ikaw na ang kumilala!"

Lumabi ako. "Paano ko kikilalanin e wala namang ibang ginawa iyon kundi titigan ako."

"Baka kasi nahihiya. Ikaw na ang gumawa ng topic tutal halata namang interesado ka rin."

Nag-init ang pisngi ko. Ganon ba ako kahalata?

Nakakainis ang lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa impact niya sa akin.

Mayamaya ay sumeryoso si Ate Helen at mahinang nagsalita. "Ingrid, mabait naman ang pinsan ko, di ba? Sa tingin mo, mabuti naman siyang tao, di ba?"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit sa akin nagtatanong nang ganito si Ate Helen tungkol sa pinsan niya.

"Magaan ang loob ko sa kanya kahit noong una ko pa lang siyang nakita. Hindi ako eksperto sa pagkilatis ng tao pero ramdam ko naman na seryoso siya. Ramdam ko rin na wala naman siyang hangad na masama... Na may dahilan siya kaya niya ito ginagawa." Bumuntonghininga siya. "Ingrid, hindi ko naman siya ipapakilala sa 'yo kung pakiramdam ko ay hindi siya mabait na tao..."

"Ate?"

Napasabunot siya sa buhok niya at saka umiwas ng tanong. "Ah, ano ba itong sinasabi ko..." Nagpilit siyang tumawa. "Basta Ingrid, sabihin mo lang sa akin kung ano nang ganap sa inyo, ha? Ano, basta, wag kang maglilihim..." Nag-iwas na siya ng paningin at tumayo na. Nagmamadali na siyang umalis.

Bago mag-alas-sinco ay malinis na ang bahay. Nakapag-ayos na rin ako ng sarili. Bigla-bigla ay nagkaroon ng saysay ang pagligo, pagli-lipgloss at paglalagay ko ng concealer sa leeg ko.

Alas-sais ng huminto ang kulay puting porsche sa tapat ng gate. Hindi pa bumababa ang nasa driver's seat ay alam ko na kung sino siya.

Sino pa ba ang may ganito kamahal na sasakyan? Hindi lang Jaguar ang dinala rito ni Wolf, nong nakaraan ay iba rin ang dala niyang sasakyan.

Bumaba siya mula sa driver's seat at naglakad papasok sa gate ng apartment ko. Ultimo paglalakad niya ay very intimidating kahit simple lang naman ang bawat niyang hakbang. Masyado kasing commanding ang presence niya.

Malayo pa lang ay nakatingin na siya sa akin. Nakasuot siya ng black polo na nakatupi hanggang sa siko sanhi para makita ko ang tattoo niya sa magkabila niyang braso. Fitted denim ang pants niya. Vintage Rolex ang nasa kaliwa niyang pulso.

"Good evening, Ingrid." Wala siyang kangiti-ngiti at ang kulay abo niyang mga mata ay bahagyang malamlam dahil sa mahahaba at malalantik niyang eyelashes.

Binuksan ko ang pinto para sa kanya. Wala siyang bitbit na kahit ano ngayon. Kahapon kasi ay may bitbit siyang roses ang kaso ay wala na akong vase na mapaglagyan non at mukhang napansin niya iyon. Hindi pa kasi lanta iyong last na ibinigay niya.

"Good evening, Wolf." Inanyayahan ko siyang pumasok sa sala.

Ngayong nanliligaw na siya sa akin ay gabi-gabi na siyang pumupunta rito pero hindi na nag-i-stay sa pinsan niya. Ni hindi na nga yata siya sumisilip man lang kina Ate Helen. Dito na agad ang diretso niya.

"Mag-juice ka muna." Alam ko na dadating siya kaya naghahanda na agad ako ng snacks. Inilapag ko ang tray na may lamang isang basong apple juice at egg pie sa mesita.

Sa tapat ako umupo.

Naupo siya sa gitna ng sofa. Swabe niyang ipinatong ang isa niyang braso sa hawakan non, at sa isang iglap ay nagmukha na namang basurahan ang ang sofa ko dahil inilampaso niya ito.

Hindi talaga siya bagay na umupo lang sa simpleng upuan. Para kasi siyang hari kahit pa simple lang din naman ang suot niya. Nakaka-confused pa rin kung ano ang nagustuhan niya sa akin.

"Juice, Wolf." Kulang na lang ay ipagduldulan ko sa kanya ang baso ng juice.

Tiningnan niya lang ang mga inihanda ko, pagkatapos ay ibinalik niya muli ang paningin sa mukha ko.

Mabuti ay nakapag-isip na ako ng topic dahil ayaw kong matulad kami sa nakaraang gabi. Ayaw kong lumipas na naman ang isang oras na nakatingin lang siya sa mukha ko.

"Ahm, so 'musta?"

"'Good." Tipid niyang sagot.

"Anong ginawa mo ngayong maghapon? Di ka na nadadalaw sa pinsan mo, ah." Nakangiti ako para ma-enganyo siyang magkuwento.

"'Been busy with my business."

"Ah, ganon ba? So 'musta ang business?" ngiting-ngiti pa rin ako.

"'Doing good."

"About what nga ang business na inaasikaso mo now?"

"Food manufacturing and casino."

Medyo nalula ako. "Wow."

Dead air.

Tumikhim ako. "So... kwento ka. Anong nangyari ngayon?"

"Nothing special."

Lihim akong na napasimangot. Ganito ba ang nanliligaw? Ganito ba talaga siya manligaw?

Nanliligaw ba talaga siya o nang-aasar?

"Ako hindi mo ba tatanungin?" hindi ko na napigilan ang inis ko. Kahit may mga handa akong topic ay naubusan ako bigla dahil bato ang kaharap ko. "Okay lang naman ako."

"Good to hear that."

"Dito lang ako sa apartment. Bale dito lang kasi ang work ko, encoder ako. Sa PC lang ako maghapon nakaharap."

Tumango-tango siya.

"Syempre nakatitig lang ako sa PC. Ganon lang. Napapanis laway ko maghapon, syempre hindi nagsasalita iyong PC, alangan namang kausapin ako non, di ba? Kaya ayun, ang boring." May diin sa huling salita ko.

Makaramdam ka naman!

Bato talaga yata si Wolf dahil wala siyang reaction. Manhid o walang pake, alin man sa dalawa.

Um-acting ako na paghihikab at pag-i-stretch matapos ang ilang minuto na hinayaan ko siyang pakatitigan ako.

"Kaantok." Mahinang sabi ko pero I made sure na narinig niya. Nagkusot pa ako ng mata.

"Do you wanna sleep now?"

"Ahmn, kararating mo lang. Nakakahiya naman kung papaalisin na kita." Kahit nakakainis ka.

"It's okay."

Lalo tuloy akong naasar. Bumyahe siya from Makati papunta rito, sa kabila ng traffic, para lang sa kalahating oras ng pakikipagpanisan ng laway sa akin?

Pumayag akong magpaligaw. Pumayag na ako. Ang inaasahan ko ay hindi ganito. First time kong magpaligaw pero mato-trauma yata ako sa kanya.

"I'm sorry."

Lumipad ang paningin ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin pero may iba na sa mga mata niya. May emosyon na. Kanina kasi wala.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"I am boring."

Napanganga ako. "Huy, 'di ah!"

"I have something for you."

"Ano?" May dala ba siya na bulaklak o kung ano man na pasalubong na iniwan niya lang sa sasakyan?

Pero hindi siya lumabas. May kinuha lang siya sa back pocket niya, wallet. And from there ay may inilabas siyang rectugular na papel at inabot sa akin.

"Ano ito?" Napatitig ako sa inabot niya. "Anong gagawin ko rito sa tseke?!"

Blank check iyon na nakapangalan sa Voire Casino. Sa pagkakaalam ko ay bagong casino iyon na itinayo sa Makati pero may branch sa Cebu. Siya ba ang may ari non?

"That's for you."

"Hindi ko maintindihan, Wolf. Bakit mo ako binibigyan ng blank check?"

"I don't know what to give you, Ingrid. I don't know what you like or what you need, so I decided to give you a blank check. Ikaw na ang bahala sa kung ano ang gusto mong pagamitan niyan." Kaswal na sagot niya.

Muli akong napatitig sa blank check.

"You can buy anything you like. Roses, chocolates, toys. You can even buy a car if you like. It's a blank check, anyway. You can put any amount on it."

Bagsak ang panga ko. Seriously? Alien ba siya?

This is already too much. Nililigawan niya ako pero hindi niya ako kinakausap. Ni hindi nga dumidiga. 'Tapos ganto, bibigyan ako ng blank check para ako na ang bibili ng gusto ko?

Mas muunawaan ko siguro kung sasabihin niyang alien siya.

Tumayo na ako. "Kunin mo."

Inabot niya ang tseke.

"Itago mo iyan. 'Wag mo na ulit akong bibigyan niyan. Naiintindihan mo?"

"Okay." Ang daling kausap.

Nakaupo sa sofa si Wolf ng lapitan siya ni Aki.

"Nililigawan mo ang ate ko?"

"Yes."

Nagulat ako ng bigla niyang suntukin sa ilong si Wolf. Kahit si Wolf ay nabigla.

"Aki!" tili ko. Agad ko silang nilapitan.

Sapu-sapo ni Wolf ang ilong niya. Nasaktan.

Pinalo ko agad sa puwit si Aki. "Salbahe ka! Bat mo siya sinuntok?!"

Humikbi si Aki, sa huli ay umatungal siya ng iyak at nanakbo papunta sa kuwarto.

"Aki!" Binalibagan niya kami ng pinto.

"Let him be."

Nang balikan ko si Wolf ay nakangiwi siya. Hawak niya pa rin ang ilong niya.

Hindi tumabingi ang ilong niya pero namumula iyon. Kahit maliit pa ang kamao ni Aki ay masakit manuntok ang bubwit na iyon. Napatunayan ko iyon dahil madalas ako nong suntukin sa hita kapag hinaharot niya ako, harot lang iyon, mahina lang na suntok pero nagkakapasa na ako. What more itong bumuwelo pa siya sa pagsuntok kay Wolf?

Guwapo pa rin si Wolf kahit namumula ang nose bridge. In tact pa rin ang matangos niyang ilong. Real na real. Wala namang masama sa pagpapa-enhance, pero namangha lang ako sa nalaman ko.

"Hindi ka retokado." Ewan ko bat nasabi ko iyon.

"What?" 'takang tanong niya.

Napangisi ako. "Wala."

"'You think retokado ako?" Manghang sabi niya.

"Narinig mo naman pala. Akala ko nagpa-enhance ka, sorry. Pero kung totoo naman, wala namang problema." Wala naman talagang mali kahit totoo mang retokado siya. Nakaka-amaze lang dahil look natural ang outcome sa kanya.

"What made you think that?" kunot ang noo niya habang hinihimas ang ilong.

"Wala lang. 'Wag ka sanang ma-offend." Kinuha ko ang kamay niya para tingnan ang ilong niya. "Masyado kasing matangos. Para kang foreigner. Masyado ka ring makinis."

"I'm okay," sabi niya nang sipatin ko siya nang mabuti.

"Hindi. Lagyan natin ng ice iyan." Tumayo ako at pagbalik ko ay may dala na akong yelo na ibinalot ko sa panyo.

"Thanks." Tinanggap niya iyon at inilagay sa sinuntok ni Aki.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko."

"I like him."

"Si Aki?" Nasuntok siya pero gusto niya pa rin ang bata?

"He's tough."

"Kulang siya sa disiplina," amin ko. "Ewan ko ba. Ako yata ang nagkulang kaya siya nagkakaganoon. Hindi ko siya masuweto nang maayos e. Masyado kasi akong malambot sa kanya." Totoo naman kasi na nai-spoiled ko si Aki. Dalawa na lang kasi kami sa buhay kaya naman hinahayaan ko ang batang iyon sa lahat ng gusto niya. Maski ang paghihigpit niya sa akin sa mga lalaki, pinapabayaan ko siya. Hindi ko naman kasi alam na darating ang araw na ito, na may isang Wolf na gugulo sa lahat ng paniniwala ko sa mundo. Hayun, nagulat yata si Aki. Napailing na lang ako.

"He needs a father, Ingrid."

Malungkot akong tumingin sa kanya. "Namatay si daddy dahil sa isang car accident. Kasama si Mom." At isa iyon sa dahilan kaya halos ibigay ko ang buong sarili ko kay Aki, siya na lang kasi ang meron ako.

"'Sorry to hear that."

"Years na iyon." Nginitian ko siya. "Sorry ulit sa kapatid ko."

Mabuti naman at may topic na kami. Dapat pala ipapasuntok ko siya kay Aki para magkaroon kami ng pag-uusapan palagi.

"Ingrid."

"Hmn, bakit?"

Ibinaba niya ang panyo at yelo sa mesita at hinuli ang mga mata ko. "About Aki."

"Anong tungkol sa kanya?"

"He's not your brother, right?"

Natigagal ako.

"He's your son."

JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz